|
Ano ang Sinasabi ng mga Hindi Muslim hinggil kay
Husayn, ANG IKA-3 KAHALILI NG PROPETA MUHAMMAD (Sumakanila
Nawa ang Kapayapaan)
Posted: June 10,
2005
Huwag ninyong isiping patay yaong mga nasawi sa
landas ng Panginoon. Kundi, sila ay buhay, na
may sustento mula sa kanilang Panginoon
(Qur’an
3:169)
Si
Imam Husayn ay apo ng Propeta Muhammad,
sumakanila nawa ang kapayapaan, na minartir ng
masamang hukbo ng kalupitan. Ito ay isang
koleksiyon ng mga maiikling sipi hinggil sa
kanya mula sa iba’t ibang mga tanyag na hindi
Muslim mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Peter J.
Chelkowski
Propesor ng Pag-aaral ng Gitnang Silangan,
Unibersidad ng New York.
q
“Tinanggap ni Hussein at lumisan sa Mekka kasama
ang kanyang pamilya at isang pangkat ng
humigit-kumulang na pitumpong mga alagad.
Subalit sa kapatagan ng Kerbela sila ay
tinambangan ni…kalipa, Yazid. Bagaman ang
pagkatalo ay tiyak, si Hussein ay tumangging
sumumpa ng katapatan sa kanya. Habang
napapaligiran ng napakaraming hukbo ng kaaway,
si Hussein at ang kanyang pangkat ay nanatiling
walang tubig sa loob ng sampung araw sa
nagbabagang disyerto ng Kerbela. Sa wakas, si
Hussein, ang mga may sapat na gulang at ilan sa
mga lalaking bata sa kanyang pamilya at ang
kanyang mga kasamahan ay hiniwa-hiwa ng mga
palaso at espada ng hukbo ni Yazid; ang kanyang
mga kababaihan at mga naiwang kabataan ay hinuli
bilang mga bihag ni Yazid sa Damaskus. Ang
tanyag na mananalaysay na Abu Reyhan al-Biruni
ay nagsasaad, “…pagkatapos ang kanilang mga
kampamento ay sinunog at ang mga bangkay ay
niyurak ng mga paa ng kabayo; walang sinuman sa
kasaysayan ng sangkatauhan ang dumanas ng
kasingtulad na mga kalupitan.”
[Ta'ziyeh:
Ritual and Drama in Iran, New York, 1979, p.
2]
¬
¬
¬
¬
¬
Simon Ockley
(1678-1720) Propesor ng Arabe sa Unibersidad ng
Cambridge.
q
“Pagkatapos si Hosein ay sumakay sa kanyang
kabayo, at kinuha ang Koran at inilagay sa
kanyang harapan, nagtungo sa mga tao, at
inanyayahan sila sa pagsasagawa ng kanilang
tungkulin, at kanyang idinugtong: ‘O Panginoon,
Ikaw ang aking pinagkakatiwalaan sa bawat
ligalig, at ang aking pag-asa sa lahat ng mga
kagipitan!’… Pagkatapos pinaalalahanan niya sila
tungkol sa kanyang katayugan, kamaharlikaan,
kabantugan ng karapatan, at kanyang dakilang
angkan, at sinabi, ‘Ipagpalagay ninyo sa inyong
mga sarili kung taong katulad ko ay mas mabuti
kaysa sa inyo o hindi; ako ang anak ng anak na
babae ng inyong propeta, na maliban sa akin wala
nang iba sa ibabaw ng lupa. Si Ali ang aking ama;
si Jaafar at Hamza, ang pinuno ng mga martir, ay
kapwa aking mga tiyuhin; at ang apostoles ng
Panginoon, sumakanya nawa ang kapayapaan, ay
nagsabi hinggil sa akin at aking kapatid na
lalaki, na kami ang pinuno ng mga kabataan sa
paraiso. Kung kayo ay maniniwala sa akin, ang
aking sinasabi ay katotohanan, dahil taimtim
akong sumusumpa sa Panginoon na ako ay hindi
nagsinungaling magmula ng akong nagkaroon ng
pag-unawa; sapagkat ang Panginoon ay napopoot sa
kasinungalingan. Kung hindi kayo naniniwala sa
akin, magtanong sa mga kasamahan ng apostoles ng
Panginoon [dito kanyang sinabi ang kanilang mga
pangalan], at ganoon din ang kanilang sasabihin
sa inyo. Hayaan ninyo akong bumalik sa dating
katayuan.’ Sila ay nagtanong, ‘Ano ang
sumasagabal sa kanya na mapasailalim sa
pamamahala ng iba sa kanyang mga kamag-anak?’
Kanyang sinagot, ‘Ipinagbabawal ng Pangioon na
aking isuko ang aking karapatan sa napakahamak
na paraan. Ang Panginoon ang aking dulugan mula
sa bawat pinunong mapaniil na hindi naniniwala
sa Araw ng Pagtutuos’.”
[The
History of the Saracens, London, 1894, pp.
404-5]
Reynold Alleyne
Nicholson
(1868-1945) Propesor na G. Thomas Adams ng Arabe
sa Unibersidad ng Cambridge.
q
“Si
Husayn ay bumagsak, tinamaan ng palaso, at ang
kanyang mga magigiting na alagad ay hiniwa-hiwa
sa kanyang tabi hanggang sa pinakahuling tao.
Ang tradisyon ni Muhammad, na may mga madalang
kataliwasan, ay magkakaparehong salungat sa
dinastiyang Umayyad, at tumuturing kay Husayn
bilang martir at kay Yazid bilang pumatay sa
kanya.”
[A
Literary History of the Arabs, Cambridge,
1930, p. 197 ]
¬
¬
¬
¬
¬
Robert Durey Osborn
(1835-1889) Medyor ng Kawani ng Kuwerpong
Bengal.
q
“Si
Hosain ay may isang anak na nagngangalang
Abdallah, na may isang taong gulang lamang.
Sinamahan niya ang kanyang ama sa katakot-takot
na paglalakbay na ito. Nang tumimo sa kanyang
puso ang mga iyak nito, nilagay niya ang sanggol
sa kanyang mga bisig at lumuha. Sa sandaling ito,
isang palaso mula sa mga kaaway ang lumbagos sa
tainga ng bata, at ito ay pumanaw sa sinapupunan
ng kanyang ama. Inilagay ni Hosain ang munting
bangkay sa lupa. ‘Tayo ay mula sa Panginoon, at
sa Kanya rin ang ating patutunguhan!’ ang
kanyang sigaw; ‘O Panginoon, bigyan Mo ako ng
lakas nang aking matiis ang mga sakunang ito!’…
Habang namumutla dahil sa uhaw, at
malatang-malata dahil sa mga sugat, siya ay
lumaban nang may matinding kagitingan, at
nakapatay ng ilan sa kanyang mga kaaway. Sa
wakas siya ay tinamaan sa likuran; sa sandali
ring ito isang sibat ay isinaksak sa kanyang
likuran at nagpabagsak sa kanya; nang ibinalik
ng may kagagawan ng huling saksak ang kanyang
sandata, ang kawawang anak ni Ali ay
gumulong-gulong bilang isang bangkay. Ang ulo ay
pinutol mula sa katawan; ang katawan ay niyurak
ng mga paa ng kabayo ng mga nagwagi; at sa
sumunod na araw ang mga kababaihan at natirang
anak na lalake ay dinala sa Koufa. Ang mga
bangkay ni Hosain at ng kanyang mga alagad ay
iniwanang hindi nakalibing kung saan sila ay
nasawi. Sa loob ng tatlong araw nanatili silang
nakalantad sa araw at mga hamog ng gabi, mga
buwitre at pagala-galang hayop ng dumi; subalit
ang mga naninirahan sa kalapit-nayon, na natakot
na ang bangkay ng apo ng Propeta ay nakakahiyang
napapabayaan sa mga maruruming hayop ng parang,
ay humaon sa poot ni Obaidallah, at lumibing sa
bangkay ng martir at ng kanyang mga magigiting
na kaibigan.
[Islam
Under the Arabs, Delaware, 1976, pp. 126-7]
¬
¬
¬
¬
¬
G.
William Muir
(1819-1905) Pantas at estadistang taga-Eskosya.
Nanungkulan bilang Kalihim na Panlabas ng
pamahalaang India at Tenyente Gobernador ng mga
Hilagakanlurang Probinsiya.
q
“Ang
trahedya ng Karbala ay nagpasiya hindi lamang sa
tadhana ng pagkakalipa, kundi maging sa mga
kahariang Mohammedan matagal pa bago humina at
naparam ang Pagkakalipa.”
[Annals
of the Early Caliphate,
London, 1883, pp. 441-2]
¬
¬
¬
¬
¬
Edward G. Brown
Propesor na G. Thomas Adams ng Arabe at
silanganing pag-aaral sa Unibersidad ng
Cambridge.
q
“…
isang paggunita sa madugong parang ng Kerbela,
kung saan ang apo ng Apostoles ng Panginoon ay
bumagsak, matinding pinahirapan ng uhaw at
napaligiran ng mga bangkay ng kanyang kamag-anak,
ay mula noon pang sapat na makapukaw, kahit na
sa yaong mga pinakawalang-hambag at pabaya, ng
mga pinakamalalim na damdamin, pinakamatinding
galit, at ng isang pagparangal ng diwa kung saan
hapdi ng kalooban, panganib at kamatayan ay mga
abubot lamang.”
[A
Literary History of Persia, London, 1919, p.
227]
¬
¬
¬
¬
¬
Ignaz Goldziher
(1850-1921) Tanyag na oryentalistang pantas na
Unggaro.
q
“Mula
noong maiitim na araw ng Karbala, ang kasaysayan
ng pamilyang ito… ay isang magkakasunod na hanay
ng mga paghihirap at pagkakausig. Ang mga ito ay
isinasalaysay sa mga tula at prosa, sa isang
mayamang panitikan ng mga martirolohiya—isang
ikinatatangi ng mga Shi‘ah—at bumubuo ng
tema ng mga pagtitipon ng mga Shi‘ah sa
unang ikatlong bahagi ng buwan ng Muharram, na
ang ikasampung araw nito (‘ashura) ay
itinuturing na anibersaryo ng trahedya sa
Karbala. Mga tagpo ng trahedyang ito ay
itinatanghal sa araw na ito ng paggunita sa
pandulang paraan (ta'ziya). ‘Ang aming
mga araw ng pagdiriwang ay ang aming mga
pagtitipon ng pagluluksa.’ Ayon sa pagtatapos ng
isang tula ng prinsipe ng disposisyong Shi‘i
habang ginugunita ang maraming mihan ng
pamilya ng Propeta. Pananangis at pananaghoy sa
mga kalupitan at pagkakausig na sinapit ng
pamilya ni ‘Ali, at pagluluksa para sa martir
nito: ito ang mga bagay na hindi mahintuan ng
mga tapat na tumataguyod sa panig. ‘Mas
makabagbag-damdamin kaysa
sa luha ng mga Shi‘ah’ ay naging
Arabeng kasabihan pa.”
[Introduction
to Islamic Theology and Law, Princeton,
1981, p. 179]
¬
¬
¬
¬
¬
Edward Gibbon
(1737-1794) Itinuturing na pinakamagiting na
Britanyong mananalaysay sa kanyang panahon.
q
“Sa
isang malayong panahon at klima, ang
nakapanlulumong tagpo ng kamatayan ni Hosein ay
makakapukaw ng simpatiya ng pinakawalang-habag
na mambabasa.”
[The
Decline and Fall of the Roman Empire,
London, 1911, tomo 5, pp. 391-2]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil kay Imam
Husayn at sa trahedya sa Karbala, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|