|
Ang Lahat ng mga Kasamahan (Sahaba) Ba’y Tumpak
at Matapat?
Posted: June 10,
2005
“O
Mga Nananampalataya, kung may masamang taong
napadalaw sa inyo at may dala-dalang balita,
alamin ang katotohanan kundi hindi ninyo
sasadyahing mapahamak ang mga tao at pagsisihan
ang nagawa ninyong yaon.”
(Qur’an: Kabanata 49, Bersikulo 6)
Ang mga Shi‘ah ay tapat sa lahat ng mga
Kasamahan ng Propeta Muhammad (s) na
tapat sa kanyang mga turo sa kanyang panahon at
nanatiling ganoon sa kanyang paglisan. Ayon sa
pananaw ng Sunni, kahit na yaong nakakita lamang
sa Propeta (s) sa loob ng ilang saglit ay
tinatawag na Kasamahan at itinuturing na ligtas
sa pintas. Ang kuru-kurong ito’y hindi
itinataguyod ng Qur’an o mga tunay na pangyayari,
at nagbigay-daan sa malaking di-pagkakaunawaan
sa pagitan ng dalawang pangkat ng kaisipang
Islamiko.
Kahulugan ng
“Kasamahan” Ipinaliwanag
Inilarawan ni Ibn Hajar al-‘Asqalani, isang
tanyag na pantas na Sunni, ang Kasamahan ng
Propeta (s) bilang isang taong nakakita
sa Propeta Muhammad (s), pagkatapos
niyang tumalima sa Islam, at pumanaw bilang
isang Muslim. Sa katuturang ito, nasasaklaw ang
mga sumusunod:
q lahat
ng mga taong nakita sa Propeta (s), hindi
isinasaalang-alang kung ang pagtagpong ito iba’y
tumagal o panandalian lamang,
q yaong
mga nagsalaysay ng mga tradisyon mula sa Propeta
(s) at yaong mga hindi,
q yaong
mga nakidigma kasama ng Propeta (s) at
yaong mga hindi,
q yaong
mga nakakita lamang sa Propeta (s) ngunit
hindi niya nakasalamuha,
q at
yaong mga hindi nakakita sa kanya sanhi ng
anumang dahilan tulad ng pagiging bulag.
[Ibn
Hajar al-‘Asqalani,
al-‘Isabah fi Tamyiz al-Sahaba,
(Beirut), tomo 1, p. 10]
Ang Lahat ng mga Kasamahan ba’y Tumpak at
Matapat?
Ang
Ahl al-Sunnah ay may buong pagkakaisa sa isyu na
ang lahat ng mga Kasamahan ay matapat at
mapagkatiwalaan at sila ang pinakamabuti sa
ummah. Maraming mga pantas na Sunni ang
nagpahayag ng paniniwalang ito, kabilang sina:
q
Ibn
Hajar al-‘Asqalani,
al-‘Isabah fi Tamyiz al-Sahaba,
(Cairo), tomo 1, pp. 17-22
q
Ibn
Abi Hatim al-Razi,
al-Jarh wa al-Ta'dil,
(Hyderabad), tomo 1, pp. 7-9
q
Ibn
al-‘Athir,
Usd al-Ghaba fi Ma'rifat al-Sahaba,
tomo, pp. 2-3
Ang
konseptong ito’y mahirap tanggapin dahil sa
di-matutulang katibayang sumasalungat nito.
Pag-aralan ang sumusunod na mga halimbawa:
q
“Sinabi ni az-Zubayr sa akin na nakipag-away
siya sa isang lalaking Ansari na nakalahok sa (digmaan
sa) Badr sa harapan ng Apostoles ng Allah
hinggil sa isang sapa na kapwa nila
pinapakinabangan sa patubig. Sinabi ng Apostoles
ng Allah kay az-Zubayr, “O Zubayr! Diligan mo
muna (ang iyong halamanan), at pagkatapos hayaan
mong aagos ang tubig patungo sa iyong kapitbahay.”
Ang Ansari ay nagalit at nagsabi, “O
Apostoles ng Allah! Ito ba’y dahilan sa siya’y
iyong pinsan?” Dahil dito nabago ang
pagmumukha ng Apostoles ng Allah (dahilan sa
galit) at sinabi (kay az-Zubayr), “Diligan mo (ang
iyong halamanan) at pagkatapos ay ipagkait mo
ang tubig hanggang sa ito’y aabot sa mga
dingding (paligid ng mga palma).” Kaya,
ipinagkaloob ng Apostoles ng Allah kay Zubayr
ang kanyang buong karapatan. Sa una ang
Apostoles ng Allah ay nagbigay ng bukas-palad na
hatol na kapwa nakabubuti kay Zubayr at sa
Ansari, subalit nang galitin ng Ansari ang
Apostoles ng Allah ipinagkaloob niya kay
az-Zubayr ang kanyang buong karapatan ayon sa
malinaw na batas. Sinabi ni az-Zubayr,
“Isinusumpa ko sa Allah! Sa paniwala ko ang
sumusunod na Bersikulo ay ipinahayag hinggil sa
naturang pangyayari: “Ngunit tiyak ng iyong
Panginoon na hindi pa sila lubusang naniniwala
maliban kung ituturing ka nilang tagapaghatol sa
lahat ng kanilang mga silagutan.” (4.65)”
[Sahih
al-Bukhari
(Traduksiyong Ingles), tomo 3, aklat 49, bilang
871]
Ayon
sa doktrinang Sunni ang Kasamahan ng Propetang (s)
ito’y ligtas sa anumang kapintasan bilang isang
awtoridad sa sunnah at ang kanyang mga
asal ay modelo na karapat-dapat na tularan.
Ito’y sa kabila ng lahat na ang Kasamahang ito’y
hindi lamang tumanggi sa hatol ng Propeta (s)
kundi nagdulot pa ng hinagpis sa kanya na naging
dahilan ng pagpahayag ng bersikulo ng Qur’an.
Sa
kasamahang palad, ang kasaysayang Islamiko ay
puno ng mga halimbawa ng ganoong mga taong
bagama’t ayon sa mga pamantayang Sunni ay
matawag bilang mga Kasamahan, ay nag-asal
salungat sa Islam. Ang asal na ito’y ipinakita
sa panahon ng Propeta (s) o pagkaraan o
maging sa dalawang panahong ito!
Al-Walid bin ‘Uqbah
Siya bang nananampalataya’y katulad ng isang
lapastangan (fasiq)?
Hindi sila magkatulad
(Qur’an:
Surah al-Sajdah, bersikulo 18)
Mga
pangunahing komentaristang Sunni ay nagsasabing
ang kawawaan ng pagpahayag ng bersikulong ito’y
isang pangyayari kung saan ang salitang
“nananampalataya” ay tumutukoy sa Imam ‘Ali b.
Abi Talib (‘a) at ang “lapastangan” (fasiq)
ay tumutukoy sa isang Kasamahan ng Propeta (s)
na si al-Walid ibn ‘Uqba ibn Abi Mu‘ayt.
q
Al-Qurtubi,
Tafsir,
(Cairo, 1947), tomo 14, p. 105
q
Al-Tabari,
Tafsir Jami' al-Bayan,
sa ilalim ng komentaryo ng bersikulong ito
q
Al-Wahidi,
Asbab al-Nuzul,
(edisyong Dar al-Diyan li-Turath), p. 291
Ating
nabasa ang bersikulo ng Qur’an na nagbabawal sa
mga nananampalataya mula sa pikit-matang
paniniwala sa anumang balitang nagmumula sa
isang lapastangan (fasiq):
O
mga nananampalataya! Kung may lapastangang
(fasiq)
napadalaw sa inyo at may dala-dalang balita
alamin ang katotohanan, kundi hindi ninyo
sasadyahing mapahamak ang mga tao at pagsisihan
ang nagawa ninyong yaon.
(Surah
al-Hujurat, bersikulo 6)
Nakakawiling punahin na ang
paliwanag (tafsir)
sa bersikulong ito’y nagpapahiwatig ng
isa pang pangyayari kung saan ang nabanggit
na
al-Walid ay nagsinungaling hinggil sa isang
bagay na naging dahilan ng pagpahayag ng
naturang bersikulong nagpapahayag sa kanya
bilang isang lapastangan (fasiq).
q
Ibn
Kathir,
Tafsir Qur’an al-'Azim,
(Beirut, 1987), tomo 4, p. 224
q
al-Qurtubi,
Tafsir,
(Cairo, 1947), tomo 16, p. 311
q
al-Suyuti
at al-Mahalli,
Tafsir al-Jalalayn,
(Cairo, 1924), tomo 1, p. 185
q
Abu
Ameenah Bilal Philips,
Tafseer Soorah al-Hujuraat,
(Riyadh), pp. 62-63
Ayon sa sinabi ni
Abu Ameenah Bilal Philips, “nararapat na
masyadong maging maingat sa pakikitungo sa mga
balitang nagmumula sa mga taong may
nakakapagdudang pagkatao, yaong kanilang
katapatan ay hindi pa napatunayan, o nagmumula
sa mga kilalang makasalanan”. Subalit, ating
makikita sa mga koleksiyong hadith ng
Sunni mga tradisyon ng Propeta (s) na
nagmumula kay al-Walid! Basahin halimbawa
ang:
q Abu
Dawud,
Sunan,
(1973), Kitab al-Tarajjul, bab fi'l-khuluq
li'r-rijal, tomo 4, p. 404, hadith
4181
q Ahmad
ibn Hanbal,
al-Musnad,
awwal musnad al-madaniyyin ajma'in,
hadith 15784
Ang
kasamaan ni al-Walid ay hindi nagtapos sa
panahon ng Propeta (s). Hinirang siya ni
‘Uthman, ang ikatlong kalipa, bilang gobernador
ng al-Kufah, kung saan ang kanyang kasamaan ay
nagpatuloy. Minsan siya ang nangulo sa
madaling araw na pagdarasal habang lasing at
nagdasal ng apat na rak‘at sa halip na
dalawa. Dahil dito siya’y pinarusahan sa
utos ni ‘Uthman. Ang pangyayaring ito’y
nabanggit sa maraming mga pinagmumulang aklat
kabilang ang ilang mga nabanggit sa itaas at sa
mga sumusunod:
q Sahih
al-Bukhari
(Traduksiyong Ingles), tomo 5, aklat 57, bilang
45; tomo 5, aklat 58, bilang 212
q Al-Tabari,
Tarikh,
(Traduksiyong Ingles: History of al-Tabari,
The Crisis of the Early Caliphate), tomo XV,
p.120
Ginagamit nang tiyakan ng mga dalubhasang
pambatas na Sunni ang pamarisang ito ng
lapastangang (fasiq) Kasamahan na si al-Walid
sa pagpahintulot ng pagdasal sa likod ng isang
taong hayag na makasalanan!!
q ‘Ali
al-Qari al-Harawi al-Hanafi,
Sharh Fiqh al-Akbar,
sa ilalim ng kabanatang ‘pinahihintulutang
magdasal sa likod ng mabuti o masamang tao’,
p. 90
q Ibn
Taymiyyah,
Majmu' Fatawa,
(Riyadh, 1381), tomo 3, p. 281
Subalit bakit
hindi na lang kalimutan ang mga nakaraan?
Kung
ibinubunyag man natin ang mga kamalian ng mga
Kasamahan tulad ni al-Walid, ito’y hindi dahil
sa anumang mapanikis na mithing manirang-puri sa
kapwa. Kundi ito’y dahil sa ang mga Muslim ay
nararapat na maging maingat hinggil sa
pinagmumulan ng mga kaalaman sa mga turo ng
Islam at sunnah ng Propeta (s).
Ito’y matiyak lamang sa pamamagitan ng maingat
na pagsusuri sa talambuhay ng lahat ng mga
Kasamahan ng Propeta (s), at hayaan ang
kanilang mga gawaing magpahayag ng kanilang
pagkatao at pagiging mapagkatiwalaan. Sa kabila
ng lahat, ang Propeta (s) ay nagbigay
babala na sa atin:
q
“Mauuna akong darating sa Lawa, at sinumang
daraan sa akin ay makakainum, at sinumang
makakainum dito ay hindi na mauuhaw. May mga
taong darating na aking kilala at kilala ako,
subalit sila’y mapahiwalay sa akin kaya aking
sasabihin, ‘Aking mga kasamahan’. Ang magiging
kasagutan ay, ‘Hindi mo alam ang kanilang ginawa
paglisan mo’. Kaya aking sasabihin, ‘Lumayo sa
mga taong bumago (sa relihiyon) paglisan ko.’”
[Sahih
al-Bukhari
(Traduksiyong Ingles), tomo 8, aklat 76, bilang
585]
Ang Pananaw ng mga
Shi‘ah sa mga Kasamahan
Ang
mga Shi‘ah ay nagmamahal sa mga tapat na
Kasamahan ng Propeta (s) na pinuri sa
Qur’an. Ang puring ito’y hindi sumasaklaw sa
mga taong tulad ni al-Walid ibn ‘Uqbah na kahit
na nakasapat sa pamantayang Sunni sa pagiging
Kasamahan ay hindi maituturing na mga huwaran o
mapagkatiwalaang tagapaghatid ng sunnah.
Kaya ang mga Shi‘ah ay hindi naniniwala sa
panlahatang katapatan ng mga Kasamahan datapuwat
sumusuri sa kasaysayan ng bawat Kasamahan upang
matuklasan ang kanyang pagtaguyod sa mensahe ng
Propeta (s). Siyempre marami ang mga
naturang Kasamahan kabilang, ngunit hindi lamang,
sina ‘Ammar, Miqdad, Abu Dharr, Salman, Jabir,
at Ibn ‘Abbas. Ating wakasan (ang maikling
kasulatang ito) sa pamamagitan ng isang halaw sa
pamanhik ng ika-4 na Imam mula sa Pamilya ng
Propeta (s), Imam Zayn al-‘Abidin (‘a),
na pumupuri sa mga marangal na Kasamahang ito,
pagpalaan nawa sila ng Allah:
O
Allah, at yaong mga Kasamahan ni Muhammad
lalung-lalo na yaong naging mabuti sa
pakikipagsamahan, pumasa sa magandang pagsubok
sa pagtulong sa kanya, tumugon sa kanya nang
iparinig sa kanila ang katwiran ng kanyang mga
mensahe, humiwalay sa kanilang mga asawa at anak
sa pagpahayag ng kanyang pulong, nakidigma laban
sa kanilang mga ama at lalaking anak sa
pagpatatag ng kanyang pagkapropeta, at nagwagi
sa pamamagitan niya; yaong nabalabal ng pagsinta
sa kanya, umaasa ng isang tiyak na kalakal dulot
ng pagmamahal sa kanya; yaong pinabayaan ng
kanilang mga angkan nang sila’y kumapit sa
kanyang tuntungan at itinakwil ng kanyang mga
kamag-anak nang sumandal sa kanlungan ng ugnayan
sa kanya; huwag Mo sanang kaligtaan, O Allah,
ang anumang kanilang ipinaubaya para sa Iyo at
sa Iyo, at maging malugod sana sila sa Iyong
kaluguran alang-alang sa mga nilalang na
kanilang ibinunsod tungo sa Iyo habang kanilang
kasama ang Iyong Sugo, Iyong mga tagapagtawag
tungo sa Iyo.
[Imam
Zayn al-‘Abidin,
Sahifa al-Kamilah,
(Traduksiyong Ingles, London, 1988), p. 27]
Para sa karagdagang kaalaman
hinggil sa autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|