smeri

A place where... learning and teaching are a joint and continuous endeavor                              A place where... you can be both a teacher and a student
SMERI > Research Bureau > Writing and Translation Department

Paano Isinasagawa ang Wudhu at Tayammum

Posted: September 20, 2006

 

 

“O kayong mga naniniwala! Kapag kayo ay humanda para sa pagdarasal, hugasan ang inyong mga mukha at kamay hanggang sa siko, at punasan ang inyong mga ulo at paa hanggang sa bukungbukong… at [kapag] hindi kayo makahanap ng tubig,  kumuha ng malinis na lupa at punasan nito ang inyong mga mukha at kamay.”

(Qur’an: Kabanata 5, Bersikulo 6)

 

Bago isinasagawa ang araw-araw na pagdarasal, at bilang itinatagubilin o ipinag-uutos na kailanganin sa ibang mga debosyon, ang mga Muslim ay nararapat na linisin ang kanilang mga sarili. Ito ay madalas na isinasagawa sa pamamagitan ng tubig. Ang madaling paraan ng paglilinis na ito sa pamamagitan ng tubig ay tinatawag na wudhu, samantala ang pangunahing paraan nito ay tinatawag na ghusl. Kapag walang tubig, ang paglilinis ay isinasagawa sa pamamagitan ng malinis na lupa, at ito ay tinatawag na tayammum.

 

Kailan isinasagawa ang Wudhu

Ang bawat Muslim ay nararapat na nasa katayuan ng kalinisang espiritwal bago magsagawa ng obligadong araw-araw na pagdarasal. Nararapat din siyang nasa ganoong katayuan ng kalinisan sa pagsasagawa ng iba pang mga debosyon tulad ng pagsasagawa ng mga itinatagubiling dasal, paghawak ng manuskripto ng Qur’an and pagsasagawa ng mga ritwal ng peregrinasyong Hajj. Maraming pagkakataon na ang pagsasagawa ng wudhu ay sapat upang makamit ang kalinisang kinakailangan. Subalit may pagkakataon din na kinakailangang maisagawa ang ghusl. Mapupuna na ang ghusl ay hindi nasasaklaw sa maikling kasulatang ito.

 

Paano isinasagawa ang Wudhu

Niyyah: Paghahangad na, “Nagsasagawa ako ng wudhu para sa kaluguran ng Allah at aking hinahangad na maging malapit sa Kanya”.

 

Paghugas ng mukha: Una-una, tanggalin ang anumang nasa mukha (at mga kamay) na na magiging sagabal sa pagkabasa ng balat bago sisimulan ang wudhu (mga bagay-bagay tulad ng relo, singsing, at iba pa, at ibang mga bagay tulad ng pintura na magiging hadlang sa pagkabasa ng balat). Kumuha ng sandakot na tubig sa pamamagitan ng kanang kamay at ibuhos ito sa mukha mula noo. Pagkatapos, ipahid ang kanang kamay sa mukha mula sa pinakamataas na bahagi ng noo hanggang sa pinakamababang bahagi ng baba. Pagkatapos, basahin sa pamamagitan ng kanang kamay ang mukha mula sa taas kung saan tumutubo ang buhok hanggang sa dulo ng baba kung saan nararapat na mabasa ang lahat ng mga bahagi mula pinakamataas na bahagi ng noo hanggang dulo ng baba at ang buong mukha pahalang na maaabot ng hinlalato at hinlalaki. Upang masiguro na ang lahat ng mga bahagi ay mabasa, basahin din ang ilang mga panloob na bahagi ng ilong, labi at mata. Subalit, hindi kinakailangang basahin ang lahat ng panloob ng mga bahagi ng mga ito. Isang beses na pahuhugas ayon sa inilarawan ay ipinag-uutos (wajib). Ang pangalawang beses na paghuhugas ay inirerekomenda (mustahabb) subalit higit pa rito ay ipinagbabawal.

 

Paghugas ng mga kamay: Magbuhos ng tubig sa pamamagitan ng kaliwang kamay sa kanang braso mula sa siko hanggang dulo ng mga daliri at pagkatapos, sa pamamagitan din ng kaliwang kamay, ipahid ang tubig sa dalawang bahagi ng braso upang matiyak na ang lahat ng mga bahagi ay mabasa. Pagkatapos, gawin din ito sa kaliwang kamay sa pamamagitan ng kanang kamay. Ang paghuhugas ay nararapat ng magsisimula sa mga siko patungong dulo ng mga daliri at hindi ang kabaliktaran. Magbuhos ng tubig mula sa medyo lampas pa sa siko upang matiyak na ang buong braso ay masaklaw. Sa paghugas, tiyakin na hindi lamang ang balahibo kundi ang balat ay mabasa. Isang beses na pahuhugas ayon sa inilarawan ay ipinag-uutos (wajib). Ang pangalawang beses na paghuhugas ay inirerekomenda (mustahabb) subalit higit pa rito ay ipinagbabawal.

 

Hinggil sa paghugas ng mukha at mga kamay:

* Hugasan ng mga bahaging ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig mula taas pababa. Ang paghuhugas mula baba pataas ay magpawalang halaga sa iyong wudhu.

* Sa kabuuan, hugasan ang pinakamalapit na mga bahagi na hindi kinakailangan upang matiyak na ang lahat ng mga bahaging kinakailangang mahugasan ay masaklaw.

 

Pagpahid sa ulo: Pagkatapos, ipahid ang kanang kamay na basa pa sa pinakaharapang bahagi ng ulo. Gawain ito mula sa mataas na bahagi pababa (mula likuran ng ulo patungo sa mukha). Inirerekomenda na ang pagpahid ay may isang daliring haba man lamang. Ang pagpahid ay maaring sa pamamagitan ng isang daliri lamang subalit mas mainam kung tatlong daliri ang gagamitin (ang hinlalato, hintuturo at palasingsingan). Ang basa ng kamay ay nararapat na maipahid sa mismo anit. Subalit kapag ang buhok ay lubusang maikli na hindi nasusuklayan, sapat nang sa buhok maipahid ang basa ng kamay. Habang isinasagawa ang pagpahid na ito sa ulo, ang kamay ay hindi dapat na mapasagi sa noo dahil ang tubig sa noo ay maihalo sa basa ng kamay, at ang pangyayaring ito ay magpasawalang-saysay sa pagpahid sa iyong kanang paa dahil ang pagpahid ay dapat na maisagawa sa pamamagitan ng basa ng tubig sa kamay lamang.

 

Pagpahid sa mga paa: Pagkatapos, ipahid sa mga paa ang nananatiling halumigmig sa mga kamay. Ang pagpahid ay magsimula sa dulo ng daliri ng paa hanggang sa kasukasuan ng bukungbukong. Ipahid ang kanang kamay sa kanang paa at ang kaliwang kamay sa kaliwang paa. Mas mabuti na ang pagpahid ay may tatlong daliring magkaka-ugnay (hinlalato, hintuturo at palasingsingan) ang lapad, at mas lalo pang mabuti kapag ang buong kamay ay gagamitin sa pagpahid sa buong paa. Sa oras ng pagpahid sa paa, talagang batakin ang kamay mula sa mga daliri ng paa hanggang sa kasukasuan ng bukungbukong (ayon sa paglalarawan sa itaas) sa habang dulo ng mga daliri ng paa hanggang mga bukubukong. Huwag lang basta ilagay ang buong kamay sa paa at bumatak ng kaunti. Dapat na tandaan na ang pagpahid sa paang may medyas o sapatos ay hindi tama maliban lang sa ilang di karaniwang mga pangyayari.                            

 

Hinggil sa pagpahid ng ulo at mga paa:

* Habang pinapahid ang ulo at mga paa, batakin ang kamay sa mga ito. Ang di pagbatak ng kamay at sa halip, ang ulo o mga paa ang ipapagalaw ay magpasawalang-saysay sa iyong wudhu. Subalit, walang kaso kapag ang iyong ulo at mga paa ay gumalaw nang kaunti sa oras ng pagpahid.          

* Ang mga bahagi ng katawan kung saan ipapahid ang kamay ay nararapat na hindi basa sa oras ng pagpahid, at kapag ang mga ito ay lubusang basa kung saan ang halumigmig ng iyong palad ay walang halaga sa mga ito, ang pagpahid ay walang saysay. Ang kaunting halumigmig sa mga bahaging ito ng katawan ay pinahihintulutan sa kondisyon na ang halumigmig ng palad ay kaagad na maihalo dito sa oras ng pagpahid.            

* Ang pagpahid ay dapat na isagawa sa pamamagitan ng natitirang halumigmig sa mga palad pagkatapos ng paghugas. Huwag muling basain ang mga kamay, o di kaya ay ihalo ang halumigmig ng mga palad sa mga tubig sa ibang bahagi ng katawan. Kapag ang mga palad ay natuyo, ang mga ito ay maaring mabasa sa pamamagitan ng mga natitirang tubig sa balbas, bigote, kilay, o ibang mga bahagi ng katawan na nababasa sa oras ng pagsasagawa ng wudhu.

 

Kailan isinasagawa ang tayammum

Isinasagawa ang tayammum sa halip na wudhu o ghusl kapag:

1.   Walang sapat na tubig para sa pagsagawa ng wudhu o ghusl.

2.   Pagkuha ng tubig para sa wudhu ay mapanganib para sa iyong buhay o ari-arian, o hindi ka makakuha sa pamamagitan ng anumang paraan.

3.   Ang paggamit ng tubig ay magdudulot ng kakulangan ng tubig para inumin at panganib na kamatayan dahil sa pagkauhaw o sakit, o magdudulot ng matinding kahirapan sa iyo at iyong pamilya.

4.   Ang paghugas ng iyong mukha at mga kamay ay mapanganib para sa iyong kalusugan.

5.   May tubig subalit wala kang pahintulot na gamitin ito.

6.  May posibilidad na ang pagsasagawa ng wudhu o ghusl ay magdudulot ng kakulangan ng sapat na oras para sa pagsasagawa ng buo o bahagi ng dasal.

7.   Ang katawan o kasuotan ng tao ay ritwal na marumi (najis) at ang tubig ay sapat lang para sa paglilinis ng kanyang katawan or damit.

 

Paano isinasagawa ang tayammum

Niyyah: Paghahangad na, “Ako ay nagsasagawa ng tayammum sa halip na wudhu (o ghusl) para sa kaluguran ng Allah at aking hinahangad na maging malapit sa Kanya”.

Ika-1 hakbang: Kasabay na ihampas nang mahinay ang dalawang mga palad sa lupa, buhangin o bato (sa ganoong pagkakasunod) na malinis at hindi basa. (Larawan 1).

Ika-2 hakbang: Kasabay na ilagay ang dalawang mga palad mula sa pinakamataas na bahagi ng noo kung saan tumutubo ang buhok hanggang sa balingusan ng ilong. Ang dalawang bahagi ng noo na nag-uugnay sa dalawang tainga at mga kilay ay nasasaklaw. (Larawan 2 at 3)

Ika-3 hakbang: Pagkatapos, ilagay ang kaliwang palad sa buong likuran ng kanang kamay mula sa pupulsuhan hanggang dulo ng mga daliri. (Larawan 4)

Ika-4 na hakbang: Pagkatapos, ilagay ang kanang palad sa buong likuran ng kaliwang kamay.

Ika-5 hakbang: Kasabay na ihampas nang mahinay ang dalawang mga palad sa lupa, buhangin o bato sa ikalawang pagkakataon tulad ng ika-1 hakbang.

Ika-6 na hakbang: Ulitin ang ika-3 hakbang.

Ika-7 hakbang: Ulitin ang ika-4 na hakbang.

 

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa mga aspetong ritwal at espiritwal ng wudhu, tayammum, at ghusl, dumalaw sa:

 

http://al-islam.org/ritualandspiritual/

 

For any comment, email: [email protected].
Copyright © SM Educational & Research Institute (SMERI), 2005-2006. All rights reserved.
Home
SMeRI in Brief
library
education Bureau
research Bureau
external Bureau

 

Download the PDF version of this fact sheet.

 

 

 ---oOo---

 

Who and Why ?

To help provide quality Islamic knowledge available in as many world languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)

To encourage those without enough time or inclination for reading books to explore the various topics in brief.

How ?

One

Download and print the fact sheet.

Two

Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as are required.

Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the middle.

Three

Distribute
Where ?

Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.

Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep these Fact Sheets handy.

Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with each purchase.

Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that you come across, such as those in many airports.

Are you a student? Hand out or leave copies at your school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some in study rooms and cafeterias.

Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets as appropriate.

Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If so, pass them on.


Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means listed above.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1