smeri

A place where... learning and teaching are a joint and continuous endeavor                              A place where... you can be both a teacher and a student
SMERI > Research Bureau > Writing and Translation Department

Bakit ang mga Muslim ay may mga Alituntunin ng Pananamit (Hijab)?

Posted: May 25, 2005

 

 

"At sabihan mo ang mga lalaking nananampalatayang ibaba ang kanilang paningin at maging mabini… At sabihan mo ang mga babaeng nananampalatayang ibaba ang kanilang paningin at maging mabini, at itanghal lamang yaong hayag nilang adorno…"

(Qur'an: Kabanata 24, Bersikulo 30-31)


Hindi ipinagbabawal ng Islam sa mga kalalakihan at kababaihan ang makipag-ugnayan, bagama't pinagbibilinan silang sumunod sa isang alituntunin ng kaasalan na makikilala sa tinatawag na kabinihan nang sa gayon, maaring makitungo ang bawat isa nang may ganap at nararapat na pamimitagan. Ang mabining asal Islamiko ay binubuo ng kabanalan at pamimitagan sa bawat isa, at ng isang pamantayan ng pananamit na madalas nakikilala sa pamamagitan ng mga bandana sa ulong isinusuot ng mga kababaihang Muslim.

Ibaba ang inyong paningin para rin sa inyong kabutihang espiritwal

Ang pilosopiya ng karaniwang tinatawag na hijab - mabining pananamit Islamiko - ay nagmumula sa konsepto ng pagbantay sa sariling mga damdamin mula sa anumang nagpapabawas ng kawalang-sala. Sinabi ng Imam 'Ali, ang pinsan at manugang na lalaki ng Propeta ng Islam (sumakanya at kanyang pamilya nawa ang kapayapaan), "Ang mata ang espiya ng mga puso at ang mensahero ng dunong; kaya ibaba ang inyong paningin mula sa anumang bagay na hindi nararapat sa inyong paniniwala..." Lantern of the Path

Sa mundong moderno, ang ating mga pandamdam ay binubomba mula sa lahat ng direksyon ng napakaraming mga tanawin, tunog at ingay, at amoy. Itinuturo ng Islam sa ating pigilin ang anumang naabot ng ating mga pandamdam dahilan sa ang ating mga karanasan ay nakakaapekto sa atin sa labas at maging sa espiritwal. Ang amoy ng isang pabango ay maaring magbigay-alaala sa isang matagal nang karanasan ng lola ng isang tao; ang ingay ng mga paputok ay maaring makagulat at mapagkamalang hudyat ng isang digmaan; ang pagkita ng isang magandang babaeng may mapang-akit na damit ay maaring magdudulot ng hindi nararapat na damdaming sekswal.

Kapag ang ating mga pandamdam ay makasaksi ng imoralidad, krimen o kahalayan, bagama't hindi tayo sangkot, nababawasan ang antas ng ating kawalang-sala. Lahat tayo'y may mga alaalang pagkabata ng sandaling naranasan nating mawala sa atin ang kawalang-sala. Ang bagay na dating nakapanghihilakbot o natatangi ay nagiging ordinaryo lamang.

Sa Islam, hindi para sa mga magulang lamang ang maingat na pagbantay sa kanilang mga anak, bagama't nararapat din para sa mga may wastong-gulang na bantayan ang kanilang mga sarili. Ang pagpapabaya hinggil dito ay maaring mauwi sa karamdamang espiritwal.

Kaya, ang mas malawakang pilosopiya sa hijab ay may kinalaman sa pagpapanatili sa dignidad at kawagasan, at ito'y natutungod sa lahat ng mga aspeto ng buhay. Iwasan natin ang ating mga sarili mula sa malaswang pagtingin sa kasalungat na kasarian, at magbihis tayo ng wasto upang ang iba'y magalang na makipag-unayan sa atin.

Ang wastong pagsagawa ng hijab

Tinalakay ng Qur'an ang mabining pananamit Islamiko ng ganito:

"At sabihan mo ang mga lalaking nananampalatayang ibaba ang kanilang paningin at maging mabini. Ito'y mas dalisay para sa kanila. Batid ng Allah ang kanilang ginagawa. At sabihan mo ang mga babaeng nananampalatayang ibaba ang kanilang paningin at maging mabini, at itanghal lamang yaong hayag nilang adorno, at ilagay din ang kanilang mga bandana sa kanilang mga dibdib, at huwag itanghal ang kanilang mga adorno maliban sa [sa mga malalapit na kamag-anak ayon sa paliwanag ng Qur'an]..."
[Kabanata 24, Bersikulo 30-31]

Ang layunin ng kabinihang ito'y pagpapanatili ng dignidad ng kapwa mga lalaki at babae nang sila'y nakikipag-ugnayan.

Una, ang mga kalalakihan ay inuutusang manguna sa paggalang sa mga kababaihan. Hindi sila nararapat na magsagawa o magbigay-pahintulot sa anumang aktibidad na makakababa sa didgnidad ng babae. Pinag-uutusan din silang ibaba ang kanilang tingin nang buong kababaang-loob at sundin ang kabuuang pilosopiya ng kabinihan ng puso at pananamit. Dapat silang magbihis nang tumpak at umiwas sa mga gawain at lugar kung saan masasaksihan nila ang mga bagay na hindi nararapat.

Ang hijab ay hindi nagbabawal sa mga kalalakihan at kababaihang makipag-ugnayan sa bawat isa hinggil sa pag-aaral, trabaho, pagsasagawa ng mga mabuting gawain, at iba pa. Sa halip, kapag ang hijab ay sinusunod ng bawat isa, ang mga pakiki-ugnayang ito ay maisasagawa nang may matapat na layunin at walang anumang masagwa.

Nararapat na igalang ng mga kababaihan ang kanilang mga sarili bilang mga taong may dignidad at makipag-ugnayan sa mga kalalakihan nang matapat. Hindi nararapat nilang baguhin ang kanilang mga kilos sa harap ng mga lalaki upang maging mapang-akit at dahil dito, sila'y maltratuhin.

Kapag sila'y nakikipagsalamuha sa mga lalaking hindi malapit na kamag-anak, ang mga kababaihan ay mabining magbihis upang ang kanilang adorno (kagandahan) ay matakpan. Ang mga pantas na Muslim ay nagsasabi nang buong pagkakaisa na ang babae ay dapat na kainamang magtakip maliban sa kanyang mga kamay at mukha. Sinusunod ng mga kababaihang Muslim ito sa pamamagitan ng pagsuot ng maluwang na damit at maglagay ng bandana sa kanyang ulo.

Ang mga kinakailangan para sa mabining pananamit ay magkaiba sa bawat kasarian dahilan sa mga pangunahing katangiang biyolohiya at panagmumulan ng pang-akit. Mapupuna ang mga katangiang ito sa lipunang Kanluran kung saan mas kaunti ang mga kababaihang nagbabasa ng mga malalaswang babasahin at pumupunta sa mga lugar ng prostitusyon kung iparis sa mga kalalakihang nagsasagawa ng mga ito.

Salungat sa ibang mga pananaw, ang hijab ay hindi simbolo ng kababaan ng uri ng babae o di kaya'y ipinagpilit sa kanya ng salungat na kasarian. Sa paningin ng Panginoon, ang mga babae at lalaki ay nagkakaiba lamang sa kabanalan ng bawat isa. Kapag sinusunod ang mabining pananamit sa harapan ng bawat isa, sila ay natatangi sa bawat isa sa pamamagitan ng di-pisikal na mga katangian tulad ng dunong at integridad.

Ang mabining pananamit Islamiko ay hindi hadlang sa pakikipagsalamuha para sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pagkait sa kanila ng malaya at kinakailangang kilos, pagpapahayag ng opinion, edukasyon, ingat pangkalusugan, at ibang karapatang pangtao. Sa halip, ang hijab ay tumutulong sa pagtatayo ng isang mabuting lipunan at sa pagbabawas sa dami ng mga krimen tulad ng panggagahasa at molestasyon dahil ang isang posibleng estimulo para sa naturang mga krimen ay mawawala kapag ang hijab ay wastong sinusunod. Ang pagsusunod sa hijab ay bahagi ng isang malawakang sistema sa Islam na kung isagawa nang wasto ay magpapanatili sa didgnidad ng mga kalalakihan, kababaihan, at lipunan sa kabuuan.

Ano talaga ang tingin ng mga kababaihang Muslim sa hijab?

"Madarama ko ang karagadang paggalang sa akin. Mas seryosong nakikipag-ugnayan ang mga tao sa akin, at nadarama kong ako'y ligtas at nakatitiyak kapag ako'y nasa labas." Gng. Dra. N.Z. Vakil, M.D.

"Sa kasalukuyang modernong lipunan, ang babae ay tinuturing na isa lamang sekswal na bagay para sa kalalakihan. Bakit dapat ilantad ng tao ang kanyang kagandahan para lamang pagpyestahan ng mga malalaswang mata? Ang hijab ay nangangalaga sa karangalan ng babae at hindi nakakapukaw ng di-nararapat na kahalingan ng kasalungat na kasarian. Nadarama ko na kung ang buong kababaihan ay sumunod sa mga alituntuning Islamiko sa pananamit, magiging bale wala ang proporsyon ng panunudyo, pambabastos, panggagahasa, atbp. Ang pagsusuot ng hijab ay nagbibigay sa akin ng karagdagang tiwala sa aking sarili bilang isang babae at ito'y hindi nakakahadlang sa aking propesyon sa anumang paraan." Gng. Salva I Rasool, Desenyador Grapiko

"Ako'y isang balik-Islam kaya maikompara ko ang mga karanasan sa buhay ng wala at mayroong mabining pananamit Islamiko. Batid na batid ko ang pananaw sa lipunang Kanluran na ang hijab ay mapangsupil at hadlang sa kalayaan ng babae. Ang aking karanasan sa hijab at pag-aaral sa Islam ay nagbigay sa akin ng pag-unawa na hindi ganoon. Minsan ang mga hindi Muslim ay maaring mapatingin, subalit sa hijab ako'y laging ginagalang. Hindi ako nagkaproblemang makakuha ng o manatili sa trabaho. Hindi na ako nakakaranas ng di-nararapat na mga kilos o masasagwang salita mula sa kalalakihan. At nararamdaman kong ako'y mas may karangalan kaysa kapag ako'y walang hijab. Natuklasan ko ngayon na maari akong matanggap at makipagsalamuha sa iba bilang ang aking tunay na sarili kapag hindi ang aking anyo ang namamahalang salik. Maging sa mga masasamang kapitbahay, ang mga lalaking kadalasang bastos ay hindi pumapansin sa akin. Ang kabuuang konsepto sa pananamit Islamiko ng pagpapanatili ng karapat-dapat na galang at ang aking karanasan na ito ay talagang nagbibigay ng karagdagang magalang na pakikipag-ugnayan ay lumilikha ng karagdagang diwa ng kaligtasan kapag ako'y nasa labas. Dahil sa pagtuklas sa mga naibibigay ng hijab sa akin, hindi ako babalik sa dating pamumuhay na wala ito. Lumalabas ako bilang isang kilalang babaeng Muslim - isang paalaala sa akin at sa lahat ng nakakakita sa akin na ako'y nagsisikap mamuhay nang maayos at malinis. Ako'y sumisikap na sumunod sa Panginoon sa lahat ng bagay. Ito ang alam ng mga tao para sa mga madre kapag nakikita sila, at ganito rin ang pagkakaalam nila sa akin. Bagam't hindi nila maunawaan ang aking mga dahilan sa uri ng pananamit na di-karaniwan dito sa Estados Unidos, hinahangaan nila ang sinumang hindi natatakot mamuhay ayon sa kanyang mga prinsipyo." Gng. Diana Beatty, Guro

"Naramdaman kong gusto kong sumuot ng hijab. Sa katotohanan, "gusto" ay hindi ang tamang salita, dahil ito'y hindi ganap na positibo. Mahal ko ito. Unang karanasan sa aking buhay bilang isang babaeng Amerikano na maramdaman kong ang aking katawan sa wakas ay sariling akin. Tila ba naramdaman kong napasaakin sa wakas ang bagay akin lamang mailarawan, dahilan sa kawalan ng mas mabuting parirala, bilang karangalan ng aking sariling pag-iisang pangkatawan. Natuklasan kong ako'y mabuting pinakikitunguhan, mas ginagalang, at napansin ko ang tahasang kaugalian ng mga kalalakihan, lalung-lalo na yaong mga kabataan, na ako'y pabayaang mag-isa at layuan. Ito'y matinding naganap sa paraang aking natuklasan na ako'y hindi na sinusundan ng mga mata ng kalalakihan. Ang hijab ay nagbigay sa akin ng mensahe, hindi lamang matinding, "hindi maari," bagama't sa tingin ko ito'y bahagi nito subalit mas higit pa rito…" Isang Amerikanang hindi Muslim na kalahok sa Scarves for Solidarity Campaign pagkaraan ng ika- 11 ng Setyembre, sipi mula sa isang liham sa San Francisco Chronicle, Mayo 9, 2002.


Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Islam, dumalaw sa:

 

http://al-islam.org/faq/

 

For any comment, email: [email protected].
Copyright © SM Educational & Research Institute (SMERI), 2005. All rights reserved.
Home
SMeRI in Brief
library
education Bureau
research Bureau
external Bureau

 

Download the PDF version of this fact sheet.

 

 

 ---oOo---

 

Who and Why ?

To help provide quality Islamic knowledge available in as many world languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)

To encourage those without enough time or inclination for reading books to explore the various topics in brief.

How ?

One

Download and print the fact sheet.

Two

Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as are required.

Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the middle.

Three

Distribute
Where ?

Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.

Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep these Fact Sheets handy.

Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with each purchase.

Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that you come across, such as those in many airports.

Are you a student? Hand out or leave copies at your school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some in study rooms and cafeterias.

Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets as appropriate.

Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If so, pass them on.


Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means listed above.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1