|
Bakit Pinagsasama-sama ng mga Shi‘ah ang mga
Pagdarasal?
Posted: May 27,
2005
“Isagawa ang
pagdarasal sa oras ng paglubog ng araw, sa
kadiliman ng gabi at sa umagang pagbigkas; dahil,
sa katotohanan ang umagang pagbigkas ay
nasaksihan.”
(Qur’an: Kabanata
17, Bersikulo 78)
Ang mga Shi‘ah ay
kumikilala sa araw-araw na limang pagdarasal.
Subalit, madalas nilang pinagsasama-sama ang
Zuhr at ‘Asr na pagdarasal sa
pamamagitan ng pagsagawa ng mga ito nang
magkasunod sa loob ng pagsisimula ng Zuhr
at pagtatapos ng ‘Asr. Tinuturing din
nilang pinapahintulutang pagsama-samahin ang
Maghrib at ‘Isha’ na pagdarasal sa
katulad na paraan. Ang gawing ito ay lubos na
sang-ayon sa Qur’an at mga wastong tradisyon ng
Propeta Muhammad (s).
Ang mga pangkat ng
huresprudensiyang (fiqh) Sunni – maliban
sa pangkat ng Hanafi – ay nagbibigay pahintulot
sa pagsasama-sama ng obligatoryong pagdarasal
(al-jam` bayn al-salatayn) sa oras ng
pag-uulan, paglalakbay, o iba pang mga biglaang
pangyayari o di-karaniwang kalagayan. Ang
pangkat ng huresprudensiyang Hanafi ay
nagbabawal sa pagsasama-sama ng mga pang-araw-araw
na pagdarasal sa anumang oras, maliban sa mga
pagdarasal sa Al-Muzdalifa sa panahon ng
Hajj. Ang mga pangkat ng huresprudensiyang
Maliki, Shafi‘i, at Hanbali ay nagkakaisa sa
pagpapahintulot sa pagsasama-sama ng mga
pagdarasal kung ang tao ay naglalakbay, subalit
may mga di-pagkakaunawaan tungkol sa iba pang
mga dahilan. Ang pangkat ng huresprudensiyang
Shi‘ah Ja‘fari ay nagsasaad na maaring
pagsasama-samahin ang mga dasal nang walang
anumang natatanging dahilan.
Mga oras ng
pagdarasal ayon sa Qur’an
Imam Fakhr al-Din
al-Razi, ang tanyag na komentaristang Sunni ng
Qur’an, ay kanyang isinulat hinggil sa
bersikulong sinipi (Kabanata 17, Bersikulo 78):
q
“Kung ating ipilagay ang ‘kadiliman’ (ghasaq)
bilang ang oras ng unang paglitaw ng kadiliman,
ang salitang ghasaq ay tumutukoy sa
pagsisimula ng Maghrib. Batay dito,
tatlong pagsasaoras ay nabanggit sa bersikulo:
‘ang oras ng tanghali, ang oras ng pagsisimula
ng Maghrib at ang oras ng Fajr’.
Ito ay nangangahulugan na ang ‘tanghali’ ay ang
oras ng Zuhr at ‘Asr, na
binabahagi sa pagitan ng dalawang pagdarasal.
Ang oras ng pagsisimula ng Maghrib ay ang
oras para sa Maghrib at ‘Isha’ na
binabahagi rin sa pagitan ng dalawang pagdarasal.
Ito ay nangangahulugan ng pagpapahintulot ng
pagsasama-sama ng Zuhr at ‘Asr at
Maghrib at ‘Isha’ sa lahat ng mga
panahon. Subalit, mayroong katibayan na
nagpapahiwatig na ang pagsasama-sama habang nasa
bahay lamang nang walang anumang kadahilanan ay
hindi pinapahintulutan. Ito ay nagbibigay-daan
sa opinyon na ang pagsasama-sama ay
pinapahintulutan sa oras ng paglalakbay o di
kaya ay pag-ulan, atbp.”
[Fakhr al-Din al-Razi,
al-Tafsir al-Kabir,
tomo 5, p. 428]
Ating ipapakita
ang mga di-maipagtatangging katibayan na ang
pagsasama-sama ng mga pagdarasal nang walang
anumang kadahilanan ay lubusang wasto. Subalit,
malinaw na ang mga oras ng mga
obligatoryong pagdarasal ay tatlo lamang: 1) Ang
oras ng dalawang obligatoryong pagdarasal na
Zuhr (tanghali) at ‘Asr (hapon) na
binabahagi sa pagitan ng dalawa. 2) Ang oras ng
dalawang pagdarasal na Maghrib (dapit-hapon)
at ‘Isha’ (gabi) ay binabahagi rin sa
pagitan ng dalawa. 3) Ang oras para sa Fajr
(umaga) na dasal na lakalaan para dito.
Pinagsama-sama rin
ba ng Propeta (s) ang mga pagdarasal?
q
Iniulat ni Ibn ‘Abbas na ang Mensahero ng Allah
(sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsagawa sa
Medina ng pitong (rak‘ah) at walong (rak‘ah),
ang ibig sabihin (pinagsama-sama) ang mga
tanghali (Zuhr) at hapong (‘Asr)
pagdarasal (walong mga rak‘ah) at ang mga
dapit-hapon (Maghrib) at gabing (‘Isha’)
pagdarasal (pitong rak‘ah).
[Sahih
al-Bukhari
(Traduksyong Ingles), tomo 1, kitab 10,
hadith 537;
Sahih Muslim
(Traduksyong Ingles), Kitab al-Salat,
kitab 4, Kabanata 100 Combination of
prayers when one is resident, hadith
1522]
q
Si
‘Abdullah b. Shaqiq ay kanyang isinalaysay:
“Isang araw si Ibn ‘Abbas ay nagbigay talumpati
sa amin sa hapon (pagkatapos ng hapong
pagdarasal) hanggang sa lumubog ang araw, ang
mga bituin ay lumitaw, at ang mga tao ay
nagsimulang magsabi: ‘Dasal, dasal’. Isang tao
mula sa Tribo ng Tamim ay dumating doon. Hindi
siya nagpatumal o tumalikod, subalit (patuloy na
nagsabi): ‘Dasal, dasal’. Si Ibn ‘Abbas ay
nagsabi: “Mawalan ka sana ng iyong ina,
tinuturuan mo ako ng Sunnah?” At kanyang sinabi:
“Aking nakita ang Mensahero ng Allah (sumakanya
nawa ang kapayapaan) na ipinagsama-sama ang mga
tanghali (Zuhr) at hapong (‘Asr)
pagdarasal at ang mga dapit-hapon (Maghrib)
at gabing (‘Isha’) pagdarasal.” Si
‘Abdullah b. Shaqiq ay nagsabi: “May pagdududang
nabuo sa aking isipan hinggil dito. Kaya pumunta
ako kay Abu Huraira at aking tinanong (hinggil
dito) at kanyang sinaksihan ang iginigiit niya (Ibn
‘Abbas).”
[Sahih
Muslim
(Traduksyong Ingles), Kitab al-Salat, kitab
4, Kabanata 100 Combination of prayers when
one is resident, hadith 1523, 1524]
Subalit hindi ba
ito dahilan sa paglalakbay, takot, o ulan?
Maraming mga
tradisyon mula sa Propeta (s) na malinaw
na nagpahayag na madalas niyang pinagsasama-sama
ang mga pagdarasal kahit na walang
anumang dahilan.
q
Ang
Propeta (s) ay nagdasal sa Medina, habang
nakatira roon, hindi naglalakbay,
pito at walo (ito ay nagpapahiwatig ng pitong
rak‘ah ng Maghrib at ‘Isha’ na
pinagsama, at walong rak‘ah ng Zuhr
at ‘Asr na pinagsama).
[Ahmad ibn Hanbal,
al-Musnad,
tomo 1, pahina 221]
q
Ang
Propeta (s) ay nagdasal ng Zuhr at
‘Asr nang magkasunod, at Maghrib
at ‘Isha’ nang magkasunod na walang
anumang dahilang dulot ng pagkatakot o
paglalakbay.
[Malik ibn Anas,
al-Muwatta',
tomo 1, pahina 161]
Sa katotohanan, sa
ibang mga tradisyon sa atin pa ipinaalam ang
pagkamakatwiran ng gawing ito ng Propeta (s).
Ito ay
para sa kaginhawahan ng ummah!
q
Isinalaysay ni Ibn ‘Abbas na pinagsunod ng
Mensahero ng Allah (s) ang tanghaling
pagdarasal sa hapong pagdarasal at ang
takip-silim na pagdarasal sa pagdarasal na
‘Isha’ sa Medina nang walang
kinatatakutan o ulan. At sa hadith
na isinalaysay ni Waki' (ganito ang isinaad):
“Itinanong ko kay Ibn ‘Abbas: ‘Ano ang nag-udyok
sa kanyang gawin iyon?’ Kanyang sinabi:
‘Upang ang kanyang ummah (ummah ng
Propeta) ay hindi makaranas ng (walang
kabuluhang) kahirapan’.”
[Sahih
Muslim
(Traduksyong Ingles), Kitab al-Salat, kitab
4, Kabanata 100 Combination of prayers when
one is resident, hadith 1520;
Sunan al-Tirmidhi,
tomo 1, p. 26]
q
Isinagawa ng Mensahero ng Allah (s) ang
mga tanghali at hapong pagdarasal nang
magkasunod sa Medina nang walang
kinatatakutan at hindi sa panahong paglalakbay.
Si Abu Zubair ay nagsabi: “Tinanong ko si Sa‘id
(isa sa mga nagsalaysay) kung bakit niya (Propeta)
ginawa ito. Kanyang sinabi: ‘Itinanong ko rin
ito kay Ibn ‘Abbas, at kanyang sinagot na
ibig niya (ang Banal na Propeta) na
walang sinuman sa kanyang ummah ang
makaranas ng (walang kabuluhang) kahirapan.”
[Sahih
Muslim
(Traduksyong Ingles), Kitab al-Salat, kitab
4, Kabanata 100 Combination of prayers when
one is resident, hadith 1516]
Kahit na ito’y
pinapahintulutan, bakit kinakailan itong gawain?
Walang sinumang
nagsasaad na mayroong masama sa magkahiwalay na
pagsagawa ng mga pagdarasal. Ang Zuhr at
‘Asr na mga dasal at Maghrib at
‘Isha’ na mga dasal ay maaring isagawa nang
magkasunod o hindi. Subalit, ang pagsagawa ng
dalawang mga pagdarasal nang magkasunod ng
Propeta (s) ay naglalarawan ng Banal na
Biyaya ng Allah (swt) para sa
kaginhawahan ng ummah, at may mga
magandang dahilan kung bakit naging karaniwan
ito para sa mga Shi‘ah:
q
Ang
mga tao ay madalas na abala sa kanilang mga
gawain at may sariling mga katungkulan at
inaalala, lalung-lalo na sa bansa kung saan ang
sistema ng edukasyon at pagtatrabaho ay hindi
nasasaayon sa mga pangangailangan ng mga Muslim
na maisagawa ang araw-araw na pagdarasal. Ang
ibang mga propesyon ay nangangailangan ng
mahabang oras ng patuloy at walang humpay na
pagtatrabaho. Kaya, para sa kaginhawahan, at
para hindi malaktawan ang ikalawa sa dalawang
mga dasal, isinasagawa ng mga the Shi‘ah ang
kanilang mga dasal nang magkasunod, maging sa
una o huling sandali, sa nakatakdang oras.
q
Kung
saan ang mga tao mula sa mga malalayong lugar ay
nagtitipon-tipon upang isagawa ang isa sa
dalawang mga pagdarasal at dahilan sa
pinapahintulutan ang pagsasama-sama nito,
sama-sama nilang isinasagawa ang dalawang mga
pagdarasal nang magkasunod. Sa ganoong paraan,
naisagawa nila ang kanilang mga obligasyon at
nakalahok pa sila sa kongregasyong (jama‘ah)
pagdarasal, kaya makakamit ng karagdagang
gantimpala. Ituring ang halimbawa ng pang-Biyernes
na mga dasal. Ating mapapansin na libo-libo sa
ating mga kapatid na Sunni ay nagsasagawa ng
kanilang pang-Biyernes na mga pagdarasal sa
takdang oras subalit marami sa kanilang hindi na
nakakasagawa ng ‘Asr na mga pagdarasal,
huwag nang sabihing ito’y sa pamamagitan ng
kongregasyon. Sa kabilang dako, ang Shi‘i Muslim
na nagsasagawa ng pang-Biyernes na mga
pagdarasal ay walang-pagbabagong isinasagawa rin
ang ‘Asr na dasal nang sama-sama.
q
Ang
katotohanan na ang sunnah na ito ay hindi
malawakang isinasagawa ng ating mga kapatid na
Sunni ay isa pang dahilan kung bakit para sa mga
Shi‘ah kinakailangan nila itong panatilihing
buhayin. Ibig naming malaman ng aming mga anak
at ibang mga Muslim at ng salinlahi sa hinaharap
na ang pagsagawa ng Zuhr at ‘Asr,
at ng Maghrib at ‘Isha’ na mga
pagdarasal nang magkasunod ay pinapahintulutan
at sunnah (madalas na gawi) pa ito ng
Banal na Propeta (s).
Konklusyon:
Ang pagsasagawa ng
Zuhr at ‘Asr, at Maghrib at
‘Isha’ na mga pagdarasal, ay naaayon sa
Qur’an at pinapahintulutan sang-ayon sa
sunnah ng Propeta (s), maliban pa sa
ito ay mas maginhawa. Ang katotohanan na ang may
malakas na katibayang sunnah na ito ay
hindi malawakang isinasagawa ng ating mga
kapatid na Sunni ay hindi nagdudulot nito bilang
hindi nababagay sa ating mga pamumuhay. Bilang
ang tanyag na komentaristang Sunni ng Sahih
Muslim, si al-Nawawi, ay kanyang isinulat:
Kung ang gawi (Sunnah)
ay napatunayang autentiko, ito ay hindi pabayaan
dahilan lang sa ito ay pinabayaan ng ilan,
karamihan o lahat ng mga tao.
[al-Nawawi,
Sharh Sahih Muslim,
(Beirut, 1392 AH), tomo 8, p. 56]
Para sa karagdagang kaalaman
hinggil sa autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|