|
Paano Isinasagawa ang mga Araw-Araw na
Pagdarasal
Posted: May 25,
2005
“…subalit
kung kayo ay ligtas sa panganib, isagawa ang
Palagiang Pagdarasal: Dahil ang mga Dasal na ito
ay ipinag-uutos sa mga naniniwala sa natatakdang
mga oras.”
(Qur’an:
Kabanata 4, Bersikulo 103)
Ubligado ang pagsagawa ng mga sumusunod na dasal
limang beses araw-araw sa natatanging mga oras:
q Salāt
al-Fajr
(Madaling
araw na dasal), na binubuo ng dalawang yunit
(bawat yunit ng dasal ay tinatawag na rak‘ah)
q Salāt
al-Zuhr
(Tanghaling dasal) na may apat na yunit
q Salāt
al-‘Asr
(Panghapong
dasal) na may apat na yunit
q Salāt
al-Maghrib (Dapit-Hapong
dasal) na may tatlong yunit
q Salāt
al-‘Ishā
(Panggabing dasal) na may apat na yunit.
Ayon sa pangkat Shī‘ah Ja‘farī ng kaisipang
Islamiko, napapaloob sa araw-araw na pagdarasal
ang pagsasagawa ng itinatakdang hakbang nang
nasa ayos (tartīb) at maayos ang
pagkakasunod-sunod nang walang labis na
pagkakaantala sa pagitan ng mga ito (muwālat).
Dapat na isagawa muna ng tao ang panimulang
paglilinis (ghusl, kung kinakailangan, o
wudhū) at ganapin ang iba pang mga
pangunang kailangan.
Paghahanda
Tumindig ng mabuti habang nakaharap sa Qiblah (direksiyon
ng Mekka) at bigkasin ang adhān at iqāmah.
Pakipuna na lahat ng mga binibigkas sa dasal ay
nararapat na sa Arabe. Bagaman ang mga sumusunod
ay halos katumbas na transliterasiyon para sa
bawat binibigkas, pinakamainan na pagsikapang
matutunan ang Arabeng letra at mga pagbigkas.
Niyyah: Buuin sa isipan ang sumusunod na
kapita-pitagang hangad: “Isinasagawa ko ang ___
(pangalan ng tanging dasal) dasal na ito, na may
____ (dami ng yunit) rak`ah na may hangaring
mapalapit sa Panginoon”.
Unang Rak`ah
Takbīratul-Ihrām:
Itaas ang dalawang kamay hanggang tainga at
sabihin:
Allāhu akbar
Ang Panginoon ay Dakila
Ang pangungusap na ito, ang Takbīr, ay maraming
beses na mauulit sa loob ng dasal.
Qiyām: Manatiling nakatayo habang isinasagawa
ang mga binibigkas sa susunod na hakbang, ang
Qirā’ah.
Qirā’ah: Sa una, bigkasin ang unang Kabanata ng
Banal na Qur’an, ang Sūrat al-Fātihah.
Bismillāhi’r-Rahmāni’r-Rahīm
Al-hamdu lillāhi rabbil-‘ālamīn
Ar-rahmānir-rahīm
Māliki yawmid-dīn
Iyyāka na‘budu wa iyyāka nasta‘īn
Ihdinas-sirāt al-mustaqīm
sirāt al-ladhīna an ‘amta ‘alayhim
ghayril-maghdūbi ‘alayhim
wa la’d-dāllīn
Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin
Ang lahat ng puri ay sa Allah, ang Panginoon ng
sandaigdigan,ang Mapagpala, ang Mahabagin, Ang
Hari ng Araw ng Paghuhukom;
Ikaw lamang ang aming sinasamba, at Ikaw lamang
ang hinihingian namin ng tulong.
Patnubayan Mo kami sa wastong landas, ang landas
ng mga Iyong pinagpala, at hindi ng nakatamo ng
[Iyong] Poot, o ng mga naligaw sa wastong landas.
Pangalawa, basahin ang isa pang kompletong
Kabanata ng Banal na Qur’an (pinili natin ang
maikling kabanatang ika-112, ang Sūrat al-Ikhlās).
Bismillāhi’r-Rahmāni’r-Rahīm
Qul huwallāhu ahad
Allāhus samad
Lam yalid walam yūlad
Wa lam yakullāhu kufuwan ahad.
Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin
Sabihin: ‘Siya ang Allah, ang Nag-iisa,
Ang Panginoong Walang-Hanggan,
Hindi Siya Nanganganak at hindi ipinanganak, at
wala Siyang kahambing.’
Rukū`: Pagkatapos basahin ang pangalawang
kabanata, nararapat na bigkasin ng
nananampalataya
ang Takbīr (tingnan sa itaas) at yumuko hanggang
sa ang mga kamay ay aabot sa mga tuhod. Ang
sumusunod na dhikr (pagluwalhati) ay nararapat
na mabigkas isang beses sa posisyong ito:
Subhāna rabbiy al-‘azīmi wa bihamdih
Ang Kaluwalhatian ay sa aking Panginoon, ang
Dakila, at ang puri ay sa Kanya
Muling tumindig at bigkasin:
Sami`allāhu liman hamidah
Naririnig ng Panginoon ang sinumang pumupuri sa
Kanya
Bigkasin ang Takbīr, pagkatapos ay isagawa ang
Pagpatirapa (sujūd).
Sujūd ay nangangahulugan na nararapat na ilagay
ng tao ang kanyang noo sa lupa sa natatanging
paraan, na may layuning pangungumbaba sa
Panginoon.
Habang
isinasagawa ang sujūd, nararapat na ang dalawang
mga palad at tuhod, at ang dalawang mga malaking
daliri ng paa ay nakalatag sa lupa. Ang
sumusunod na dhikr ay nararapat na mabasa sa
sujūd ng isang beses:
Subhāna rabbiy al-a‘lā wa bihamdih
Ang Kaluwalhatian ay sa aking Panginoong
Marangal, at ang puri ay sa Kanya
Pagkatapos
ng unang sujūd, iangat ang noo at umupo nang
paluhod habang ang bukungbukong ng kanang paa ay
nasa talampakan ng kaliwang paa at ang mga kamay
ay nakalagay sa ibabaw ng mga hita at bigkasin
ang Takbīr, at opsyional na susundan ng:
Astaghfirullāha rabbī wa atūbu ilayh
Humihingi ako ng kapatawaran sa Allah, ang aking
Panginoon, at bumabaling ako tungo sa Kanya
At susundan uli ng Takbīr. Ulitin uli ang sujūd
at umupo nang paluhod at bigkasin ang Takbīr.
Umupo ng isang saglit at muling tumindig habang
(opsiyonal) na sabihin:
Bihawlillāhi wa quwwatihi aqūmu wa aq‘ud
Sa pamamagitan ng tulong at kapangyarihan ng
Panginoon ako ay tumatayo at umuupo
Pangalawang Rak`ah
Pagkatapos makatindig nang matuwid, basahin ang
Sūrat al-Fātihah at isa pang Sūrah ng Banal na
Qur’an tulad ng sa unang rak`ah. Pagkatapos,
bigkasin ang Takbīr, at isagawa ang Qunūt.
Qunūt: Panatilihin ang iyong mga kamay sa harap
ng iyong mukha habang ang mga palad ay nasa
ibabaw, at panatilihing magkakalapit ang mga
kamay at daliri. Basahin ang mga sumusunod:
Rabbanā
ātinā fi’d-dunyā hasanatan wa fi’l-ākhirati
hasanatan wa qinā ‘adhāb an-nār
O aming Panginoon! Ipagkaloob Mo nawa sa amin
ang mabuti dito sa mundo at sa kabilang buhay,
at iligtas nawa kami sa kaparusahan sa impiyerno
[Qur’an, kabanata 2, bersikulo 201]
[Paalaala: Ang Qunūt ay isang opsiyonal na
bahagi ng pagdarasal]
Bigkasin ang Takbīr, pagkatapos isagawa ang rukū`,
at ang dalawang sujūd, tulad ng inilarawan sa
unang rak`ah.
Tashahhud :
Pagkatapos ng pangalawang pagpapatirapa
ipagpatuloy ang pagluhod, at bigkasin:
Ashhadu al lā ilāha illallāhu wahdahu lā
sharīka lah,
wa ashhadu anna Muhammadan ‘abduhu wa rasūluh
Allāhumma sallī ‘alā Muhammadin wa Āli Muhammad
Sumasaksi ako na
walang ibang bathala maliban kay Allah, na
bukud-tangi at walang mga katambal.
Sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Kanyang
alipin at Propeta.
O Panginoon, pagpalain Mo nawa si Muhammad at
ang Pamilya ni Muhammad.
Kung iyong isinasagawa ang dasal na Fajr (Madaling-Araw),
pakilaktawan ang iba at magtungo sa bahaging
pinamagatang Pagtatapos.
Kung iyong isinasagawa ang dasal na Zuhr (Tanghali),
‘Asr (Hapon), Maghrib (Dapit-hapon), o ‘Ishā (Panggabi),
ipagpatuloy sa pamamagitan ng pagtayo para sa
ikatlong yunit habang binibigkas ang
Bihawlillāhi… ayon sa inilarawan sa katapusan ng
bahaging Unang Rak`ah.
Ikatlong Rak`ah
At-Tasbihat al-Arba`ah: Pagkapos na makatayo ng
mabuti, bigkasin ang Sūrat al-Fātihah, o di kaya
ay ang at-Tasbihat al-Arba`ah ng 3 beses, tulad
ng sumusunod:
Subhānallāhi wa’l hamdu lillāhi wa lā ilāha
illallāhu wallāhu akbar
Ang kaluwalhatian
ay sa Panginoon, at ang puri ay sa Panginoon;
walang ibang bathala maliban sa Allah, at ang
Allah ay Dakila
Isagawa ang rukū`, tumindig sa isang saglit at
pagkatapos ay isagawa ang dalawang sujūd. Ito ay
ganap na inilarawan sa bahaging Unang Rak`ah.
Kung iyong isinasagawa ang dasal na Maghrib (Dapit-Hapon),
bigkasin ang Tashahhud pagkatapos. Pagkatapos
nito laktawan ang iba at magtungo sa Pagtatapos.
Kung iyong isinasagawa ang dasal na Zuhr (Tanghali),
‘Asr (Hapon), or ‘Ishā (Gabi), ipagpatuloy sa
pamamagitan ng pagtayo para sa ika-apat na
rak‘ah habang binibigkas ang Bihawlillāhi… ayon
sa inilarawan sa katapusan ng bahaging Unang
Rak‘ah.
Ika-Apat na Rak`ah
Ito ay magkatulad sa ikatlong rak‘ah. Pagkatapos
ng pangalawang pagpatirapa ipagpatuloy ang
pag-upo, at bigkasin ang Tashahhud.
Pagtatapos
Pagkatapos bigkasin ang Tashahhud ng huling
rak`ah, bigkasin ang Taslīm (Pagbati) na
magbubuo ng iyong dasal:
Assalāmu ‘alayka ayyuhan-nabiyyu wa
rahmatullāhi wa barakātuh
Assalāmu ‘alaynā wa ‘alā ‘ibādillāhis-sālihīn
Assalāmu ‘alaykum wa rahmatullāhi wa barakātuh
Sumaiyo nawa, O
Propeta, ang kapayapaan, habag at pagpala ng
Panginoon.
Suma atin at mga tapat na alipin ng Panginoon
nawa ang kapayapaan.
Sumainyo nawang [lahat] ang kapayapaan, habag at
pagpala ng Panginoon.
Pagkatapos (opsiyonal na) bigkasin ang Takbīr
tatlong beses.
Para
sa karagdagang kalaman hinggil sa mga aspetong
rituwal at esprituwal ng mga Araw-Araw na
Pagdarasal, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|