smeri

A place where... learning and teaching are a joint and continuous endeavor                              A place where... you can be both a teacher and a student
SMERI > Research Bureau > Writing and Translation Department

Ano ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan?

Posted: May 25, 2005

 

 

“O kayong mga naniniwala! Ang pag-aayuno’y ipinag-uutos sa inyo, katulad ng pag-utos sa mga nauna sa inyo nang kayo’y masalag mula sa masama. (Mag-ayuno) sa ilang dami ng mga araw…”

(Qur’an: Kabanata 2, Bersikulo 182-183)

 

Bawat taon sa ika-9 ng buwang lunar ng kalendaryong Islamiko, mga Muslim sa buong mundo’y nangingilin sa pagkain, inumin, walang-kabuluhang pagsalita, at iba pang mga gawa mula bago pagsikat ng araw hanggang paglipas ng paglubog nito.

 

Ang pag-aayuno ay ipinag-uutos sa mga pananampalayang Abrahamiko

Ang mga religion ng Hudiyo, Kristiyano at Muslim ay lahat nag-uutos ng pag-aayuno. Si Moises ay nagsagawa ng apatnapung araw ng pag-aayuno sa Bundok Sinai sa panahon ng pagpahayag ng Sampung Kautusan. (Exodus 24:18) Bagama’t hindi madalas ngayon, isang tradisyong Hudiyo ang pag-aayuno sa panahon ng pagdadalamhati o panganib. Karamihan sa mga mapanatang Hudiyo’y nag-aayuno pa rin sa Araw ng Pagsisisi at para sa isang linggong paggunita sa pagkawasak ng Herusalem noong 597 BC. Si Hesus ng Nasareno, sumakanya nawa ang kapayapaan, ay nag-ayuno rin sa Araw ng Pagsisisi at apatnapung araw na pag-aayuno ni Moises upang makasalag mula sa tentasyon ni Satanas.

 

“Pagkatapos si Hesus ay inakay ng Espirito sa disyerto upang matukso ng diyablo. Pagkalipas ng apatnapung araw at gabi ng pag-aayuno, siya’y nagutom.” (Mateo 4:2)

 

Maraming mga Kristiyanong nagsasagawa ng apatnapung araw na pag-aayunong paghahanda sa Linggo ng Pagkabuhay, bagaman ngayon ito’y pangingilin lamang sa ilang uri ng pagkain at hindi sa lahat ng inumin at pagkain. Ang mga Muslim ay nag-aayuno sa buwan ng Ramadan at maging sa iba pang mga araw sa loob ng taon.

 

Ang Nag-iisang Panginoon ay nag-utos ng pag-aayuno para sa mga mananampalataya; at ito’y may maraming mga pakinabang. Mga kalugurang materyal ay maaring masaklaw ng pagkain, inumin, kalugurang seksuwal, at banidad. Ang pag-aayuno’y nangangailan ng pangingilin sa mga ito, pagsalungat sa likas na gawi ng Tao upang sumunod sa kautusan ng Panginoon. Ito’y nagbubuo at nagpapalakas ng pagtitimpi ng isang tao, at nagpapalapit sa kanya sa Panginoon. Ibang mga pakinabang ng pag-aayuno ay:

q Ang pag-aayuno ay nagdaragdag ng pakikiramay sa mga mahihirap.

q Ang pag-aayuno ay nagbubuo ng tampulan sa kabanalan at nagbabawas ng tampulan sa materyalismo.

q Ang pag-aayuno ay may maraming kabuluhang pangkalusugan.

q Ang pag-aayuno ay maaring kabayaran sa mga kasalanan at kumita ng malaking gantimpala.

q Ang pag-aayuno ay bahagi ng isang malakas na planong pagbabagong espirituwal at pisikal.

q Ang pag-aayuno ay gumugunita ng mga mahalagang sagradong pangyayaring pangrelihiyon.

 

Ang pag-aayuno ng Muslim sa buwan ng Ramadan ay pagpapatuloy sa mahabang kasaysayan ng pag-aayuno sa mga pananampalatayang Abrahamiko. Ang mga kabuluhang pagpapaunlad sa sarili ng pag-aayuno ay isang mahalagang paraan ng pagpapabuti ng paniniwala at pananampalataya.

 

“At mga kalalakihang nag-aayuno at mga kababaihang nag-aayuno… Ang Panginoon ay may nakalaang kapatawaran at napakalaking gantimpala.”

(Qur’an 33:35)

 

Ano ang napapaloob sa pag-aayuno sa  buwan ng Ramadan?

Sa maikling salita, napapaloob sa pag-aayuno ang pangingilin sa lahat ng pagkain, inumin, walang kabuluhang pagsalita, at pagtatalik bago pa man magbukang-liwayway kung kailan ang langit ay maging maliwanag na sapat na makapagbukod ng maitim na sinulid mula sa maputing sinulid, hanggang sa paglipas ng paglubog ng araw kung kailan ang kapulahan ay lumisan sa kanlurang bahagi ng langit. May mga taong hindi makapag-ayuno dahilan sa katandaan, kalusugan, mga kalagayang pagdadalantao, atbp. at makapagbigay ng karidad kapalit ng pag-aayuno at/o mag-aayuno sa ibang panahon.

 

Subalit ang tunay na diwa ng pag-aayuno ay hindi lamang pangingilin sa ilang mga bagay. Ito’y isang panahon ng patuloy at puspusang pagsisikap tungo sa kasundulang espirituwal.

“Ang uhaw at gutom na inyong nararanasan,damahin at mamuhay nito, dito at ngayon, nang mapasa-ulo ninyo ang kalupitan at kasidhian ng tagtuyot at pagkagutom na siyang kalagayan sa Araw ng Paghuhukom.

q Magkawanggawa sa mga mahirap at maralita.

q Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.

q Maging mabuting-loob sa mga musmos at nakakabata.

q Kumandili sa mga kamag-anak.

q Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat na ibulong man lang.

q Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.

q Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.

q Maging  maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na pakikitungo ng iba.

q Magsisi sa Panginoon at maghangad ng kalapitan sa Kanya.”

- Ang Banal na Propeta, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang kapayapaan

 

Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling gising buong magdamag sa pagdarasal. 

 

Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at modestong pagpapalitan ng regalo (lalung-lalo na para sa mga bata). Subalit, ito’y araw ng naghahalong pakiramdam, dahilan sa ang pinakabanal na buwan na mayroong lahat ng pagkakataon para sa kapatawaran at gantimpala ay lumisan para sa susunod na taon. 

“Kumikubli ako sa Iyong pinakamahabaging kalooban, O Panginoon, na baka magbubukang-liwayway ang gabing ito, o ang buwang ito’y magtatapos, at nanatili akong pinaratangang (di pinatawad na) makasalanan na nararapat na maparusahan sa Araw nang ako’y ihaharap sa Iyo.”

[Mula sa isang dalangin sa huling gabi ng buwan ng Ramadan na itinuro ng Imam Ja‘far al-Sadiq, sumakanya nawa ang kapayapaan]

 

Bakit ang pag-aayuno’y natatanging ipinag-uutos sa buwan ng Ramadan para sa mga Muslim?Text Box:  

Ang buwan ng Ramadan ang ika-9 na buwan sa kalendaryong Islamikong lunar. Dahilan sa isang taong lunar ay halos isang linggo at kalahating mas maiksi kaysa taong solar, ang buwan ng Ramadan ay umiikot pabalik sa loob ng mga panahon. Ito’y banal na buwan dahilan sa itinadhana ng Panginoon ito sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Inuulit ng Imam Ja‘far al-Sadiq ang Banal na Propeta, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang kapayapaan, na nagsasabing:

 

“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13 ng buwan ng Ramadan... at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng Ramadan.”

 

Itinuring ding sagrado dahilan sa ito’y naglalaman ng Gabi ng Kamaharlikaan (Laylatul Qadr). Ang “qadr” ay nangangahulugan nang literal ng destino, at sa gabing ito itinatakda ng Panginoon ang bawat pangyayaring magaganap sa susunod na taon sa bawat at lahat ng Kanyang nilalang. Ipinaalam ng Imam Ja‘far al-Sadiq sa atin na:

 

“Sa Laylatul Qadr ang lahat ng mga anghel, ang espiritu, at mga pinagkakatiwalaang iskribyente ay nananaog sa mas mababang mga langit at isinusulat ang anumang itinatakda ng Panginoon sa naturang taon, at kung ninanais ng Panginoong paagahin ang isang bagay o ipagpaliban ito o daragdagan ito, inuutusan Niya ang anghel na burahin ito at papalitan ng anumang itatakda ng Panginoon.”

 

Ang Banal na Propeta ng Islam, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang kapayapaan, ay nagsasabi sa atin hinggil sa mga malalaking biyaya ng buwan ng Ramadan:

 

“[Ang buwan ng Ramadan ay] umaapaw ng mga kabutihan, mahabagin, handang iharap ang iyong mga kasalanang pagkaligta at paggawa sa Panginoon upang makatamo ng Kanyang kapatawaran. Ang mga araw, gabi at oras nito, sa paningin ng Panginoon, ay mas hirang, dalisay at mahalaga kaysa mga araw, gabi at oras ng ibang mga buwan. Nahihigtan nito ang ibang mga buwan sa mga biyaya at pabor… Kaya, taimtim, ligtas sa mga masama at makasalanang pag-iisip, at may malinis na konsensiya na magdasal at hilinging sana’y bigyan ka ng Panginoon ng puso at lakas-loob na mag-ayuno… sa loob ng buwang ito…”

 

Konklusyon:

Katulad ng sa iba pang gawing debosyon,  mga Muslim ay nag-aayuno sa paghahangad ng kalapitan sa Panginoon, ng Kanyang Kaluguran at Kapatawaran, at lumilikha ng diwa ng kabanalan sa tao. Ang pag-aayuno sa buwang ito ay parangal sa rebelasyon ng Salita ng Panginoon at nagdadalisay ng tao sa paghahanda para sa gabi ng mga kapasiyahan at sa pag-aasam ng kapatawaran. Ang pag-aayuno ay isang taon-taong pagbabagong espirituwal, sa pagsasaalang-alang sa masaganang gantimpala sa buwang ito, na bahagi ng landas ng Islam tungo sa ulirang sarili.

 

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Islam, dumalaw sa:


http://al-islam.org/faq/ 

 

For any comment, email: [email protected].
Copyright © SM Educational & Research Institute (SMERI), 2005. All rights reserved.
Home
SMeRI in Brief
library
education Bureau
research Bureau
external Bureau

 

Download the PDF version of this fact sheet.

 

 

 ---oOo---

 

Who and Why ?

To help provide quality Islamic knowledge available in as many world languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)

To encourage those without enough time or inclination for reading books to explore the various topics in brief.

How ?

One

Download and print the fact sheet.

Two

Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as are required.

Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the middle.

Three

Distribute
Where ?

Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.

Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep these Fact Sheets handy.

Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with each purchase.

Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that you come across, such as those in many airports.

Are you a student? Hand out or leave copies at your school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some in study rooms and cafeterias.

Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets as appropriate.

Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If so, pass them on.


Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means listed above.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1