|
Bakit ang mga Shi‘ah ay Nagpapatirapa sa Ibabaw
ng Turbah?
Posted: May 25,
2005
“Kaya ipagdiwang ang mga kapurian ng iyong
Panginoon, at makibilang sa kanilang
nagpapatirapa sa pagsamba.”
(Qur’an
15:98)
Mas
ginusto ng mga Shi‘ah Muslim na magpatirapa sa
ibabaw ng maliit ng tipak ng lupang tinatawag na
Turbah
na kadalasang gawa sa luwad na nagmumula sa
lupain ng Karbala sa Iraq.
Sang-ayon sa fiqh (hurisprudensiya) ng
Shi‘ah Ja‘fari – na isa sa limang pangunahing
pangkat ng hurisprudensiya sa Islam –
pagpatirapa (sujud) ay dapat na isagawa
sa ibabaw ng lupang puro o anumang tumutubo rito,
sa kondisyong ito’y hindi kinakain o isinusuot.
Kabilang dito ang alabok, bato, buhangin, at
damo, kung ito’y hindi mineral. Pagpatirapa sa
ibabaw ng papel ay pinapahintulutan dahilan sa
ito’y gawa sa materyal na tumutubo sa lupa,
ngunit hindi damit o mga alpombra.
Ang
mga hurisprudento ng lahat ng mga pangkat ng
hurisprudensiyang Sunni ay nagkaisa hinggil sa
katumpakan ng pagpatirapa sa lupa at sa anumang
tumutubo rito.
Nagawa ba ito ng Propeta (s) at ng
kanyang mga Kasamahan?
Ang
pagdarasal sa ibabaw ng lupa ay tiyak na gawi ng
Propeta (s) at ng yaong mga nakapaligid
sa kanya.
q
Isinalaysay ni Abu Sa‘id al-Khudri: Nakita ko
ang Sugo ng Allah na nakatirapa sa putik at
tubig at nakita ko ang marka ng putik sa kanyang
noo.
[Al-Bukhari,
Sahih
(Traduksiyong Ingles), tomo 1, aklat 12, blg.
798; tomo 3, aklat 33, blg. 244]
q
Isinalaysay ni Anas ibn Malik: Madalas kaming
nagdarasal kasama ang Propeta sa matinding init,
at kung sinuman sa amin ang hindi nakakayang
lumagay ng kanyang mukha sa ibabaw ng lupa (dahilan
sa init) naglalatay siya ng mga tela at sa
ibabaw nito lumuluhod.
[Al-Bukhari,
Sahih
(Traduksiyong Ingles), tomo 2, aklat 22, blg.
299]
Ayon sa hadith na ito, sa mga
pagkakataong di pangkaraniwan lamang na ang
Propeta (s) at kanyang mga Kasamahan ay
nagpapatirapa sa ibabaw ng tela.
Ang
Propeta’y (s) madalas na may
Khumra
kung saan niya nilalagay ang kanyang noo sa
pagpatirapa (sujud).
q
Isinalaysay ni Maymuna: Ang Sugo ng Allah ay
laging nagdarasal sa ibabaw ng isang
Khumra.
[Al-Bukhari,
Sahih
(Traduksiyong Ingles), tomo 1, aklat 8, blg.
378]
q
Ayon kay al-Shawkani, isang bantog na pantas na
Sunni, higit sampung mga Kasamahan ng Propeta (s)
ay nakapag-ulat ng mga tradisyong bumabanggit ng
kanyang pagpatirapa sa ibabaw ng
Khumra.
At itinala niya ang lahat ng pinagkukunang
akdang Sunni na nag-uulat ng yaong mga tradisyon
na kabilang ang Sahih Muslim, Sahih al-Tirmidhi,
Sunan Abu Dawud, Sunan al-Nisa’i, at marami
pang iba.
[Al-Shawkani,
Nayl al-Awtar
, Kabanata: Pagluhod sa Ibabaw ng Khumra, tomo
2, p. 128]
Ano ngayon ang isang khumrah ?
q
isang maliit na banig na sapat lang para sa
mukha at mga kamay habang nakatirapa sa
pagdarasal.
[Al-Bukhari,
Sahih
(Traduksiyong Ingles), tomo 1, aklat 8, blg. 376
(ayon sa nakapanaklong na paliwanag ng traduktor)]
Isinulat ni Ibn al-‘Athir, isa pang tanyag na
pantas na Sunni, sa kanyang
Jami’
al-Usul:
q
“Ang
Khumra
ay (katulad ng) kung saan isinasagawa ng mga
Shi‘ah sa ating panahon, ang kanilang mga
pagpatirapa.”
[Ibn
al-‘Athir,
Jami' al-Usul,
(Cairo, 1969), tomo 5, p. 467]
q
“Ang
Khumra
ay isang maliit na banig na gawa mula sa mga
himaymay ng palmera o ibang materyal. . . at
ito’y katulad ng ginagamit ng mga Shi‘ah sa
pagpatirapa.”
[Talkhis
al-Sihah,
p. 81]
Pero bakit ang lupa ng Karbala?
Ang
mga natatanging katangian ng lupa ng Karbala (sa
Iraq) ay kilala at ito’y tampulan ng natatanging
pansin sa panahon ng Propeta (s) at
maging sa mga sumusunod na mga panahon:
q
Ang Umm Salama’y
nagsasabi: Nakita ko ang Husayn (‘a) na
nakaupo sa sinapupunan ng kanyang lolo, ang
Propeta (s) na may isang pirasong alabok
at nagtatangis. Tinanong ko siya kung ano ang
naturang alabok. Sinabi ng Propeta (s):
“Ipinaalam sa akin ng (Anghel) Gabriel na ang
aking anak, itong Husayn, ay masawi sa Iraq.
Dinala niya ang alabok na ito para sa akin mula
sa lupaing yaon. Nagtatangis ako para sa
kahirapang sasapitin ng aking Husayn.”
Pagkatapos ibinigay ng Propeta (s) ang
alabok kay Umm Salama at sinabi sa kanya: “Kung
makita mong maging dugo ang alabok na ito,
malalaman mong ang aking Husayn ay pinatay.”
Itinago ni Umm Salama ang alabok sa ilalim na
isang bote at laging minamasdan ito hanggang sa
nakita niya sa araw ng ‘Ashura, ika-10 ng
Muharram 61 AH, na ito’y naging dugo. Pagkatapos
napag-alaman niyang si Husayn ibn ‘Ali (‘a)
ay namartir.
[al-Hakim,
al-Mustadrak,
tomo 4, p. 398; al-Dhahabi,
Siyar a`lam al-nubala',
tomo 3, p. 194; Ibn Kathir,
al-Bidayah wa'l-nihayah,
tomo 6, p. 230; al-Suyuti,
Khasa'is al-kubra,
tomo 2, p. 450;
Jam` al-Jawami,
tomo 1, p. 26]
[Ibn
Hajar al-‘Asqalani,
Tahdhib al-tahdhib,
tomo 2, p. 346]
q
Pagkatapos ng
Digmaan sa Siffin, nakadaan ang ‘Ali ibn Abi
Talib sa Karbala. Kumuha siya ng sandakot ng
lupa nito at ibinulalas: “Ah, ah, sa dakong ito
ilang mga tao ay papatayin, at mapaparaiso nang
walang pagtutuos!”
[Ibn
Hajar al-Asqalani,
Tahdhib al-tahdhib,
tomo 2, p. 348]
Bakit obligatoryong magpatirapa sa ibabaw ng
luwad na mula sa Karbala?
Hindi!
Ngunit mas ginusto ng mga Shi‘ah na magpatirapa
sa lupa ng Karbala dahil sa halagang
ipinagkaloob dito ng Propeta (s) at ng
mga Imam mula sa kanyang Pamilya (Ahl al-Bayt).
Pagkatapos ng pagkamartir ng Imam Husayn (‘a),
ang kanyang anak na Imam Zayn al-‘Abidin (‘a)
ay pumulot ng kapiraso, ipinahayag bilang
sagradong alabok at itinago sa isang supot. Ang
mga Imam ay laging nagpapatirapa sa ibabaw nito
at gumagawa ng rosaryo (tasbih) mula rito,
at pumupuri sa Panginoon sa pamamagitan nito.
[Ibn
Shahrashub,
al-Manaqib,
tomo 2, p. 251]
Hinimok din nilang mga Shi‘ah na magpatirapa sa
ibabaw nito, sa pagkakaalam na ito’y hindi
obligatoryo ngunit sa dahilang pagkamit ng higit
na gantimpala. Ipinagdiin ng mga Imam na ang
pagpatirapa sa Allah ay dapat na sa ibabaw ng
lupang malinis lamang at mas kanais-nais kung
ito’y isinasagawa sa ibabaw ng naturang lupa ng
Karbala.
[al-Tusi,
Misbah al-Mutahajjad,
p. 511]
[al-Saduq,
Man la yahduruhu'l faqih,
tomo 1, p. 174]
Ang
mga Shi‘ah ay mahabang panahong kumukupkop ng
lupang ito. Kaya sa pangangambang ito’y
malapastangan, minasa nila ito bilang mga
maliliit na lapida o piraso na ngayon ay
tinatawag na mohr o
Turbah.
Sa oras ng pagdarasal nagpapatirapa kami sa
ibabaw nito hindi bilang gawang obligatoryo
ngunit dahil sa natatanging uri nito. Sa ibang
pagkakataon, kung wala kaming daladalang lupang
puro nagpapatirapa kami sa lupang malinis, o
anumang nagmumula rito.
Nakakalungkot na may mga taong malisyang
iginigiit na ang mga Shi‘ah ay sumasamba sa mga
bato o di kaya’y sa Husayn (‘a). Ang
katotohanan ay sumasamba kami sa Allah lamang sa
paraang pagpatirapa sa ibabaw ng
Turbah,
hindi rito. At hinding-hindi kami
sumasamba sa Imam Husayn, Imam ‘Ali, o di kaya’y
sa Propeta Muhammad (s). Tanging Allah
lamang ang aming sinasamba at sang-ayon sa
kautusan ng Allah na lumuluhod lamang kami sa
ibabaw ng lupang puro.
Konklusyon:
Ito
ang dahilan kung bakit ang mga Shi‘ah Muslim ay
nagdadala ng mga maliliit na lapida, na
kadalasang gawa mula sa lupa ng Karbala na
nagbibigay pagkakataon sa kanilang lumuhod sa
ibabaw ng naturang masyado itinagubilin na bagay,
at sumunod sa sunnah ng Propeta (s).
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|