|
Bakit Dapat na Sumunod sa Pamilya ng Propeta
(s)?
Posted: April 27,
2005
Sa katotohanan, nais lamang ng
Allah na ilayo kayo sa anumang kasagwaan,
O Sambahayan
(Ahl al-Bayt)
at dalisayin kayo nang
lubusan
[Bersikulo
ng Pagdalisay mula sa Qur’an 33:33]
Ang Propeta Muhammad (s) ay tinanong ng
kanyang mga Kasamahan:
“Paano kami hihingi ng bendisyon para sa iyo?” …
Kanyang sinabi:
“Sabihin: ‘O Allah! Pagpalain Mo nawa si
Muhammad at ang Pamilya ni Muhammad, tulad ng
Iyong pagpala kay Abraham at sa Pamilya ni
Abraham, dahil Ikaw ang Kapuri-puri, ang
Maluwalhati’.”
[Sahih
al-Bukhari,
tomo 4, aklat 55, bilang 589]
Ang mga Shi‘ah ay naniniwala na
ang dalawang pamana ng Propeta Muhammad (s)
ay ang Qur’an at Ahl al-Bayt (partikular
na mga kasapi ng kanyang pamilya). Ang Ahl
al-Bayt ang batayan ng autentikong Sunnah
ng Propeta (s). Sa pamamagitan lamang ng
pagtamo ng mga katuruan mula sa dalawang mga
batayang ito na ang Muslim ay makakaasang
magkamit ng tunay na patnubay.
Ang Pamana ng Propeta Muhammad
“Aking sasagutin ang panawagan (ng kamatayan).
Sa katotohanan, may dalawang mahahalagang bagay
(thaqalayn) akong iiwan sa inyo: ang
Aklat ng Allah at ang aking Ahl alBayt.
Sa katotohanan, ang dalawang ito’y hindi
maghihiwalay hanggang sa ako’y kanilang
matatagpuan sa tabi ng Lawa.”
Ang autentikong hadith na ito mula sa
Propeta Muhammad (s) ay isinalaysay ng
mahigit 30 sa kanyang mga Kasamahan at itinala
ng maraming mga pantas na Sunni. Ilan sa mga
tanyag na pinagmumulan ng hadith na ito
ay ang mga sumusunod:
q alHakim
alNayshaburi,
alMustadrak `ala al-Sahihayn
(Beirut), tomo 3, pp. 109-110, 148, 533).
Kanyang malinaw na sinabing ang hadith na
ito’y sahih sang-ayon sa mga batayan ni
alBukhari at Muslim; sinang-ayunan ni
alDhahabi ang kanyang hatol.
q Muslim,
al-Sahih, (Traduksyong
Ingles), aklat 031, bilang 5920-3
q alTirmidhi,
al-Sahih, tomo 5, pp.
621-2, bilang 3786, 3788; tomo 2, p. 219
q al-Nasa’i,
Khasa'is ‘Ali ibn Abi Talib,
hadith bilang 79
q Ahmad
ibn Hanbal,
al-Musnad, tomo 2, pp.
14, 17, 26; tomo 3, pp. 26, 59; tomo 4, p. 371;
tomo 5, pp. 181-2, 189-190
q Ibn
al‘Athir,
Jami` alusul, tomo 1,
p. 277
q Ibn
Kathir,
alBidayah wa alnihayah,
tomo 5, p. 209. Kanyang sinipi ang kasabihan ni
al-Dhahabi at ipinahayag na ang hadith na
ito ay sahih.
q Ibn
Kathir,
Tafsir al-Qur’an al-‘Azim,
tomo 6, p. 199
q Nasir
al-Din al-Albani,
Silsilat al-Ahadith al-Sahiha
(Kuwait: al-Dar al-Salafiyya), tomo 4, pp.
355-8. Maraming mga tanikala ng mananalaysay ang
kanyang itinala na itinuturing niyang
kapanipaniwala.
Para sa hadith na ito, marami pang mga
batayan na hindi posibleng itala rito.
Hindi ba sinabi ng Propeta (s),
“Iiwan ko sa inyo ang Aklat ng Allah at ang
aking Sunnah”?
Ito ay isang popular na maling palagay. Ang
katotohanan ay walang matibay na batayan para sa
pangungusap na ito na ipinapalagay na mula sa
Panghimakas na Sermon ng Propeta (s).
Ito’y ganapang hindi matatagpuan sa anim na mga
aklat ‘Sihah’! Ang bersyon ni Malik sa
kanyang
Muwatta’, Ibn Hisham
sa
Sirat Rasul
Allah, at mula sa
kanya sa
Tarikh ni al-Tabari ay
puro may kakulangan sa mga tanikala ng
mananalaysay na may maraming mga kawing nawawala!
Ang ibang mga bersyon na may ganap na tanikala
ng mananalaysay (isnad) – na masyadong
kaunti – ay naglalaman ng mga mananalaysay nang
walang-tutol na itinuturing hindi
mapagkatiwalaan ng mga pangunahing pantas na
Sunni sa rijal. Ang mga kapansin-pansing
katotohanang ito ay maaring mapatunayan ng mga
interesado sa pananaliksik sa pamamagitan ng
pagsangguni sa mga may-kaugnayang aklat.
Malinaw na walang nagsasabi na ang Sunnah
ng Propeta (s) ay hindi nararapat na
sundin. Gaya ng ating sinabi, nais ng Propetang
(s) sumangguni ang mga Muslim sa kanyang
Ahl al-Bayt bilang mapagkatiwalaan, puro
at walang-salang batayan para sa kanyang
Sunnah.
Ano ang natatangi sa Pamilya ng
Propeta (s)?
Nang ang bersikulong "(O Muhammad) Sabihin
mo, ‘Wala akong hinihinging anumang gantimpala
para dito (pagpahayag ng mensahe ng Allah) kundi
ang pagmamahal sa mga malalapit (kong)
kamag-anak’” (42:23) ay ipinahayag,
itinanong ng mga Muslim sa Propeta: “Sinu-sino
itong iyong mga malalapit na kamag-anak na
obligatoryo ang pagmamahal sa kanila?” Kanyang
isinagot, “Si ‘Ali, Fatimah, at ang kanilang
dalawang anak na lalaki.”
q
alHakim
alNayshaburi,
alMustadrak `ala al-Sahihayn,
tomo 2, p. 444
q
al-Qastallani,
Irshad al-Sari Sharh Sahih al-Bukhari,
tomo 7, p. 331
q
al-Suyuti,
al-Durr al-Manthur,
tomo 6, pp. 6-7
q
al-Alusi
al-Baghdadi,
Ruh al-Ma’ani, tomo
25, pp. 31-2
Ang katapatan at kabutihan ng mga Ahl al-Bayt
ay lalong pinatunayan ng Qur’an sa panahon ng
pagtatalo sa pagitan ng Propeta (s) at
mga Kristiano ng Najran. Nang ang bersikulong
ito’y ipinahayag, “Ngunit sinuman ang
makipagtalo sa iyo hinggil dito pagkatapos ng
pagpahayag ng kaalaman sa iyo, sabihin mo sa
kanila: ‘Halikayo at ating tawagin ang inyong
mga anak na lalaki at aming mga anak na lalaki,
ang inyong mga kababaihan at aming mga
kababaihan, ang mga malapit sa inyo at mga
malapit sa amin, at pagkatapos tayo ay taimtim
na magdasal at ating ipanalanging isumpa ng
Allah ang mga sinungaling’” (3:61), tinawag
ng Propeta (s) sina ‘Ali, Fatimah, al-Hasan
at al-Husayn at kanyang sinabi: ‘O Allah, sila
ang aking Pamilya (Ahli)’.
q Muslim,
al-Sahih, (Traduksyong
Ingles), aklat 031, bilang 5915
q alHakim
alNayshaburi,
alMustadrak `ala al-Sahihayn,
tomo 3, p. 150. Kanyang isinaad na ito’y
sahih ayon sa mga batayan ni al-Bukhari at
Muslim
q Ibn
Hajar al-‘Asqalani,
Fath al-Bari Sharh Sahih al-Bukhari,
tomo 7, p. 60
q al-Tirmidhi,
al-Sahih, kitab al-manaqib,
tomo 5, p. 596
q Ahmad
b. Hanbal,
al-Musnad, tomo 1, p.
185
q al-Suyuti,
History of Khalifas Who Took The Right Way
(London, 1995), p. 176
Hindi ba sapat na igalang lang
ang Ahl al-Bayt?
Sapat lang bang igalang ang Qur’an? Sa katiyakan,
ang mga Muslim ay walang ibang alternatibo kundi
ang sumunod nito bilang pinanggagalingan ng
banal na patnubay sa lahat ng mga bagay.
Ang Propeta Muhammad (s) ay nag-iwan ng
dalawang mga bagay bilang pamana sa mga Muslim,
at siya’y nangakong ang mga ito’y hinding-hindi
maghihiwalay hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Sa
pamamagitan ng pagparis ng Ahl al-Bayt sa
Qur’an, ang Propeta (s) ay nagsasabi sa
ating hindi lamang igalang ang mga ito, kundi
alamin ang kanilang mga paliwanag hinggil sa
doktrina ng Islam, mga gawi, hadith, at
tafsir.
“Pagmasdan! Ang aking Ahl al-Bayt ay
kahalintulad ng Arka ni Noah. Sinumang lululan
dito ay ligtas, at sinumang tatalikod dito ay
malipol.”
q alHakim
alNayshaburi,
alMustadrak `ala al-Sahihayn,
tomo 3, p. 151 at tomo 2, p. 343. Kanyang
isinaad na ito’y sahih ayon sa mga
batayan ni Muslim
q al-Suyuti,
al-Durr al-Manthur,
tomo 1, pp. 71-72
q Ibn
Hajar al-Makki,
al-Sawa’iq al-Muhriqa,
p. 140. Kanyang isinaad na ang tradisyong ito ay
nagmula sa maraming mga tanikala ng mananalaysay
na nagpatibay sa bawat isa
Sinu-sino ang mga nabibilang sa
Ahl al-Bayt?
Ating ipinakita na ang Pamilya ng Propeta (s)
– na pinapaghalinihinan ding tinutukoy bilang
Ahl al-Bayt, ‘Itrah at Aal –
ay kabilang ang kanyang babaeng anak na si
Fatimah al-Zahra’, ang asawa nitong si Imam
‘Ali, at ang kanilang mga anak na Imam al-Hasan
at al-Husayn (‘a). Ang limang mga
miyembro ng Pamilyang ito, ang Propeta Muhammad
(s) bilang pinuno, ay ang mga buhay sa
panahon nang ang mga bersikulong Qur’an hinggil
sa kanilang katangian ay ipinahiwatig sa Propeta
(s). Subalit, siyam pang mga Imam mula sa
angkan ni Imam al-Husayn (‘a) ay kabilang
sa hinirang na Pamilyang ito, na ang pinakahuli
nito ay ang Imam al-Mahdi (‘a). Sinabi ng
Propeta (s):
q “Ako,
si ‘Ali, al-Hasan, al-Husayn at anim sa mga
angkan ni al-Husayn ay ang mga dalisay at
walang-sala.” [al-Juwayni,
Fara'id al-Simtayn,
(Beirut, 1978), p. 160. Ating punain na ang
kabantugan ni al-Juwayni bilang isang pantas sa
hadith ay pinatunayan ni al-Dhahabi sa
Tadhkirat al-Huffaz,
tomo 4, p. 298, at ni Ibn Hajar al-‘Asqalani rin
sa
al-Durar al-Kaminah,
tomo 1, p. 67]
q “Ako
ang hepe ng mga Propeta at si ‘Ali ibn Abi Talib
ang hepe ng mga kahalili, at ang aking mga
kahalili ay dalawampu, ang pangunahin sa kanila
bilang si ‘Ali ibn Abi Talib at ang huli bilang
ang al-Mahdi.” [al-Juwayni,
Fara'id al-Simtayn,
p. 160]
q "Ang
Al-Mahdi kabilang sa aming Ahl al-Bayt” at “Ang
al-Mahdi ay magmumula sa aking pamilya, sa
angkan ni Fatimah.” [Ibn Majah,
al-Sunan, tomo 2, p.
519, bilang 4085-6; Abu Dawud,
al-Sunan,
tomo 2, p. 207]
Bakit pala ang mga Asawa ng
Propeta (s)?
Ang bersikulo ng pagdalisay, “Sa katotohanan,
nais lamang ng Allah na…” ay ipinahayag sa
Propeta (s) sa tahanan ng kanyang asawang
Umm Salama (pagpalain nawa siya ng Allah);
tinawag ng Propeta si al-Hasan, al-Husayn,
Fatimah at ‘Ali, at tinipon niya silang lahat at
tinakpan ng manta. Pagkatapos, kanyang sinabi,
“O Allah, sila ang aking Ahl al-Bayt,
kaya ilayo mo sila sa anumang kasagwaan, at
dalisayin mo sila nang lubusan.” Itinanong ni
Umm Salama, “Ako ba’y kabilang sa kanila, O
Apostoles ng Allah?” Sinabi ng Propeta (s),
“Manatili ka sa iyong katayuaan, at ikaw ay
mabuti.”
q al-Tirmidhi,
al-Sahih, tomo 5, pp.
351, 663
q alHakim
alNayshaburi,
alMustadrak `ala al-Sahihayn,
tomo 2, p. 416. Kanyang sinabi na ito ay
sahih (kapanipaniwala) sang-ayon sa mga
batayan ni al-Bukhari
q al-Suyuti,
al-Durr al-Manthur,
tomo 5, p. 197
Ang simulan ng besikulo 33:33 at ang mga sumunod
ng kataga ay ipinahayag sa mga asawa ng Propeta
(s) ayon sa mga pangbabaeng panghalip na
ginamit. Subalit, sa bersikulo ng pagdalisay,
ang kasarian ay naging panglalaki o para sa
magkahalong kasarian. Ito ay nagpapatunay lamang
na ang bersikulong ito ay magkahiwalay na
ipinahayag sa natatanging mga tao.
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam
ayon sa paliwanag ng Ahl al-Bayt, dumalaw
sa:
http://al-islam.org/faq/
|