|
Ano ang Sinasabi ng mga Hindi Muslim hinggil sa
Islam, ANG PINAKAMABILIS NA LUMAGONG RELIHIYON
SA MUNDO
Posted: April 27,
2005
“Yaong mga nakikinig sa pulong at sumusunod sa
pinakamabuti nito; sila yaong mga pinatnubayan
ng Allah, at yaong mga pinagkalooban ng unawa.”
(Qur’an
39:18)
Ito
ay isang koleksiyon ng maiikling mga sipi mula
sa iba’t ibang mga tanyag na hindi Muslim,
kabilang ang mga akademiko, manunulat, pilosopo,
manunula, politiko, at aktibista ng Silangan at
Kanluran. Sa aming pagkakaalam, walang sinuman
sa kanila ang naging Muslim. Kaya, ang mga
katagang ito’y nagpapakita ng kanilang personal
na pananaw hinggil sa iba’t ibang aspeto ng
relihiyong Islam.
Bertrand Russell
(1872-1970) Isang pilosopo, matematiko, at
laureadong Nobel na Britanyong kanyang
pagbibigay-diin sa makatwirang pagsusuri ay may
malawakang impluwensiya sa takbo ng ika-20
siglong pilosopiya.
q
“Ang
ating paggamit ng pararilang ‘Panahon ng
Kadiliman’ na sumasaklaw sa panahong mula 699
hanggang 1,000 ay nagpapahiwatig ng ating labis
na pagbubuhos ng buong isip sa Kanlurang Europa…
Mula India hanggang Espanya, ang maluningning na
kabihasnang Islam ay yumabong. Sa naturang
panahon ang anumang nawala sa sandaigdigang
Kristiyanismo ay hindi nawala sa kabihasnan,
ngunit ang kabaliktaran… Para sa atin tila ba
ang kabihasnang Kanluran-Europa ay kabihasnan;
subalit ito ay makitid na pananaw.”
[History
of Western Philosophy, London, 1948, p. 419]
¬
¬
¬
¬
¬
Hamilton Alexander Roskeen Gibb
(1895-1971) Isang pangunahing pantas na
oryentalista sa kanyang panahon
q
“Ngunit ang Islam ay mayroon pang karagdagang
maipaglilingkod para sa kapakanan ng
sangkatauhan. Samakatuwid ito ay mas malapit
kaysa sa Europa sa tunay na Silangan, at ito ay
nagtataglay ng isang maringal na tradisyon ng
pagkakaunawaan at pakikipagdamayan ng iba’t
ibang lahi. Walang ibang lipunang may ganoong
kasaysayan ng tagumpay sa pag-iisa ng napakarami
at magkakaibang lahi ng sangkatauhan sa
pagkakapantay ng katayuan, opurtunidad at
pagpupunyagi… Ang Islam ay mayroong kakayahang
pagkasunduin ang mga tila hindi mapagkasundong
elemento ng lahi at tradisyon. Kung ang di
pagkakasundo sa pagitan ng mga dakilang lipunang
Silangan at Kanluran ay halinhan ng
pakikipagdamayan, ang pamamagitan ng Islam ay
isang kailangang kondisyon. Sa mga kamay nito
malawakang nakasalalay ang kalutasan ng
suliranin ng Europa hinggil sa ugnayan nito sa
Silangan.”
[Whither
Islam, London, 1932, p. 379.]
q
“Na
ang kanyang (Muhammad) mga reporma ay nagpabuti
sa pangkalahatang katayuan ng mga kababaihan ay
tinatanggap sa buong daigdig.”
[Mohammedanism,
London, 1953, p. 33]
¬
¬
¬
¬
¬
James A. Michener
(1907-1997) Pangunahing manunulat na Amerikano;
nakatanggap ng pandangal na doktorado sa limang
larangan mula sa 30 pangunahing unibersidad at
sinabitan ng Medalyang Pangpangulo para sa
kalayaan, ang pinakamataas na gantimpalang
pangsibilyan sa Amerika.
q
“Sa
kasaysayan walang ibang relihiyong kasingbilis
ng Islam sa paglaganap. . . Ang Kanluran ay
malawakang naniniwala na ang silakbong ito ng
relihiyon ay nangyari sa pamamagitan ng espada.
Subalit walang pangkasalukuyang pantas ang
tumatanggap ng kuru-kurong ito, at ang Qur’an ay
malinaw sa pagtaguyod nito sa kalayaan ng budhi.”
[Islam
- The Misunderstood Religion, Readers’
Digest (Edisyon sa Amerika) Mayo 1955]
¬
¬
¬
¬
¬
Edward Gibbon
(1737-1794) Itinuring na pinakamagiting na
mananalaysay na Britanyo sa kanyang panahon.
q
“‘Ako’y naniniwala sa Nag-iisang Diyos at si
Mohammed ay Kanyang Sugo,’ ang simple at di
nagbabagong pagpapahayag ng paniniwala sa Islam.
Ang pangkaisipang larawan ng Panginoon ay
hinding-hindi naibaba sa pamamagitan ng anumang
nakikitang anito; ang mga kapurihan ng propeta
ay hinding-hindi lumabag sa panukatan ng
kabutihang pangtao, at ang kanyang mga
panuntunan sa buhay ay pumigil sa pasasalamat ng
kanyang mga disipulo sa loob ng saklaw ng
kaisipan at relihiyon.”
[History
of the Saracen Empire, London, 1870, p. 54]
q
“Mas
banal kaysa sa tuntunin ni Zoroaster, mas
liberal kaysa sa batas ni Moises, ang relihiyon
ni Mahomet ay tila mas hindi salungat sa
kaisipan kaysa sa kredo ng misteryo at pamahiin
na sa ika-7 siglo ay nagdulot ng kahihiyan sa
simplidad ng mga ebanghelyo.”
[The
History of the Decline and Fall of the Roman
Empire, tomo 5, p. 487]
¬
¬
¬
¬
¬
Jared Diamond
Propesor ng Pisyolohiya sa Kolehiya ng Medisina
ng UCLA; nakatanggap ng Gantimpalang Pulitzer
para sa Pangkalahatang Di-Katha sa taong 1998.
q
“Ang
Islam sa panahong medyoebal ay maunlad sa
larangan ng teknolohiya at bukas para sa
pagbabago. Nagtamo ito ng mga antas sa literasi
na malayong mataas kaysa sa kasalukuyang Europa;
nilagom nito ang legado ng klasikal na
kabihasnang Griyego sa hangganang maraming mga
klasikal na aklat na ating batid ngayon sa
pamamagitan lamang ng mga kopyang Arabe. Lumikha
ito ng mga mulino, trigonometriya, triyanggulong
layag, at nagkamit ng mga mahalagang pag-unlad
sa metalurhiya, pangmakina at kimikong
pamamatnugot at sa mga paraan sa patubig. Noong
mga kalagitnaang panahon ang daloy ng
teknolohiya ay malawakang mula Islam patungong
Europa kaysa sa mula Europa patungong Islam.
Pagkalipas lamang ng siglong 1500 nang ang
kabuuang daloy ay naging pasaliwa.”
[Guns,
Germs, and Steel - The Fates of Human Societies,
1997, p. 253]
¬
¬
¬
¬
¬
Annie Besant
(1847-1933) Teosopista at pinunong
nasyonalistang Britanyo sa India. Pangulo ng
Batasang Pambansa ng India sa taong 1917.
q
“Madalas kong naiisip na ang babae ay mas malaya
sa Islam kaysa sa Kristiyanismo. Ang babae ay
mas kinakalinga ng Islam kaysa ng
pananampalatayang humihikayat ng Monogamiya. Sa
Qur’an ang batas hinggil sa kababaihan ay mas
makatwiran at liberal. Sa nakalipas na
dalawampung taon lamang na ang Kristiyanang
Inglatera ay kumilala sa karapatan ng kababaihan
sa pag-aari samantalang tinanggap ng Islam ang
karapatang ito mula sa simula.”
[The
Life and Teachings of Muhammad, Madras,
1932, pp. 25-26]
¬
¬
¬
¬
¬
Sarojini Naidu
(1879-1949)
Isang
manunulat, manunula, at isa sa mga pinakatanyag
na pinuno ng India bago nakamit nito ang
kalayaan. Pangulo ng Batasang Pambansa ng India
at unang babaeng gobernador ng malayang India.
q
“Diwa
ng katarungan ay isa sa mga pinakakahangahangang
mithiin ng Islam, dahil sang-ayon sa aking
nababasa sa Qur’an natatagpuan ko ang mga
dinamikong prinsipyo sa buhay na ito na hindi
mistiko kundi kapakipakinabang na tuntunin para
sa araw-araw na pangangasiwa sa buhay na naaayon
sa buong mundo.”
q
“Ito
ang kaunaunahang relihiyong humikayat at
nagpatupad ng demokrasya dahil sa loob ng
maskita kapag ang katawagan para sa pagdarasal
ay isinawaga at ang mga mananampalaya ay maipon,
ang demokrasya ng Islam ay inilalarawan limang
beses araw-araw kung saan ang magsasaka at ang
hari ay magkakatabing lumuluhod at nagsasabi:
“Ang Panginoon lamang ang Dakila.” Madalas
kumikintal sa aking isipan ang matatag na
pagkakaisang ito sa Islam na tumuturing sa tao
bilang tunay na kapatid.”
[Mga
panayam hinggil sa “Ang mga Mithiin ng Islam”;
basahin ang Speeches and Writings of Sarojini
Naidu, Madras, 1918, pp. 167-9]
¬
¬
¬
¬
¬
Arnold J. Toynbee
(1889-1975) Mananalaysay na Britanyo,
Tagapanayam sa Unibersidad ng Oxford.
q
“Ang
kawalan ng kamalayan sa lahi sa pagitan ng mga
Muslim ay isa sa mga kahangahangang tagumpay ng
Islam, at sa kasalukuyang mundo nangyayari na
may matinding pangangailan para sa
pagpapalaganap ng Islamikong birtud na ito.”
[Civilization
on Trial, New York, 1948, p. 205]
¬
¬
¬
¬
¬
William Montgomery Watt
(1909- ) Propesor (Emerito) ng Arabe at
Pag-aaral sa Islam sa Unibersidad ng Edinburgh.
q
“Ako
ay hindi Muslim sa pangkaraniwang pagkakaunawa
bagama’t pinapangarap kong ako ay isang Muslim
bilang “isang taong sumusuko sa Panginoon,”
subalit naniniwala ako na yaong nilalaman ng
Qur’an at iba pang mga kasabihan ng pananaw na
Islamiko ay mga malawak na tinggalan ng dakilang
katotohanan na kung saan tayong mga
taga-kanluran ay maraming matutunan, at ang
Islam ay tiyak na malakas na tagahamon para sa
pagtustos ng saligang balangkas ng nag-iisang
relihiyon sa hinaharap.”
[Islam
and Christianity Today, London, 1983, p.
ix]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
relihiyon ng Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/
|