smeri

A place where... learning and teaching are a joint and continuous endeavor                              A place where... you can be both a teacher and a student
SMERI > Research Bureau > Writing and Translation Department

Ang Propeta (s) Ba’y Humirang ng Kahalili?

Posted: April 27, 2005

 

 

“O Sugo! Ipahayag ang ipinadala sa iyo ng iyong Panginoon; at kung hindi mo tuparin, hindi mo naipahayag (sa kabuuan) ang Kanyang Mensahe; at kalingain ka ng Allah mula sa mga tao.”

(Qur’an: Kabanata 5, Bersikulo 67)

 

Ang mga Shi‘ah ay naniniwala na ang proklamasyong nabanggit ng bersikulo ng Qur’an ay tinupad ng Propeta (s) nang hirangin niya ang Imam ‘Ali ibn Abi Talib (‘a) bilang kanyang kahalili sa araw ng Ghadir Khumm.

 

Anong naganap sa araw ng Ghadir Khumm? 

Ang Ghadir Khumm ay isang lugar na ilang milyang layo mula sa Makkah patungong Madinah. Nang mapadaan ang Propeta (s) sa naturang lugar noong 18 Dhu’l-Hijja (10 Marso 632) mula sa kanyang Peregrinasyong Pahimakas, ang bersikulong “O Sugo! Ipahayag ang ipinadala...” ay ipinahayag.  Kaya huminto siya upang magsagawa ng palathala sa mga peregrinong sumama sa kanya mula sa Makkah at yaong hihiwalay mula sa naturang salikop patungo sa kani-kanilang mga destinasyon. Sa pamamagitan ng mga kautusan ng Propeta (s) isang natatanging pulpitong gawa sa mga sanga ng punong-kahoy ay itinayo para sa kanya. Pagkatapos ng pananghaliang pagdarasal ang Propeta’s (s) umupo sa pulpito at isinagawa ang kanyang huling pampublikong talumpati sa pinakamalaking pagtitipon bago siya yumaon pagkalipas ng tatlong buwan.

 

Ang kasukdulan ng kanyang sermon ay nang, habang itinataas ang kamay ng Imam ‘Ali (‘a), ang Propeta (s) ay nagtanong sa kanyang mga tagasunod kung siya ba’y mas makapangyarihan (awla) sa mismo mga naniniwala. Ang madla ay may iisang sagot: “Ganoon nga, O Apostoles ng Allah”. 

 

At ipinahayag niya: “Sinumang ako’y kanyang pinuno (mawla), si ‘Ali ay kanya ring pinuno (mawla).  O Panginoon, maging kaibigan Ka nawa ng siyang kaibigan niya, at kaaway ng sinumang kanyang kaaway.”

 

Pagkatapos ng talumpati ng Propeta (s), kaagad-agad na naipahayag ang sumusunod na bersikulo:

 

Ngayon, nilubos Ko ang inyong relihiyon at ginanap Ko ang Aking grasya sa inyo at malugod Akong Islam ang inyong relihiyon. (Qur’an 5:3)

 

Pagkatapos ng kanyang talumpati, inatasan ng Propeta (s) ang bawat isang sumumpa ng katapatan kay ‘Ali (‘a) at batiin siya. Kabilang sa mga nagsagawa nito ay ang ‘Umar ibn al-Khattab na nagsabing: “Mahusay Ibn Abi Talib! Ngayon, ikaw ang naging pinuno ng lahat ng mga mananampalatayang lalaki at babae.”

 

Isang Arabong nakarinig ng kaganapan sa Ghadir Khumm ay lumapit sa Propeta (s) at nagsabi: “Inutusan mo kaming sumaksi na walang ibang bathala maliban sa Allah at ikaw ay Sugo ng Allah. Kami’y sumunod sa iyo. Inutusan mo kaming magdasal limang beses araw-araw at kami’y sumunod. Inutusan mo kaming mag-ayuno sa buwan ng Ramadan at kami’y sumunod. At inutusan mo kaming magperegrino sa Makkah at kami’y sumunod. Subalit hindi ka pa kontento sa lahat ng mga ito at itinaas mo ang kamay ng iyong pinsan at ipinagpilit siya sa amin bilang aming pinuno sa pagsabing ‘si ‘Ali ay mawla ng sinumang ako’y kanyang mawla.’ Ang pamimilit bang ito’y mula sa Allah o sa iyo?”  Ang Propeta’y (s) nagsabi: “Sumusumpa ako sa Allah na natatanging Panginoon! Ito’y mula sa Allah, ang Dakila at Mahabagin.”

 

Nang marinig ang naturang sagot, ang lalaki ay tumalikod at tumungo sa kanyang kamelyo at nagsasabi: “O Allah! Kung ang sinasabi ni Muhammad ay wasto, pukulan mo kami ng bato mula sa langit at parusahan mo kami ng matindi.” Hindi siya umabot sa kanyang kamelyo nang mapukulan siya ng batong tumama sa kanyang ulo at lumagos sa kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Sa pangyayaring ito nang ipahayag ng Dakilang Allah ang sumusunod ng mga bersikulo:

 

Isang nagtatanong ay nagtanong tungkol sa kaparusahang darating. Para sa mga di naniniwala, walang anumang makahadlang nito mula sa Allah, Ang Panginoong Kataastaasan. (Qur’an 70:1-3)

 

Ang mga pantas na Sunni ba’y tumuturing sa pangyayaring ito bilang kapanipaniwala? 

Ang bilang ng mga awtoridad na Sunni na nagsalaysay ng pangyayaring ito, puspusan o buod man, ay kahanga-hanga!  Itong makasaysayang pangyayari ay isinalaysay ng 110 Kasamahan ng Propeta (s), 84 Kahalili (Tabi’in) mula sa sumunod na henerasyon at ng maraming mga pantas ng mundong Islamiko, mula sa una hanggang ika-14 siglo AH (ika-7 hanggang ika-20 siglo CE).

 

Sinasaklaw lamang ng mga estadistikang ito yaong mga tagapaglahad na nasa mga salaysay na naitala ng mga pantas na Sunni!

 

Isang napakaliit na seksiyon ng mga pinagmumulan ay naitala sa ibaba. Marami sa mga pantas na ito’y hindi lamang sumipi ng pagpahayag ng Propeta (s) kundi tinuring pa itong kapanipaniwala:

q       al­Hakim al­Neyshaburi, al­Mustadrak `ala al-Sahihayn (Beirut), tomo 3, pp. 109-110, 133, 148, 533. Malinaw niyang ipinahayag na ang tradisyon ay sahih ayon sa mga batayan ni al­Bukhari at Muslim; Sinag-ayunan ni al­Dhahabi ang kanyang hatol.

q       al­Tirmidhi, Sunan, (Cairo), tomo 5, p. 633

q       Ibn Majah, Sunan, (Cairo, 1952), tomo 1, p. 45

q       Ibn Hajar al-‘Asqalani, Fath al-Bari bi Sharh Sahih al-Bukhari (Beirut, 1988), tomo. 7, p. 61

q       Al-‘Ayni, ‘Umdat al-Qari Sharh Sahih al-Bukhari, tomo. 8, p. 584

q       Ibn al­‘Athir, Jami` al-‘Usul, i, 277, bilang 65

q       Al-Suyuti, al-Durr al-Manthur, tomo 2, pp. 259, 298

q       Fakhr al-Din al-Razi, Tafsir al-Kabir, (Beirut, 1981), tomo 11, p. 53

q       Ibn Kathir, Tafsir Qur’an al-‘Azim, (Beirut), tomo 2, p. 14

q       Al-Wahidi, Asbab al-Nuzul, p. 164

q       Ibn al-‘Athir, Usd al-Ghaba fi Ma’rifat al-Sahaba, (Cairo), tomo 3, p. 92

q       Ibn Hajar al-‘Asqalani, Tahdhib al-Tahdhib, (Hyderabad, 1325), tomo 7, p. 339

q       Ibn Kathir, al-Bidayah wa al-Nihayah, (Cairo, 1932), tomo 5, p. 213, tomo 7, p. 340

q       Al-Tahawi, Mushkil al-Athar, (Hyderabad, 1915), tomo 2, pp. 308-9

q       Nur al-Din al-Halabi al-Shafi‘i, al-Sirah al-Halabiyya, tomo 3, p. 337

q      Al-Zurqani, Sharh al-Mawahib al-Ladunniyya, tomo 7, p. 13

 

Subalit ang salitang mawla ba’y hindi nangangahulugang kaibigan? 

Bagama’t napakaraming mga pantas na Sunni mula sa lahat ng mga panahon at pananaw ay nagpapatibay sa pangyayari at ang mga makasaysayang salita ng Propeta (s), nahihirapan silang ipagtugma ito sa kung anumang talagang naganap paglisan ng Propeta (s). Hindi masasaklaw ng maikling kasulatang ito ang detalye ng yaong mga pangyayari. Ang mahalagang punto’y maraming mga pantas na Sunni ang nagpapahayag na ninanais lamang ng Propetang (s) ipahayag si ‘Ali (‘a) bilang kaibigan at katulong ng mga Muslim! 

 

May maraming aspeto ang kaganapang itong nagpapakitang ito’y may mas higit pang halaga. Ang pagpahayag ng iba’t ibang mga bersikulo ng Qur’an, ang malaking pagtitipon, ang huling mga yugto ng buhay ng Propeta (s), ang pagpapatunay ng mga taong ang Propeta (s) ay mas makapangyarihan, ang sumunod na mga pagbati ni ‘Umar, at iba pang mga salik na mahirap saklawin ng maikling kasulatang ito, ay puro nagpapahiwatig sa pangyayari bilang paghihirang sa kahalili ng Propeta (s). Malinaw na ang salitang mawla ay ginagamit sa kahulugang kapangyarihang ganap paglipas ng Propeta (s) kabilang ang, ngunit hindi lamang, kapangyarihang temporal.

 

Ang Huling Kataga 

Kung mayroon pang natitirang pagdududa hinggil sa pangkasaysayang halaga ng pahayag na ito at sa mga pagsisikap ng ilang mga taong maikubli ito, maging ito ang huling kataga:

 

Sa panahon ng kanyang pagiging Kalipa at ilang dekada paglipas ng pangyayari sa Ghadir, nang sabihin ng Imam ‘Ali (‘a) kay Anas ibn Malik, ang Kasamahan ng Propeta (s): “Bakit hindi ka tumatayo at magsaksi sa anumang iyong narinig mula sa Sugo ng Allah sa araw ng Ghadir?” Sumagot siya, “O Amir al-Mu’minin! Tumanda na ako at makalimutin.” Pagdaka’y sinabi ni ‘Ali (‘a): “Markahan ka sana ng Allah ng maputing bakas (ng ketong) na hindi maikukubli ng iyong turban, kung sinasadya mong bimbinin ang katotohanan.” At bago pa man nakatayo si Anas sa kanyang pagkakaupo, tinubuan siya ng malaking markang puti sa kanyang mukha.

 

q       Ibn Qutaybah al-Dinawari, Kitab al-Ma’arif, (Cairo, 1353 AH), p. 251

q       Ahmad ibn Hanbal, al-Musnad, tomo. 1, p. 119

q       Abu Nu‘aym al-Isfahani, Hilyat al-Awliya', (Beirut, 1988), tomo. 5, p. 27

q       Nur al-Din al-Halabi al-Shafi‘i, al-Sirah al-Halabiyya, tomo. 3, p. 336

q       Al-Muttaqi al-Hindi, Kanz al-‘Ummal, (Halab, 1969-84), tomo. 13, p. 131

 

Para sa detalyadong kaalaman hinggil sa pangyayari sa Ghadir Khumm, dumalaw sa:

 

http://al-islam.org/ghadir/

 

For any comment, email: [email protected].
Copyright © SM Educational & Research Institute (SMERI), 2005. All rights reserved.
Home
SMeRI in Brief
library
education Bureau
research Bureau
external Bureau

 

Download the PDF version of this fact sheet.

 

 

 ---oOo---

 

Who and Why ?

To help provide quality Islamic knowledge available in as many world languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)

To encourage those without enough time or inclination for reading books to explore the various topics in brief.

How ?

One

Download and print the fact sheet.

Two

Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as are required.

Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the middle.

Three

Distribute
Where ?

Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.

Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep these Fact Sheets handy.

Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with each purchase.

Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that you come across, such as those in many airports.

Are you a student? Hand out or leave copies at your school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some in study rooms and cafeterias.

Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets as appropriate.

Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If so, pass them on.


Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means listed above.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1