|
Bakit Shi'ah?
Posted: April 27,
2005
“At sama-sama kayong humawak nang taimtim sa
Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay.”
(Qur’an 3:103)
Ang katawagang “Shi‘ah” ay isang pang-uring
ginagamit ng mga Muslim na sumusunod sa mga Imam
mula sa Pamilya ng Propeta (Ahl al-Bayt).
Ginagamit nila ito hindi sa dahilang
sektaryanismo o di kaya ay pagdulot ng hidwaan
sa pagitan ng mga Muslim. Ginagamit nila ito sa
dahilang ang Qur’an ay gumagamit nito, the
Propeta Muhammad (s) ay gumamit nito, at
ang mga naunang Muslim ay gumamit nito – noong
ang mga salitang tulad ng Sunni o
Salafi ay hindi pa umiiral.
Shi‘ah sa Qur’an
Ang
salitang “Shi‘ah” ay nangangahulugang “mga
tagasunod; mga kasapi ng isang partido”.
Nabanggit ng Allah sa Qur’an na ilan sa Kanyang
mga tapat na alipin ay Shi‘ah ng Kanyang ibang
mga tapat na alipin.
At si Abraham ay tiyak na kabilang sa mga Shi‘ah
niya (ni Noah)
(Qur’an
37:83)
At siya (si Moises) ay tumungo sa lungsod sa
panahong ang mga tao (ng lungsod) ay hindi
nakamasid, kaya nakatagpo siya roon ng dalawang
taong nag-aaway, ang isa ay kanyang Shi‘ah at
ang ikalawa ay kanyang kaaway, at ang kanyang
Shi‘ah ay humingi sa kanya ng tulong laban sa
kanyang kaaway
(Qur’an
28:15)
Samakatwid, Shi‘ah ay isang salitang opisyal na
ginamit ng Qur’an para Kanyang mga Propetang may
mataas ng kalagayan at maging sa kanilang mga
tagasunod.
Kaya kung ang tao ay isang Shi‘ah (tagasunod) ng
mga aliping lubos na tapat, walang masama sa
pagiging Shi‘ah. Sa kabilang dako, kung ang tao
ay magiging Shi‘ah ng isang taong mang-aapi o
masama, makakamit niya ang tadhana ng kanyang
pinuno. Ang Qur’an ay nagpapahiwatig na sa Araw
ng Paghuhukom ang mga tao ay pangkat-pangkat na
darating, at ang bawat pangkat ay may pinuno sa
kanilang harapan. Sinasabi ng Allah:
(Alalahanin ninyo) ang araw kung kailan
tatawagin Namin ang bawat pangkat ng mga tao
kasama ng kanilang Imam
(Qur’an
17:71)
Sa
Araw ng Paghuhukom, ang kahihinatnan ng “mga
tagasunod” ng bawat pangkat ay nakasalalay sa
kahihinatnan ng kanilang Imam (kung sila ay
talagang sumunod sa naturang Imam). Binanggit ng
Allah sa Qur’an na may dalawang uri ng mga Imam:
At ginawa namin silang mga Imam na umaanyaya
tungo sa apoy, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay
sila’y hindi matutulungan. At lumikha Kami ng
sumpang susunod sa kanila ditto sa mundo, at sa
Araw ng Muling Pagkabuhay sila’y mabibilang sa
mga mukhang kasuklam-suklam
(Qur’an
28:41-42)
Pinapaalalahanan din ng Qur’an na may mga Imam
na hinirang ng Allah bilang mga Patnubay para sa
Sangkatauhan:
At ginawa Namin silang mga Imam upang pumatnubay
sa pamamagitan ng Aming Kautusan nang sila’y
mapagtiyaga, at sila’y tiyak hinggil sa Aming
mga kumunikasyon
(Qur’an
32:24)
Tiyak na ang mga tunay na alagad (Shi‘ah) ng
naturang mga Imam ang talagang mga taong
matagumpay sa Araw ng Muling Pagkabuhay.
Shi‘ah sa Hadith
Sa
kasaysayan ng Islam, “Shi‘ah” ay sadyang
ginagamit para sa mga alagad ng Imam ‘Ali (a).
Ang pariralang ito’y hindi kamakailang kinatha!
Ang unang taong gumamit ng katawagang ito’y ang
mismo Sugo ng Allah (s). Nang ang
sumusunod na bersikulo ng Qur’an ay ipinahayag:
(Hinggil) sa kanilang mga naniniwala at may
mabuting gawa, tiyak na sila ang pinakamabuting
nilalang
(Qur’an
98:7)
Sinabi ng Propeta kay ‘Ali: “Tungkol ito sa
iyo at iyong Shi‘ah.”
Sinabi pa niya: “Sumusumpa ako sa Kanyang may
kapangyarihan sa aking buhay na ang lalaking ito
(‘Ali) at ang kanyang Shi‘ah ay makakamit ng
kaligtasan sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”
q
Jalal al-Din al-Suyuti,
Tafsir al-Durr al-Manthur,
(Cairo) tomo 6, p. 379
q
Ibn Jarir al-Tabari,
Tafsir Jami' al-Bayan,
(Cairo) tomo 33, p. 146
q
Ibn Asakir,
Tarikh Dimashq,
tomo 42, p. 333, p. 371
q
Ibn Hajar al-Haythami,
al-Sawa'iq al-Muhriqah,
kabanata 11, seksiyon 1, pp 246-247
Sinabi ng Propeta (s): “O ‘Ali! (Sa
Araw ng Paghuhukom) ikaw at ang iyong Shi‘ah ay
darating tungo sa Allah na lubos na nagagalak at
ikinagagalak, at darating tungo sa Kanya ang
iyong mga kaaway na galit at matigas ang mga
leeg (ang kanilang mga ulo’y hindi makakagalaw).
q
Ibn al-'Athir,
al-Nihaya fi gharib al-hadith,
(Beirut, 1399), tomo 4, p. 106
q
al-Tabarani,
Mu'jam al-Kabir,
tomo 1, p. 319
q
al-Haythami,
Majma' al-Zawa'id,
tomo 9, numero 14168
Sinabi ng Propeta (s): “Masayang
balita O ‘Ali! Tiyak na ikaw at ang iyong Shi‘ah
ay maparaiso.”
q
Ahmad
ibn Hanbal,
Fadha'il al-Sahaba,
(Beirut) tomo 2, p. 655
q
Abu
Nu'aym al-Isbahani,
Hilyatul Awliya,
tomo 4, p. 329
q
al-Khatib
al-Baghdadi,
Tarikh Baghdad,
(Beirut) tomo 12, p. 289
q
al-Tabarani,
Mu'jam al-Kabir,
tomo 1, p. 319
q
al-Haythami,
Majma' al-Zawa'id,
tomo 10, pp. 21-22
q
Ibn 'Asakir,
Tarikh Dimashq,
tomo 42, pp. 331-332
Ibn Hajar al-Haythami,
al-Sawa'iq al-Muhriqah,
kabanata 11, seksiyon 1, p. 247
Ngunit paano makayang gamitin ng Propeta (s)
ang gayong dibisibong katawagan?
Si Propeta Abraham
(‘a) ba ay mapangkatin? Sina Propeta Noah
at Propeta Moises (‘a) ? Kung ang Shi‘ah
man ay isang dibisibo o mapangkating katawagan,
ang Allah ay hindi gagamit nito para sa Kanyang
mga Propetang may mataas na katayuan at ang
Propeta ay hindi pupuri sa kanila.
Nararapat na
mabigyang diin na ang Propeta (s) ay
magpakailan mang hindi nagnais ng hidwaan sa
pagitan ng mga Muslim. Inatasan niya ang lahat
ng mga taong sumunod sa Imam ‘Ali bilang kanyang
kinatawan habang siya’y buhay, at bilang kanyang
Kahalili at Kalipa pagyaon niya. Sa
kasamaang-palad, kaunti lamang ang mga nakinig
sa mithi ng Propeta at kinikilalang “Shi‘ah ni
‘Ali”. Sila’y pinaranas ng iba’t ibang uri ng
pang-aapi at pagmamalupit, at naghirap mula ng
araw na ang Habag sa Sangkatauhan, ang Propeta
Muhammad (s), ay sumakabilang buhay. Kung
ang lahat lang ng mga Muslim ay tumalima sa
mithiin ng Propeta, wala sanang umiiral na
anumang grupo o pangkat sa Islam. Sa isang
hadith, sinabi ng Propeta:
“Di magtatagal sa aking paglipas alitan at poot
ay lilitaw mula sa inyo, kung ang kalagayang
iyan ay mangyari, lumisan at hanapin ninyo si
‘Ali dahil maibukod niya ang Katotohanan sa
kabulaanan.”
q
‘Ali
Muttaqi al-Hindi,
Kanz al-'Ummal,
(Multan) tomo 2, p. 612, numero 32964
Hinggil sa
bersikulo ng Qur’an na unang sinipi, isinalaysay
ng ilan sa mga pantas na Sunni mula sa Imam
Ja‘far al-Sadiq (‘a), the ika-6 na Shi‘ah
Imam mula sa Pamilya ng Propeta (Ahl al-Bayt),
na:
“Kami ang Lubid ng Allah, tungkol dito sinabi ng
Allah:
At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa
Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay”
q
al-Tha‘labi,
Tafsir al-Kabir,
sa komentaryo ng bersikulo 3:103
q
Ibn Hajar al-Haythami,
al-Sawa'iq al-Muhriqah,
kabanata 11, seksiyon 1, p. 233
Dahil dito, kung
binabatikos man ng Allah ang sektaryanismo,
binabatikos Niya ang mga humiwalay sa Kanyang
Lubid, at hindi yaong mga taimtim na humahawak
nito!
Konklusyon:
Naipakita natin na
ang katawagang Shi‘ah ay ginamit sa Qur’an para
sa mga alagad ng mga aliping magigiting ng
Allah, at sa mga tradisyon ng Propeta, para sa
mga alagad ng Imam ‘Ali. Sinumang sumusunod sa
yaong Patnubay na hinirang ng Panginoon ay
ligtas mula sa mga tunggalian sa relihiyon at
nakadakma sa Lubid na Matibay ng Allah, at
napasakanya ang maligayang balita ng Paraiso.
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw
sa:
http://al-islam.org/faq/
|