|
Ang Mga Mananalaysay na Rafidi Shi‘ah sa Sahih
al-Bukhari
Posted: April 27,
2005
“O
kayong mga naniniwala! Maging maingat sa inyong
mga tungkulin sa Allah at makibilang sa mga
matapat.”
(Qur’an:
Kabanata 9, Bersikulo 119)
Ang pananaw ng Shi‘ah ay sinunod ng mga maraming
naunang pantas ng Islam na kinikilalang mga
tapat at mapagkatiwalaan, at ang kanilang mga
salaysay ng hadith ng Propeta (s) ay
pinagkakatiwalaan ng mga bantog na pantas na
Sunni.
|
Nakatala sa
ibaba ang ilan sa mga pantas na Shi‘ah na
pinagkatiwalaan ni al-Bukhari sa kanyang
Sahih. Kung ating
idaragdag ang iba sa kanila kabilang yaong
mga mananalaysay sa Sahih ni Muslim
at ang iba pang apat sa
Sahih
Sittah
na sumusunod sa paniniwalang Shi‘ah, ang
bilang ay masyadong madaragdagan. Upang
makatipid ng espasyo, ang reperensiya ay
inilaan sa pamagat ng seksiyon (kitab)
sa bawat aklat para sa isang hadith
lamang ng isang tao – ang iba’y matatagpuan
sa pamamagitan ng paggamit ng indeks o di
kaya’y hadith soptwer (software).
Magmula ngayon, mapupuna ng mambabasa ang
katawagang
Rafidi
sa mga sumusunod na talambuhay. Sa kabuuan,
ang mga pantas na Sunni ay tumuturing sa
isang
Rafidi
bilang isang Shi‘ah na bumabatikos o
tumututol nang hayagan sa pagkalehitimo ng
mga Kalipang sinundan ni ‘Ali (‘a).
|
|
‘Ubayd Allah b. Musa al-'Absi
(yumaon 213 AH)
Sahih Bukhari
[kitab al-iman]
Sahih Muslim
[kitab al-'iman]
Sahih al-Tirmidhi
[kitab al-salat]
Sunan al-Nasa'i
[kitab al-sahw]
Sunan Abu Dawud
[kitab al-taharah]
Sunan Ibn Majah
[kitab al-muqaddamah]
|
q
Si Abu Daawood ay nagsabi: “Siya’y isang
marubdob na Shee’ee, ang kanyang mga hadith
ay mapahintulutan… Si Ibn Mandah ay nagsabi:
Laging itinuturo ni Ahmad ibn Hanbal sa mga
tao, at siya’y tanyag sa
Rafd
(tinding pagtangkilik kay ‘Alee), at hindi
niya pinapahintulutang pumasok sa kanyang
bahay ang sinumang tinatawag na ‘Mu‘awiyah’.”
[The
Creed of the Imaam of Hadeeth al-Bukhari and
of the Great Scholars from whom he narrated
(Salafi Publ., UK, 1997), p. 89 mula sa Al-Dhahabi,
Siyar A'lam al-Nubala,
tomo 9, pp. 553-7]
q
“Isang piyadosong tao, isa sa mga mahalagang
pantas na Shi‘ah… kilala ni Yahya b. Ma’in
bilang mapagkatiwalaan, si Abu Hatim ay
nagsabing siya’y mapagkatiwalaan… si ‘Ijli
ay nagsabi: Siya’y isang awtoridad sa Qur’an…”
[Al-Dhahabi,
Tadhkirat al-Huffaz
sa ilalam ng “‘Ubayd Allah b. Musa al-‘Absi”]
|
|
‘Abbad b. Ya‘qub al-Rawajini
(yumaon 250 AH)
Sahih Bukhari
[kitab al-tawhid]
Sahih al-Tirmidhi
[kitab al-manaqib]
Sunan Ibn Majah
[kitab ma ja' fi al-jana'iz]
|
q
Siya’y isang mapagkatiwalaang
Rafidi
at ang kanyang hadith ay nasa (Sahih
ni) al-Bukhari.
[Ibn Hajar al-‘Asqalani,
Taqrib al-Tahdhib,
sa ilalim ng “‘Abbad b. Ya‘qub al-Rawajani”]
q
Si Abu Hatim ay nagsabi: Siya’y isang shaykh,
mapagkatiwalaan. Si Ibn ‘Adi ay nagsabi:
Madalas niyang binabatikos ang Salaf.
Taglay niya ang kasukdulan ng Shi‘ismo. Si
Salih b. Muhammad ay nagsabi: Madalas niyang
binabatikos si ‘Uthman. Narinig ko siyang
nagsabi: “Ang Allah ay mas makatwiran kaysa
yaong papapasukin Niya sa paraiso sina Talha
at al-Zubayr na nakidigma kay ‘Ali
pagkatapos sumumpa ng katapatan kay ‘Ali.”
Si Ibn Hibban ay nagsabi: Isa siyang
Rafidi
na umaanyaya (ng iba sa kanyang paniniwala).
Isinalaysay niya ang hadith na ito…,
“Kung inyong makita si Mu‘awiyah sa aking
pulpito, inyong patayin!”
[Ibn Hajar al-‘Asqalani,
Tahdhib al-Tahdhib,
sa ilalim ng “‘Abbad b. Ya‘qub al-Rawajani”]
|
|
‘Abd al-Malik b. A‘yan al-Kufi
Sahih al-Bukhari
[kitab al-tawhid]
Sahih Muslim
[kitab al-iman]
Sahih al-Tirmidhi
[kitab tafsir al-Qur'an]
Sunan al-Nasa'i
[kitab al-iman wa al-nudhur]
Sunan Abu Dawud
[kitab al-bay‘]
Sunan Ibn Majah
[kitab al-zakah]
|
q
Siya’y
Rafidi
Shi‘i, isa sa (mga lupon) ng opinyon.
[Abu Ja‘far al-‘Uqayli,
Du'afa al-'Uqayli,
sa ilalim ng “‘Abd al-Malik b. A‘yan”]
q
Siya’y
Rafidi,
mapagkatiwalaan (saduq).
[Al-Mizzi,
Tahdhib al-Kamal,
sa ilalim ng "'Abd al-Malik b. A'yan"]
q
Si Al-‘Ijli ay nagsabi: Siya’y mula sa Kufah,
isang Tabi’i (henerasyong sumunod sa
Sahaba), mapagkatiwalaan. Si Sufyan ay
nagsabi: Si ‘Abd al-Malik b. A‘yan ang Shi‘i
ay nagsalaysay sa amin, siya’y
Rafidi
para sa amin, isang tao (na kasapi) ng
opinyon. Si Hamid ay nagsabi: Yaong tatlong
magkakapatid na ‘Abd al-Malik, Zurarah, at
Hamran ay puro mga
Rafidi.
Si Abu Hatim ay nagsabi: Siya’y isa sa mga
naunang tumalima sa Shi‘ismo, (siya’y) nasa
posisyon ng katapatan, mayroong mga mabuting
tradisyon, at ang kanyang mga tradisyon ay
naisulat.
[Ibn Hajar al-‘Asqalani,
Tahdhib al-Tahdhib,
sa ilalim ng “‘Abd al-Malik b. A‘yan”]
|
|
‘Abd al-Razzaq al-San‘ani
(yumaon 211 AH)
Sahih Bukhari
[kitab al-iman]
Sahih Muslim
[kitab al-iman]
Sahih al-Tirmidhi
[kitab al-taharah]
Sunan Nasa'i
[kitab al-taharah]
Sunan Abi Dawud
[kitab al-taharah]
Sunan Ibn Majah
[kitab al-muqaddamah fi al-iman]
|
q
Si Ibn ‘Adi ay nagsabi: Sila (mga pantas) ay
hindi nakakita ng anumang problema sa
kanyang hadith maliban sa iniuukol
nilang Shi‘ismo sa kanya… Siya’y isang taong
may karangalan… siya’y nagsalaysay ng mga
tradisyong pumupuri sa Sambahayan ng Propeta
(Ahl al-Bayt) at pumipintas ng iba…
Si Mukhlid al-Shu‘ayri ay nagsabi: Kasama ko
si ‘Abd al-Razzaq nang may bumanggit kay
Mu‘awiyah. Si ‘Abd al-Razzaq ay nagsabi:
‘Huwag mong salaulain ang ating pagtitipon
sa pamamagitan ng pagbanggit sa supling ni
Abu Sufyan!’
[Al-Mizzi,
Tahdhib al-Kamal,
sa ilalim ng “‘Abd al-Razzaq al-San‘ani”]
q
Si Ibn ‘Adi ay nagsalaysay (ng hadith)
mula kay ‘Abd al-Razzaq…, “kung inyong
makita si Mu‘awiyah sa aking pulpito, inyong
patayin!”
[Al-Dhahabi,
Mizan al-'I'tidal,
sa ilalim ng “‘Abd al-Razzaq al-San‘ani”]
|
|
‘Awf b. Abi Jamilah al-A‘rabi
(yumaon 146 AH)
Sahih Bukhari
[kitab al-iman]
Sahih Muslim
[kitab al-masajid wa mawadi' al-salat]
Sahih al-Tirmidhi
[kitab al-salat]
Sunan Nasa'i
[kitab al-taharah]
Sunan Abi Dawud
[kitab al-salat]
Sunan Ibn Majah
[kitab al-salat]
|
q
Siya’y
Rafidi
ngunit mapagkatiwalaan… Siya’y itinuring na
mapagkatiwalaan ng mga pantas, at may taglay
na Shi‘ismo.
[Al-Dhahabi,
Siyar A'lam al-Nubala,
sa ilalim ng “‘Awf b. Abi Jamilah”]
q
Si ‘Awf ay isang Qadari, Shi‘i, Satanas!
[Abu Ja‘far al-‘Uqayli,
Du'afa al-'Uqayli,
sa ilalim ng “‘Awf b. Abi Jamilah”]
q
Siya’y kumikiling sa Shi‘ismo. Si Ibn Ma’in
ay nagsabi: mapagkatiwalaan, si Al-Nasa’i ay
nagsabi: Masyadong mapagkatiwalaan.
[Al-Mizzi,
Tahdhib al-Kamal,
sa ilalim ng “‘Awf b. Abi Jamilah”]
|
T: Pero baka naman sina al-Bukhari,
Muslim at iba pa’y nagtiwala sa mga taong yaon
na hindi alam ang kanilang tunay na paniniwala?
Iniukol ng mga pantas na ito ang kanilang mga
buhay sa paglikom at pamahagi ng mga tradisyon
at sa pag-aral ng mga buhay ng mga tagapamahagi
ng yaong mga tradisyon. Karamihan sa kanila’y
may mga aklat sa Rijal (siyensiya ng
paghusga sa katapatan ng mga mananalaysay).
Bagaman ang kanilang pagpili at paghirang ng mga
awtoridad at mga materyal ay malinaw na
nagpapahiwatig ng matatag na pananaw ng Sunni,
sila’y nagtiwala pa rin sa yaong mga Shi‘ah na
kanilang hinusgahan bilang mga matapat. Ito’y sa
kabila ng lahat na ang kanilang Shi’ismo ay
ipinapahayag nang may pagtutol.
Kaya ang pagsasabing sina al-Bukhari, Muslim, at
iba pa’y talagang walang kaalaman sa paniniwala
ng yaong mga mananalaysay sa Shi‘ah ay parang
pagtawag sa kanilang walang kakayahan sa
kanilang larangan!!!
T: Pero bakit hindi sila
nagtiwala sa mga Sunni lamang bilang mga
awtoridad?
Marahil sila’y hindi kasing panatiko at makitid
ang isip ng ilan sa ating mga kapatid na Sunni
sa panggigiit na iugnay ang paniniwalang Shi‘ah
sa lahat ng uri ng mga maling paratang.
Nararapat na mabigyang linaw mula sa mga
nakatalang talambuhay na ang pagiging mapamintas
sa ilang mga Kalipa at Kasamahan – na batay sa
di matatanggihang katibayan mula sa kasaysayan –
ay ipinaubaya ng mga pantas na Sunni ng mga
nakaraang henerasyon.
T: At ang mga Shi‘ah ba’y
nagtitiwala sa mga mananalaysay na Sunni sa
kanilang mga aklat?
Habang ang manalaysay na Sunni ay hindi kilala
sa kanyang pagkapoot sa Sambahayan ng Propeta (s)
at kilalang tapat, siya’y tinatanggap ng mga
tradisyonistang Shi‘ah.
Konklusyon:
Ang katotohanan ay isang mahalagang bahagi ng
panitikang Sunni hadith ang mawawala kung
ang materyal mula sa mga mananalaysay na Shi‘ah
ay tinanggihan. Ang paniniwalang Shi‘ah ay
laging at mananatiling isang may lubos na
katibayang alternatibo ng pananaw na Sunni.
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw
sa:
http://al-islam.org/faq/
|