|
Ang Mga Shi‘ah Ba’y Naniniwala sa Kakaibang
Qur’an?
Posted: April 27,
2005
“Sa katiyakan Kami
ang nagpahayag ng Pagunita (Qur’an)
at tiyak na Kami
ang Katiwala nito.”
(Qur’an: Kabanata
15, Bersikulo 9)
Ang mga Shi‘ah ay madalas na inaakusahan ng
paniniwala sa Tahrif sa Qur’an,
ang ibig sabihin ay paniniwala na ang Qur’an ay
nabago at hindi katulad ng yaong ipinahayag sa
Propeta (s).
ITO’Y WALANG KATOTOHANAN !!!
Lahat ng mga
magiting na pantas na Makalabindalawang Shi‘ah
magmula pa sa pinakaunang panahon hanggang sa
kasalukuyang siglo ay naniniwala sa ganap na
pagpapanatili ng Qur’an. Kabilang sa ilang mga
tanyag na naunang pantas na Shi‘ah na malinaw na
inilahad ang paniniwalang ito sa kanilang mga
akda ay sina:
q
Shaykh as-Saduq
(y. 381 AH),
Kitabu'l-Itiqadat,
(Tehran, 1370 AH) p. 63.
q
Shaykh al-Mufid
(y. 413 AH),
Awa'ilu l-Maqalat,
pp. 55-6;
q
Sharif al-Murtada
(y. 436 AH),
Bahru 'l-Fawa'id
(Tehran, 1314) p. 69;
q
Shaykh at-Tusi (y.
460 AH),
Tafsir at-Tibyan,
(Najaf, 1376 AH), tomo 1, p. 3;
q
Shaykh at-Tabarsi
(y. 548 AH),
Majma'u 'l-Bayan,
(Lebanon), tomo 1, p. 15.
Kabilang sa ilang
mga sumunod na pantas na nagpahayag ng parehong
mga pananaw ay sina:
q
Muhammad Muhsin al-Fayd al-Kashani (d. 1019 AH),
Al-Wafi, tomo 1,
pp. 273-4, and
al-'Asfa fi Tafsir al-Qur'an,
p. 348;
q
Muhammad Baqir al-Majlisi (d. 1111 AH),
Bihar al-Anwar,
tomo 89, p. 75
Ang paniniwalang
ito ay walang humpay na nanatili hanggang sa
kasalukuyan. Kabilang sa mga pantas na Shi‘ah ng
siglong ito na muling naglahad ng paniniwala na
ang Qur’an ay ganap na nanatili at walang
ipinagbago ay ang mga bantog na pangalang Sayyid
Muhsin al-Amin al-‘Amili (y. 1371 AH); Sayyid
Sharaf ad-Din al-Musawi (y. 1377 AH); Shaykh
Muhammad Husayn Kashif al-Ghita’ (y. 1373 AH);
Sayyid Muhsin al-Hakim (y. 1390 AH); ‘Allamah
at-Tabataba’i (y. 1402 AH); Sayyid Ruhullah al-Khumayni
(d. 1409 AH); Sayyid Abu’l-Qasim al-Khu’i (y.
1413 AH); at Sayyid Muhammad Rida al-Gulpaygani
(y. 1414 AH).
Siyempre, hindi ito ang talaang ganap.
T: Ngunit hinggil sa mga Shi‘ah na nauna sa mga
pantas na ito, lahat ba sila ay hindi naniniwala
sa tahrif?
Talagang hindi! Halimbawa ay si ‘Ubaydullah
b. Musa al-‘Absi (120-213 AH), isang matapat
na pantas na Shi‘ah na ang mga salaysay nito
mula sa mga Imam ay matatagpuan sa mga
koleksiyong tanyag ng Shi‘ah Hadith tulad
ng
Al-Tahdhib
at
al-Istibsar.
Ngayon ating susuriin kung ano ang sinasabi ng
ilang sa mga pantas na Sunni hinggil sa kanya:
q
“…isang
piyadosong tao, isa sa mga mahalagang pantas na
Shi‘ah… itinuring na mapagkatiwalaan ni Yahya b.
Ma‘in; si Abu Hatim ay nagsabing siya ay
kapanipaniwala, mapagkatiwalaan…si al-‘Ijli ay
nagsabi na siya ay awtoridad sa Qur’an…”
[Adh-Dhahabi,
Tadhkirat al-Huffaz
(Hyderabad, 1333 AH), tomo 1, p. 322]
q
“…siya
ay imam sa fiqh, hadith, at
Qur’an na kilala sa kabanalan at pagkamakatwiran
ngunit isa siya sa mga pinuno ng mga Shi‘ah.”
[Ibn
al-‘Imad al-Hanbali,
Shadharat adh-Dhahab
(Cairo, 1350 AH), tomo 2, p. 29]
Walang sinuman sa yaong mga pantas na Sunni ang
pumuri sa kanya dahilan sa kanyang alam sa
Qur’an kung inakala nilang siya’y naniniwala sa
kakaibang Qur’an !!!
At si
‘Ubaydullah ay itinuring na higit na
mapagkatiwaan bagama’t isang Shi‘ah sa paraang
ang mga bantog na tradisyonistang Sunni na sina
al-Bukhari at Muslim at marami pang iba ay
nagsalaysay ng dalawampuang mga tradisyon mula
sa kanya sa kanilang mga koleksiyon ng hadith!
[The Creed of the Imaam of Hadeeth al-Bukhari
(Salafi Publications, UK, 1997), pp. 87-89]
T: Ang mga Shi‘ah ba ay hindi naniniwala sa
Mushaf Fatimah na tatlong beses ang laki sa
Qur’an?
Ang Qur’an ay
isang Mushaf (aklat), pero anumang aklat
ay hindi nangangahulugang Qur’an! Walang Qur’an
ang Fatimah! Ang Mushaf Fatimah ay isang
aklat na isinulat o idinikta ng Fatimah (‘a)
paglipas ng Propeta (s). Ito ay hindi
bahagi ng Qur’an at walang kinalaman sa mga
kautusan ng Allah o sa mga kapasiyahang pambatas.
T:
Pero wala bang mga tradisyon sa mga koleksiyong
Shi‘ah na tumutukoy sa mga bersikulo ng Qur’an
na naglalaman ng mga karagdagang salita mula sa
kasalukuyang nasa atin?
May
ilang mga pagkakataon kung kailan mga
karagdagang salita ay ipinapahiwatig bilang
paliwanag lamang, at hindi nagpapahiwatig na ang
orihinal na Qur’an ay pinilipit. Ito ay kapwa
nangyayari sa mga pinagkukunang akdang Shi‘ah at
Sunni. Suriin ang mga sumusunod na dalawang
halimbawa, kapwa mula sa tanyag na mga
komentaryong Sunni ng Qur’an:
q
“Laging binabasa ni Ubayy ibn Ka‘b, ‘… kaya sa
kanila na inyong pinapakinabangan sa takdang
panahon, inyong ibigay ang mga doteng
itinakda…’ (Qur’an, Kabanata 4, Bersikulo 24) at
ganito rin ang pagbasa ni Ibn ‘Abbas.”
[Fakhr
ad-Din ar-Razi,
Mafatih al-Ghayb
(Beirut, 1981), tomo 9, p. 53]
[Ibn
Kathir,
Tafsir al-Qur'an al-'Azim
(Beirut, 1987), tomo 2, p. 244]
Isang talababa sa
Tafsir
ni Ibn Kathir ay nagpapaliwanag na ang mga
karagdagang salitang ipinahiwatig sa itaas, na
hindi bahagi ng Qur’an, ay binabasa ng mga
Kasamahan ng Propeta (s)
bilang tafsir
at paliwanag lamang.
q
“ Si
Ibn Mas‘ud ay nagsasabi: Sa panahon ng Propeta (s)
binabasa naming, ‘O Aming Sugo (Muhammad)!
Bigkasin ang anumang ipinahayag sa iyo ng iyong
Panginoon na si ‘Ali ang puno ng mga
naniniwala; kundi, hindi mo naipahayag ang
Kanyang mensahe’.”
(Qur’an, Kabanata 5, Bersikulo 67)
[Jalal
ad-Din as-Suyuti,
Durr al-Manthur,
tomo 2, p. 298]
Sa halimbawa ring ito, ang bahaging naka-italika
ay tiyak na hindi bahagi ng tekstong Qur’an,
subalit ang Kasamahang si Ibn Mas‘ud ay bumabasa
nito bilang paliwanag sa kawawaan ng paghayag
nito.
T: Ngunit ano naman yaong mga tradisyong
nagsasabing ilan sa mga bersikulong ipinahayag
ay hindi na bahagi ng Qur’an?
Ang
mga Shi‘ah ay hindi naniniwala sa kaligtasan ng
sinumang manunulat, komentarista, o tagasalaysay
mula sa mga pagkakamali, at sa dahilang ito,
hindi nila itinuturing ang anumang koleksiyon ng
hadith bilang ganap na balido at wasto.
Ang natatanging aklat na ganap na ligtas sa
anumang kamalian ay ang Qur’an. Ang mga
tradisyong ito ay kadalasang itinuturing na
mahina (da‘if) o pinapakahuluganang
tumutukoy sa rebelasyong hindi maka-Qur’an.
q
Nakakawiling ipakitang napakaraming mga
tradisyong naiulat sa Sahih al-Bukhari at
Sahih Muslim na nagsasabing maraming mga
bersikulo ng Qur’an na nawawala.
[Sahih al-Bukhari, tomo 8,
p. 208;
Sahih Muslim,
tomo 3, p. 1317]
q
Hindi lang iyan, yaong mga ulat ng Sunni ay
nagsasabing dalawang kabanata mula sa Qur’an ay
nawawala, isa rito ay kasinghaba ng Surah al-Bara‘ah
(kabanata 9)!!!
[Sahih
Muslim,
Kitab az-Zakah, tomo 2, p. 726]
q
Ilang mga tradisyong Sunni ay nagsasabi pang ang
Surah al-Ahzab (kabanata 33) ay
kasinghaba ng Surah al-Baqarah (kabanata
2)!!! Ang Surah al-Baqarah ang
pinakamahabang kabanata ng Qur’an. Ang mga
tradisyon sa Sahih al-Bukhari at
Muslim ay isa-isa pang nagsaysay ng ilang
mga nawawalang bersikulo.
[Sahih
al-Bukhari,
tomo 8, p. 208]
Gayon pa man, sa
kabutihang palad ang mga Shi‘ah ay hinding-hindi
nag-aakusa sa mga kapatid na Sunni na naniniwala
na ang Qur’an ay hindi kompleto. Sinasabi namin
na ang yaong mga ulat ng Sunni ay mahina (da‘if)
o di kaya ay kinatha lamang.
Konklusyon:
“Aming paniniwala na ang Qur’an na ipinahayag ng
Allah sa Kanyang Propeta Muhammad (s) ay
[yaong] nasa pagitan ng dalawang pabalat (daffatayn).
At yaong nasa kamay ng mga tao, at hindi roon
humihigit ang laki nito… At sinumang may
saysay na sinasabi naming ito ay mas malaki (kaysa
sa kasalukuyang teksto) ay isang sinungaling.”
[As-Saduq,
Kitabu'l-I`tiqadat
(Tehran: 1370 AH) p. 63; Traduksiyong Ingles,
The Shi'ite Creed,
tr. A.A.A. Fyzee (Calcutta: 1942) p. 85]
Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa
autentikong Islam, dumalaw
sa:
http://al-islam.org/faq/
|