smeri

A place where... learning and teaching are a joint and continuous endeavor                              A place where... you can be both a teacher and a student
SMERI > Research Bureau > Writing and Translation Department

Sino-Sino Itong Labindalawang Kahalili ng Propeta (s)?

Posted: April 27, 2005

 

 

Isinalaysay ni Jabir ibn Samurah: Narinig ko ang Propetang (s) nagsabi: “Magkakaroon ng Labindalawang Komandante.” Pagkatapos mayroon siyang sinabing pangungusap na hindi ko narinig. Sinabi ng aking ama na idinagdag ng Propeta (s): “Lahat sila ay magmumula sa Quraysh.”


[Sahih al-Bukhari (Ingles), Hadith: 9.329, Kitab al-Ahkam;
Sahih al-Bukhari, (Arabe), 4:165, Kitab al-Ahkam]


Ang Propeta (s) ay nagsabi:
“Ang Relihiyon (Islam) ay mananatili hanggang sa Oras (Araw ng Muling Pagkabuhay) habang mayroon kayong Labindalawang mga Kalipang puro magmumula sa Quraysh.”


[Sahih Muslim, (Ingles), Kabanata DCCLIV, tomo 3, p. 1010, Hadith #4483; Sahih Muslim (Arabe), Kitab al-Imarah, 1980 Edisyong Saudi Arabian, tomo 3, p. 1453, Hadith #10] 

 

Ano ang sinasabi ng mga pantas na Sunni:

Ibn al-‘Arabi:

Binibilang nating labindalawa ang mga Amir paglipas ng Banal na Propeta (s). Nakilala natin sila bilang ang mga sumusunod: Abu Bakr, ‘Umar, ‘Uthman, ‘Ali, Hasan, Mu‘awiyah, Yazid, Mu‘awiyah ibn Yazid, Marwan, ‘Abd al-Malik ibn Marwan, Yazid ibn ‘Abd al-Malik, Marwan ibn Muhammad ibn Marwan, As-Saffah… Pagkatapos nito, mayroong labingpitong mga kalipa mula sa Bani ‘Abbas. 

Kung ibilang natin ang labindalawa sa kanila, aabot lang tayo hanggang kay Sulayman. Kung ating ipalagay ang kahulugang literal nito, mayroon lamang tayong lima mula sa kanila at idadagdag natin ang apat na mga Kalipang Tapat, at si ‘Umar ibn ‘Abd al-‘Aziz… 

Hindi ko maintindihan ang kahulugan ng hadith na ito.

[Ibn al-‘Arabi, Sharh Sunan Tirmidhi, 9:68-69]

 

Qadi ‘Iyad al-Yahsubi:

Ang dami ng mga kalipa ay higit pa riyan. Hindi wastong takdaan ang kanilang dami. Ang Propeta (s) ay hindi nagsabing magkakaroon lang ng labindalawa at hindi na hihigit pa. Kaya posibleng higit pa rito.

[Al-Nawawi, Sharh Sahih Muslim, 12:201-202; Ibn Hajar al-‘Asqalani, Fath al-Bari, 16:339]

 

Jalal ad-Din al-Suyuti:

Mayroon lamang labindalawang mga Kalipa hanggang sa Araw ng Paghuhukom. At mananatili silang aasal ayon sa katotohanan, bagama’t sila ay hindi magkakasunod. 

Nakikita nating mula sa labindalawa, apat ang mga Kalipang Tapat, sumunod sina Hasan, Mu‘awiyah, Ibn Zubayr, at ‘Umar ibn ‘Abd al-‘Aziz. Walo sila. Apat sa kanila ay natitira. Marahil ang ‘Abbasid na si Mahdi ay kabilang bilang isang ‘Abbasid tulad ni ‘Umar ibn ‘Abd al-‘Aziz bilang isang ‘Umayyad. At si Tahir ‘Abbasi ay mabibilang din sa dahilang siya ay isang makatwirang pinuno. Kaya dalawa pa ang darating. Isa sa kanila ay ang Mahdi, sapagkat siya ay mula sa Ahl al-Bayt (‘a).

[As-Suyuti, Tarikh al-Khulafah, p. 12; Ibn Hajar al-Haytami, Al-Sawa’iq al-Muhriqah, p. 19]

 

Ibn Hajar al-‘Asqalani:

Walang sinumang may sapat na kaalaman hinggil sa hadith na ito sa Sahih al-Bukhari.

Hindi wastong sabihing ang mga Imam na ito ay iiral sa iisang panahon.

[Ibn Hajar al-‘Asqalani, Fath al-Bari, 16:338-341]

 

Ibn al-Jawzi:

Ang unang Kalipa ng Bani ‘Umayyah ay si Yazid ibn Mu‘awiyah at ang huli ay si Marwan al-Himar. Ang kanilang dami ay labingtatlo. Sina ‘Uthman, Mu‘awiyah, at Ibn Zubayr ay hindi kabilang sa dahilang sila ay mga Kasamahan (Sahabah) ng Propeta (s). 

Kung hindi natin iaanib si Marwan ibn al-Hakam dahilan sa alitan hinggil sa kanyang pagiging Kasamahan o sa kanyang  pagiging makapangyarihan bagama’t si ‘Abdullah ibn Zubayr ang itinaguyod ng mga tao. Kaya magkakaroon tayo ng bilang na Labindalawa… Nang ang Pagka-Kalipa ay napasakamay ng Bani ‘Umayyah, isang malaking kaguluhan ang umiral. Hanggang sa naipatayo ng Bani ‘Abbas ang sarili nito. Kaya ang mga naunang kalagayan ay lubusang nabago.

[Ibn al-Jawzi, Kashf al-Mushkil, bilang sipi sa Ibn Hajar al-‘Asqalani, Fath al-Bari, 16:340 mula kay Sibt ibn al-Jawzi]

 

Al-Nawawi:

Ito ay nangangahulugan ding ang labindalawang mga Imam ay mananatili sa panahon ng pananaig ng Islam. Ang panahong ang Islam ay magiging relihiyong nakapamamayani. Sa kanilang panunungkulan, ang mga Imam na ito ay luluwalhati sa relihiyon.

[Al-Nawawi, Sharh Sahih Muslim, 12:202-203]

 

Al-Bayhaqi:

Ang bilang na ito (labindalawa) ay matagpuan hanggang sa panahon ni Walid ibn ‘Abd al-Malik. Paglipas nito, nagkaroon ng saligutgot at kaguluhan. Pagkatapos dumating ang dinastiyang ‘Abbasid. Ang ulat na ito ay dumaragdag sa bilang ng mga Imam. Kung ating kaligtaan ang ilan sa kanilang mga katangian paglipas ng kaguluhan, ang kanilang dami ay hihigit pa.

[Ibn Kathir, Tarikh, 6:249; as-Suyuti, Tarikh al-Khulafah, p. 11]

 

Ibn Kathir:

Sinumang sumusunod kay Bayhaqi at sumasang-ayon sa kanyang panggigiit na ang Jama‘ah ay nangangahulugang yaong mga Kalipang paulit-ulit na umiral hanggang sa panahon ni Walid ibn Yazid ibn ‘Abd al-Malik ang suway ay nasasaklaw ng tradisyong ating sinipi na bumabatikos at tumutuligsa sa gayong mga tao.  

At kung ating tatanggapin ang pagiging Kalipa ni Zubayr bago si ‘Abd al-Malik, ang bilang ay maging labing-anim. Datapwa’t ang kanilang bilang ay nararapat na labindalawa  bago si ‘Umar  ibn ‘Abd al-‘Aziz. Sa gayong paraan, si Yazid ibn Mu‘awiyah at hindi si ‘Umar ibn ‘Abd al-‘Aziz, ang mapapabilang. Samantala, malinaw na ang karamihan sa mga ‘ulama ay kumikilala kay ‘Umar ibn ‘Abd al-‘Aziz bilang isang matapat at makatwirang Kalipa.

[Ibn Kathir, Tarikh, 6:249-250]

 

 

Nalilito?

Nangangailangan tayo ng isa pang pantas na Sunni upang bigyang-linaw sa wakas kung sino-sino talaga itong Labindalawang mga Kahalili, Kalipa, Amir, at Imam:  

Ang bantog na pantas na si Al-Dhahabi ay nagsasabi sa Tadhkirat al-Huffaz, tomo 4, p. 298, at si Hajar al-‘Asqalani ay nagsasabi sa al-Durar al-Kamilah, tomo 1, p. 298 na si Sadruddin Ibrahim ibn Muhammad ibn al-Hamawayh al-Juwayni al-Shafi‘i ay isang magiting na pantas sa hadith. Ang naturang al-Juwayni ay umuulat mula kay ‘Abdullah ibn ‘Abbas (r) mula sa Propetang (s) nagsabi: “Ako ang hepe ng mga Propeta at si ‘Ali ibn Abi Talib ang hepe ng mga kahalili, at paglipas ko ang aking mga kahalili ay labindalawa, si ‘Ali ibn Abi Talib bilang pangunahin sa kanila at ang Al-Mahdi bilang kahuli-huli.”   

Isinalaysay rin ni al-Juwayni mula kay Ibn ‘Abbas (r) mula sa Propeta (s): “Tiyak na ang aking mga Kalipa, tagapagmana, at mga Pruweba ng Allah sa Knyang mga nilalang paglipas ko ay labindalawa. Ang una sa kanila ay ang aking kapatid at ang pinakahuli ay ang aking anak (apo).” Siya ay tinanong: “O Sugo ng Allah, sino ang iyong kapatid?” Sinabi niya, “‘Ali ibn Abi Talib”. Sila ay nagtanong naman: “At sino ang iyong anak (apo)?” Sumagot ang Propeta (s): “Ang Mahdi, siyang magpapatupad ng katarungan at pagkapantay sa mundo gayong ito ay mapupuno ng kawalang-katarungan at kalupitan. At (isinusumpa ko) sa Kanyang nag-atas sa akin bilang tagabigay ng babala at magandang balita na kahit na iisang araw lamang ang matitira sa buhay ng mundong ito, Ang Maykapal na Allah ay magpapatagal sa araw na yaon hanggang sa ipapadala Niya ang aking anak na Mahdi, pagkatapos aatasan niya ang pagnaog ng Ruhullah ‘Isa ibn Maryam (‘a) (Espiritu ng Allah, Hesus anak ni Maria) at ang pagdarasal nito sa likuran niya (ni Mahdi). At ang kanyang kapangyarihan ay sasaklaw sa silangan at kanluran.  

Isinalaysay rin ni al-Juwayni na ipinagbigay-alam ng Sugo ng Allah: “Ako, sina ‘Ali, Hasan, Husayn, at siyam sa mga inanak ni Husayn ay mga dalisay at busilak.”

[Al-Juwayni, Fara'id al-Simtayn, Mu‘assasat al-Mahmudi li’t-Taba‘ah, Beirut 1978, p. 160] 

Sa pagitan ng lahat ng mga pangkat ng kaisipang Islamiko, tanging ang Shi‘ah Imamiyyah Ithna ‘Ashariyyah (Makalabindalawang Shi‘ah) ang naniniwala sa mga ito bilang mga karapat-dapat na kahalili ng Propeta (s) at tumatamo ng kanilang kaalaman sa Islam mula sa kanila.  

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa autentikong Islam

ayon sa paliwanag ng Ahl al-Bayt, dumalaw sa:

 

http://al-islam.org/faq/

 

For any comment, email: [email protected].
Copyright © SM Educational & Research Institute (SMERI), 2005. All rights reserved.
Home
SMeRI in Brief
library
education Bureau
research Bureau
external Bureau

 

Download the PDF version of this fact sheet.

 

 

 ---oOo---

 

Who and Why ?

To help provide quality Islamic knowledge available in as many world languages as possible to assist in da'wah (peaceful invitation to the religion of Islam as explained by Prophet Muhammad and his Family)

To encourage those without enough time or inclination for reading books to explore the various topics in brief.

How ?

One

Download and print the fact sheet.

Two

Xerox (photocopy) the two printed sheets onto as many double sided sheets as are required.

Fold each single sheet (which should now have text on both sides) from the middle.

Three

Distribute
Where ?

Are you off to a mosque for prayers or lectures? Take some copies and hand them out or leave them at a convenient point for others to pick them up.

Do you debate with other Muslims and non-Muslims regularly? If so, keep these Fact Sheets handy.

Do you run a bookstore? Give out some free Fact Sheets to the customer with each purchase.

Are you traveling abroad? Pack some Fact Sheets in the relevant language with your luggage. You can always leave some copies in any prayer areas that you come across, such as those in many airports.

Are you a student? Hand out or leave copies at your school/college/university prayer room and at Islamic events, or leave some in study rooms and cafeterias.

Are you involved with da'wah to prison inmates? Use these Fact Sheets as appropriate.

Can you think of anyone who will benefit from reading these Fact Sheets? If so, pass them on.


Please think carefully of your audience before passing on any Fact Sheets and be mindful of the sensibilities of other people when employing any means listed above.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1