|
|
ISANG kontrobersyal na isyu ang retraksyon o pagtatatwa ni Jose Rizal ng kaniyang mga naunang pahayag na sinasabing nangyari noong mayroon na lamang siyang dalawampu�t apat na oras na nalalabi bago bitayin. Kontrobersyal ito dahil hanggang ngayon ay usapin parin ito sa mga debate at wala pang malinaw na pagkakasundo sa kung ano nga ba ang totoong nangyari. Sa ngayon, ilang teksto na ang lumitaw na sinasabing pagpapatunay daw ng retraksyon ni Rizal. Una ay yung �orihinal� daw ay natuklasan ni Padre Manuel Garcia, C.M. noong ika-18 ng Mayo, 1935 sa arkaybs ng arsidyosesis. Nalathala ang tekstong ito sa �La Voz Espa�ola� at �Diario de Manila� noong mismong araw ng pagbaril kay Rizal. Isa pang teksto naman ang lumitaw sa Barcelona noong ika-14 ng Pebrero, 1987. Hindi nagpakilala ang pinagmulan ng tekstong ito ngunit sa kalaunan ay nakilala siyang si Padre Balaguer. Kung titignan ang mga teksto halos walang pinagkaiba ang nilalaman: Me declaro catolica y en esta
Religion en que naci y me eduque quiero vivir y morir. Me retracto de todo corazon de
cuanto en mis palabras, escritos, inpresos y conducta ha habido contrario a mis
cualidades de hijo de la Iglesia Catolica. Creo y profeso cuanto ella ense�a y
me somento a cuanto ella manda. Abomino de la Masonaria, como enigma que es de
la Iglesia y como sociedad prohibida por la Iglesia. Puede el Prelado Diocesano,
como autoridad superior eclesiastica hacer publica esta manifastacion espontanea
mia para reparar el escandalo que mis actos hayan podido causar y para que Dios
y los hombres me perdonen. Manila 29 de Deciembre de 1986 Jose Rizal Juan del Fresno Mula naman kay Padre Balaguer: Me declaro catolica y en esta
Religion en que naci y me eduque quiero vivir y morir. Me retracto de todo
corazon de cuanto en mis palabras, escritos, inpresos y conducta ha habido
contrario a mis cualidades de hijo de la Iglesia Catolica. Creo y profeso cuanto
ella ense�a y me somento a cuanto ella manda. Abomino de la Masonaria, como
enigma que es de la Iglesia y como sociedad prohibida por la misma Iglesia. Puede el Prelado Diocesano,
como autoridad superior eclesiastica hacer publica esta manifastacion espontanea
mia para reparar el escandalo que mis actos hayan podido causar y para que Dios
y los hombres me perdonen. Manila 29 de Deciembre de 1986 Ang Mga Teksto BAGAMAT HALOS hawig ay mayroong ilang pagkakaiba ang dalawang teksto na lubos na mahalaga upang magdulot ng duda sa mga teksto. Mahalagang bigyan pansin lalo na ang dalawang parirala: ang �Iglesia Catolica� at �la Iglesia�� sa �orihinal� na teksto ay iba sa �Iglesia� lang at �la misima Iglesia� sa teksto ni Padre Balaguer. Pansini rin ang pagkakaiba sa pagtatalata. Ang una ay sinimulan ang ikalawang talata sa ikalawang pangungusap samantalang ang kay Padre Balaguer ay nahati sa ikalimang pangungusap pa. Maaari ring pagtuunan ng mga tanong ang �pagkakadiskubre� ng mga teksto hinggil sa ipinararatang na retraksyon kay Rizal. Bakit ang �orihinal� na teksto ay naglaho ng halos tatlumpu�t siyam na taon bago ito lumitaw ulit? Paano nakuha ni Balaguer ang kaniyang kopya ng teksto? Bakit tumanggi siyang magpakilala noong una niyang ipinalathala yung bersyon niya sa �La Juventud�? Mga Punto Laban sa Teksto ng Retraksyon LALONG TUMIBAY ang sarili kong palagay na dapat pagdudahan ang retraksyong ito nang mabasa ko ang isang artikulo ni Dr. Eugene Hessel tungkol sa isang debate hinggil sa usaping ito. Sa artikulong ito, may tatlong pangunahing argumento laban sa sinasabing retraksyon: ang usapin ng pagkatotoo ng teksto, ang hindi pagsang-ayon ng ilang detalye ng retraksyon sa iba pang pangyayari noong panahong iyon, at ang usapin ng di pagtugma ng retraksyon sa karakter mismo ni Rizal. Unang pangunahing argumento ang pagdududa sa pagkatotoo ng teksto. Maaari kasi na ang mga teksto ay gawa-gawa lamang o mga insidente ng forgery o pamemeke ng lagda. Kung titignan ang isang pag-aaral ni Dr. Ricardo R. Pascual sa kaniyang �Rizal Beyond the Grave�, ikinumpara niya ang sulat-kamay umano ni Rizal sa mga retraction note na lumabas doon sa mga sulat-kamay niya sa iba niyang orihinal na akda. Ang mga napuna niya ay naging malakas na suporta sa debate sa artikulo ni Hessel: ��the following being the most significant ones [evidence] according to the present lecturer [Hessel]: (1) the slant of the letters in the standard writings gives averages several points higher than the average yielded by the Retraction Document, and perhaps more significantly, the most slanted letters are to be found in the Document; (2) there are significant variations in the way individual letters are formed; (3) with the reference to the signature, Pascual notes no less than seven differences, one of the most significant being the indications of �stops� which, says the critic [Pascual], are most naturally explained by the fact that a forger might stop at certain points to determine what form to make next; (4) there are marked similarities in several respects between the body of the Retraction and the writing of all three signers, i.e. Rizal and the two witnesses�� Ang mga puntong ito, lalo na ang ikatlo at ika-apat, ay mga matibay na argumento ni Pascual na ang naturang retraction note ay gawa lamang ng isang tao. Bukod sa mga patunay na nagtatatwa sa pagkatotoo ng sulat-kamay ni Rizal, isa pang puna ay ang mga makikitang pagkakaiba ng mga lumitaw na retraction note, di magkakatugma o inconsistent ang mga ito pagdating sa mga salita na atin nang binanggit kanina. Idinagdag pa ni Hessel na sa huli, nagkumpisal din ang nameke ng dokumentong ito. Sang-ayon sa isang panayam ni Runes kay Antonio K. Abad, isang Roman Roque ang binayaran ng mga prayle upang gumawa ng mga kopya ng retraction note. Ang Roque ring ito ang binayaran ni Kol. Funston upang ipeke ang lagda ni Hen. Lacuna sa isang dokumento na naging dahilan ng pagkadakip kay Aguinaldo. Bukod sa kuwestiyonable na ang pagkatotoo ng dokumento, maaari ring tignan na ang dokumento ay di sang-ayon sa iba pang detalye hinggil sa pagkamatay ni Rizal. Ang dokumento ng retraksyon ay hindi lumitaw hanggang noong 1935 na kahit ang mga kapamilya ni Rizal ay hindi ito nakita. Ayon pa kay Hessel, kung totoo ngang bumaliktad si Rizal at binawi ang kaniyang mga naunang sinulat, bakit hindi siya naligtas sa sentensiya ng kamatayan? Bakit siya inilibing sa libingan ng mga Intsik? Bakit walang dokumento ng pagpapaksal nina Rizal at Josephine Bracken gayong isa ito sa mga bagay na nagawa sana niya kung siya nga ay lumagda sa retraksyon? Sa huli, sinabi ni Hessel na ang buong ideya ng retraksyon ay wala sa pagkatao ni Rizal. Ayon sa kanya: �It has seemed to many, including this lecturer, that the Retraction is not in keeping with the character and faith of the Rizal as well as inconsistent with his previous declarations of religious thought.� Kng tutuusin, si Rizal ay may sariling matibay na paniniwalang Kristiyano, at mahirap paniwalaan na basta-basta niya na lamang itong itatapon dahil sa pagkakaharap niya sa sentensiya ng kamatayan. �The Morphing Hero� ISA PANG pagtalakay sa retraksyon ni Rizal ang aking nabasa sa �Rizal: The Morphing Hero� ni David C. Roble, M.D. Ang akdang ito ay isinulat sa persona ni Rizal bilang tagapagsalaysay tungkol sa kaniyang buhay, mula pagkabata hanggang sa isyu ng retraksyon. Nakakatuwa dahil inisa-isa ng may akda ang mga punto ng retraksyon at pinalabas nito na totoong pumirma si Rizal sa naturang dokumento. Ngunit sabi sa akda, hindi retraksyon o pagbawi ang tingin niya sa kaniyang nilagdaan dahil wala sa mga pangungusap sa dokumentong ito ang labag sa kaniya nang pinaniniwalaan. Pinalabas na totoong pumirma nga si Rizal ng naturang dokumento ngunit bawat linya sa pagpapahayag ng retraksyong ito ay binigyan ng komento ng may-akda na para bang si Rizal mismo ang nagkukumento. Ipinahayag niya na siya ay Katoliko at ito naman ay totoo dahil hindi naman siya nagging Protestante o Agnostiko kahit nakasalamuha na niya ang mga ganitong paniniwala sa Europa. Ang susunod naming pahayag ang nagpapagulo sa marami: �I retract with all my heart everything in my words, writings, publications and conduct that has been contrary to my condition as a son of the Church.� Wala naman talagang sinabi o pinahayag sa limbag si Rizal na itinuturing niyang labag sa kaniyang kondisyon bilang anak ng Simbahang Katoliko. Hindi daw niya tuwirang kinontra ang Simbahan. Ipinahayag lamang niya ang katotohanang nangyayari sa kaniyang bayan at ang himutok ng kaniyang mga kababayan. �This part of my retraction therefore is a retraction of something that did not exist.� (Roble, 1999) Hindi rin niya itinatwa ang Masonriya bagamat nakasaad sa retraksyon ang: �I abominate Freemasonry as the enemy that it is of the Church and as a Society prohibited by the same Church.� Iba ang Masonriya na kalaban ng Simbahan at iba rin ang Masonriyang pinaniniwalaan ni Rizal ayon sa akda. Sapagkat ang itinatwa niya sa naturang pahayag ay ang �Masonriyang kalaban ng Simbahan� hindi siya maaakusahan ng pagtatakwil sa naturang paniniwala dahil hindi niya itinuturing na kalaban ng Simbahan ang Masonriya. Sa naturang mga pagtalakay sa retraksyon sa akdang ito ni Roble, lumalabas na ang nilagdaan ni Rizal ay hindi isang retraction note kundi isang dokumento lamang na pinalagdaan sa kaniya ng mga Heswita dalawampu�t apat na oras bago siya barilin at wala sa kaniyang nilagdaan ang isang pangungusap na nagtatakwil sa kaniyang nauna nang mga ipinahayag. Retraksyon ko sa Diumano�y Retraksyon ni Rizal HABANG DUMADAMI ang mga babasahin at akdang kaugnay ng pagpapatotoo o pagpapasinungaling sa retraksyon ni Rizal, naniniwala akong hindi parin patuloy na magsasara ang usapang ito. Ngunit sang-ayon sa aking mga nabasa at sa ating mga talakayan sa klase, hindi pa rin ako labis na makukumbinsi ng kahit na sinong Padre Balaguer na maglalabas ng mga dokumento ng retraksyon ni Rizal. Sumasang-ayon ako kay Hessel, na bukod sa malaki ang posibilidad ng pagpepeke sa dokumento, malayong-malayo sa pagkatao ni Rizal at sa kalagayan niya noong gabing iyon bago siya barilin ang lumagda at itatwa ang lahat ng kaniyang mga sinulat at ipinahayag. Sa �Rizal: The Morphing Hero�, nakita ko naman ang isang pananaw na maaari ngang lumagda si Rizal ngunit kahit lumagda siya ay hindi ito nangangahulugan ng �retraction�. Maaaring iba ang naging pagtingin niya sa dokumentong inihahain sa kaniya ng mga Heswita. Sang-ayon sa akda ni , hindi ito maituturing na retraksyon. Sa huli, labis kong hindi sinasang-ayunan ang mga pagpapatunay sa retraksyon. Ito�y sa mga kadahilanang walang malinaw at katanggap-tanggap na patunay o dokumento ng retraksyon ni Rizal, lahat ng mga lumabas ay kuwestiyonable ang pagkatotoo. Malakas na patunay rin ang mga nangyari kasunod ng ibinibintang na paglagda sa retraksyon. Kung totoo ngang bumaliktad si Rizal, e di sana�y kahit paano�y nabuhay pa siya nang kaunting panahon at hindi sana siya ang Pambansang Bayani ngayon at hindi na natin kinakailangang pag-aralan siya sa PI 100. Nag-retrak o di nagretrak, sang-ayon din ako kay Hessel sa sinabi niyang si Rizal ay si Rizal parin. Hindi na mababago ang kasaysayan na siya�y sumulat ng mga nobela at naging malaking bahagi ang kaniyang pagkamatay upang patunayan sa ibang lahi na tayo ay Filipino at buhay sa dugo natin ang pagkamakabayan. Mga
Sanggunian:
Hessel, Eugene. Rizal�s Retraction: A Note to the Debate. The SIliman Journal. Siliman University, Dumaguete City. Vol. 12, No. 2. 1965. http://rizalslifewritings.tripod.com/Reflections/retraction.htm Ma. Guerrero, Leon. The First Filipino. Guerrero Publishing. 1998 Roble, David C. M.D. Rizal: The Morphing Hero. www.joserizal-md.com _______, Jose Rizal: The Retraction. www.joserizal.ph |
|
Copyright 2005.
|