Si Rizal at ang Dalawang Mukha ng Kabayanihang Ipinakita
sa Noli Me Tangere
Ni Emmanuelle C. Amio
Maaaring sabihin na ang konsepto ni Rizal ng salitang heroism
ay unang namalas sa isa sa kanyang mga tula sa Ateneo na pinamagatang �Y Es
Espa�ol; Elcano, El Primero en Dar La Vuelta al Mundo�. Dito�y isinalarawan
niya ang mga ginawa ni Elcano na tinawag niyang �hero of Spain�, para sa
ikadadakila ng Espa�a. Kung ating papansinin, ang pagiging isang �hero� sa
tula, ay nakabase o nakatali sa karangalang maibibigay ng isang indibidwal o
grupo sa kanyang inang bayan. ang mga karangalang ito ay karaniwng nasusukat sa
dami ng mga bagong tuklas na mga lugar sa kabilang dako ng daigdig na maaaring
isa-kolonya at pagkuhanan ng kayamanan.
Dahil sa murang isip ni Rizal na naiimpluwensyahan pa ng mga guro at
araling may kinalaman sa Espa�a, maaaring hindi pa ganoon kabuo ang konsepto
niya ng kabayanihan na kanyang tataglayin hanggang sa paglaki at
maipakikita sa mga sulatin na kanyang ginawa. Ipinapalagay ng papel na ito na
ang konsepto ni Rizal ng kabayanihan at bayani, ay isang
nagbabago at progresibong konsepto na kaagapay ng kanyang sariling pag-unlad at
karanasan bilang anak, kaibigan, mag-aaral, propesyunal, mangingibig at
mamamayan. At marahil, ang kanyang pagiging magaling na tagamasid sa kalagayan
ng lipunan noong panahon niya ang humubog sa iba�t ibang mukha ng kabayanihang
mababanaag sa kanyang mga isinulat.
Maraming
mukha ng kabayanihan ang ipinakita sa Noli Me Tangere gamit ang iba�t ibang
karakter sa nobela. Ilan sa mga ito ay ang ginawang pagtatanggol ni Don Rafael
Ibarra sa isang batang paslit na binubogbog ng isang kobrador na Espa�ol; and
dalisay na pagmamahal ng isang inang si Kapitana Maria na handang ialay ang
buhay ng mga anak upang makatulong sa ikabubuti ng bayan; ang mga katulad ni
Kapitan Pablo, Bruno at Tarsilo na kaanak ng mga naging biktima ng pang-aabuso
ng mga korporasyonng prayle at mga gwardya sibil; at ang iba pang mga karakter
na nagnanais ng pagbabago ito may sa pamamagitan ng payapang reporma o madugong
labanan.
Ngunit
dalawa lamang dito ang napiling pagtuunan ng pansin ng papel na ito: ang
kabayanihan na ipinamalas ni Crisostomo at ang ipinamalas ni Elias. Mahalaga ang
papel ng dalawang nabanggit na karakter sa pag-usad ng kwento ng nobela. Sila
ang pangunahing pumupuna, nakakikita ng kamalian, gumagawa ng mga hakbang para
sa ikabubuti ng kalagayang panlipunan, at napagbibintangan o nasisisi ng
simbahan at gobyerno sa pagkamulat ng mga tao sa katiwaliang nagaganap sa loob
at labas ng mga institusyong ito.
Ang unang mukha ng kabayanihang
nais pagtuunan ng pansin ng papel na ito ay ang kay Crisostomo Ibarra. Siya ay
nagmula sa mayamang angkan ng mga Eibarramendia na nagmula sa lahing Espa�ol.
Siya ay isang ilustradong nakapag-aral sa Espa�a ng ilang taon at bumalik sa
Pilipinas dahil sa kasawiang sinapit ng ama at upang makita na rin ang
kasintahang si Maria Clara. Kung ating susuriin ang kanyang pagkatao, masasabi
nating isa siyang marangal, mapagmahal, mapagkalinga at mapagpatawad na taong ni
ayaw gantihan ang taong nagdulot ng kapahamakan sa kanyang ama maliban na lamang
kung harap harapang dudustahin ang marangal na pangalan nito.
Ang ikalawang mukha ng
kabayanihan ay ang kay Elias. Siya ay isang misteryosong karakter sa nobela na
nagmula sa angkan ng mga inuusig o di kinikilala ng lipounan. Kahit sa malungkot
na pinagdaanan ng pamilya, lumaki si Elias kasama ang kanyang kapatid sa piling
ng kanilang lolo sa ina na mangangalakal. Nakapag-aral siya at naging
tagapamahala ng kabuhayang iniwan ng maykayang ninuno. Ngunit dahil kinapootan
siya ng isa nilang kamag-anak, ibinunyag nito ang nakaraan ng ninuno ng kanyang
ama. Ang tunay na masakit dito any nang malaman niyang ang katulong na kanyang
inagmamalabisan ay ang kanila pa lang tunay na ama. Inniwan niya at ng kanyang
kapatid na babae ang lahat at nagpalipat-lipat bayan kasama ang ama. Doon
nagsimula ang marami pang dusang pinagdaanan ni Elias kay�t nais niyang
hanapin ang natitirang kamag-anak ng nagpahirap sa kanyang ninuno upang
pagbayarin din ito.
Mahalagang balikan natin ang
Kabanata 23 Pangingisda dahil dito unang ngkrus ang landas ng dalawang
binanggit na tauhan. Sa kabanatang ito, si Elias ang misteryosong piloto ng
sinasakyang bangka nila Maria Clara, Crisostomo at iba pa nilang kaibigan. Nang
panahon na upang manghuli ng kakaining isda para sa pananghalian, napansin
ng mga magkakaibigan na naubos na ang lamang isda ng baklad. At makaraan pa ang
ilang sandali ay nabatid nilang ang umuubos pala ay ang isang buwayang nakulong
sa baklad. Nahintakutan ang mga nakasaksi at nagwika ang ibang nais patayin ang
buhaya. Si Elias ang unang lumusong sa tubig upang lupigin ang nakatatakot na
reptilya. Naging matagumpay siya sa pagtatali ng lubid sa leeg nito at sa
unahang mga paa, ngunit dahil sa likas na lakas ng halimaw na ito, hinampas ng
buntot ang sahig at tumalon sa tubig tangay ang tagasupil nito. Simbilis ng
kidlat, lumusong ang isa pang katawan sa tubig at nabatid nilan si Ibarra ito.
Nagtulong ang dalawa upang lupigin ang buwaya. Makaraan ang ilang sandali ay
pumula ang tubig at lumitaw ang dalawa hawak ang buwayang laslas ang tiyan at
nakatarak ang punyal sa may lalamunan.
Sinasibi
ng ilan na ang pagtutulong ng dalawang lupigin ang buwaya ay isang simbolismo na
nangangahulugan ng pagtutulong ng dalawa upang pabagsakin ang mga buwaya sa
lipunan. Maaaring tama ang ganoong interpretasyon o maaari rin namang walang
malalim na ibig ipakahulugan o ipahiwatig ang buwaya dahil ito�y buwaya
lamang. Subalit ang ganitong mga pagbasa ay di na mahalaga sa papel na ito,
dahil ang mahalagang pagtuunan ng pansin ay ang ugnayang nabuo sa pagitan nila
Ibarra at Elias. Ang kanilang pagtutulungan sa pangyayaring iyon ang
nagsilbilbing pundasyon ng ugnayang nagpatuloy hanggang sa huli ng nobela.
Upang
maipakita ng papel na ito ang pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang mukha
ng kabayanihan susubukan nitong himayin ang mga katangian nina Crisostomo at
Elias batay sa kanilang ginampanan sa nobela.
�
Ang unang kapansinpansing pagkakaiba ng dalawa ay ang kanilang
perspektibo sa mga bagay bagay. Si Ibarra ay masasabi nating �na�ve�,
obdyektibo, limitado at may distansiya ang pananaw kahit na siya ay nakapag-aral
sa mahuhusay na unibersidad. Marahil, ang matagal na pagkawalay niya sa
Filipinas ang naging sanhi upang di niya lubos na mabatid ang tunay na kalagayan
ng lipunan nito. Nananatiling mabuti ang pagtanaw niya sa gobyerno at simbahan
dahil di niya naranasan ang pagpapahirap na dinaranas ng karamihan sa mga
kapospalad na mamamayan. Nakikita niya ang mga pangyayari sa loob ng bayan mula
sa �labas�, kaya�t mahihinuha na ang kabuuan lamang ang nakikita niya at
hindi ang maliliit na detalye. Isa ring dahilan pa ay ang kanyang paniniwala sa
kagalingan ng gobyernong Espa�ol gaya ng kanyang katwiran sa parkakaroon ng
gwardya sibil, ��dahil sa Espa�a, sa Inang Bayan, nagdudulot at patuloy na
nagdudulot ng magagandang pakinabang ang hukbong ito� [Kabanata 50,p 315]
Si Elias naman sa kabilang dako
ay ang mahusay na tagapagmasid, na tila ba laging naroon sa lunan ng mga
pangyayari at laging nakadidiskubre sa mga sekreto. Ilan sa kanyang mga
natuklasan ay ang tangkang pagpatay kay Ibarra sa pagbababa ng panulukang bato
ng paaralan at ang pagbibintang dito ng mangyayaring kaguluhan sa ika-walo ng
gabi na sinasabing si Ibarra daw ang maypakana. Kung sa �labas� ni Ibarra
nakikita ang loob ng lipunan, si Elias naman ay nakikihalo at nakikipamuhay sa
mamamayan kay�t batid niya ang mga dusa at hirap na dinaranas ng karaniwang
mamamayan. Dahiul dito, mas may puso at may karunungan ang kanyang mga palagay.
�
Ang ikalawang pagkakaiba ay ang papel na ginagampanan ng bawat
isa. Mapapansin na laging mayroong tagatanong at tagasagot
sa pag-uusap nila Ibarra at Elias. Kung iisipin, normal lamang na ganoon talaga
ang takbo ng isang normal na diyalogo, ngunit ang nais puntuhin ng papel na ito
ay ang relasyong may kinalaman sa kapangyarihan tulad ng sa guro at estudyante.
Si Elias ay tila ba isang �guro ng buhay� na nagmumulat kay Ibarra ng mga
�katotohanang� dapat niyang malaman, at nagbibigay suhestyon tungkol sa mga
dapat niyang gawin. Si Ibarra naman ay tila isang estudyante na nangangalap ng
impormasyon upang makabuo ng sariling pagpapasya dahil tila ba hindi niya kilala
ang lipunang ginagalawan.
�
Ang ikatlong pagkakaiba ay ang
kanilang pagtingin sa bayan. Ang konsepto ni Ibarra ay patuloy na
nakatali sa konsepto ng Inang Bayan bilang Espa�a. Makikita ito sa kanyang
pahayag �Relihiyoso ang mga Filipino at mahal ang Espa�a. May mga abuso,oo
may mga kasiraan, hindi ko itinatanggi. Ngunit sinisikap ng Espa�a na
makapagpasok ng reporma upang maiwasto ang lahat, nagbabalak ng mga proyekto,
nag-iisip hindi ukol sa sarili lamang� na sinagot naman ni Pilosopo Tasyo ng
�Huwag na tayong humingi ng malasakit sa kabutihan ng bayan mula sa isang
nagsadya ditong banyaga upang magpayaman at umalis pagakatapos� [Kabanata 26].
Ayon kay Ibarra, �ang bayan ay isang organismong iginugipo ng isang talamak na
karamdaman, at upang magamot, kailanagang gumamit ang Gobyerno ng mga paraang
itinuturing ninyong masakit at marahas ngunit may mga pakinabang at
kailangan� [Kabanata 50]. Ipinakikita lamang nito na ang paniniwala ni Ibarra
sa pagbabago ay magaganap sa ilalim pa rin ng gobyernong Espa�ol.
Si Elias bilang kabahagi ng
bayan gaya ng nabanggit na, ay kakikitaan ng taos at dalisay na pag-aalala sa
kapakanan ng bayan. Mapapansin ito sa sinabi ni Elias kay Kapitan Pablo,
�Tingnan po ninyo kung gaano kakilakilabot ang sunog na pagsusugbahan ninyo sa
ating mga baying sawimpalad. Kapag isinagawa po inyo ang inyong paghihiganti,
gagawa ng ibayong ganti ang inyong mga kaaway, hini laban sa inyo,hindi laban sa
may sandata, kundi laban sa mga mamamayan na karaniwang pinagbibitangan. At kung
magkagayon, lalong lulubha ang kawalang katarunagan� [Kabanata 46].
�
Ang panghuli ay ang pagkakaiba ng kanilang konsepto ng paniniwala
sa Diyos.
Ang paniniwala ni Elias sa
Diyos ay hindi nalilimitahan ng relihiyon, ito ay mas higit na makapangyarihan
at makatarunagn. Ayon sa kanya �bayaang Diyos ang maging hukom ng tao, bayaang
Siya ang mgakaroon ng tanging karapatan sa buhay. Hindi dapat isipin kailanman
ng tao na magiging kahalili Niya�. Idinagdag rin niyang �kailangan ko pong
maniwalang mabuti sa Diyos sapagkat nawala na ang paniwala ko sa tao�.
[Kabanata 34]
Kakikitaan naman si Ibarra ng
pananatili ng konserbatibong pananaw ukol sa relihiyon dahil noong kinausap
sioya ni Elias para sa reporma sa simbahan, ganito ang kanyang sinabi,�
Nalimot na ba ng filipinas ang iinagkaloob ng mga ordeng ito? Nalimot na ba ang
napakalaking utang na loob mula sa mga humango sa kamalian at magbigay ng
pananampalataya, sa mga nagsakit umampon laban sa mga
pagmamalabis ng kapangyarihang sibil? Ito ang masama kapag hindi itinuturo ang
Kasaysayan ng bayan�.
Ayon rin
kay Ibarra �Nililimot ko ang sarili at nililimot ko ang mga tinamo kong
kasamaan alang-alang sa kapanatagan ng Filipinas, alang-alang sa kapakanan ng
Espa�a!� isinunod rin niya na �Upang mapanatili ang Filipinas, kailanagng
magpatuloy and ginagawa ng mga fraile, at nasa pakikiisa sa Espa�a ang
kabutihan ng ating bayan.� [Kabanata 50]
Ang
mga nabanggit sa taas na pagkakaiba ng dalawang pangunahing tauhan sa nobelang
Noli Me Tangere, ay ilan lamang sa mga salik na maaaring pagtuunan ng pansin.
Ngunit sinikap ng papel na ito na limitahan lamang sa apat upang magkaroon ng
malinaw na paghahambing.
Konklusyon
Ang mga karakter nina Crisostomo Ibarra at Elias na itinampok bilang
halimbawa ng dalawang mukha ng kabayanihan na makikita sa Noli, ay di
ginagamit ng papel na ito upang sabihin kung sino ang mas magaling kanino. Layon
ng papel na ito na ipakita ang isang mahalagang punto o katwiran sa pagbubuo ni
Rizal [batay sa sariling pananaw ng may-akda] ng mga karakter na ipinakikita at
pinupunuan ang pagkukulang ng isa. Kung ating pagninilayan, hindi buo ang
karakter ni Ibarra kung wala si Elias, at ganun din naman si Elias kung wala si
Ibarra. Ang ugnayan ng dalawa na ang akala nati�y nagsimula sa pagtutulong
mapatay ang buwaya, ay sa katotohana�y ugnayang sinimulan pa ng kanilang mga
ninuno na tila ba isang lambat na pinagsasama sila.
Ang pagpupuno naman sa kakulangan ng isa ay maaaring tingnan bilang
pagbubuo ng isang ideyalismong pinagsasama ang mabubuting puntos at katangian ng
bawat indibidwal upang makabuo ng isang ideyolohiyang �tunay� na makabubuti
sa lahat. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit laging talo o nalulupig ang mga
pag-aalsa laban sa gobyernong Espa�ol sa dalawang nobela ni Rizal, dahil walang
isang �tunay� na layuning sumasaklaw sa interes ng lahat. At marahil, ang
pagpapatalo ni Rizal sa mga piksyunal na rebolusyong isinusulat niya sa kanyang
nobela ay bahagi ng kanyang �foresight� at upang mabigyang solusyon ang mga
problema o kumplikasyon na maaaring lumitaw sa isang totohanang rebolusyon.
Tunay ngang ang kabayanihan ay maraming mukha, ngunit ang nasa
kaloob-looban ng mga mukhang ito ay ang pagnanais mapabuti ang kalagayan ng tao
sa lipunang ginagalawan niya.
Sanggunian:
Almario, Virgilio S. Noli
Me Tangere: Salin ni Virgio Almario. Adarna House Inc.:Quezon City, 1998
Guerrero,
Leon Ma.. The First Filipino. Guerrero Publishing: Pasig City, 1998
Quibuyen, Floro C. A
Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and the Philipine Nationalism.
Ateneo De Manila University Press: Quezon City, 1998