Search
 
Philippine Collegian

Issue 26 in PDF

   
Adobe Reader is required to access the file. If you don’t have this application, you may download it here.
 
On its 85th year, the Philippine Collegian looks back at eight decades of headlines that saw print on its pages & sent ripples within and outside the university.
 
5 Mar 1955
Collegian
suppression
lifted by
president
Presses roll as Tan lifts ban; denies knowledge of suspension order

The suspension of the
highly controversial
issue of the Philippine
Collegian carrying a
story about charges
being filed by Ms.
Amelita Reysion-Cruz
with the Board of Regents against President Vidal Tan, was officially lifted last March 3, with the permission of Pres. Tan to print the Collegian in full.
 
 
 
Last week
 
Editoryal
Need to Know
Balita
Panawagang pagpapatalsik kay Arroyo

6 of 10 UPD passers are from private schools, NCR

USEB nagpaalala ukol sa palisiya sa kampanya

UP batters settle for bronze

IBS orgs evicted from tambayans

Halalan

Standard Bearers

Councilors & College Reps

Party Profiles

Grapiks
"Drop"

Half-life

Opinyon
Lihim na liham

Paglalakbay

Return to Sender

Near Closure

 
Home
 
About
 
Downloads
 
Contact
 
Links
       
   

Mga Pagbabago

Ivan Reverente
Philippine Collegian
Last updated March 3rd, 2008

Naaalala mo pa ba nung bata pa tayo? Ako, katulad ngayon ay patpatin pa rin at ikaw naman ay may katabaan. Hindi tayo magkamukha pero madalas tayong tinatawag na kambal ng mga kaeskwela natin dahil bihira ang magkapatid na magkaklase. Marami tayong pagkakapareho noon, parehas na mga pangarap at parehas na hilig sa pagguhit. Mas matanda ako sayo pero hindi ko naramdaman yun kahit minsan, at sa maraming pagkakataon ay parang ikaw ang mas kuya sa ating dalawa. Ikaw kasi ang mas matapang at dahil sa payat nga ako ay ako ang laging mas mahina. Madalas akong takot sa maraming bagay pero natututunan kong maging matapang kapag nandyan ka.

Pero isang araw may humarang na mga bata sa ‘tin habang tayo’y pauwi. Hinihingan nila tayo ng pera, at sa kabila ng takot ko ay tumanggi pa rin akong magbigay. Hinablot nila yung polo ko at tinakot tayo na bubugbugin nila. Alam mong hindi nila tayo padadaanin kaya nagbigay ka ng pera. Sa ating paglalakad ay sinabi mong nainis ka sa ‘kin, tinanong mo kung bakit hindi ako nagbigay kahit may pera naman ako. Ang sabi ko sayo nun ay dahil hindi tama. Tiningnan mo ‘ko nun at sinabing, “yan ang magpapahamak sayo.” Hindi na tayo masyadong nag-usap pagkatapos ng araw na yun.

Sa pagpasok natin ng hayskul ay hindi na tayo naging magkaklase, nagkaroon ka na ng ibang mga kaibigan at ganun din ako. Dumami ang mga pagkakataon na hindi na tayo nagkukwentuhan at madalas ay nagdadaanan na lang tayo sa bahay. Hindi na tayo katulad ng dati, at sa maraming pagkakataon ay nagkakaroon tayo ng alitan. Hindi mo na nalaman ang mga nangyayari sa akin noon, wala ka nang alam sa maraming beses na ako’y napagtripan at napagtulungan. Lagi akong takot pero hindi ako pumapayag na bumigay sa mga nananakot sa ‘kin. Parati akong nagtatanong kung bakit ganon ang mga bagay at sa mga pagkakataong iyon ay iniisip ko kung ano ang gagawin mo kung ikaw yung nasa kalagayan ko.

Dumaan ang ilan pang taon at nakatuntong na tayo sa kolehiyo, katulad ng karamihan, isa ka sa mga tumutol na pumasok ako sa UP at kunin ang kursong gusto ko. Sinabi mong hindi mahalaga ang gusto ko, ang mahalaga ay kung may kikitain ba ‘ko kapag nakapagtapos ako. Nakapasok ako sa UP at naging ilustrador sa Kulê; marami akong natutunan sa pagpasok ko dito pero halatang ayaw mo sa mga pagbabagong nakikita mo sa akin. Naiinis ka kapag nakikita mo ang mga iginuguhit ko. Tinanong mo ‘ko kung bakit ba ‘ko masyadong nakikialam, ano ba naman ang alam ko.

Dun ko lang napansin na wala ka pa rin palang ipinagbago, katulad ng dati ay hindi ka magtatanong kapag may napansin kang mali, at mas madalas ay pipiliin mong manahimik na lang at magsawalang-kibo. Pero hanggang kelan ka magiging ganyan? Sana kahit minsan lang ay maging matapang ka katulad ng madalas mong ipinapakita. Kahit minsan lang ay matuto ka sanang makialam dahil alam mong hindi totoo na hindi ka naaapektuhan ng mga bagay na nakapaligid sayo. Sana matuto kang mangarap muli katulad ng dati na gusto mong gumawa ng mga pagbabago. Matuto ka rin sanang magtanong kung para kanino ba ang mga laman ng mga iginuguhit mo. Lagi pa rin akong takot katulad ng dati pero mas pinipili kong gawin ang alam kong nararapat. Magkaiba na nga tayo ngayon, ngunit hindi naman palaging kailangang ganoon.# Philippine Collegian

<< back to home


Cramming

Janno Gonzales
Philippine Collegian
Last updated March 4th, 2008

Habang kinacram ko ang column na ito nagkacram na ang mga kaklase ko sa FA para sa plate namin sa visual design class na ipapasa na bukas at hindi ko pa nasisimulan. Habang gumagawa ako ng draft kanina para rito sa tinatype ko ay matagal nang nakapagconceptualize ang mga kaklase ko para sa contest/plate sa graphic design class –sa sunod na linggo na yun. Habang pinipiga ko ang utak ko para lamang may maitype ay pabawas na nang pabawas ang posible kong maging grado sa plate naming komiks sa klase ko sa figure drawing. Matagal na ang pasahan at hindi ko pa rin tapos. Habang nagkukumahog ako ngayon sa tapat ng kompyuter ay pinoproblema ko ring kailangan ko nang matapos ang column na ito kaagad, para makabili ng 100 ASA film bago pa gumabi’t maabutan ang paglubog ng araw – kukuhanan para naman sa klase ko sa photography. Habang kanina pa inaantay ng mga editor sa Kulê na maie-mail ko na ito agad ay inaanatay na rin ng group leader ko sa isa pang klase ang akala nila’y tinatapos ko na, pero hindi pa, na sticker design.

Dahil sa pressure, lahat na yata ng pangit at masasamang salita ay naibulyaw ko na sa loob-loob ko – ingat na ingat na ‘wag lumabas sa bunganga ko’t marinig ng nanay kong nagpapahinga. Naalala ko tuloy, wala pa akong halos tulog dahil sa pagtapos naman ng editorial cartoon para sa isyu ring ito. Ipinagpaliban ko rin nga ang basketball game namin kagabi na pinakaaabangan ko pa naman, para bigyang-daan naman ang mural painting na required naming salihan dahil illustrators kami ng Kulê. Paulit-ulit ko nang tinanong sa sarili kung ano na ba itong pinaggagagawa ko. Isang responsibilidad lang naman ito bilang staff dito sa Kulê, pero damay ang responsibilidad ko naman sa mga magulang ko para mag-aral ng mabuti. Hindi naman sa ignorante ako sa pinasok ko, kaya nga pigil ako sa paghikayat ng mga kaibigan kong sumali rin sa Kulê, sa takot na sisihin nila ako kapag narito na sila.

Alam kong inaasahan ko na naman ang mga pangyayaring tulad nito. Sa katunayan nga ay nakapagtatakang hindi pa rin ako nasanay na inuuna ko ang gawain dito sa dyaryo bago ang tambak na gawain sa majors ko. Siguro dahil rin alam kong malalampasan ko naman ang mga ito pero hindi ng walang dinadaanang hirap. O kaya naman, siguro kaya ko inuuna ang responsibilidad ko rito, hindi dahil takot akong madismaya sa akin ang mga katrabaho kong kapwa mga estudyante, pero dahil mas gusto ko itong ginagawa.

Siguro para talaga akong nasa impiyerno kapag weekends dahil iyon ang press work naming mga illustrator. Lalo pa kung dadaan ang Sabado at Linggong hindi ko pa rin natatapos ang nakatoka sa aking gawain; para akong kinukutya ng mga kampanteng ngiti ng mga kaklase ko sa FA, dahil nagawa na nila ang assignment noong weekend samantalang makikipaghabulan pa ako sa oras para simulan ang akin. Yun na yun ang nangyayari ngayon, at wala na akong pakialam. Basta alam ko na sa dulo ng linggong ito, aabangan ko na naman ang rasyon ng Kulê sa mesa ng security guard sa FA. Kukuha ako ng kopya’t maamoy ang bagong imprentang dyaryo, at bawi na ang lahat.# Philippine Collegian

<< back to home

 
   
   
   
   
   
   
   
   
 
Home | About Us | Downloads | Contact | Links
All Rights Reserved. 2007 © Christianne Sintones Ursua
Hosted by www.Geocities.ws

1