Mga Kwento Ni Lolo

 
 

Balik-Tanaw Sa Ibaan Ng Aming Panahon

 
     
  Kwento Tula Iba Pa Larawan  
           
 

Ugoy-ugoy At Sagimis, Ayos Na!
(Para kay Nelson Semira)

Kung ika'y magme-merienda
Sa aming bayan ka pumunta
Dito ay maraming "choices"
At ikaw ay di na pipila.

Kung ika'y naiiinitan
Sa tindi ng sikat ng araw
Halu-halo ni Ka Benny
Ang dapat mong subukan.

Kung sorbetes ang napupusuan
Huwag maiinip, mag-intay lamang
Pag nadinig na ang kililing sa lansangan
Si Ka Ute o Ka Pedro parating na iyan.

Pag tinapay ang pinag-usapan
Iba't-ibang klase ang dito'y matatagpuan
Meron kaming de-agua, espesyal, at simada
Sa Ka Milagring na panaderya doon ka pupunta.

Kung tiyempo at Sabado maswerte ka
Dahil sa ngayon ay araw ng baraka
Tikman mo ang butsi-butsi o nilupak ayos ka na
Tiyak ikaw ay babalik kung nais na mabusog ka.

Pag puto ang nais mong tikman
Meron kang dapat na tandaan
Kung araw ng Sabado palengke ang puntahan
Kung hindi naman si Ka Lourdes ay bantayan.

Kung ang gutom mo ay "gargantuan"
Ang kainan ni Ka Peles ang puntahan
Dito'y pwede kang magpaluto ng espesyal
Pansit na may sabaw ang orderan.

Bago ka umuwi tayo muna ay maghunta
At para magkasarapan, "one shot" muna
Pag lambanog ang hilig alam na kung saan baga
Doon kay Mamay Oryong sa tabi ng akasya.

   

Tula

Ay!

Ugoy-ugoy At Sagimis


Iba Pang Gawa Ng May Akda


Hinagap


A Writer At Heart


Optional

 
           
 

Ay!  |  Ugoy-ugoy At Sagimis

       
           
 

Copyright 2008 Aureo P. Castro

       
           

 

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1