ORAS-ORAS
Lyrics: Jimmy Antiporda
Music: Takuya Nakano

Alam mo ba, sa puso ko’y
Ikaw lamang ang nagbibigay
Ng buhay kapag nalulumbay.
Halika na, sumama na
Sa agos ng ilog ng pag-ibig
Na alay ko sa iyo.

Refrain:
Oras-oras ay kasama sa puso’t isip ko
Ang lahat ay ialay ko para lang sa iyo.
Pag-ibig ko sa ‘yo’y hindi magbabago
Walang hanggang magmamahal sa ‘yo.

Sa lahat ng bagay sa mundong ito
Wala nang hihigit pa
Sa pag-ibig ko sa ‘yo
Limutin na ang lahat ng mga hadlang
Sa ating pagmamahalan
Magpakailanman.

Repeat Refrain

[1]    [2]    [3]    [4]    [5]    [6]    [7]    [8]    [9]    [10]    [11]

Hosted by www.Geocities.ws

1