SA PAGLISAN MO
Music and Lyrics by
Maria Luz Lilet N. Jodloman

Nanlamig na ba ang pag-ibig mo sinta.
Dati'y kay saya
Sa tuwinang ako’y kasama
Init ng yakap mo, ‘di ko na madama
At biglang nagpaalam na,
Ba’t nagbago ka.
Sana’y dalhin mo sa paglisan mo
Alaala ng lumipas,
Dating suyuan kay tamis naman
Upang iyo lang kalimutan.
Masakit man sa ‘king ikaw ay lilisan,
Ang mahal kita’y lagi mong tandaan.
Mayroon na bang
Ibang nais makasama.
Bakit nag-iba,
Dati mong lambing ay wala na.
Tamis ng halik  mo ay biglang naglaho
At nilimot na lang basta
Ang dating sumpaan.
Kahit ika’y sa akin pa mawalay,
Dito ka sa puso ko habang-buhay.

[1]    [2]    [3]    [4]    [5]    [6]    [7]    [8]    [9]    [10]    [11]

Hosted by www.Geocities.ws

1