|
PWEDE BA KAYA TAYONG MULI Lyrics: Arnel de Pano/Music: Soc Villanueva
Matagal-tagal din tayong nagmahalan Sa huli’y kinailangang maghiwalay Nagkanya-kanyang landas at kapalaran Halos ay nalimot na kitang tunay. Sa tagal-tagal ng pagdaan ng panahon Nasubukan na ako’y umibig sa iba. Nguni’t di ko nga maisip ba’t hanggang ngayon Ay ikaw pa rin ang hanap ko tuwina. Refrain: Ang sabi ko’y pwede ba kaya tayong muli? Pwede ba kahit man lamang sandali ay Bigyan ng bukas ang ating naputol na kahapon, Pwede ba kaya tayong dalawang muli?
'Di ko nga maunawaan ang pagibig Kung kailan nangungulila ang puso Alam ko sa iyo lamang iikot ang aking daigdig Bakit ba nagdalawang-isip pa sa iyo? Bakit ba nalalaman mo lang ang halaga Ng pagibig pag ito ay wala na… Repeat Refrain
|