|
A Writer At Heart |
||||||||
|
The Writings Of Aureo P. Castro |
||||||||
|
Huwag Itapon Ang Pinaghugasan Sa Bigas Nung bata pa po tayo ay iyon pong pinaghugasan sa bigas hindi laging itinatapon ni Inay at kung minsan ay ginagamit niya ito sa pagluluto ng masarap at masustansiyang gulay. Naisip ko lamang po na ito ay isang napakagandang methapor upang ipamalas ang isang magandang aral ng buhay. Sa ating pong pagtahak sa mundong ibabaw ay di miminsan tayong nakakatagpo ng ilang taong nagiwan ng matatamis na alaala sa ating buhay at nagbigay sa atin ng mga karanasang nagbibigay sigla sa bawat hibla ng ating katawan. Hindi man po nagbunga ng pangmatagalang ugnayan ay nagdulot po naman sa atin ng gamundong kaligayahan kahit pansamantala lamang. Ang mahalaga po ay ang maturuan natin ang ating sarili na laging kipkipin ng malapit sa ating puso at panatilihing nandoon ang mga magagandang kaganapang iyon habang panahon. At pakaingatan po natin ang mga ala-alang iyan at huwag na huwag po nating iwagwaglit sapagkat iyan po ang ating maaasahan sa pagkakataong tayo ay paglaruan ng feelings of doubt, emptiness and worthlessness. Ang trick po ay sa tuwing dadalawin tayo ng ganitong mga negatibong damdamin ay ipikit po natin ang ating mga mata at alalahanin po natin ang ating magagandang karanasan na nagdulot sa atin ng nag-uumapaw na kaligayan. At sigurado po ako na unti-unti ay mamumuo ang isang smile sa inyong mukha at kaakibat po nito ay kakaibang positive feeling ang inyong mararamdaman. Ito na po ang simula ng pagbabago ng takbo ng inyong kaisipan. Ngayon po, kung sakali naman po na tayo ay dalawin ng negatibong karanasan, gawin na po nating habit na yung negative experiences including all those pesky feelings accompanying them ay automatic na po na i-move natin sa recycle bin at hindi lamang po iyan, make sure na i-empty din po natin ang recycle bin para makasigurado po tayo na hindi na po makakabalik ang masasamang ala-ala na iyan sa ating kamalayan. At kung positive experience po naman ang dumapit sa ating buhay, i-save po natin ito sa protected area ng ating mga puso at palagi po nating i-refresh from time to time para manatiling buhay sa ating ala-ala. At ugaliin po natin ang mag-ipon ng maraming positive nurturing feelings nang sa gayon ay makapagimbak tayo ng sufficient reserve ammo na pwede po nating gamitin kung tayo po ay nalalagay sa balag ng alanganin. So, from now on po,
keep those feel-good memories alive in your heart always. Itabi po natin
palagi ang pinaghugasan sa bigas upang tulad din ni Inay, meron tayong
magagamit sa pagluluto ng masarap at masustansiyang gulay. |
Other Articles In The Same Category Ang Tamang Paginom Sa Barakong Kape Huwag Itapon Ang Pinaghugasan Sa Bigas Mga Barako Ng Kanilang Panahon Other Web Sites By The Author
|
|||
|
Copyright 2008 Aureo P. Castro Email: [email protected] |
||||