Main  About Us  Events  Updates  Press Statement    Urgent Action  Links

National Fact-Finding and Medical Mission sa Occidental Mindoro, nagsimula na

Harassment naranasan ng mga myembro ng team, mga residente

 

Mga kaganapan sa unang araw sa field ng National Fact-Finding and Medical Mission (NFFMM) sa Occidental Mindoro:

 

Nobyembre 22, 2004, 8:15 ng umaga

Dumating sa Abra de Ilog, Mindoro Occidental ang team ng NFFMM na binubuo ng 52 katao – mga human rights workers, abogado, pari, pastor at mga doktor.  Nagkarron ng courtesy call kay Abra de Ilog Vice Mayor Nardo Alcantara para maluwalhating maisagawa ang misyon sa naturang lugar.  Ang team ay pinaligiran ng anim na sundalo na may dalang mahahabang baril habang nakikipag-usap sila sa vice mayor.  Nang lumabas sa opisina ng Vice Mayor ang mga sundalo, may mga pumasok namang mga pulis.  Ang ibang kasapi ng team na nasa labas ng opisina ay pinagkukunan ng video at litrato at tinatanong ng mga pulis kung saan sila pupunta.

 

Nobyembre 22, 2004, 10:18 ng umaga

Siniyasat din ang team sa isang check point, pilit na pinababa ang lahat ng mga lulan ng sasakyan ng mga myembro ng RMG (Regional Mobile Group).  Nagtanong pa ang mga ito kung saan pupunta ang team. 

 

Nobyembre 22, 2004, 11:03 ng umaga

Matapos maantala ng checkpoint ay naantala naman ang team ng traffic jam sanhi naman ng isang trak na nasira.

 

Nobyembre 22, 2004, 2:14 ng hapon

Pagdating ng team sa Bgy. Armado, Abra de Ilog ay nagsagawa na ng medical mission ang mga doctor na kasama sa team.  Pinigilan ng mga sundalo na magpa-tsek-ap ang mga residente sa medical personnel ng team.  Pilit pang kinukuha sa kanila ang listahan ng mga residenteng nagpatingin sa mga doktor.

 

Nobyembre 22, 2004, 3:24 ng hapon

May walong lalaki at isang babaeng naglunsad ng rali sa Brgy. Armado, Abra de Ilog na nananakot sa mga residente.  Nagbabala rin ang mga ito sa mga residente sa lugar na wag umanong maniwala sa fact-finding team dahil mga front lang daw sila ng mga komunistang grupo. 

 

Nobyembre 22, 2004, 3:29 ng hapon

May dumating ding dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo at nakatakip ang mukha.  Sumama ang mga ito sa mga nangha-harass na grupo ng siyam na kalalakihan.

 

 

Nobyembre 22, 2004, 3:37 ng hapon

Maya-maya pa ay may dumating nang mga sundalo sa kinaroroonan ng team.

 

Nobyembre 22, 2004, 4:01 ng hapon

May ilang sandali pa, dumating naman ang kagawad at kapitan ng baranggay at pilit na silang pinaaalis sa lugar.

 

Nobyembre 22, 2004, 4:15 ng hapon

Habang patungong Mamburao, ay muling pinigilan ang team sa isa na namang checkpoint.  Sumakay sa trak ang grupo ng mga “raliyista,” at kasama ng mga lalaking naka-motor, at ilang mga sundalo ay bumuntot habang papunta ang team sa munisipyo para makipag-usap kay Mayor Joel Manaligan. 

 

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1