Home    MyFavorites    Funny    Guestbook


Funny 1

Funny 2

Funny 3

Funny 4

Funny 5

Ganito Dapat Magbigay ng Masamang Balita



KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, ‘yungkatiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano’t napatawag ka? Mayproblema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo nanamatay ang alaga niyong parrot.",

"‘Yung parrot kong si Pikoy, patay? ‘Yung nanalo sabird show? ,

"Opo, Master Carlos, ‘yun na nga po."

"Putris ...

Sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong ‘yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang, ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nakakain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, ‘yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"‘Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman ‘yang pinagsasasabi mo?"

"‘Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po‘yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab ‘yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sabahay-bakasyunan, a. Para saan ‘yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n’yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating ditonu’ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."


Hosted by www.Geocities.ws

1