DLSAU Alpha Sigma - DLSAU AS & SA

ALPHA SIGMA
“We, brothers constituting the Alpha Sigma Fraternity, firmly established upon the principle
of TRUTH-REASON-JUSTICE, shall propagate the cause of humanitarian service in order to
achieve meaningful development, with the promotion of the goals of Nationalism, Academic
Excellence, Leadership, and Physical Development, and bound by the spirit of meaningful
brotherhood, do hereby uphold and fulfill this constitution.”
MENU
Go to content
History
Ang panaho’y nakalubog sa kumukulong kumunoy ng Batas Militar. Ang Bayan ay buhay na takalarawan ng mga kaganapang bumubuhay sa pulso ng karahasan, at nagpapaalon sa hininga ng ligalig. Kung hindi kikilos ng lihim sa kalunsuran, grupo-grupo, o ilang bilang ng mga indibidwal ang ninais na maging tahana’t tanggaping maging libingan ang pulo-pulong kanayunan..

Ika-21 ng Setyembre 1977, hinawi ni Renato ‘Rene’ Zaballa (UPLB Alpha Sigma, 74B, Batch FlatRock), ang nakalukob na kulambo ng pangamba. Mula sa bakuran ng UPLB, itinatag niya, kasama ang ilan pang piling mga indibidwal, ang Alpha Sigma Fraternity-DLSAU (GAUF) Chapter.

Ang Alpha Sigma Fraternity, ay itinatag nung ika-10 ng Oktubre 1962 (UP Diliman). Mula sa pakahulugang “Advocate of Scholarship,” itinulak ng pasistang pananalasa sa lipunan, ang lubusang pagsanib ng Alpha Sigma, sa direktang pakikibaka’t mga adhika ng sambayanang Filipino; sa pagkakataong ‘yon, at bilang pagsasapraktika ng mga prinsipyong KATOTOHANAN, KATWIRAN at KATARUNGAN, isinilang ang “Alay sa Sambayanan.”

Likas na katangian ng bawat Alpha Sigma, ang maging mapanuri, mapagkumbaba, aktibong lider, at, ang palaging kahandaang makibaka para sa tunay na kalayaan at pambansang demokrasya.

Mula nang ito’y maitatag, ang Alpha Sigma Fraternity-DLSAU (GAUF) Chapter, ay nanatiling tapat, at patuloy na nagpapakahusay, upang lubusang mapaglingkuran ang sambayanang Pilipino.

“In all Endeavors, the Mark of Excellence.”

THE MARK OF AN ALPHA SIGMAN!
MASIG

Advocating Humanitarian service to the nation state through the promotion and demonstration of the goals of Nationalism,Academic Excellence, Leadership, and Physical Development.
Created by Gelo™ - 98A
ALPHA SIGMA
Copyrights - 2018 AE|EA
AΣ|ΣA

Was founded on Oct. 10, 1962 by twenty-four college and university scholars who gathered to form a fraternity unique in its vision.
HISTORY

DLSAU (GAUF) AΣ was founded by Brod. Renato "Rene" Zaballa from UPLB-Batch 74B on September 21, 1977.
Back to content | Back to main menu