Life-changing features, incisive analysis, no-holds-barred investigative reports...and more!


DevastatingThree's fabulous homepage

News: Top stories, current events and late-breaking news

About Us: Meet the cool, hip webmasters of Speakeasy

Playtime: A peep into the awesome lives of The Webmasters

Comments: Give us a piece of your minds, please

Site Map: Getting around this cool site is a breeze

Links: The sites that get our nod are almost as good as ours

Browse Articles
By John Andrew Agbay:

Ever wonder how
activists fall in love?

The Philippine
Foreign Debt Crisis

How to make
good use of trash!

Q&A on the Estrada Fallout
By Allyn V. Baldemor:

How to make friendships
last a lifetime

Busting Stress and
Beating the Blues

The Untold Feminist Cause
(Lesbian for Dummies)
By Reinier C. Dungca:

How to look for your
Perfect Crystal Partner

A Call for the
Ouster of Estrada

A love story of two worlds
(a script for comics)

UTANG! The Ins & Outs of Philippine Foreign Debt

Speakeasy! DevastatingThree's Domain [banner and logo] speakeasy [noun] 1. an establishment selling alcoholic beverages illegally; 2. watering hole for creative minds, armchair philosophers and innate geniuses 3. official website of DevastatingThree
Isang Panawagang
Patalsikin si Estrada


Reinier C. Dungca

Previous Page

Paano lumawig ang panawagang patalsikin si Estrada?

Sa paglabas ng maraming mga iskandalong kinasasangkutan ni Estrada gaya ng jueteng, tobacco excise tax scam, mga hindi maipaliwanag na yaman at mga malalaking mansyon, unti-unting lumabas ang mga panawagang papagbitiwin siya sa puwesto.

Kasabay nito ay ang pagkalas ng mga kapartido ni Estrada mula sa Lapian ng Masang Pilipino gaya nina Speaker Manuel Villar, Senate President Franklin Drilon at iba pang mga mambabatas. Pati na rin ang ilang miyembro ng gabinete ni Estrada gaya nina DTI Sec. Mar Roxas, Finance Sec. Edgardo Espiritu, DOST Sec. Filemon Uriarte ay nagsipagpanawagan na rin sa pagbibitiw ni Estrada sa pagkapangulo. At dito na nabuo ang United Opposition na pinangungunahan ng partidong Lakas sa ilalim ng pamumuno ni Bise-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Ano ang United Opposition?

Ito ay ang grupo ng mga pulitikong nananawagang magbitiw na si Estrada. Mula sa iba't-ibang grupong politikal, nagsama-sama ang mga pulitikong nananawagan sa madaliang pagbibitiw ni Estrada upang bumuo ng pansamantalang oposisyon laban kay Estrada.

Ang grupong ito rin ang naghain ng kasong impeachment sa Mababang Kapulungan at nagsulong ng kaso sa Senado nang maaprubahan ito ng Mababang Kapulungan noong Nobyembre 13, 2000.

Ano ang mga kasong ipinaratang kay Estrada?

Apat ang mga kasong inihain sa Senado laban kay Estrada: bribery, graft and corruption, betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong Disyembre 7, 2000 at araw-araw mula noon ay sinubaybayan na ng mga Pilipino ang impeachment trial.

Habang nililitis ng impeachment court si Estrada, nagpatuloy pa rin ba ang mga panawagang patalsikin si Estrada?

Bago pa man umpisahan ng senado ang paglilitis, naging mainit ang pagtanggap ng mamamayan sa panawagang Oust Estrada. Kabi-kabilang mga kilos protesta at mga rally ang inilunsad. Ilan dito ay ang prayer rally na ipinatawag ni Cardinal Sin at dating Pangulong Corazon Aquino noong Nobyembre 4, 2000. Kasama rin dito ang People's Strike kasabay nito ang People Power Lunch noong Nobyembre 14 na pinangunahan ng mga organisadong sektor ng lipunan.

Iba't-ibang grupo din ang naorganisa at pansamantalang binuo para isulong ang iisang layunin ng pagpapatalsik, sa anumang paraan, kay Estrada. Muling nabuhay ang Kompil II o ang Konggreso ng Mamamayang Pilipino II, ang grupong nanguna din noon sa pagpapabagsak sa rehimeng Marcos. Ang ibang mga grupo o sektor ng lipunan ay nananawagn tulad ng SELDA na grupo ng mga human rights victims, Contend, CURE o Coalition for the Urgent Resignation of Estrada, Estrada Resign Movement, TUCP o Trade Union Congress of the Philippines at marami pang mga bagong organisadong grupo.

Dito na nabuo ang tinatawag na United front upang tuluyang mag-ugnayan ang iba't-ibang grupong nananawagan sa pagpapatalsik kay Estrada.

Page   1   2    3   4       back to top

Search for
Get a Free Search Engine for Your Web Site
copyright © 2001.
Allyn V. Baldemor; Reinier Dungca; John Andrew Agbay.
University of the Philippines, Diliman, Quezon City
All rights reserved

Hosted by www.Geocities.ws

1