![]() |
|||||||||||||||||||||||||
| HISTORY | |||||||||||||||||||||||||
| Ang Simula | |||||||||||||||||||||||||
| Ang Day by Day Christian Ministries - United Arab Emirates o DBD - UAE, ay usbong ng Day by Day Christian Ministries sa Manila na unang nagsimula sa Riyadh, Saudi Arabia noong taong 1985. Naglalayon ito na magbigay kaluwalhatian sa ating Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng Kaniyang Salita. Gayon din ang paghubog sa mga mananampalataya tungo sa isang banal na pamumuhay, pagtutulungan, pagkalinga ng bawat isa bunsod ng mainit na pagkakapatiran at higit sa lahat ang pangangalap ng mga kaluluwang naliligaw tungo sa kaligtasang handog ng ating Panginoong HesuKristo. |
|||||||||||||||||||||||||
![]() |
|||||||||||||||||||||||||
| Ang kauna-unahang service na ginanap sa tahanan nina Pastor Hermie sa Karama. | |||||||||||||||||||||||||
| more... | |||||||||||||||||||||||||
| Bakit Day By Day? | |||||||||||||||||||||||||
| Ang Day by Day o bawat araw ay nagtataglay ng aming pinanamplatayahan at kung ano ang nais na maisakatuparan - na habang tayo ay patuloy na tumatanggap ng mga Salita ng Diyos at malayang ipinauubaya ang ating mga sarili na maging taga-sunod ni Kristo, patuloy Niyang pinalalakas ang ating pananampalataya. Binabago rin niya tayo sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya bawat araw ayon sa Kaniyang kaluwalhatian. Gayon din ang Day by Day ay nagtataglay ng pauli-ulit na pantig upang madali siyang matandaan. | |||||||||||||||||||||||||
| more... | |||||||||||||||||||||||||
| Ang Paglago | |||||||||||||||||||||||||
| Ang unang anim na buwan ay naging gathering stage ng mga nakakalat sa UAE na Day by Day members na nagmula kung saan-saang lugar tulad ng Makati, Manila, Riyadh, Al Khobar, atbp. Kabilang dito si Boy Magpayo, Alex Villacruz, Toots and Glency Bernardo, Jordan and Nimfa Joaquin. Gayon si Ed Bendana na nagsama pa ng mga kalakihang may puso sa gawain ng Panginoon. Ito'y sina Pastor Eriel Cantos (kasama ang kanyang maybahay na si Ate Dory at dalawang anakna sina Mitchie at JB, si Kuya Dict Carpio at nang maglaon ay si Kuya Rex Baliza. | |||||||||||||||||||||||||
| more... | |||||||||||||||||||||||||
| HOME | |||||||||||||||||||||||||