Mula sa marubdob na pagnanais at taimtim na pananalangin ni Pastor Hermie Manabo (higit na kilala sa tawag na Kuya Hermie o Kuyang), ang DBD-UAE ay isinilang sa Dubai noong buwan ng Hulyo ng nakaraang taon (July 2003). Si Kuya Hermie ay bunga ng Day by Day Ministries sa Riyadh, Saudi Arabia; lumago sa pananampalataya sa ilalim ng pagtuturo at gabay ni Pastor Ed Lapiz na siyang nagtatag at kasalukuyang Pangkalahatang Tagapamuno ng Day by Day Christian Ministries sa ibat ibang panig ng mundo. Si Kuyang Hermie ay naglingkod bilang isang church elder sa Riyadh at isa sa mga lumagda nang ipatala ang Day By Day Christian Ministries sa Securities and Exchange Commission ng Pilipinas.
Noong 1990, si Kuya Hermie ay umalis ng Riyadh at na-assign ng kanyang kumpanya sa ibat iba bansa sa Gulf. Nag-apply siya ng church license para sa Day By Day sa pamahalaan ng Bahrain ngunit nabigo. Makalipas ang labing tatlong taon, kung saan si Kuya Hermie ay narito na sa Dubai, noong buwan ng Pebrero 2003, muli siyang dinalaw sa paulit-ulit na panaginip ng kaniyang masidhing pagnanais na makapagtayo ng simbahan sa ilalim ng Day By Day. Ito�y binigyang kumpirmasyon ng ating Panginoong Hesus nang si Kuya Hermie ay unti unting makatanggap ng mga di-inaasahang e-mails mula sa mga dating kasamahan sa DBD-Riyadh. Animo�y pagbati at pangungumusta lamang, subalit tumimo sa kanyang puso bilang paalala ng Panginoon sa isang gawaing inilaan niya para kay Kuya Hermie dito sa Dubai. Ang kumpirmasyong ito ay higit na nagliwanag, nang sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, pagkatapos ng labintatlong taong singkad, muli niyang makadaop-palad sa isang malaking pagtitipon ng mga mananampalataya dito sa Dubai noong Mayo 2003 ang mga veterans ng DBD-Riyadh na sina Cora (Ditse) Valenciano at si Roger Pinpin. Sa muling pagkikitang ito, si Ditse, sa halip na magbigay ng isang pagbati ng pangungumusta, ay malakas na isinigaw ang mga katagang talagang tuloy na tuloy na ang Day by Day UAE! Mula sa mga salitang ito, ang Day by Day UAE ay nakumpirma sa puso ni Kuya Hermie.
Noong buwan ng Hunyo, 2003, ang mga kapatid sa pananampalataya na sina Roger Pinpin, Cora Valeriano at Edwin Laus ay nagbiyahe mula sa Abu Dhabi patungo sa Dubai at kinatagpo sa unang pagkakataon ang mag asawang kuya Hermie at Ate Lydia Manabo sa kanilang tahanan sa Karama. Ibinahagi ni Kuya Hermie ang kanyang pasanin at ang pagtawag sa kaniya ng Panginoong Diyos para sa Day By Day. Mula sa pagpupulong na ito, isinilang ang Day By Day - UAE.
Ang mga sumunod na araw ay inilaan sa pananalangin, pag aaral ng salita ng Diyos sa pamumuno ni Kuya Hermie. Malugod na ibinukas ni Kuya Hermie at Ate Lydia ang kanilang tahanan para sa gawaing ito ng Panginoon. Sa kasalukuyan, ang tahanang ito rin ang nagsisilbing DBD-UAE center. Sinimulan ang gawain ng nagkakaisang pamilyang Manabo (Hermie, Lydia at Jonjon), ang pamilyang Prina (Rodel and Ayie, Ara), ang pamilyang Rivera (Teddy, Yolly, Arwin and Andre), sina Mike Lugtu, Dhel Ramos. Nakiisa rin sina Joy Suria, Carol Tanliongco, Alex Villacruz, Boy Magpayo at mag-asawang Ruben at Marlene Villanueva. Nagsisunod din ang magkakapatid na Toots at Glency Bernardo, Terry at Leah Sarsona at Gerry at Cecille Castillo; Apple Sarsona, Tita Lida Alarcon at Jane Amorin. Sa pagpapala ng Panginoong Hesus, ang mga dumadalo sa prayer meetings at bible studies ay agad umakyat sa bilang na mahigit dalawampu. Dahil dito, ang bible studies ay hinati sa dalawang grupo, ang grupo sa Karama na idinadaos sa bahay nina Kuya Hermie, at ang grupo sa Deira na idinadaos naman sa tahanan ng mga magkakapatid na Toots/Glency Bernardo, Terry/Leah Sarsona, at Gerry/Cecille Castillo.
Noong ika 11 ng Hulyo 2003 ganap na ikasampu ng umaga, sa pagdalo ng humigit kumulang na 30 mananampalataya, ay ginanap ang kauna-uhanang praise and worship, sa tahanan nina Kuya Hermie. Ang mga unang praise & worship ay sumasabay sa CD at tapes. Nang lumaon ang praise and worship team ay binuo nina Mike Lugtu and Bhoie Magpayo, Ate Lydia, Carol Tanliongco at Joy Suria, kung saan ang gamit ay isang hiram na gitara at mga awit na isinulat kamay sa mga papel na A3 coupon bonds. Umanib rin si Alex Villacruz na siyang sumasaliw sa organ. Ang araw ding ito ang kinilalang anniversary date ng gawaing Day By Day-UAE.