DAY BY DAY-UAE

Ang Day By Day-UAE ay nagpapasakop sa mga katuruang pinaniniwalaan ng Day By Day-Manila. Mga katuruang hango sa Bibliya, ang hayag at hindi mapabubulaanang salita ng Diyos.

Ang DBD-UAE ay naniniwala na:

1. Ang bibliya ay ang hayag at hindi mapabubulaanang salita ng Diyos at ang huling kapamahalaan sa mga bagay ukol sa pananampalataya at uri ng pamumuhay.

2. Iisa ang Diyos na kumikilos sa tatlong katauhan, ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu

3. Ang kaligtasan ng sangkatauhan ay isang biyaya mula sa Diyos at masusumpungan lamang sa pamamagitan ng personal na pananampalataya sa Panginoong Hesus at hindi sa anumang kaparaanan ng tao;

4. Ang spiritual ng pagkakaisa ng lahat ng tunay na mananampalataya, na ang lahat ng mga ito ay kasapi ng isang pangkalahatang iglesya, ang katawan ni Kristo, kung saan si Kristo ang namumuno.

5. Ang biblikal na konsepto ng Kultura: na ang Diyos ang may akda ng lahat ng dalisay na kultura, na ang mga kulturang ito ay magagamit na kasangkapan sa tamang pagsamba at magagamit na tulay sa pagpapahayag ng tumpak na paraan ng kaligtasan. Kaya nga ang lahat ng kultura ay dapat salain, linangin at ialay na muli sa paanan ng Panginoong Jesus para sa Kaniyang kaluwalhatian.

Hosted by www.Geocities.ws

1