DAY BY DAY-UAE

Ang Paglago

Sa loob lamang ng siyam na buwan, biniyayaan tayo ng Panginoon ng mga musical instruments, sound systems and equipment. Salamat sa mga kapatirang tapat sa pagbibigay at pagkakaloob ng kanilang ikapu.

Ang matapat na humahawak ng ating pananalapi ay si Ate Ayie Prina na siyang namumuno sa Finance at Government Relations Ministry. Si Kuya Dick ang namumuno sa Music and Prayer Ministries; si Rex Baliza sa Men�s Ministry; Dory Cantos sa Ladies Ministry; Yolly Rivera sa Children�s Ministry; si Ed Bendana sa Church Activities & Affairs, si Jon-Jon Manabo sa Library & Records, Alex Villacruz sa Transportation, Lydia Manabo sa Services, Mike Lugtu sa Services at Worship Ministries; Pastor Eriel sa Guidance & Counselling at Evangelism. Ang Pastoral, Administration at Education Ministries ay sa pamamahala ni Kuya Hermie Manabo. Binigyang diin ang church education at buong tatag na sinusuportahan ng DBD-Manila sa pamamagitan ng patuloy na pagpapadala ni Kuya Joey Garcia ng mga aklat at teaching tapes ni Pastor Ed Lapiz. Ang Education ministry ay naghihikayat sa bawat isa na makinig ng at least dalawang teaching tapes sa loob ng isang linggo; si Rodel Prina ang nagmamakaalam sa IT/Photo & Reproduction - dahil sa kaniya nakapag reproduced na tayo ng libo-libong kopya ng messages tapes ni Pastor Ed sa CDs, cassette tapes at VCDs at wala pa ring tigil na pag-kopya sa mga libo-libong message tapes ni Pastor Ed Lapiz. Purihin ang Panginoong Hesus biniyayaan NIYA tayo ng gifted at anointed na si Pastor Ed Lapiz. Hindi ipinagdamot ni Pastor Ed maging ng DBD-UAE ang biyayang ito sa pamamagitan ng patuloy na pamamahagi ng mga tapes at CDs. Ang Information Technology group ay binuo nina Rodel Prina, Glency Bernardo at Mike Lugtu. Sila ang matiyagang nag-set up ng website http://dbduae.topcities.com at e-mail [email protected]. Si Glency Bernardo naman ang Editor-in-Chief ng weekly newsletter, ang Manna; kabalikat niya rito si Mike Lugtu.

Ginanap ang kauna-unahang panambahan sa loob ng Holy Trinity Compound (na pinamamahalaan ng Chaplaincy of Dubai & Sharjah with the Northern Emirates) noong Enero 17, 2004 at patuloy pa rin na tinatamasa ng DBD-UAE ang kalayaang ito. Tinatanaw nating utang na loob ang pagtulong na ito ni Pastor Neil Obeyesekere ng Grace Ministries International Church.

Ang kasalukuyang kapamahalaan ng Day By Day-UAE ay sa Dubai subalit nananalig ayon sa kalooban ng Diyos, na sa darating na panahon ay makapagtanim ng mga sangay na gawain sa ibat-ibang Emirates. Sa katunayan, noong March 22 ng kasalukuyang taon ay nagsimula ang gawain sa Abu Dhabi sa pangunguna ni Kuya Edwin Laus, Roger Pinpin at Cora Valenciano.

Mga natatanging pangyayari at gawain sa nakalipas na taon:

1. July 11, 2003 - Kauna-unahang Praise & Worship Celebration. Ginanap sa bahay ni Kuya Hermie at Lydia Manabo sa Karama, Dubai.

2. September 24, 2003 - Si Pastor Ed Lapiz ay naging panauhing tagapagsalita sa Abu Dhabi church; dinalaw niyang panandalian ang DBD sa Dubai. Kasama niya si Pastor Allen. Nangako siya na muling babalik sa Dubai para makapisan ng matagal-tagal ang mga kapatiran.

3. Ang kauna-unahang Praise & Worship Celebration na ginawa sa Holy Trinity compound noong ika-17 January 2004.

4. February 14-25, 2004. Si Pastor Rommel Gueverra, kasama ang pamilya, ay bumisita at nag conduct and P&W seminar. Sila ay naging pagpapala rin sa WIM kung saan siya ay naging tagapagsalita ukol sa Praise and Worship.

5. Nakiisa sa pagdiriwang ng anniversary ng ROCK Church at Liberty Church Fellowship (LCF); DECC.

6. Maraming kaluluwa ang tumanggap sa Panginoong Hesus. Dalawang sanggol ang ipinanganak sa ating pamilya, limang bata ang inihandog ng kanilang mga magulang sa Panginoong Hesus at pito na kapatiran ay nag pabautismo sa tubig.

7. Pagdiriwang ng kaarawan ng mga kapatiran, ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon sa Creekside park at Mamzar park na may kasamang masarap na salu-salo at masayang huntahan at paglalaro.

ANG LAHAT NG KAPURIHIN AY SA ATING DIYOS!

Hosted by www.Geocities.ws

1