sinag

| tahanan | ako | akads | aktibismo | akda | mapa | links | kontak |






Aninag


gaya ng araw at ng kanyang mga sinag
madaling makita dahil sa taglay na aliwalas at liwanag
mahirap makilala dahil minsa'y nakakasilaw, nakakabulag;

gaya ng sinag ng araw sa umaga ay pasayaw-sayaw,
sa gabi ay nagmumukmok,
nagkukubli sa isang sulok;

gaya ng sinag ng araw,
minsan 'di makita, madama ngunit palaging nagmamanman,
sa pamamagitan ng mga bituin at buwan

gaya ng sinag ng araw,
kasama sa tuwi-tuwina ngunit di pasasaling basta basta.







Copyright © 2004 PLAD
University of the Philippines Diliman
[email protected]

Hosted by www.Geocities.ws

1