|
Pagsibol
Nakaupo sa sahig na kahoy, sa may pintuan ng bahay, kasama si mama.
kelan po ako papasok ng eskwela, tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang taon ako noon. Basta ang alam ko,
hindi pa pwede ang isinagot sa akin. Pag-pito na daw ako.
Mababang Paaralan ng Kaybiga
1898-1996
Unang araw sa eskuwela,
sa may pinto ang pinili kong mesa,
ang pinto kay guro ayaw ipasara
upang makita ang tagahatid-sundo kong lola,
pagsulat ng dikit-dikit ng mainam
habang nakaupo sa hagdan ng tahanan.
nanay kung tawagin ko siya.
Paaralang Agham ng Lungsod Quezon
1996-2000
Dalawang agham, dalawang matematika kada taon binubuno
maraming masasaya at matatatag na pagkakaibigang nabubuo
ngunit sa labas ng mga pader nito unang nakita ang lipunan
sa anyo ng isang matanda sa overpass na tanging lata ang tangan.
Unang pagkakataon kong magpatak ng barya sa kapos,
may kasamang luhang di ko na namalayan ang pag-agos.
Sa labas ng mga pader...
Pamantasan ng Pilipinas, Diliman
2000-2004
Huling taon pinakamasaya, pinakamadugo
kailangang magmadali hinihintay na ako doon...
|