| ` |
| alas-dose na pala di naalintana dahil sa sobrang tagal ng pagtanga bigla na lang may tugtog na umikot sa ulo ko di namalaya't gumagalaw na ang mga paa ko sa tugtog na nangungulit, nagpupumilit sa pagpikit ng mata, may nagunita bigla na ring may pumintig na kung ano sa aking dibdib baduy man ito bagama't ito ang totoo.. at nagbalik ang mga alaala tipong pormang hayskul pa sa saliw na dati ay uso at tayo'y wala sa tiyempo hahawakan pa rin mga kamay at sasayaw, malumanay sana'y maibalik, parang nung JS Prom natin... tuwing alas dose lang pala kita naaalala sa lambing ng musikang sadyang makaluma bigla na lang nagbalik, kabaduyang inaasahan nang makita kitang bigla kahapon lang muling nagbalik ang mga alaala panahong halos nalimot ko na sa saliw na dati ay uso at wala pa rin tayo sa tiyempo yayakapin pa rin buong higpit at sana ay walang magagalit kung magbabalik parang nung JS Prom natin... |
| JS prom |