| ` |
| ang lawak ng langit ang ating liliparin ang ihip ng hangin ang ating lulusungin sa haba ng aking pisi, kita'y ililipad 'sintayog ng langit ang ating pangarap ngunit hinay lang sa arya ayan na ang mga ulap hindi na kita makita dahan-dahan lamang ang lipad... nais mong mahagkan ang lawak ng langit ang kulay ng araw ay sadyang nakakaakit ngunit 'di maaasahan ang hampas ng hangin ang aking alinlanga't hndi ka na magbabalik... ngunit tuluyan ka nang bumitaw ang nais mo'y lumaya sa lapad ng iyong layag tuluyan ka nang lumipad... gusto ko pa sana ngunit 'di na maaari 'di na maibabalik ang isang saglit at kung aking iisipi'y / pipipiliti'y wala ring mangyayari ang isang kahapon ay hindi ko na maibabalik/ ang isang kahapon ay hindi na magbabalik... |
| saranggola |