15.07.04 jueves
!!!!!!!!!!!!sa kaunaunahang pagkakataon ay nagalaw ang kilay ko!!!!!!!!!!!!ang sagrado kong kilay!!!!!!!!!!pictorial kanina para sa yearbook...ang aga no?..as if kasali ako sa magmamartsa....dami pang babasahin...sinong may lyrics ng 2 trick pony ng sandwich???....chao!
|
13.07.04 martes
GAANO KAHIRAP MAGING TUTA NG KANO??tanungin natin si la presidenta...
dahil sa maling intindi ko sa prof ay napraning ako at tinamad pumasok sa first class kanina..akala ko kasi yung buong libro pinapabasa isang chapter lang pala..edi kailangan ng mas mahabang panahon para magbasa..kaya i sakripisyo ang isa't kalahating oras..sayang nga kasi nagkasagutan yung kaklase ko at si "chi"*prof*...bakit??dahil kay dela cruz..sarado kasi utak ni chi at pinipilit niya sila*mga pumasok* na hindi dapat i pull out mga humanitarian contingent sa iraq...syempre may taliwas na pananaw*dapat lang!!!*..at nagsagutan sila..lagi kong hindi nawiwitness ang ganitong mga pangyayari..nung nakaraan nagtanong naman si chi kung "ano ang inyong gabay?"...sagot naman sila ng pangarap, pamilya, kaibigan...etc...tapos para kay chi may tamang sagot sa tanong niya...religion daw...edi sagot naman yung isa kong kaklase na pano kung wala kang religion..kung hindi ka naniniwala sa diyos..wala raw taong di naniniwala sa diyos..denial of the existence of god ang atheism sabi niya..kaya daw nagkakagulo dahil sa maling gabay ng mga tao..sagot nanaman kaklase ko na hindi naman pwede na ipilit niya samin yung paniniwala niya..haaaaay..grabeng tensyon..
intelektwalisasyon ng wikang filipino...*tama ba ispeling?*sana makatulong ako diyan kaya lang malabo talaga..kahit nung elementary pa weakness ko talaga ang lenguas...lalo na pinoy...halata naman...ang ginagamit ko ay balbal..ewan...may pinapabasa ngang libro at mas pinili ko yung ingles kasi mas madaling intindihin..sana talaga kinuha kong spec. e filipino..ma reremedyohan pa naman yan..
|
11.07.04 domingo
GUILTY
psensya po sa mga nagkocomment at nag tatag..wag nyo sanang isipin na di ko kayo nakikita..sobrang bangag lang talaga ko ngayon..ito talaga epekto ng kakulangan sa tulog...
GRACIAS cece, aaron, k^skwerd, fwend kikiam, shari
the ka-bangagan goes on...
sa tingin ko e si rich alvarez talaga ang nakita ko sa instituto cervantes..may klase kami tas nakit ko sa may bintana may matangkad na kalbo...kulang na lang e tumayo ko at pumunta ng parking lot...medyo matagal siya sa may kotse niya...ganun din itsura niya..parehas lang sa tv..at kung ano man ginagawa niya dun..meron na kong nabuong kwento sa tulong ng friendster..yung gf niya kasi nag tututor ng spanish...la lang..anlabo!!!
POSER
hehe..ginawan ko ng site ang klase..at talagang bading ang nagawa kong layout...nde naman kasi ako kasing henyo ng mga tao dyan sa links ko..pero ayus na yun..nde pa tapos kaya la pang laman... underthemangotree ..site ng tanging seksyon sa normal na territorial!..
pasatiempo
nagkaron ng GA ang dept. of soc sci..la lang..picture taking lang..dalawa ang digicam sa 4-14..kay sylvia at sa center*na parang kay red din kasi SA siya dun*..at kakaibang kaligayahan ng mga nilalang na yun ay ang makuhanan ako ng pic ng di ko alam..kulit!!..
something wicked this way comes...*joke!*
bukas ang balik ng prof ko galing ng japan..nagpresent daw ng paper...at andaming iniwang readings na hindi ko pa nabibigyan ng panahon...at bukas may hawak siyang classcard..kapag di nakasagot..magpaalam ka na sa pangarap mong gumradweyt..kahapon nagpunta pa kami ng glorietta para sa mga librong pinapabasa niya..3 pa lang nabibili ko..may 3 pa..la na kong pera..yoko naman ng xerox kais nakakatamad basahin..magaganda naman yung mga libro kaya sulit na rin..gudlak sa kin bukas...buti na lang may aalis naman ulit na isa pang prof..2 linggo namang mawawala..sa germany naman pupunta...kaya nagtambak din ng readings at paperwork...waaaaaaah..hindi ako sanay sa ganito!!
kondtradiksyon
kahit na tambak ang gawain..nakuha pa naming manood ng cine...minsan lang magyaya si red kaya wala nang isip isip..the prince and me pinanood namin..ang payat na ni julia stiles..ang masasabi ko lang ay khit na isa kong julia fanatic...hilaw ang pelikula...
tama na muna at nauubos na oras ko..gusto kong gumradweyt..
|
08.07.04 jueves
july na!!!birthday ni redentor kahapon..at si julye naman ngayon...hindi ko alam kung hanggang kelan ko gagamitin tong layout na to..hindi pa ko nakakagawa ng bago...andaming ginagawa..maliban sa nakita ko si fran cis bre w *kaya nakaganyan para pag may nagsearch ng pangalan niya..di lilitaw site ko* sa tapat ng benilde..la namang iba pang espesyal na nangyare..may kaklase ako sa cervantes na xientian...batch 98..kina thom ata yun..bukas pupunta kami sa taoist templeS..salamat talaga kay kaye!!!inikot niya talaga yung nakpil hanggang adriatico para tingnan yung mga temple na yun...sabay balik sa faura dahil may gagawin pa ata sa AS *yep taga UPmla*...kidlat ng kidlat!!sana wag pakialaman ng kidlat kuryente namin...kahapon GA ng soc sci dept...daming nag mjor ngayon ng soc sci at history...di katulad ng batch namin..tig isang section lang...kasalanan ng MAKABAYAN yan!!!*mamaya ko na tatapusin*
|
30.06.04 miercoles
katatapos lang ng speech ni gloria..pero di na ko mag kokomento tungkol sa speech, bilangan, at kung anu ano pang drama nila...nasisira lang ang araw ko...nawawalan nanaman ako ng pagasa...nasaan na ang silver lining???...tama na yan..dapat isa tong masayang entry...
ano ba ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw maliban sa pagbibisibisihan ko???
1. nag temple hunting kami sa mag tutuban...kaya lang buddhist temple ang napuntahan namin e ang kailangan namin ni alvin ay taoist temple..meron bang nakakaalam kung saan may taoist temple???...kailangan namin para sa history of religion..
2. pumunta kami sa mga tutuban malls...pasosyal..hehe..tapos merong stall dun na may mga taiwanese/korean drama at movies...dvd at vcd...nagwawala nga yung kaklase ko...na adik kay bae wong*tama ba spelling*..aliw
3. hehe...after 3 months nakita ko na ulit si ricky*oi eviang at red kung nababasa mo man to secret lang..hehe*..parang pumayat si bading..at napatunayan kong hindi na ko galit kahit ang baba ng binigay niyang grade sa ming lahat..at alam ko na sched ng ibang klase niya...ayus!
4. me syota na raw si lola*tawag namin kay rochelle*...nagtext siya kina bibo at maia*hindi ako kasali kasi la akong cellphone* na" ei peepz me bf na ko"..waaaaaah!!!!achara achara...pinagtatawanan ko nga siya pagpasok niya kinabukasan buti hindi napikon..pakonyo kasi..pero hindi namin alam ni bibo ang details ng lablyf niya si maia lang kinukwentuhan niya kasi tablado siya samin..
5. nginarag ako ni dr.T...hahaha...eto na ang constant ngayong semestre...sabi ni drew kapalit daw yun ng abalang binigay ko sa kanya dun sa completion..ayus na rin sa kin kasi mataas yung binigay niyang grade sa kin...tamang desisiyon talang wag ituloy kung sa tingin mong ma 75 ka lang...at balik sa ngaragan...parang hindi buo ang araw niya kapag di ako natatawag...nung lunes nga edi tinawag ako...nagcr yung isa kong kaklase...nakabalik na lang siya ako pa rin ang nakatayo at tinatanong..tsktsk
madami pa to kaya lang di ko maalala...pinakabadtrip sa lahat di ko napanood ang i witness nung lunes!!!!!!!!!!!!akala ko kasi i rereplay ng tues ng madaling araw...di naman pala...
salamat...cece, aaron, shari, paul, karen, aiza
|
25.06.04
manila day kahapon...nagpalit na muna ko ng layout kasi ayaw nang lumitaw ni diego..napanood ko kahapon ang myx live ng sandwich...nagtaka pa raw ako kung bakit wala si marc...si raymond ang vox...VJ NGA PALA SIYA SA MTV...tapos extra si MONG!!!!*gitarista ng chicosci*..tama na muna to..late na ko!!!!
|







