...yoga naman ang inaatupag..nakuha na raw niya classcard sa africa..tapos 80 lang...huwaaat...sa totoo lang inaasahan ko talaga na matataas ang grade na ibibigay samin ni rica...sa susunod na lang ako magkokomento dyan pag naka enrol na ko...
binalita rin ni bibo na si michelle(kaklase ko rin) e na operahan..appendicitis..napatunayan ko na talaga na hindi totoo yung sobra kang busog tas magtatalon ka siguradong puputok yun..wala sa sistema ni michelle ang possibilidad na mabusog..tama na nga nagpapagaling na siya..
nag pm si winter naalala raw niya kami ni bibo kapag nakikita niya ang pirated niyang ghost world kaya maghanap daw ako ng kopya nun tapos panoorin kasi siguradong magugustuhan daw namin yun...
|
11.05.04
ngayon ko lang na upload to!!!pasensya at natambak na!!!
sila pala!!!ninenok ko lang yang gif

|
10.05.04
napatunayan kong tatagaktak talaga ang pawis sa lahat ng forms of exercise maging sa pagboto..buti na lang talaga maaga kami nagpunta sa presinto..
alas siete pa lang nagkakagulo na kasi nawawala ang mga pangalan...kami ni mars ay nakalista sa presintong nde nag eexist..edi naghanap hanap pa ng pangalan sa master list...buti na lang e nandon na..
yung sa iba kasi wala pa rin sa master list kaya hindi na sila makakaboto at umuwi na lang...
nabadtrip lang ako kasi wrong spelling ang pangalan ko!!!hello!!!anong grade ba tinuro sa eskwela na may siyam na plante sa solar system at isa dun ay venus..
VUNES yung nakalagay sa listahan..sabihin nyo nang simpleng typo error yan pero sa simpleng pangalan nagkakamali sa spelling edi hindi na nakakapagtaka na may mga nawawalang pangalan at kung ano ano pang problema..
naalala ko tuloy na sinabi kong hindi ako boboto..pero maykakaproblema kasi kapag hindi..basta tapos na rin tong drama na to sa wakas..drama lang naman talaga ang lahat..wala namang magbabago maliban sa wala nang nakakairitang ads..ang pumalit naman e mga unofficial/partial count..
|
09.05.04
...TAMA!..galing yan sa pelikulang amistad..isa sa mga pelikulang iniyakan ko..kunsabagay mababaw naman luha ko kahit babe iniyakan ko..
kagaya nga ng sinabi ko kahapon..natuloy kami sa luneta at manila zoo...pero di kami nakapunta sa wow..
dahil nga mothers day ay medyo na konsyesya namang di sumama..marami pa lang kasama yung niyaya ni madus na pumunta puro mga bagets...
maaga kami umalis tapos hindi namin napansin na medyo umulan pala nung gabi..tapos malakas pala ang ulan sa maynila..bad omen..hehe...
ng makarating kami sa grandstand nagpunta na sila madus and co. sa may boardwalk para mag aerobics kuno..ako naman akay akay ko yung lola ko na sa wakas ay na pag isip isip na na kailangan pala niyang magtungkod...
nagpalakad lakad lang kami tapos kumain..pagkatapos nilang magpapayat e tumira ng istapegi..galing diba..buti na lang napagod na yung lola ko kaya naiwan kami sa sasakyan..
madami palang nag jojogging dun..pero karamihan ng nakita ko mga matatanda na..muntik na kong makatulog sa sasakyan ng bumalik na sila...sa manila zoo naman daw..
hindi ko alam kung anong istura ng manila zoo basta may pictures kami dun ng bata pa...tsaka nitong nakaraang mga taon ay pinapakita nga sa tv na napapabayaan na dahil walang pondo tapos namatay na mga hayop..basta puro nega..nakakapagtaka kung bakit kami pumunta dun no??..
pag hindi ka taga manila ay 40 tapos 20 sa bata..yung mga senior citizen ay libre...kapag taga manila ka naman 20 tas yung bata 10...
unang makikita ang kaawa awang elepante pag pasok sa loob..wala na siyang tusk tsaka sobrang putla..magisa lang siya..sabi ng lola ko ano ba yan matanda na dati may kasama yan baka patay na...
sa buong paglilibot namin sa loob puro yan ang sinasabi ng lola ko..matatanda na, madumi, wala man lang nagaalaga etc.. ang kulit...sabi ko nga kay madus imbes na magenjoy e nadagdagan pa ng problema lola ko..
kung nakakita siguro yun ng walis tingting e nagwalis pa yun sa loob..sunod sa elepante yung mga reptiles..kahabag habag..may patay pang pagong dun sa loob..pero meron naman dun na mukhang masaya at matabang monitor lizard..
yung phyton may kasamang patay na manok dun sa maliit na pond sa kulungan niya..haaaay..penitensya talaga pagpasok ko dito..
wala nang giraffe..patay na rin siguro..hindi ko nakita yung lion..sabi nasa loob daw..may lima pang tiger..tapos maraming crocodile at alligator..na parang hindi na pinapansin dun..walang trace na pinkakikialaman sila o nilinis yung kulungan..
may dalawang zebra tapos dalawa na lang rin ata yung peacock..maeron ding agila tsaka ostrich at hippo na maputla na rin at di man lang palitang yung pinagtatampisawan nilang tubig..
haay tama na nga...nakakaawa talaga yung mga hayop dun..kung di nila kayang alagaan ng maayos edi ibigay na lang sa ibang zoo o kung saang sanctuary sa bansa..
hindi yung andun lang sila para lang pikturan!!!para na ngang mga robot pag may camera lalapit tapos titingin..ginagawa nila yung trabaho nila tapos hindi man lang mapaayos yung kondisyon nila para man lang pakonswelo..edi kung ganyan lang gumawa na lang tayo ng mga robot na nakaprogram na humarap din para picturan..
hindi na kailangang pakainin hindi dumudumi kaya hindi babaho..wala pang nasasaktan..
kung may reincarnation nga sobrang pasakit talaga kung ang magiging nextlife mo ay isa sa mga hayop sa manila zoo kaya dapat na kong magpakabait mahirap na...
|
08.05.04
kainis..hindi bumili ng internet card si madus kasi hindi surfmaxx pero 50 pesos din..kaya hindi ko pa tapos yung pic..
bukas ko na ng hapon to i uupload pagnakauwi na galing sa luneta..nagyaya si madus na mag luneta at mag WOW para maipasyal si nepnep(nagiisip kami ni mars ng magandang nick..sabi nya nerner..newnew o neyney kaya..joke)
plano ko sana hanson yung layout kaya lang di ako pinalad sa paghahanap ng bagong pic..
eto na muna...sa may 19 enrollment tapos sa june 7 pasukan na...hindi pa ko nagrereview ng spanish..at religion..ang tanging nagawa ko lang ay nagpraktis magsulat..napansin ko lang na hindi na ko sanay magsulat ng dikit dikit at sobrang panget na talaga ng sulat ko..
hindi na ko makakanood ng naruto at recca sa pasukan..nga pala dapat ko nang labhan ang bag ko..naging brown na sa alikabok..at mtv lokal artist ang chicosci..hehe..gwapo ni mong!!..sabi ni **** na yung kaibigan niya nasa tingin ko ay isang self-proclaimed emo god ay na jojologan sa chicosci kasi nagpapa emocore daw..
hello!pakialam ba niya...sa pagkakaalam ko e sabaysabay lang silang na hook sa emo na yan..tapos ngayon feeling niya siya lang ang tunay at poser at nakikisakay lang ang iba!inggit lang siya sa chicosci kasi sikat..baka naman nagmumukha na kong die hard fan..
nagustuhan ko sila dati..kahit walang ibang maririnig kundi grooooowl..amen..bwahehe..nahawa lang ako ng ibang tao dyan..hehe..yung 2nd album nila gusto ko din..ang song of the year na paris..ang ayoko lang sa kanila ay masyadong nangingibabaw yung mga influences nila..
tama na nga yan..kung nung isang araw ay binubwiset ako ng sipon..ngayon inuubo na ko..tapos sinisermunan ako kasi naliligo ako ng gabi...
hay mawawala rin yan...sa wakas mag lulunes na..matatapos na ang pang iirita sa kin ng yan si gloria, problema mo sagot ko!!, top ten reasons why i like fpj.. at marami pang iba..andaming kakengkoyan ng mga political ads na yan
kagabi pala pinanood ko yung papogi sa dos..nakakatawa pero bigla akong naging hopeless..boboto ako sa lunes kasi nagbago isip ko..babush.
|