18.06.04


bluffing your way through...*quoted from my world litt prof*

4.00 to 5.50
yan ang "balitang" tumalo sa pagbubukas ng klase nitong lunes at sa pagdaan ng dalawang bagyo nitong nakaraang linggo hindi ko ikinagagalit ang pagtaas na yan..ilang beses na bang nagtaas ang langis/gas???yan ang kagalit galit...bakit ba kasi deregulated pa rin yan*hindi na to tanong halata naman ang sagot..pesteng sistema to* at ang minimum wage...SILA kaya ang swelduhan ng ganyang kababa..puros papicture lang ginagawa tapos ang taas ng sweldo at ang dami pang pribilehiyo..
ang nakakarindi talaga ay ang distribution ng matrix o tarima...WILL SOMEONE EXPLAIN TO ME WHY DO THE OPERATORS NEED TO PAY P520 FOR THAT PIECE OF PAPER..."authenticated" daw kasi.. para sakin yan ay isang malaking kalokohan!!!paraan lang yan ng gobyerno para i divert ang galit ng "masa"/mamamayan sa mga drayber at di SILA ang sisisihin...hindi pa magkakampihan ang mga mamamayan at ang transpo sector...kumita pa sila*said na kasi kaban ng bayan kailangan ng ibang mapapagkuhanan*..two birds with one stone...
tama na muna yan...
bukas may klase ulit sa instituto at pinagiisipan ko pa kung itutuloy ko pa yun...ang dami ko kasing gagawin sa skul at bawat oras ay mahalaga...malaking bagay ang sabado para magpahinga o kaya tapusin ang mga dapat tapusin..pero nanghihinayang naman kasi ako...malaking ang matutulong sakin nito...hindi dahil pupunta ako sa mexico at kakausapin si diego luna.. hindi ako kasali sa mga summa at magna na yan at wala rin akong major na orgs. na sinalihan...puro department based...hindi rin ako nakakolekta ng certificate of participation sa kung anu anong seminar...ang ibig kong sabihin yung sa instituto na lang ang pwede kong isulat sa resume ko...at ang maganda pa dito hanggang level 18 libre kami dun...e mahigit tatlong libo tuition fee dun..sayang..bahala na talaga...pagiisipang ko hanggang mamaya..
"ID mo??"
pasukan nanaman...sinong nag-make-up class sa first week ng pasok???..isa hanggang dalawang linggo mawawala ang dalawa sa mga prof namin dahil pupunta sila sa japan para sa isang seminar...ang unang reaksyon namin syempre yipee pero napagtanto tanto na rin namin na mas dyahe yun kesa beneficial...but na lang maaga pa at nakapagmake-up na.."hindi" pa masyadong busy..ayus naman ang mga prof...hindi na ko takot sa kanya*basahin ang previous post kung di matandaan kung sino*...ang laki ng pinagbago niya...siguro dahil advisery na niya kami...hindi lang ako ang nakapansin niyan lahat kami...hindi na death penalty ang parusa ngayon sa mga hindi nakakasagot...ni hindi nga life imprisonment "doe a deer, a female deer..."yung prof namin parang yung bida sa the sound of music...dalawa pang prof ang hindi ko pa nakikita..the rest yung mga dati pa rin...
napanood ko rin nung wed yung el crimen del padre amaro...sa waka nadala na ni bibo...sarap barilin ni amaro..

!!!!!!!nde na ko lilipat sa freewebs..pwede namang magrename ng di lumilipat..
cece, aaron, shari, anna, k^skwerd, fwend, paul, trinnah, chase, wobbie
|

13.06.04


kasalukuyang nakababad sa mayo ang buhok ko..kulang kulang dalawang buwan ba namang di suklayin...nagkabuhol buhol na..at mayo ang solusyon ng nanay ko..
OO...
tuluyan nang nasira tong pc ko!!!!isang linggo rin...dami kong naisip na i post...tsktsktsk..hindi ko pa rin nalalagay yung fanlistings!!!!may pasok na bukas!!!!argh...salamat pala sa mga napapadpad dito...
musta naman ang unang araw ng klase sa cervantes???....ayus lang
may balita ba????...nagpalit kami ng adviser...at ang pinalit ay si ms. t!!!!!at prof namin siya sa dalawang subject...pinarurusahan na talaga ako ng bathala...tama bang ibigay kami sa pinakakinatatakutan kong nilalang..at hindi ako nageexaggerate!!!..pagnakakasalubong ko yan sa hallway parang tumitigil ang puso ko..minsan muntik pa kong madulas buti nahawakan ko yung braso ni lola bulldozer!!!...at siya ang panakot sa kin ng mga kaklase ko...parang dementor ang dating!!!..hehe..*napanood ko pala yung harry potter nung linggo...maraming tao...at wala talaga si oliver wood!!!!!!****...masyado naman ang dementor...yung nagbigay na lang ng first test kina naruto...kalimutan ko pangalan nun...half niya tas half dementor...tapos m-t-th-fri ko siya makikita!!!bwahaha...bahala na...
|

04.06.04


hay...ang pc ko biglang namamatay sa di malamang dahilan..na tiempohan ko lang ngayon na okay at walang problema..bukas na simula ng klase namin sa cervantes..at bahala na...sa linggo na ko manonood ng harry potter...aagahan ko para makaupo ako...10 dapat nasa sm na ko para pumila!!!kasi pag di ko pa napanood ngayong linggo di ko na mapapanood yun..nde ko pa na uupload yung mga fanlisting..kainis talaga tong pc na to!!!
|

30.05.04


antagal kong di nagupdate kasi...tinatamad ako..hehe...lagi naman akong online kaya lang mas inuuna kong maghanap ng pics ni diego..hehe.. konting kwento tungkol sa kabaliwan ko..wala talaga akong balak na panoorin yang dirty dancing 2 dahil siya nga ang lead..anlabo..ang tanging napanood ko kasing pelikula niya e yung y tu mama tambien na hindi ko masyadong na-appreciate.. tsaka mahaba pa ang buhok niya dun tsaka medyo mataba pa siya..yung mga eksena pa dun puro na lang..haay..kaya lang naman ako bumili ng vcd nun kasi spanish nga..para masanay yung tenga ko sa mabilis na pagbigkas.. nga pala wala pa rin sa kin yung vcd ko!!!pero sabi ni bibo napanood daw niya yung trailer mukhang maganda naman daw..nung enrollment nagpunta kami sa sm tas pinapalabas dun sa tv sa labas ng cine yung trailer..!!!!!!kailangang mapanood!!!!tas tiningnan ko yung mga pics sa yahoo movie page ang gwapo!! kung babasahin mo naman yung mga reviews hindi nakakaengganyo panoorin kasi hindi raw napantayan yung unang dirty dancing etc. bahala sila basta natuwa naman ako...syempre dahil kay javier suarez!!!!nde ko na nga matandaan yung mga mukha ng ibang artista dun kahit dalawang beses naming pinanood kasi nanatili akong nakapokus..bwahehe.. pero di ibig sabihin nun di ko inintindi yung istorya..simple lang naman
>instituto<
nung miercoles ang grand day namin sa instituto...*natutunaw na sa kahihiyan*..8 ang usapan namin nina bibo at red sa tapa king sa vito cruz..dumating ako 8:45!!..bait ko no?!!..at pagdating ko wala pa si bibo na nakatira lang malapit sa metropoint!!! ang tindi talaga!!pumunta na kami sa building 9:30 pa yung bukas para sa mga mag iinquire..edi umupo muna kami sa labas..kwento tungkol sa mg magiging prof sa pasukan at di maganda ang balitang kumakalat pero next time na yan.. biglang dating ni hola (tawag namin sa espanola naming prof sa spanish).."how are you?..oh you're here to take the exam..you need to talk to the academic adviser.."yung iba niyang sinabi di na natanggap ng utak ko..huwaaaaat!!!!!exam!!!akala ko pupunta lang kami dun para pumirma, pareserve ng slot, pumili ng sked...tas biglang exam!!!magdadalawang buwan na kong hindi nag sasalita ng kastila maski quetal esta!!! naprapraning na kaming tatlo..nagbabalak na nga akong hindi tumuloy kaya lang nakita na ko ni hola...umakyat na kami tas pumunta na kay mr. charles..galit siya sa isang prof na hindi pa raw nag susubmit ng grades.. nag susumbong siya sa parang head dun..tas sabay baling samin..tas ibinigay kami dun sa head para raw sa diagnostic exam..*wala na ko sa sarili ko nito*..ayun interview na kumukuha palang kami ng upuan..tas LEVEL 1..nakakahiya..samantalang yung mga nauna sa min nasa level 9, 13...tas kami !!!nahihiya ako sa prof namin..e hindi nga kami handa..tama na nga to..sa june 5 simula ng class, 1-4..at para makalimutan namin ang pangyayari ay nanood kami ng sine..dirty dancing 2..!!!!!
|
Hosted by www.Geocities.ws

1