JOJO DE VEYRA: ILANG MGA LUMANG DROWING (1989-1990)
(JOJO DE VEYRA: SOME OLD DRAWINGS [1989-1990])
TEKSTUWAL, KONSEPTUWAL, SENTRAL NA BISWAL, MGA MATERYAL.
Mga Features ng Larong Ito [Features of this Game]. 1989. charcoal, graphite, wax crayon, colored na lapis, ballpoint pen, permanent-ink felt-tip pen, at touches ng oil pastel sa papel.
Unang nahilig si Veyra sa mga arteng konseptuwal. Narito sa Mga Features ng Larong Ito ang isang laro-laro sa pagkakaugnay ng pag-drowing bilang aksyon, wikang tradisyonal (lokal man o internasyonal) bilang reaksyon, mga sinulat na teksto sa ibabaw ng papel katabi ng mga iginuguhit, at ng pamagat ng artwork sa labas nito. Laro-laro rin ito sa kaugnayan ng mga biswal na reyalistikong hugis at forms sa pagbuo ng mga similes, ibig kong sabihin ng mga nakakatawang biswal na sagot. At panghuli, ito (rin o di kaya bilang resulta ng konsepto) ay isang tila pag-uusap ng mga materyales na ginamit sa pag-drowing ng komposisyong ito.
[Veyra first got interested in arts with a conceptual bent. Here in Features of this Game is a conceptual playing with the relationships between drawing as an act, traditional language as a reaction, picture-plane written texts, and the external artwork title. Likewise with the one between shapes and forms in the establishment of similes, or humorous visual retorts. Finally, also or as a consequence, this becomes a conversation between drawing materials.]
Gaya-gaya Scroll (o, Mas Katoliko) [Imitation Scroll (or, More Catholic)]. 1989. wax crayon, charcoal, graphite, colored na lapis, ballpoint pen, at oil pastel sa papel.
Nahilig din si Veyra sa mga parody. Ang Gaya-gaya Scroll ay halos isang parody o tawa sa mga resulta ng mixed media na mga drowing, ngunit tila rin mula sa isang perspektibang Kristiyano. Isang tila sagot din sa Taoist at Buddhist scrolls na kadalasa'y tungkol sa relasyon ng tao at ng kalikasan, ipinagdiriwang ng Gaya-gaya ang mga materyales ng pagdrowing bilang mga kaloob, bilang mga produktong galing sa isang pinanggalingang persona na "lumikha ng lahat". Ang imahen ng isang kabuuang nakakatakot na kalagayan ng panahon sa gitna nitong mga "kaloob" ay maaaring ang bersyon nitong ating Kristiyanong scroll ng yin at yang na balanse na sikat sa Taoism at Buddhism.
[Veyra had also been interested in parodies. Imitation Scroll is almost a parody of the mixed media result, but done from a Christian perspective. A seeming answer also to the Taoist scroll that purports to be about the relationship between man and nature, Gaya-gaya celebrates instead materials as blessings, as products that derive from a persona-source that "made them all". The image of an enveloping fearsome weather condition amidst all the "blessings" could be this Christian scroll's version of the yin and yang balance.]
Maroon'd, Return'd. 1989. charcoal, colored na lapis, oil pastel, graphite, wax crayon, at ballpoint pen sa papel.
Narito pa ang isang laro sa tekstong konseptuwal sa art. Nagsimula bilang semantikong patawa sa tinaguriang-"maroon" na shade ng kulay pula, ang kulay na ito mismo kasama ng kadiliman sa palibot ang nag-usbong ng isang "marooned" (o napadpad) na imahen. Kaakibat nito ang konteksto ng pagpapatapon ng isang tao at ang pagbabalik nito. Subalit ano ang tinutukoy ng mga imahen ng digmaan at mga espiya (mga mata) at maternity (ang suso sa taas) kaharap o katabi ng mga representatibong imahen mula sa etnikong sining, cinema, at kuntentong kulturang pop? Ang kayumangging imahen ba sa likod ng paa sa larawan ay isang malaking slice ng brownie? Kung gayun, ano ang ginagawa ng pang-nutrisyon na bagay na ito rito? At ano naman ang sinisimbolo ng abstract na mga pinto? Pagtakas? Pagpasok? O isa bang McArthurian, o Ninoy-esque, na alamat ire?
[Here is another play on textual concepts in art. It started as humorous semantics upon the "maroon"-tagged red color. Then colors and darknesses bloomed all around the "marooned" image. Then contexts of exile and return. Then images of war and spies and maternity vis a vis image representatives from ethnic art, cinema, and contented pop culture. Is that brown image behind the feet actually a large piece of brownie? What is that piece of nutrition doing here then? And the abstract door symbols? Escape? Entry? McArthurian legend, this?]
Ang Dagat [The Sea]. 1989. charcoal, graphite, at oil pastel sa papel.
Ito'y isang nawawalang drawing. Ito'y isa pang eksperimento sa pagtabi ng mga graphite images (at ng kanilang kintab) sa mga charcoal images (kasama ang kanilang pagka-sunóg). Na-inspire ng paglubog ng M/V Doña Paz noong dekada '80, pangunahing kagustuhan ng piyesang ito ang ipamalas ang maitim na mukha ng dagat sa kabila ng kutitap nito. Ang masayang pagka-rosas ng isang malaking isda ay may mabilis na di-masayang alingawngaw sa kulay dugo ng pula sa kanan ng drawing. Isang nasa ibabaw na contour drawing ng bangka naman ang nagpaparamdam ng pagka-kaluluwa nito. Tapos, ang tila-barnacle na kutitap ng graphite sa ibabaw naman ng imahen ng kahoy na humahati sa drawing sa dalawang panels ay nasasapawan ng dominanteng char ng charcoal sa drowing ng kahoy. Tapos, isang pares ng nalulunod na "charred hands" ang tila may huling paglabas sa dulo ng larawan sa kaliwa sa taas (na tila ring nakakapit ang mga ito sa larawan).
[This is a lost piece. It was another experiment in juxtaposing graphite images with their glow and charcoal images with their charred-ness. Inspired by the sinking of the M/V Doña Paz, the piece primarily wanted to evoke the darker side of the sea's shimmer. A large fish's happy pinkness is quickly echoed by blood red. A superimposed outrigger boat contour drawing evokes a ghost. The graphite barnacle-like shimmer on the panel-dividing wood image is overwhelmed by the dominant charcoal char. A pair of drowning "charred hands" appear as if for the last time at the frame's upper left edges (also as though clinging to the picture).]
SIMBOLISMO, NARATIBO, PAGHANGO, & ANG MALABO.
Kasalang Militar [Military Wedding]. 1989. pastel na lapis, charcoal, at graphite sa papel.
Ito naman ay isang komposisyon tungkol sa mala-pastel na kagandahan at purity, sa mala-charcoal na machismo at kulturang maka-giyera, at sa mala-graphite na industriya ng bakal. Ngunit bakit nasa charcoal ang sumisimbolo-ng-kaluwalhatiang kalapati?
[This, meanwhile, is a composition about (pastel-like) beauty, purity, (charcoal-like) machismo, war culture, and our age's (graphite-like) metallic industry. Why is the peace-symbolizing dove in charcoal?]
Haircut at mga Hugis sa Simbahan (o, Isang Weekend Date) [Haircut and Church Shapes (or, A Weekend Date)]. 1989. pastel na lapis, charcoal, at graphite sa papel.
Isa pang dating interes ni Veyra ang konseptuwal na naratibo o pagkukuwento ng may kalabuan. Kung titingnan ang relasyon ng mga nilalaman ng komposisyon dito sa pamagat nito, hihilahin tayo tungo sa isang tila-kuwento. May biswal na pagtatabi-tabi rito na bugbog ng konteksto: barbershop pole mula sa isang painting ng Amerikanong si Edward Hopper, isang bintana ng simbahan, isang floor tile, at sa gitna isang tila-baga'y huntress na may buradong lalagyan ng palaso kung kaya't nagmistula siyang parang may kinukuhang chewing gum sa kanyang bibig. Samakatuwid, ang konteksto rito'y mas may hamon sa atin sa pagiging mailap nito. Halimbawa, mga lalaki lamang ang nagpupunta sa barbero, kaya masasabi ba nating ang ating huntress ay naghihintay sa paglabas ng isang batang lalaki? O siya ba'y isang simpleng istatwa lamang sa labas, isang magnanakaw ng eksena na tanaw mula sa loob ng barbershop? Itong lahat ba'y nangyayari sa araw ng Linggo?
Panghuli, may hamon din dito sa framer, partikular sa gumagawa ng matting kung kanino itinatalaga ang pagsunod sa mga kurbada sa kaliwang bahagi ng ating larawan. Isang konseptuwal na puzzle na nag-aalok ng mga pagtalakay sa mga isyu ng gender, kapangyarihan, pagkamagiliw, pahinga, at isang posibleng pangahulugang pangkasarian (o erotisismo) katabi ng mga simbolo ng relihiyon/relihiyosong mitolohiya.
[Another early interest of Veyra was the conceptual narrative, or storytelling with a certain vagueness. Content-wise in relation to the title of the piece here, we are led to a narrative. There is a context-ridden visual juxtaposition: barbershop pole taken from an Edward Hopper painting, a church window, a floor tile, and in the middle a supposed huntress whose arrow bag has been erased, thus making her look as if she's taking a chewing gum out of her mouth. Context therefore is more a challenge for being elusive. For example, only men and boys go to barbershops, so is she waiting for a boy? Or is she a mere statue outside, a central scene-stealer seen from inside the barbershop? Is it a Sunday?
[Finally, here is a challenge to the framer, particularly the matting-maker who's supposed to follow the curves at the left of the picture. A conceptual puzzle offering symbols of gender, power, tenderness, relaxation, and a possible sexual innuendo.]
Sa Palikurang Nipa [At the Nipa Outhouse]. 1983-89. pastel na lapis, graphite, wax crayon, at bughaw at itim na ballpoint pens sa papel.
Dito muli, humango si Veyra ng mga imahen mula sa relihiyosong sining ng nakaraan habang di pinapansin (o inaalis) ang kanilang pangkasaysayan o di kaya mitolohikal na konteksto. Ang komposisyon na ito'y naglagay ng isang lalaking pigura -- gamit ang isang malambot na abuhing pastel -- sa isang tila nilapastangang anyo (castrated, bagamat "sculpturally" lamang). Biglang-lingon nito't makikitang kaharap niya ang ibang materyal na imahen: metal, crockery (mula sa isang 1980s na trabaho ng Amerikanong si Julian Schnabel), plaster (mula sa isang trabaho ng isa pang Amerikano, si Louise Bourgeois?), buhok, damo, kahoy. Dala na uli ng artist dito ang posibilidad ng isang Kristiyanong interbensyon sa pagsama rito ng dalawang krus at ng pyramid-God na mata [ngunit ito'y ilong!]). Ang "nipa" sa pamagat ay nasa isang graphite drawing ng isang naka-frame na graphite drawing.
Dito ay may mga patungkol sa maskulinidad, pagkamaselan/pagkamarupok, lakas, nutrisyon (ceramic crockery), buhay, at muli, sa Diyos at pagka-diyos.
[Here again, Veyra appropriated images from past religious art while ignoring (or liberating them from) their historical or mythological signifances. This piece puts a male figure in soft pastel gray in a rather mutilated mode (castrated, albeit only "sculpturally"). He quickly finds himself face to face with other material imagery: metal, crockery (from a Julian Schnabel work), plaster (from a Louise Bourgeois?), hair, grass, wood. Again, the artist had to bring in the possibility of a Christian intervention in the juxtaposition (two crosses, the pyramid-God eye [but it's a nose!]). The nipa in the title is in a graphite drawing of a framed graphite drawing.
[Here are ideas of masculinity, fragility, strength, nutrition, life, and again, God and godness.]
PORTREYT, PORMATA, PAGSASAMA-SAMA.
Entablado Blues (o, Gusto Mo Bang Sumikat?) [Stage Blues (or, Do You Want To Become Famous?)]. 1989. oil pastel, wax crayon, color felt-tip markers, graphite, tinta, at may kulay na mga lapis sa papel.
Pagsasama-sama ng mga imahe ang hilig ni Veyra noon. Dito, sinasabi ng komposisyon na ang horizontal space na dumadating sa drawing art ay isang emotional na puwang na tila entabladong pang-teyatro na gayunpama'y di kailangang gumaya sa teyatrikal na pag-ayos ng reyalismo. Kaya dito'y mayroon tayong pagtabi-tabi bilang drama, at jigsaw ng mga konteksto. Ang isang bughaw na mukha ng babae sa kanan ay simbolo ng TV glamour na napapalibutan ng ilang emblem: isang entabladong pang-teyatro na may punit o gasgas sa bakgrawnd (kathang-isip at totoo -- ang gasgas sa papel ay sinadya); sa baba ng entablado ay isang blur ng tinta (ulan na gawa ng pen hatching?) sa ibabaw ng tila mga bato (ang likidong tinta ay nagiging solido pagkatuyo nito, di nga ba?); ito'y na-fo-foreground-an naman ng kaluluwa ng isang tumutulong ice cream cone (tumutulong tinta, kuha mo?). Sa ibaba nitong lahat: ang golden brown na damo sa Sa Palikurang Nipa (tingnan ang piyesa sa taas) na rito'y may kasama ring larawang naka-frame, dalawang prutas, at isang bituin na may mga paa't bota. Ang naka-frame na larawan dito ay larawan ng Greek porticos at hindi ng nipa hut.
Mga sangkot na pinasasaringan: nasaktang puso (corny at hindi), pagka-sweet, pagka-pop, pagka-down-to-earth na literal tulad ng damo at prutas at gulay, pagka-pretensyoso tulad ng mga emulations ng sining natin sa sining ng ancient Europe, ambisyon at sex, at pagka-bughaw ng TV. Drowing. Bilang sadyang surreal na teyatro na di kailangang mawalan ng mood sa orisontal na pagkuwento nito.
[Juxtaposition was Veyra's earlier bent. Here, the horizontal drawing space becomes an emotional theater stage that doesn't simply mimick a theatrical setup in the realist mode. Here's juxtaposition as drama cum contextual jigsaw. A blue woman's face at the right is a symbol of TV glamour surrounded by several emblems: a theater stage with a tear in the background (fictional and real -- the paper bruise was contrived). Below the stage is an ink blur (pen hatching's rain?) over seeming rocks, foregrounded by an ice cream cone ghost with a drip (dripping ink, get it?). Below all this: the golden brown grass of Sa Palikurang Nipa (see previous piece) with the framed picture, two fruits, and a star with feet with boots. The framed picture is now suddenly that of Greek porticos instead of a nipa hut.
[Heartache (corny and not), sweetness, pop-ness, down-to-earth-ness as with grass and fruits and vegetables, pretentiousness as with emulations of ancient Europe, ambition and sex, and TV-blueness. Drawing. As contrived as theater, not necessarily mood-less.]
Pizza Mula Washington DC [Pizza From Washington DC]. 1989. charcoal, graphite, wax crayon, may kulay na mga lapis, itim na ballpoint pen, at oil pastel sa papel.
Ang contrived na framing format o pormata sa pag-frame nitong piyesa ay tila isang natatawang paggaya sa ilang istilo ng portrait framing. Ito ang isa sa ilang early attempts ng artist sa semi-expressionist portraiture -- na nagpoportrey hindi ng mukha ng isang modelo ngunit ng isang abstract na taga-Kanluran (isang Lincolnian na tipo ng mukha, na maaaring gawa sa bronze). Kaya ang mukhang ito'y nagiging simbolo ng Amerika, at napapalibutan ito ng iba pang malambot na emblems mula sa kulturang pop (maging ang imahen ng demonyo ay nakakatawa). Nawawasak lamang ang kabuuan ng pagka-pop nito ng isang diagonal na pulang blade (espada? dahon?).
Ngunit ang kapirasong biluging bagay sa taas ng nagigitnang ulong 'to ang nagpapalambot muli sa buong komposisyon. Yun ba ay pagkain? Yun ba'y globe ng mundo? Yun ba'y isang feminine na parasol? O iyon ba ang literal na pizza slice mula Wasington D.C.?
[The contrived framing format parodies certain flairs at portrait framing. This was one of the artist's early attempts at quasi-expressionist portraiture -- portraying no model's face but an abstract Westerner (a Lincolnian sort of face, possibly in bronze). So the face becomes a symbol of America, surrounded by other soft emblems from pop culture (even the devil image is funny). The whole pop-ness of this is only shattered by a diagonal red blade (sword? leaf?).
[The fragment of a circular object above the central head softens again however the whole composition. Is it something you can eat? Is it the globe? Is it a feminine parasol? Or is that the literal pizza piece from Washington D.C.?]
PINILIPINONG DE KOONING.
De Kooning Woman Composes Herself At The Manila International Airport Under Martial Law. 1989. graphite at oil spots sa papel.
Di niyo naitatanong, si De Kooning ang pintor na nagbigay sa atin ng maaari'y pinakabukas sa imahinasyon na portrayal ng pigura ng kababaihan (sa likod ng limitadong kulay na gamit sa kanyang bawat luna). Kaya minabuti naman ni Veyra na ilagay ang pigurang ito sa sitwasyon ng magulo at mala-palengkeng Manila International Airport na ngayo'y may palayaw nang "Ninoy", gamit lamang ang itim at silver na graphite at spots ng mala-militar na olive green.
YAMAN, SINING, KAHIRAPAN, KARAHASAN:
SERYENG STILL LIVES NA MAY KOMPOSISYONG SENTRAL.
Self-Portrait with Jade Cutlery. 1990. oil, charcoal, graphite, at tinta sa box-carton board.
Ito ang piyesang pinaka-gusto ng artist sa lahat ng early works niya. Jade ang cutlery? Ginto ang gilid ng pinggan? Platinum ang bakal na baso sa kanan? Dito'y naglalaban-laban ang mga objects ng kayamanan, music (o art) bilang luxury at produkto't pagmamay-ari ng kayamanan o pagkamayaman, at isang imahen ng poverty/modesty (ang simpleng isda at kanin sa plato). Narito rin ang imahen ng posibleng violence sa kutsilyo o switchblade o sword sa baba. O ito kaya'y flute ng nakaupo? O both? Pansinin din ang sobrang sentral na ayos ng larawan, isang ayos o composition na art na mismo. Ang mensahe o tanong: ano ba ang artist? Para kanino ba ang artist? Alam ba talaga ng artist ang ginagawa niya't role niya at ng kanyang (mga) obra sa lipunang ginagalawan?
Addendum: Mauulit ang thesis ng drawing na ito sa isang peynting na inekshibit ni Veyra kasama ng grupong Lakan Sining sa group exhibition nito sa Heritage Gallery sa SM Megamall noong Agosto 2006. Ang pamagat ng peynting ay Matalas na Pang-amoy sa Mga Bagay na Wow (2006) na ieekshibit din sa site na 'to pag nakumpleto na ng artist ang kanyang kasalukuyang koleksyon na pulos hango sa thesis ng drawing dine.
lumang sculpture installation
(an old sculpture installation)
sampling ng mga bagong trabaho (new-works sampling) |
ano ba ang tinatawag na independenteng artist? (what's an independent artist?) |
tungkol sa artist (about the artist)
Karapatang-ari © 2004 Vicente-Ignacio de Veyra. Reserbado lahat ng karapatan. Ang mga mambabasa/browsers ay maaaring tumingin, mag- save, mag- file at mag- print out ng tig-iisang kopya ng mga webpages sa website na ito, kasama ang mga artwork images na nakapaloob sa nasabing pages, para sa kanilang personal na gamit lamang. Walang reproduksyon, display, maramihang pagkopya, transmission, o distribusyon ng mga webpages na ito't ang indibidwal na mga artwork images na nakapaloob rito, o anumang bahagi, adaptation, abridgment o pagsalin ng mga textual o artwork na laman ng mga ito, ang maaaring gawin nang walang kasulatang pahintulot mula sa artist. Ang sinumang persona na gagawa ng anumang di-awtorisadong aksyon kaugnay sa mga trabahong ito ang liyable sa prosekusyong kriminal at civil claims for damages.
(Copyright © 2004 Vicente-Ignacio de Veyra. All rights reserved. Readers/browsers are welcome to view, save, file and print out single copies of the webpages in this website, inclusive of the artwork images contained therein, for their personal use only. No reproduction, display, multiple copy, transmission, or distribution of the webpages and the individual artwork images contained therein, or any excerpt, adaptation, abridgment or translation of the textual or artwork content herein, may be made without written permission from the artist. Any person who does any unauthorized act in relation to these works will be liable to criminal prosecution and civil claims for damages.)