|
|
![]() |
![]() |
QUOTE OF THE DAY ARCHIVES by Ondoher Prime |
![]() |
|
|
This
page is dedicated to one of the best animated shows since 1985, The Transformers.
This page is primarily focused on the best quotes of the Transformers in
Filipino (Tagalog).
(NOTE:
Knowledge of comtemporary Filipino highly recommended to fully appreciate
the quotes.)
SEPTEMBER-OCTOBER
2003
Click
here
for the episode guides.
Thank
Primus the Transformers are back on air at ABC 5 at its usual timeslot
(12 noon)! Unfortunately, I do not know the exact date it was re-aired
and only found out about it when I chanced upon it last September 23, 2003
(see archives for 31 October 2003) - just in time for the end credits.
Hence, the TTFQOTD will resume its archives dated September 26, 2003. The
archives for October 2003 immediately follows it in the same page.
I
have also started transferring PERMANENTLY into tape both the Transformers
Generations 1 and 2 programs every Fridays and Tuesdays respectively for
a much better appreciation of the TTFQOTD Archives - especially with some
quotes really worth putting into tape. Before I just recorded the episodes
and erase it once I have written down the quotes. Too bad I didn't start
this at the same time as the Archives (some earlier archived episodes survived).
Oh, well, better late than never. Please refer to the appendix to see which
episodes are available for viewing. I plan to transfer all of these into
*.mpeg format in the near future.
SEPTEMBER 2003
26
September 2003
Episode:
Triple Takeover (Generation 1)
So
far ito ang episode na pinakamatindi ang"intra-Decepticon" epalan - lalo
na sa pagitan ng mga Triple-changers na sina Astrotrain at Blitzwing, kasama
sina Megatron at Starcream! Kaya naman may tag-iisa silang "best quote"
para sa epsiode na ito (marked in purple).
Pero marami rin pala sa kanila ang chickenshit. (Low-profile ngayon ang
mga Autobots.)
Decepticon
Epalan #1:
Astrotrain:
"Hahaha... Wala pang planetang nawala sa orbit dahil nakinig sa katangahan
ni Starscream."
Eksena:
Pabalik sa Decepticon base sina Starscream at ang dalawang Triple-changers
at nagpaplano upang malinlang si Megatron sa kanilang patibong. Nagmungkahi
sina Blitzwing at Astrotrain sa mga kapalpakan ni Starscream sa pag-agaw
sa pamumuno ng mga Decepticons kay Megatron.
Simula
pa lang 'yan ng matinding epalan..
Non-Decepticon
Epalan #1:
Footbal
player: "Coach! May tangke! Anong gagawin ko?"
Coach:
"Eh di ibigay mo sa kanya ang bola!"
Eksena:
Pumasok sa football stadium si Blitzwing at ginulo ang mga naglalaro. Ibinato
ang bola kay Blitzwing.
Tama
ba namang itanong pa kung ano ang gagawin kapag may tangke?! Kaya nasusuportahan
ang stereotype sa mga football players, eh. At pilosopo pa ang coach, a...
Decepticon
Epalan #2:
Blitzwing:
"Ikaw ba ang commander-in chief?"
Coach:
"Ako ang coach."
Blitzwing:
"Hindi n'yo maiisahan si Blitzwing. Ikaw ay isang magaling na military
strategist. Ikaw ang magiging kanang-kamay ko."
Coach:
"Eh, pasensiya na pero may kontrata ako."
Eksena:
Hinuli ni Blitzwing ang coach matapos manggulo sa laro.
Nasa
tama bang pag-iisip ang dalawang ito?! Parang may mga sarili silang mundo
at kung anu-ano ang pinagsasasabi. Si Blitzwing, praning na naghahanap
ng strategist. Si coach naman, alam na ngang may robot na humahawak sa
kanya't kayang-kaya siyang pisatin, kontrata pa ang nagawang sabihin.
Decepticon
Epalan #3:
Blitzwing:
"Napaka-ignorante mo!" (sinabikay Scrapper)
Eksena:
Habang itinatayo ng mga Constructicons ang maze para kay Blitzwing at nagtanong
sa kanya tungkol dito si Scrapper. Sinagot siya.
Praning
talaga itong si Blitzwing. Arogante pa. Humanda ka mamaya...
Decepticon
Epalan #4:
Astrotrain:
"Matuto kang gumalang sa iyong pinuno."
Thrust:
"Pinuno? Paano mo naisip 'yan, choo-choo brain?"
Eksena:
Habang patuloy nangongolekta ng energon si Astrotrain, binisita siya ng
mga Seeker Decepticons.
At
nakisali rin sa epalan game ang mga Seekers sa pangunguna ni Thrust. (At
ma-coño pa, a! "Choo-choo brain," hehehe...)
At
sa pagpapatuloy ng pang-eepal ni Thrust...
Decepticon
Epalan #5:
Thrust:
"Eh hindi nga kaya ni Astrotrain mamuno sa nagkaipon-ipong mga basura(han),
hehehe..."
Eksena:
Matapos magkasira-sira ang Astroforce train ni Astrotrain, pinagtawanan
siya ng mga Seekers.
Sige,
epalan pa...!
Decepticon
Epalan #6 & Megatron's Best Epal Quote:
Megatron:
"Kung hindi ka nagsisinungaling, isa kang hangal!"
Starscream:
"Oo na, tanga na ako. Tanga na kung tanga!"
Eksena:
Matapos makawala nina Megatron at Starscream sa patibong at nalaman ang
pagtatraydor ng mga Triple-changers.
At
last! Umamin si Starscream, hehehe... Kaya naman 'yan ang ating Quote of
the Day!
Optimus'
Double-meaning Line of the Day:
Optimus
Prime: "Siguro puwede kong pasakan ang butas na ito..."
Eksena:
Inayos nina Optimus Prime at Ironhide ang nabutas na tubo ng tubig sa ilalim
ng siyudad.
Ang
bagong double-meaning line ni Prime. Iba rin talaga itong si Optimus, ano?
Oh-behave!
Decepticon
Epalan #7 & Blitzwing's Best Epal Quote::
Blitzwing:
"Alam n'yo, bakit hindi kayo gumawa ng tulay? Tapos tumalon kayo!"
Eksena:
Sa stadium, nagharap si Blitzwing at mga Constructicons para pag-usapan
ang pagiging pinuno ng mga Decepticons.
Namumuro
na itong si Blitzwing sa pang-eepal sa mga Constructicons, kaya...
Nag-transform
ang mga Constructicons para maging si Devastator...
Blitrzwing:
"Ay! Ay! Huwag kang magalit dagol... Huwag!"
Eksena:
Naglaban na sila.
Walang-hiya
itong si Blitzwing - chickenshit pala! At tinawag pa niyang "dagol" si
Devastator, hehehe...
Aba,
mukhang nakisali pa si Prime sa epalan, a...
Non-Decepticon
Epalan #2:
Optimus
Prime: "Kayong dalawa ni Starscream ay pareho lang: Para kayong BA-KAL
NA LA-MOK! Wala nang iba."
Megatron:
"Lamok pala ha? Eh di tikman mo ang kagat ko!"
Eksena:
Nagkita sina Optimus Prime, Megatron at Starscream at nalaman ni Megatron
ang mga pinaggagawa ng mga Triple-changers.
Talagang
gigil na gigil si Prime sa "BA-KAL NA LA-MOK! " a... At pinatulan pa ni
Megatron, hahaha!
Decepticon
Epalan #8 & Astrotrain's Best Epal Quote:
Blitzwing:
"Hoy, partner! Baka puwede mo akong tulungan kahit kaunti lang?"
Astrotrain:
"Aba oo, puwede. Pagkatapos kong ayusin ang takbo ng utak mo!"
Eksena:
Nagkita sina Blitzwing at Astrotrain sa stadium habang nagwawala pa rin
si Devastator.
At
siyempre, maiiwan ba si Starscream?
Decepticon
Epalan #9 & Starscream's Best Epal Quote:
Starscream:
"Si Megatron ay lampa!"
Eksena:
Labanan pa rin ng mga Decepticons sa stadium, matapos ibalibag ni Devastator
si Magatron sa unang pagkakataon.
Eh
narinig ito ni Devastator...
Decepticon
Epalan #10:
Devastator:
"Ganoon ka rin, Starscream!"
Eksena:
Si Starscream naman ang sinunod ni Devastator at hinampas ito sa ere habang
lumilipad ang nauna.
Sa
kanilang apat, ang chickenshit na Blitzwing pa ang unang nagising sa katotohanan!
Pero mag-eepalan muna silang lahat...
Decepticon
Epalan #11:
Blitzwing:
"Kailangan nating magtulong-tulong para matalo si Devastator!" (Chickenshit
talaga.)
Astrotrain:
"Kasama n'yo ako!" (Na-chickenshit na rin.)
Blitzwing:
"Hindi! Huwag ka na, traydor!" (Epal talaga.)
Megtaron:
"Kayong dalawa ang traydor dito!" (Sabay tira sa dalawa.)
Astrotrain:
"Megatron, nagkakamali ka..."
Blitzwing:
"...si Starscream ang tunay na traydor!"
Eksena:
Patuloy ang free-for-all hanggang nagsimulang matalo sina Megatron, Starscream
at ang mga Triple-changers laban kay Devastator kaya't napagkasunduan nilang
magtulungan.
Hahaha!
Sabay sinisi si Starscream na plakda nang hampasin ni Devastator. Mautak
rin 'yung mga Triple-changers, hehehe...
Ayos
nga ang free-for-all na labanan sa dulo ng episode na ito, eh. Parang 'yung
recent storyline ng WWE Smackdown na napanood ko na kung saan ang naglaban-laban
para sa championship ay sina Kurt Angle, Brock Lesnar, Big Show at Undertaker.
Nakakatawa pa sa episode na ito, dalawang beses dinampot ni Devastator
si Megatrona at binalibag na parang ipis - at tuwing sasabihin niyanng
"Ako ang pinuno ng Decepticons," etc... hahaha!!!
And
in the end, lumabas na naman ang pagiging cliché ni Prime...
Optimus
Prime: "Ang trono ay para sa Decepticons lamang dahil mas gusto kong pagulong-gulong
lang."
Eksena:
Matapos ang labanan, muling kinilala ng mga Autobts ang kanilang pinuno
at nagsama-sama upang makabuo ng trono.
Minsan
talaga napaka-cheesy nitong si Prime...
30
September 2003
Episode:
Blaster Blues (Generation 2)
Replay
na ang episode na ito (June
27, 2003), pero dahil sa hindi detalyado ang mga quotes doon sa nakalagay
noong June, heto uli, dinagdagan. Tingnan na rin natin kung may iba pang
ipanglalaban para sa Quote of the Day...
Heto
'yung original archive:
"Quote
of the Day:
"Blaster:
'Tayo'y magsaya sa tugtog ng musika!'
"Autobots:
'Tumahimik ka!!!'
"Eksena:
Habang nagbo-broadcast si Blaster ng isang heavy metal concert kay Teletran
1 at nagagambala ang emergency distress call para sa mga Autobots. (Mukhang
awkward 'yung pagkaka-construct ng sentence ni Blaster, pero yun ang narinig
ko, e.)"
And here are the rest...
Optimus
Prime: "Ang aking audioi-receptors! Ano iyong ingay na iyon?"
Hoist:
"Ang tawag ng mga tao diyan ay 'musika.'"
Sparkplug:
"Hindi ito'ng isang ito!"
Jazz:
"Ayos naman sa akin ang tugtog, ah! Yeah!"
~
brief scene change ~
Optimus
Prime: "Blaster! Hinaan mo ang tugtog!"
Jazz:
"Wooh! Yeah! Ganda!"
Eksena:
Nabulabog ang mga Autobots sa ipinadalang broadcast ni Blaster.
Ito
'yung additional comment na email ni Soupmeister. Nakakatawa talaga 'yung
pagsabi ni Jazz sa Tagalog ng mga linya niya - at ganoon pa siya magsayaw
sa ganoong klaseng tugtog (heavy metal ang tugtog tapos ang sayaw ay magkahalong
slam dance na mala-African tribal dance na nagsi-swing).
Dr.
Haley: "Nahuli na kayo! Nadala na nila ang Voltronic Galaxer."
Jazz:
"Pasensiya ka na kung nahuli kami. Medyo napalaban kami sa sayawan, eh."
Eksena:
Huli nang dumating ang mga Autobots sa laboratoryo ni Dr. Haley at nanakaw
na ang Voltronic Galaxer.
"Voltronic
Galaxer?" Hindi ba it rip-off sa Voltron? Talaga itong si Jazz, ginamit
pang dahilan ang kanyang pagsasayaw?! Sabagay, ang sagwa talaga ng sinasayaw
niya sa ganoong klaseng tugtugan.
Powerglide:
"Kabag-kazoom sa buwan!"
Eksena:
Papunta na ang Autobots sa buwan para hanapin sina Blaster at Cosmos at
kalabanin ang mga Decepticons.
Nahawa
na si Powerglide kay Warpath... Malala na ito...
Megatron:
"Huwag mo akong lokohin, hangal! Tumahimik ka!"
Eksena:
Sa Decepticon base sa buwan, sinisra ni Blaster ang transmission ni Megatron
sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapadala ng heavy metal concert transmissions.
Nahuli siya ni Megatron at sinampal at binaril.
Hindi
talaga madala-dala itong si Blaster. Ayan, iba tuloy ang natikman niya
kay Megs, hehehe...
Omega
Supreme: "Ngehh...."
Eksena:
Nakikipaglaban si Omega Supreme sa mga Decepticons sa buwan.
Imagine
n'yo na lang kung paano ito sinabi ni Omega Supreme: ang bagal-bagal niya
magsalita tapos malalim ang boses... Defintiely hindi maganda pakinggan.
"Ngehh..."
03
October 2003
Episode:
Prime Target (Generation 1)
Mukhang may isang taong may matinding obsession kay Optimus Prime, a - gusto niyang makuha ang ulo nito. Oh-behave! Tingnan natin kung kaya niya ang ulo ni Prime, hehehe...
Lord
Chumley: "Nakuha ko siya sa isang putok lang."
Eksena:
Kausap ni Lord Chumley ang kanyang alalay na si Ginsmore (tama ba spelling?)
at kinuwento kung gaano kadali niyang nakuha ang Russian jet fighter na
kasama sa kanyang koleksyon.
Isang
putok lang ba? Oh-behave, hehehe...
Tracks:
"Maipapakita ko sa mga tao na ang mga Autobots ay hindi lang malakas kundi
maginoo din..."
Bumblebee:
"... at mapagpakumbaba."
Eksena:
Papunta sa lungsod ang dalawa upang makihalubilo sa mga tao.
Okay
ring mambara si Bumblebee, ano? Tablado si Tracks, hehehe. Malamang gusto
lang niya mang-akit ng guys.
Tracks:
"Huwag n'yo kong piliting gumamit ng dahas... Haahh...!"
Eksena:
Nalibutan na nila sina Astrotrain at Blitzwing (na hologram lang pala)
sa isang makitid na eskinita.
Hindi
ka matatakot sa threat nitong si Tracks, eh. Ganito ba naman niya sabihin:
"Huwag n'yo kohng pihlitihng gumahmit ng dah-hahs... Haahh...!" Hay, tita...
Ang ating Tagalog Transformers Word of the Day ngayon ay: Bwisit.
Bwisit
#1:
Lord
Chumley: "Bwisit. Naku talaga, bwisit!"
Eksena:
Nakawala si Windcharger sa patibong ni Lord Chumley sa riles ng tren.
Bwisit
#2:
Ginsmore:
"Bwisit talaga kayo! Sinira niyo ang aming plano!"
Eksena:
Si Huffer naman ang nakawala.
Bwisit
#3:
Lord
Chumley: "Bwisit! Tinalo ako ng isang trak! Nakakahiya ako!"
Eksena:
Nang hindi kumagat si ptimus Prime sa patibong na babae (ooh!) ni Lord
Chumley.
Bwisit,
bwisit, bwisit... puro ka-bwisitan na lang ang pinagsasabi ninyo! Sabi
nga ni Shockwave sa espisode na "Desertion of the Dinobots (Part 2)" (na
ipinalabas noong 20
June 2003: "Buwisit na mga tao!" Bwisit!
(Hehehe...)
Warparth:
"Ang gusto ko ay lumabas tayo at - Bam! - Pitpitin ang mga Decepticons!"
Eksena:
Suspetsa ng mga Autobots, isa na si Warpath, na ang mga Decepticons ang
may kagagawan sa paglaho ng kanilang mga kasama.
Heto
na naman si Warpath. Pitpitin daw... Haayyy...
Astrotrsain:
"Sira talaga ang turnilyo mo!"
Eksena:
Nahuli si Blitzwing sa patibong na babae ni Lord Chumley.
May
hangover pa yata si Astrotrain sa kanilang epalan noong "Triple Takeover"
episode, hehehe...
Optimus
Prime: "Akalain mo nga naman... Ang bobong trap ay nakakahuli ng mga bobo..."
Eksena:
Nakita ni Optimus Prime na nahuli si Blitzwing sa patibong na babae ni
Lord Chumley.
Pati
yata si Prime, may hangover. Iba talaga humirit itong si Prime... malupit!
Lord
Chumley: "Alam mo Prime, maliligayahan ako nang husto 'pag napasaakin ang
ulo mo."
Eksena:
Nagsalita si Lord Chumley sa installed monitor sa scorpion doid niya na
kumalaban kay Optimus Prime.
Desidido
talaga si Chumley na makuha ang ulo ni Prime. Oh-behave! (Dapat siyang
kumuha ng tips kay Tracks, bihag naman niya ito, eh, hehehe...)
Lord
Chumley: "Mas gugustuhin ko pang matulungan ng isang ant-eater! Nang dahil
sa inyo nawala sa kamay ko ang ulo ni Prime."
Eksena:
Nahuli ni Lord Chumley ang dalawang Decepticon Triple-changers at galit
na galit sa mga ito.
Talagang
gusto niya ang ulo ni Prime. This guy's sick... Oh nasty!
Lord
Chumley: "Nahulog ka sa bitag ko, Optimus Prime. Kinumpleto mo ang buhay
ko."
Eksena:
Nahuli si Optimus Prime sa sapot na bitag ni Lord Chumley na gawa ng kanyang
black widow droid.
Hindi
lang yata "L" ang habol ni Chumley kay Prime, pati... wagas na pag-ibig?!
Oh, sick!
Quote
of the Day:
Optimus
Prime: "Maaaring imposible, pero talagang matigas!"
Eksena:
Nalampasan ni Optimus Prime ang huling bitag ni Lord Chumley at kaharap
na niya ito.
O,
pati si Prime humirit na rin, hehehe... Oh-behave! Kaya naman 'yan ang
ating Quote of the Day. Iba talaga kapag si Optimus Prime na ang nagsalita,
hehehe...
07
October 2003
Episode:
Sea Change (Generation 2)
Sa wakas napanood ko na sa translated Tagalog version ang epsiode na ito. Love story ang kuwento nito, at mushy ito para sa akin noong una ko itong napanood noon sa Ingles. Tingnan nga natin kung ganoon din ang epekto nito sa akin kapag tinagalog na...
Cosmos:
"Pero Optimus, masyado kang malaki."
Optimus
Prime: "Huwag kang mag-alala, Cosmos. Papayagan kong kayo lang ang trumabahao
nito ngayon."
Eksena:
Sa loob ng Ark, nagpaplano ng isang rescue expedition ang mga Autobots
sa natanggap nilang S.O.S. Hindi sasama si Optimus Prime dahil limitado
lang ang magkakasya kay Cosmos sa kanyang spaceship mode.
Ngek!
Simula at unang quote pa lang ang laswa na agad pakinggan. Mukhang hindi
na convincing na love story nga ang episode na ito...
Ah,
heto na...
Seaspray-Alanna
Mushy Dialogue #1 - First Contact:
Alanna:
"Ako si Alanna. Salamat sa pagkakaligtas mo sa akin."
Seaspray:
"Ah... ako nga pala si Seaspray, ang iyong lingkod."
Alanna:
"Ayos ka lang ba? Bakit ka namumula?"
Eksena:
Unang pagtatagpo. Iniligtas ni Seaspray si Alanna mula sa mga droids. Nagkakilanlan.
Love at first sight si Seaspray.
Mala-Close
Up commercial ba? Hiya-hiya effect muna, hehehe...
Seaspray-Alanna
Mushy Dialogue #2 - Looking For A Sign:
Alanna:
"Magkita na lang tayo!" (sabay flying kiss kay Seaspray)
Seaspray:
"Nakita mo, hinalikan niya ako...!"
Eksena:
Sa Well of Transformation (na ang translation ay "Balon ng Transformation"
(duh!) / "Balon ng Pagbabago"), naghiwalay ang mga Autobots at mga Tralachaans
(tama ba spelling?). Naging sirena si Alanna at nagpaalam pansamantala
kina Seaspray. Nahumaling si Seaspray sa flying kiss ni Alanna.
Nasa
cloud nine na itong si Seaspray. Teka lang, 'bot, huwag ka masyadong feeling
at fishing, hijo. Baka masaktan ka lang, hehehe...
Bumblebee:
"Hindi! SiLaserbeak! ... Eto na si Megatron!"
Eksena:
Nakita ng mga Decepticons ang mga Autobots sa may talon upang makipagkita
sa mga Tralachaans at sinugod sila.
Ganito
kasi ang pagkakasabi ni Bumblebee: "Hinde! Si Liserbik! ... Eyto na si
Maygatraun!" Nung kay Laserbeak, mala-Bisaya. Nung kay Megs, coñotic.
Itaas mo, Bumblebee, hehehe!
Quote
of the Day:
Dirge:
"Hhrr... Mga robo-rats! Napipigil ng mga pagsabog ang aking pananaliksik!"
Eksena:
Nabulabog ang ginagawang psychological experiments ni Dirge kay Bumblebee
dahil sa pagsugod ng pinagsamang puwersa ng mga Autobots at Tralachaans.
Ok,
tatlong playback ang ginawa ko rito at talagang "robo-rats" ang narinig
ko. Naaalala n'yo pa ba 'yung pelikula ni Joey de Leon na "Super Mouse
and the Robo-rats?" Star Wars rip-off na hinaluan ng mga daga at toilet
humor. Mukhang napanood 'yun ni Dirge (o ng nag-voice over sa kanya), a.
Sabi nga sa pelikula na iyon: "Roooo-b**at ka rin! Upang lubos kang maniwala,
ilabas mo ang iyong... lawit!" Ano naman kaya ang pumasok sa kung sino
mang nag-voice over kay Dirge at 'yun ang sinabi? Pero, 80s film din 'yun...
80s nostalgia! Hehehe... Kaya naman 'yan ang ating Quote of the Day!
Seaspray-Alanna
Mushy Dialogue #3 - My Pledge Of Love:
Eksena:
Tumakas at nasa loob ng Balon ng Pagbabago sina Seaspray at Alanna. Kailangan
nilang makatakas mula sa mga humahabol na droids ngunit baka matunaw rin
si Seaspray kapag lumusong siya sa Balon...
Alanna:
"Pareho kayong robot, di ba?" (Tinutukoy 'yung droid na natunaw sa Balon)
Seaspray:
"'Yun ba ang tingin mo sa akin?" (Disheartened na si Seaspray)
Alanna:
"Seaspray, kaibigan kita." (Nakup... mukhang busted a...)
Seaspray:
"Baka ganun nga lang ako para sa iyo: transistor at turnilyo..." (Nawalan
na ng pag-asa...) "Pero hindi ako naniniwala! Bakal man ang tingin mo sa
puso ko, pero hindi ibig sabihin nito na wala itong pakiramdam!" (Go, go,
go! Fight for your love!)
Alanna:
"Seaspray...!"
Seaspray:
"Kailangang malaman ko..." (Ipaglaban mo, kid!)
~
lumusong si Seaspray sa Balon ~
Alanna:
"Seaspray... ... Oh, Seaspray, kaibigan ko... Mahal din kita." (Umamin!
Kilig, kilig...)
Seaspray:
"Mahal mo? Talaga?" (Naman... huwag ka nang fishing at feeling... umamin
na! Baka maurong, sige ka.)
~
umahon si Seaspray na anyong tao ~
Alanna:
"Seaspray?"
Seadpray:
"Siguro. Teka, sandali. Ayan, nagustuhan mo ba, ha?"
Alanna:
"Seaspray!" (Yes! Tagumpay!) "... Aray!" (Aray kaagad?! Kabilis naman...
Oops, natapakan pala ng robot na paa ni Seaspray, hehehe. Akala ko kung
ano na...)
Seaspray:
"Pasensiya na. Siguro nga eh, robot pa rin ako." (Ayos lang 'yon! Panalo
ka pa rin!)
Alanna:
"Pero gusto kita bilang robot." (Kitam) "Natatakot nga ako na baka
ang isang tulad kong may katawang tao ay... hindi ako magugustuhan." (Well,
for a cartoon character, you're one hot babe. :) )
Seaspray:
"Hindi totoo 'yan. Gusto mo lumangoy tayo?"
...
At sila'y lumangoy na magkahawak-kamay at masaya sa kanilang natagpuang
bagong pag-iibigan.
Walang-hiya!
Mukhang mas matindi pa yata ang dating nang tinagalog na siya, a...
Rumble:
"Seaspray?! Ikaw ba 'yung napakalaking isda?!"
Eksena:
Naging anyong puno na si Rumble at nagulat siya nang makitang magbagong-anyo
si Seaspray mula merman at naging robot muli.
Napakalaking
isda... mwahahahaha! Wala lang, natawa lang ako sa pag-deliver ni Rumble
sa linyang ito.
Seaspray-Alanna
Mushy Dialogue #4 - I Would Do Anything For Love (But I Won't Do That):
Alanna:
"Halika na, Seaspray. May kailangan pa tayong gawin." (At ano naman 'yon,
aber?) "Nagustuhan mo ba?" (Hmm...)
Seaspray:
"Ah... eh... ah..." (At nautal naman si lover-boy...)
Alanna:
"Panandaliang paraan para labanan ang Decepticons. Maganda naman ang kulay
na napili ko hindi ba?" (Ah, akala ko kung ano na, hehehe...)
Eksena:
Umahon na sa Balon ang dalawa at nakawala sa humahabol na Rumble (na naging
puno) at naging anyong robot si Alanna.
Talagang
in-love ang dalawang ito! Maski si Alanna, gagawin ang lahat para kay Seaspray,
kahit ang maging isang robot. And we thought it was something else. (Mga
malisyoso!)
Seaspray-Alanna
Mushy Dialogue #5 - Maging Sino Ka Man:
Eksena:
Tapos na ang labanan. Napalaya na ang mga Tralachaans sa kamay ni Deceptitran
at ng mga droids nito at napaalis na ang mga Decepticons sa kanilang planeta.
Seaspray:
"Alanna! Ano, hindi mo ba gustong maging isang robot?" (Nakup, heto na
naman kami... Fight! Fight! Fight! Huwag kang susuko!)
Alanna:
"Masaya ako kung sino ako."
Seaspray:
"Ah, oo. Mas mabuti na nga sigurong ganito..." (Pasuko na?!)
Alanna:
"Pero hindi ibig sabihin na hindi na kita mahal." (Kitam!) "Hindi kailangan
na pareho tayo ng anyo. Ang mahalaga ay nagmamahalan tayo." (KITAM!)
Seaspray:
"... Yeaee-hyee-hyee-hyee...!" (Tuwa-tuwa ka na naman... Ikaw lang naman
Seaspray ang insecure, eh...)
At
diyan nagtatapos ang episode na ito. Puwede bang pambato sa Emmy Awards?
Hehehe... Hay... tuwa talaga itong episode na ito... Ah, tama na! Nagiging
mushy na naman ako... Sige na, adios!
10
October 2003
Episode:
Auto-Bop (Generation 1)
Ang di malilimutang episode na naglaban sina Blaster at Soundwave! Hanep ang episode na ito sa tablahan at hiritan ng "Bop Group" nina Raul, pero hindi sa kanila nanggaling ang Quote of the Day...
Raul:
"Mayroon tayong sariling tugtugin kaya humataw na tayo!"
Eksena:
Nag-exhibition sa break dancing ang Bop Group sa tapat ng Dancitron club
(dahil hindi sila makapasok).
Walanghiya,
mukhang isa sa mga founding members ng U.M.D. itong si Raul, a! From carnapper
sa Make Tracks to dancer! Ok sa career shift, a! Small-time pa siya rito
kaya sa kalsada pa humahataw, hehehe... Sige, ihataw mo! (Woa... wo, wo,
wo... Sige!)
Boprock/Rocksteady:
"Ang yabang nito! Baka gusto mong baliin ko ang leeg mo!"
Boprock/Rocksteady:
"Kailan pa nangyari na ang isang katulad mo na mukhang tuko ang nakapagtrabaho
sa Dancitron?!"
Eksena:
Pinapatigil sa pagsasayaw at pinapaalis ang Bop Group sa harap ng Dancitorn
ng isang maskuladong punk. Umalma ang dalawang kasama ni Raul. (Hindi kasi
na-specify kung sino si Boprock at kung sino si Rocksteady, kaya either/or).
Hanep
umasta ang mga kabarkada ni Raul, ano? Sabay ang pangalan "Bop Group"...
hindi yata bagay. Tsaka parang rip-off ng nina Beebop at Rocksteady ng
Teenage Mutant Ninja Turtles ang mga pangalan ng mga kaibigan ni Raul,
a. (Or other way around?)
Raul:
"Mukhang delikado tayo rito."
Boprock/Rocksteady:
"Tama! Umalis na tayo rito."
Eksena:
Napilitang umalis ang tatlo.
Hehehe...
parang si Erning 'yung pagkakasabi ng "Tama!" Hehehe...
Raul:
"Banatan mo sila, Blaster!"
Eksena:
Sumaklolo sina Tracks at Blaster sa tatlong hinahabol ng mga punks.
Talaga
itong si Raul, ang mga salita... Sige, ihataw, este, banatan mo!
Blaster:
"Palagay ko'y nasisiraan ka nga ng bait, kapatid."
Eksena:
Binalak igapos ng isang punk si Blaster ng isang kadena.
May
punto ng naman si Blaster. Kadenahin ba naman daw ang isang robot na 3-5
beses pa ang laki sa iyo?! May tama nga ang punk na 'yon!
Blaster:
"Ito ang bagay sa akin! Ang ganda ng speakers!"
Eksena:
Unang pagkakataong makapasok nina Tracks at Blaster sa loob ng Dancitron.
Napansin ni Blaster ang mga kagamitan.
Wala
lang... Ito lang kasi ang linya ni Blaster na tumino-tino ang boses niya.
Ibang voice actor kasi ang nag-dub ng boses niya sa episode na ito, hindi
mala-rockstar.
Blaster:
"Hi. Kumusta kayo?"
Tracks:
"Blaster..."
Blaster:
"Huwag kang mag-alala. Atin na 'to!"
Eksena:
Nakipagkilala si Blaster sa dalawang babae sa club. Inaya niya ang isa
na makipagsayawan habang si Tracks ay nailang.
Idol!
Hanep si Blaster, ang bilis sa chicks! Habang si Tracks ay...
Girl
Clubber: "Puwede bang makipagsayaw sa iyo?"
Tracks:
"Pasensiya na pero ayoko."
Fashion
Geek Clubber: "Hoy! Saan mo nakuha 'yang damit mong 'yan? Sa Divisoria?"
Tracks:
"Sa Cybertron!"
Fashion
Geek Clubber: "Hoy! Ano address?"
Eksena:
Habang si Blaster ay abalang nagpapakasaya, si Tracks naman ay namomroblemang
makipag-socialize.
Hahaha!
Talagang lumabas ang kabadingan ni Tracks sa eksenang ito! Ang taray niya,
a! Meron pa...
Tracks:
"Ano ba 'yan... ang gulo naman dito."
Eksena:
Hindi na makaya ni Tracks ang mga gawain sa loob ng club.
Hehehe...
Ganito niya sinabi ang linyang ito: "Anoh ba 'yahn... ang gulo nuh-man
dituoh." At sinabi rin niya ang "Ano ba 'yan" phrase - bading na bading,
hehehe...Ang galing ng voice actr na nag-dub sa kanya!
Tracks:
"Raul, tayong dalawa ay magmamanman nang mabuti sa club na 'yon." (sabay
transform)
Boprock/Rocksteady:
"Teka! Bakit siya ang sasakay sa magandang kotse na 'yan at hindi kami
kasama?"
Raul:
"May binabagayan 'yan, eh. Mas bagay ako."
Eksena:
Naghiwa-hiwalay ang pangkat nina Blaster, Tracks at Bop Group upang mag-imbestiga
sa mga katiwaliang nangyayari sa club gayundin sa kalungsuran.
Tracks,
ha... nagiging obvious, hehehe... Ikaw naman Raul akala mo walang hidden
agenda si Tracks? Ingat ka, baka di ka na makalabas kapag sumakay ka kay
Tracks, hehehe... (Malamang inisip din ni Tracks na potential 'yung dalawa
pang kaibigan ni Raul, hahaha!).
Tracks:
"Ang music! Pinaghihiwa-hiwalay ang aking katawan!"
Eksena:
Sa loob ng Dancitron club, natuklasan ni Raul na nakagapos si Tracks sa
malalaking speakers nito. Humingi ng saklolo sa kanya si Tracks.
Ang
coño ng pagkakasabi nito ni Tracks. Hindi lang "music," "meww-zakk"
pa talaga.
At
eto na naman si Soundwave...
Blaster:
"Soundwave! Ikaw ang nagpapadala ng mga ultrasound!"
Soundwave:
"Korek ka d'yan. Ang kakampi ko ay nasa likuran mo."
Eksena:
Pumasok sa lounge si Blaster matapos matukoy na roon nanggagaling ang hypnotic
ultrasound frequencies. Doon nakita niya ang mga Decepticons na sina Soundwave
at Starscream.
T***na
talaga si Soundwave, sobrang nakakaloko! "Korek ka d'yan" na walang kabuhay-buhay.
At 'yun pa talaga ang linya na ginamit sa translation, ano? Puwede namang
"Tumpak!" Walang-hiya, kaya 'yan ang ating Quote of the Day, hahahahahaha!!!
Unang kinalaban ni Blaster si Starscream, at ang kanilang labanan ay parang WWF na labanan, 80s-era: Nakapatong si Blaster kay Starscream (*gasp!*), sinipa siya ni Starscream. Talsik si Blaster, pinatungan siya ni Starscream (*gasp!*), sinapak siya ni Blaster. Parang 'yung mga classic na laban nina Hulk Hogan, ano?
Pagkatapos
kalabanin ni Blaster si Starscream, nagharap na sila ni Soundwave..
Blaster:
"Haha...! Matagal na matagal ko nang hinihintay 'to! Peke naman ang tunog
na inilalabas mo, eh."
Soundwave:
"Puro salita, walang aksyon."
Eksena:
Sa loob ng club, nagharap na sina Blaster at Soundwave. Hiritan muna ngunit
nagsimula na ang pasiklaban ng lakas. Nadedehado si Blaster...
Blaster:
"Uh! Kailangan ko ng konting... bayo! At ito ang bayong kailangan ko!"
(sabay kuha ng mga mega-speakers)
Eksena:
Talo si Soundwave sa mas malakas na bayo ni Blaster.
Whoa!
Bayo! Sige, bayuhin mo! At saka bakit wala talagang consistency itong si
Soundwave? "Puro salita, walang aksyon." Hindi na lang "walang gawa," mas
babagay pa...
Natalo
rin ang mga Decepticons at...
Raul:
"Yes yes yo! Manood kayong lahat! Ang Bop Group ay nandito nang muli!"
Eksena:
Nagsasayaw muli ng kanilang mga break dance exhibition ang Bop Group sa
kalsada sa tugtog na lumalabas kay Blaster na pumayag tulungan sila upang
kumita ng kaunting pera.
Yo!
Yes yes yo! Wala sa east, wala sa west... Transformers pa rin ang da best!
Ni-ni-no ni-ni-no ni-no-no ni-no! Corny ba? Eh sabay haluan ba naman ni
Raul ng "Yes yes yo!" ang Transformers?! Ang labo talaga nitong si Raul,
oo...!
14
October 2003
Episode:
The Search for Alpha Trion (Generation 2)
Ito ang episode na makikita natin ang mga Female Autobots (Autobot Hot Babes!) at si Alpha Trion. Another love story episode, this time si Optimus Prime ang bida. Pero ang hirap makahanap ng nakakatuwang Quote of the Day dahil sobrang love story ang episode na ito, kaya ang pinili ko na lang ang sinabi ni male chauvinist pig na si Megatron.
Moonracer:
"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi sana--"
Chromia:
"Wala na tayong panahon diyan!"
Eksena:
Patakas ang mga babaeng Autobots patungo sa kanilang secret headquarters.
Aba,
eh marunong din palang makipagbarahan ang mga femme-bots, eh? Sana nakasama
rin sila sa mga barahan episodes dati, hehehe...
Starscream:
"Rumble! Gamitin mo ang piledriver mo at kalagin mo ang mga inahin palabas
sa kanilang pugad!"
Eksena:
Sa pasukan ng secret headquarters ng mga babaeng Autobots, inutusan ni
Starscream si Rumble na lumikha ng lindol para gibain ang lugar at mapilitang
lumabas ang mga femme-bots.
Sexist
pala itong si Starscream. "Mga inahin..." Male chauvinist pig!
Quote
of the Day #1:
Megatron:
"Mukhang mayroon pa ring mga babaeng Autobot sa Cybertron."
Optimus
Prime: "Ano?!"
Megatron:
"At ang iba sa kanila'y napakabobong lumusob sa aming headquarters sa Cybertron."
Eksena:
Binalitaan ni Megatron si Optimus Prime via Teletran-1 ang tungkol sa mga
babaeng Autobots at sa pagkahuli ng mga Decepticons kay Elita-1.
Siyempre
love-struck si Prime nang makita niya si Elita. At si Megs, ang lakas manlait.
Isa ring male chauvinist pig, hehehe... (Siguro busted siya kay Elita,
hahaha!)
Optimus
Prime: "Ililigtas kita, Elita-1. Kahit ibig sabihin pa nito'y kailangan
kong i-sakripisyo ang sarili ko."
~
flashback ~
Optimus
Prime: "Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko, Elita. BABALIKAN KITA!"
Eksena:
Patungo sa spacebridge papuntang Cybertron si Optimus Prime upang iligtas
si Elita-1.
Muling
ibalik ang tamis ng pag-ibig...
Elita-1:
"Parang awa mo na, pakawalan mo na siya."
Starscream:
"'Yun lang naman pala, eh. Pakawalan na siya... papunta sa asido!"
Elita-1:
"Hindi! Huwag! Ako na lang ang kunin mo!"
Starscream:
"Huwag kang magmadali, Elita. Darating din tayo sa iyo pagkatapos ni Prime!"
Eksena:
Ilalaglag sa asido si Optimus Prime. Nagmamakaawa si Elita-1, ngunit hindi
nakikinig si Starscream. Sa pagbagsak ni Optimus Prime sa asido, napilitang
gamitin ni Elita-1 ang kanyang special power upang mailigtas siya.
Ito
ang mala-Pinoy na pelikulang eksena ng episde na ito - 'yung tipong pinapahirapan
ang lalaki ng mga kalaban habang nagmamakaawa ang partner niyang babae
na tumigil na. Ang pinagkaiba lang dito ay si babae ang nagligtas. She'll
fight for their love, hehehe...
Naubos
ang lakas ni Elita-1 dahil kay Optimus Prime (*gasp!*) at...
Optimus
Prime: "Kaya mo 'yan, Elita! Malapit na nating makita si Alpha Trion."
Elita-1:
"Hindi ko alam... kung hanggang kailan pa 'ko... tatagal... Nanghihina
na ako..."
Optimus
Prime: "Kapit, Elita. Sandali na lang."
Eksena:
Nakasakay si Elita-1 sa trailer ni Optimus Prime at sila'y papunta kay
Alpha Trin upang ayusin si Elita-1.
Depende
kung ano ang kulay ng utak n'yo kung papaano n'yo babasahin ang dialogue
na ito. Napaka-suggestive kasi ng mga pinagsasasabi ng dalawang ito. Basta
si Elita nanghihina na dahil nga kay Prime, at sinasabi ni Prime na kapit
lang at sandali na lang. Hehehe...
O
sige, isasama ko rin ito na Quote of the Day kasi nang nanood kami nitong
magkakabarkada, sobrang natawa mga kasama ko sa sinabing ito ni Starscream,
hehehe...
Quote
of the Day #2:
Starscream:
"Kakaiba naman ito! Ang mga babae dumating upang iligtas ang kanilang nobyo!"
Eksena:
Sa gitna ng labanan ng mga Autobots at Decepticons, dumating ang mg babaeng
Autobots para tulungan ang mga natatalong lalaking Autobots.
Napaka-male
chauvinist pig mo kasi, Starscream, kaya, ayan, nagulat ka. Ignorante!
Konserbatibo! Mabuhay ang bagong kababaihan!
Ironhide:
"Hanggang diyan ka na lang, Starscream! 'Yan na ang huling hakbang mo!"
Moonracer:
"Sandali lang, Ironhide! Mga babae muna."
Ironhide:
"Ahh... pasensiya na, ma'am. Nakalimutan ko lang kasi, eh."
Eksena:
Dehado na ang mga Decepticons at napaligiran si Starscream nina Ironhide
at Moonracer.
Aliw
lang ang eksenang ito. Mala-Robin Padilla kasi ang pananalita ni Ironhide,
at ang kanyang "Ma'am" ay si Moonracer. (Mahal kita maging sino ka man...)
Alpha
Trion: "Titingnan ko anong magagawa ko, Prime, pero hindi maganda ang tingin
ko."
Eksena:
Umabot na si Optimus Prime kay Alpha Trion upang ipatingin si Elita-1.
Nakakatawa
ang eksenang ito. Parang manganganak si Elita at si Prime ay may tayo pa
na parang amang naghihintay sa resulta ng panganganak, hehehe...
Eksena:
Nang matapos ang labanan, sa loob ng bagong headquarters ng mga babaeng
Autobots, nagkaroon ng pagkakataong mag-mushy-mushy na ang mga Autobots
at ang kanilang leading ladies...
Autobot
Loveteam #1: Chromia & Powerglide (Bolahan)
Chromia:
"Talagang nakakabilib kung paan nabuo ni Alpha Trion ang bag nating headquarters.
At may makabago pang gamit."
Powerglide:
"Dapat eh makita mo ang headquarters namin sa daigdig. Punung-puno ito
ng ganitong mga gamit."
Chromia:
"Gusto kong sumama sa iyo pabalik 'pag tapos na ang digmaan."
Asus!
Itong si Powerglide, nambobola na naman. Arogante nga, pero malakas sa
chicks!
Autobot
Loveteam #2: Firestar & Inferno (Reminiscing)
Inferno:
"Nami-miss ko na ang mga rescue missions na magkasama tayo, Firestar."
Firestar:
"Ako din, Inferno."
Inferno:
"Talagang bagay pa rin tayong magkasama, hindi ba?"
Firestar:
"Kasing-husay pa rin ng dati."
Si
Inferno ibinabalik din ang tamis ng pag-ibig, hehehe... Pero hindi pa direstuhin
si Firestar kung ano talagang gustong sabihin.
Autobot
Loveteam #3: Moonracer & Ironhide (Action Speaks Louder Than Words)
Moonracer:
"Ironhide, natutuwa akong makita kang muli pagkatapos ng mahabang panahon."
Sabay
yakap kay Ironhide. Si Ironhide naman yakap agad! Loverboy, hehehe...
Naalala
n'yo 'yung mga maraming loveteam sa isang pelikula noong 80s ng Regal at
Seiko films? Parang ito ang Transformers version, hehehe.
Di
nagtagal, kailangan nang umalis nina Optimus Prime...
Autobot
Loveteam #4: Elita-1 & Optimus Prime (Till We Meet Again)
Optimus
Prime: "Oras na para umalis, Elita. Sana'y hindi na kailangan muling maghiwalay
tayo."
Elita-1:
"'Yun din ang nararamdaman ko, Prime. Pero kailangan namin ipagpatuloy
ang laban dito sa Cybertron."
Optimus
Prime: "Sa tingin ko'y si Alpha Trion ang dapat nating pasalamatan sa ating
tagumpay."
Elita-1:
"Oo, isang napakatalinong matandang Autobot. Siya'y parang isa nang ama
na sa akin."
Optimus
Prime: "Kung alam mo lang, Elita..."
At
tumungo na sa spacebridge ang mga Autobots...
Elita-1:
"Paalam, Optimus Prime! Huwag ka nang mawawala nang matagal!"
Si
Prime naman, hindi pa sinabi nang diretsuhan kay Elita ang gustong sabihin.
Pareho kayo ni Inferno! Kung alam mo lang na 'yan na lang uli kayo magkikita
at wala nang episode na makikitang muli ang mga femme-bots (puwera kay
Arcee sa Movie at Season 3)... Tsk-tsk...
Mushy-mushy.
17
October 2003
Episode:
Transport to Oblivion (Generation 1)
Wow! Season 1 episode! Napakadalang nilang magpalabas ng Season 1 episode (kamakailan lang napansin ko nga na puro Season 2 ang ipinapalabas ng ABC 5... I spoke to soon.) at mukhang nag-redub sila ng mga boses kasi 'yung opening theme (na Season 1 din! Hindi katulad ng mga dating Season 1 episodes pero Season 2 ang opening theme) wala kang maririnig na vocals sa tugtog (so sabayan n'yo na lang ang kanta, hehehe). Tapos ang boses ni Soundwave nagbago - boses retarded pa rin pero ngayon gumagaralgal pa ng kaunti. Dito rin natin unang makikita ang spacebridge ng mga Decepticons.
Starscream:
"Ahh! Magtago kayo!"
Megatron:
"Huwag kayong aalis, Decepticons!"
Cliffjumper:
"Huwag kang mag-alala, Megatron. Babalikan ko sila pagkatapos ko sa 'yo!"
Eksena:
Dumating na ang mga Autobots sa powerplant at hinarap ang mga Decepticons.
Nagtakbuhan sila at sinugod ni Cliffjumper si Megatron.
Haha!
Ang tapang nitong si Cliffjumper! Sa dami ng puwedeng harapin na Decepticons,
si Megs pa ang inuna. Ayun, pinitik isya na parang langaw!
Astig ang labanan dito nina Optimus Prime at Megatron! Halos walang gamit ng mga baril, puro physical contact!
Quote
of the Day:
Ratchet:
"Talagang kailangan na ng terminal na ito ng 'B at B.'"
Sparkplug:
"'B at B?'"
Ratchet:
"'Bakbakain at Baguhin na!'"
Sparkplug:
"Hmm, mukhang kailangan na ng likurang nito ang hinang para magings mas
matatag."
Racthet:
"Kailangan nga."
Ironhide:
"'Yun ang akala mo, Ratchet! Huwag mong magalaw-galaw 'yang likuran ko,
ha?!"
Ratchet:
"Tumahimik ka diyan! Baka i-short-circuit ko ang bunganga mo!"
Ironhide:
"Ta.. la.. ga...?"
Ratchet:
"Haha! Malalampasan din ni matandang Ironhide ito."
Eksena:
Inaayos nina Ratchet at Sparkplug si Ironhide mataps itong barilin ni Megatron.
Kailangan nang palitan ang isang piyesa kay Ironhide.
Hehehe,
at humirit naman ngayon si Ratchet, todo-bigay pa! Si Ironhide, tablado,
hehehe. Nasho-short circuit na pala ang bunganga ngayon. Sabagay, robot
naman sila, hehehe. Kaya naman 'yan ang ating Quote of the Day! At may
nalalaman pang "B at B" itong si Ratchet.
Megatron:
"Pagkatapos kong baguhin [babuyin?] ang kanyang memory chips ay ihahatid
niya sa kanilang wakas ang Autobots."
Eksena:
Nahuli ng mga Decepticons si Bumblebee at binago ni Megatron ang memory
chips nito upang linlangin tungo sa isang patibong ang mga Autobots.
Kung
papakinggan mo ang sinabi ni Megatron, ang maririnig mo ay "babuyin." Hindi
nga ako sigurado kung "baguhin" ang sinabi ni Megs, eh.
Megatron:
"Ngayon, tapos kayong dalawa!"
Prowl:
"Diyan ka nagkamali, Megatron!"
Eksena:
Labanan sa loob ng kuweba. Babarilin ni Megatron sina ptimus Prime at Ironhide,
pero binaril siya ni Prowl.
Nakakatawa
ang eksenang ito kasi pagkasabing-pagkasabi ni Prowl ng kanyang linya ay
binatukan siya ni Skywarp, mwehehehe...
Bumblebee:
"Ito ang pinakamasayangaraw sa buhay ko! Nahulog si Megatron sa kanyang
spacebridge! Hindi na siya makakabalik kailanman!"
Eksena:
Nagtagumpay muli sa labanan ang mga Autobots at nahulog a spacebridge si
Megatron papuntang Cybertron na sobrang ikinatuwa ni Bumblebee.
Sobrang
todo-bigay sa pagsabi si Bumblebee sa linya niyang ito, a! Total happiness!
Pang-Oscars, hehehe.
Megatron's
Revenge Dialogue of the Day:
Megatron:
"Ipinagkait sa akin ng Autobots ang aking tagumpay, pero hindi pa 'yan
ang huli naming pagkikita. Maghihiganti si Megatron!"
Eksena:
Dumating si Megatron sa Cybertron at doon sinalubong siya ni Shockwave.
Isa
pa itong todo-bigay na linya, ngayon naman galing kay Megs! Extreme rage
naman ito. Puwedeng i-tapat sa Oscar line ni Bumblebee, hehehe.
Well,
medyo matino nga ang episode na ito. Okey ang mga action scenes at matino
ang translation. Sana next week, Season 1 uli at ganito rin katino.
21
October 2003
Episode:
The
Girl Who Loved Powerglide (Generation 2)
At
ngayon, pagkakataon naman ni Powerglide magpaka-lover boy pagkatapos ni
Seaspray 2 weeks ago. Walanghiya, noong isang linggo lang may Chromia siya
sa Cybertron, a! Chickboy din itong si Powerglide, ano? Pero kakaiba ang
dating ng kanyang (human) lady love na si Astoria Carlton Rich - isang
spoiled rich girl na Chairman of the Board ng isang kumpanya! Astig si
Powerglide, nakahanap ng big-time! Pero baka hindi niya makayanan ang babaeng
ito. May pagka-bratty at makulit; lalupaman din at may pagka-arogante rin
itong si Powerglide. "Epal Kind of Love!" Atsaka hindi lang nga si Powerglide
ang nakahanap ng katapat niya - pati si Megatron, hehehe! Naubos ang pasensiya
ni Megs sa babe na ito, hahaha!
Sobrang
nakakaloko ang episode na ito, ito yata ang pinakamahaba sa mga na-transcribe
at nalagay sa mga archives.
Employee
#1: "Ang pakiramdam ko'y isa akong hangal."
Eksena:
Sa birthday party ni Astoria sa rooftop ng HyTech Building. Naroon ang
mga empleyado ng kumpanya.
Eh
di hangal ka kung hangal, hehehe...
Astoria:
"Alam kong abala kayo ngayon dito, pero kaarawan ko ngayon. Gusto kong
magkaroon ng party. Bakit hindi kayo magpakasayang lahat? Uh! Ano ba naman
ito? Mag-relax naman kayo! Hindi ko na ito kaya. Para akong nasa preso.
Ayoko nito. Gusto ko ng kasiyahan."
Empleyado
#2: "Huwag kang umiyak, Astoria."
Astoria:
"Party ko ito at iiyak ako kung gusto ko!"
Eksena:
Nagsalita na sa mga empleyado si Astoria. Nairita siya sa kawalan ng kasiyahan
ng party. Tinahan siya ng isang nakatatandang empleyado.
Okey
ba sa birthday speech? Nagsimula sa "welcome" na nauwi sa "bad trip," ano?
Kumpleto na sa rekado para maging isang kakaibang episode nga ito. At ang
tumahan pa sa kanya ay isang matanda na ang dating tuloy ay isa itong DOM,
hahaha! At ang hirit ni Astoria, hehehe - parang "It's my party and I'll
cry if I want to, cry if I want to..." Hehehe. Simula pa lang 'yan!
Powerglide:
"Kailangan nang magpakabayani!"
Eksena:
Nakita ni Powerglide sa kanyang telescope ang kaguluhang nagaganap sa party
nang dumating ang mga Decepticons doon.
Magpakabayani?
Baka naman magpaka-epal.
Powerglide:
"Tingnan mo naman 'yang ginagawa mo!" "Ngayon, puwede ba tumigil ka na?"
Astoria:
"Sino ka ba? Nasaan ka?"
Powerglide:
"Ako ang sumusubok na magligtas sa 'yo. Kaya huwag ka nang malikot diyan
at pabayaan mo na lang ako rito!"
Eksena:
Sinisigawan ni Powerglide si Astoria na nakasakay sa kanya (Naka-plane
mode siya, ok? Baka kung anong isipin n'yo, mga malisyoso!) dahil sa pangangalikot
(hep! hep!) sa mga kontrol sa kanyang dashboard.
Epal
talaga itong si Powerglide. Pagkatapos iligtas ang "binibini" sa kamay
ng mga Decepticons agad na sinisigawan ang kanyang lady in distress. Jerk.
Nang makatakas na sa mga Decepticons...
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #1:
Astoria:
"Sino... sino ka ba?"
Powerglide:
"Powerglide ang pangalan ko." (Alangan namang Megatron pangalan mo, 'no?)
Astoria:
"Ah. Kung sino ka man," (Sinabi ngang Powerglide, eh!) "sa tingin
ko ay ikaw ang pinakamagaling." (Patay, nagsimula na ang bolahan.)
Powerglide:
"Ah... salamat." (Asus! Kunwari pa ang isang ito...) "Ngayon makinig ka--"
Astoria:
"Ha? Gusto kong lumipad ulit--" (Bolahan na may barahan pa, hehehe...)
Eksena:
Tumalon (oo, tumalon) si Astoria sa mga braso ni Powerglide at gusto siyang
sakyan (*gasp!* Ang bilis naman nitong si Astoria!). At...
Powerglide:
"Teka lang! Teka lang!" (Sabay hampas kay Astoria. Bagsak sa lupa si Astoria.
Epal.) "Puwede bang tumahimik ka't makinig? Kailangang malaman ko kung
bakit ka nilang gustong kunin." (Excuses...) "Sino ka ba?"
Astoria:
"Ako si Astoria Carlton Rich(?), Chairman ng Board ng Hybrid Technologies."
Powerglide:
"Ikaw ang nagpapatakbo ng HyTech?" (O ano ka? Tameme ka!)
Astoria:
"Oo. Kasi 'di ba," (Aba, malay!) "namatay ang ama ko at iniwan niya sa
akin 'yon." (Ah. Okey.)
Powerglide:
"Kailangang malaman natin kung anong kailangan nila sa 'yo."
Astoria:
"Guto kong lumipad!" (Ayan ka na naman. Baka pumulakda ka uli niyan sa
semento...)
Powerglide:
"Kung ganoon, paliliparin kita!" (Epal, tanggi-tanggi pa kanina, paliliparin
din pala. Pinapadaan pa sa sakit si Astoria bago pagbigyan at magpalipad.
Saan? Eh di sa langit. *gasp!*)
Eksena:
Nakatakas na mula sa mga Decepticons sina Powerglide at Astoria. Nakapag-usap
na sila sa unang pagkakataon upang malinawan ang bagay-bagay. (Medyo malabo
na ang "Rich" part, pero 'yun na ang pinakamalapit na ma-decipher ko.)
O
di ba? Pareho silang arogante at matigas ang mga ulo. Iba rin sila!
Sa garahe ni Sparkplug...
Spike:
"Kung ganoon, naka-enkuwentro mo na pala ang mga Decepticons."
Astoria:
"Oo."
Spike:
"Sayang at wala ako doon. Lagi pa naman akong handang tumulong sa mga magagandang
babae tulad mo." (Asus! Itong si Spike, umeeksena pa! Kung ano pang pambobola
ang hinihirit. At ano naman ang magagawa mo sa mga Decepticons, aber? Baka
pisatin ka lang ng mga iyon na parang langaw, hahaha!)
Astoria:
"Hmm. Anong masasabi mo tungkol kay Powerglide?" (Hahaha! Tablado si Spike!)
Spike:
"Ayos lang siya. May pagkamatigas lang ang ulo minsan." (Whoo! Wala, tabaldo
ka na, hijo. Iba ang tipo ni Astoria. Atsaka may Carly ka na! At maiba,
paano mo nalaman na "matigas ang ulo" ni Powerglide, eh? Oh-behave!)
Astoria:
"Sa tingin ko, okey siya!" (Wala na talaga, Spike.)
Spike:
"Talaga?" (Bigo!)
Astoria:
"Oo. Mataas siya, guwapo, makintab, at kaya niyang lumipad!" (With matching
ikot pa na para siyang nasa isang panaginip.)
Spike:
"Pero meron din naman ilang bagay na 'di niya kayang gawin." (Bitter.)
Eksena:
Nag-uusap sina Spike at Astoria at napunta ang usapan kay Powerglide. Nagtrabaho
na lang si Spike at...
Spike:
Naku naman, o... Uy!"
Astoria:
"Ano nangyari?"
Spike:
"Lumayo ka diyan! Basta 'wag kang lalapit sa gamit ko!" (Sabay bugaw papaalis
kay Astoria sa nasusunog na makina. Busted ka lang, eh.)
Astoria:
"Teka! Para namang may magagawa ako kung palpak ang mga gamit mo!" (Ayan,
tinabla ka rin, Spike! Hahaha!)
Eksena:
Nasunog ang isang makinang inaayos ni Spike at sinisi si Astoria. Habang
nangyayari ang mga ito ay pumasok si Powerglide at...
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #2:
Powerglide:
"Kaya naman pala hindi ka pinapalapit sa mga gamit ng sarili mong kumpanya,
eh." (Epalan time once again...)
Astoria:
"Oo. Sa palagay ko hindi talaga puwedeng magtabi ang mga makina at ako."
Powerglide:
"Makakapagpatunay ako diyan." (Jerk!) "Halika na. Ako ang masuwerteng naatasang
maghatid sa 'yo pabalik sa main headquarters namin." (Either sarcastic
ang mokong na ito o talagang masaya siya na kasama niya si Astoria...)
Astoria:
"Nagugutom na ako. Kailangang-kailangan ko nang kumain." (Walanghiya, hindi
man lang siya pinakain nina Spike?! Ayan na lumalabas na uli ang pagka-bratty
niya...)
Powerglide:
"Bakit sa akin ba natatapat ang lahat...?" (Kunwari ka pa!)
Eksena:
Inilabas na ni Powerglide si Astoria para dalhin sa main headuarters ng
mga Autobots.
Uuyy,
unti-unti na 'yan made-develop...
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #3:
Eksena:
Kumakain si Astoria sa isang karnabal. (By the way, ang lakas kumain ng
babaeng ito, a! Isang subo lang yata 'yung sorbetes niya nang ipakuta ang
eksenang ito!)
Powerglide:
"Astoria, kailangan na nating--"
Astoria:
"Teka! Sandali! Gusto kong gawin 'yan!"
Powerglide:
Astoria, kailangnang ialis ka na namin dito. Masyadong delikado."
Astoria:
"Ano bang pinagsasabi mo? Ang sarap-sarap sumakay sa merry-go-round. Ano
ka ba?"
Eksena:
Sumakay ng tsubibo ang dalawa. Pagkatapos...
Astoria:
"O sige, anong gusto mong gawin ko ngayon?" (Oh-nasty...!)
Powerglide:
"Wala akong pakialam kung anong gusto mong gawin. Pupunta na tayo sa bulkan--"
(Sabay hawak nang mahigpit kay Astoria.)
Astoria:
"Bitiwan mo ako! Ano ka ba! Huwag mong hawakan ang kuwintas ko!" (Rape!
Whoops, mali...)
Powerglide:"
Teka. Bakit ba--?"
Astoria:
"Ibinigay sa akin ito ng daddy ko bago siya namatay. Sinabi niya sa akin
na huwag ko raw ito huhubarin."
Powerglide:
"Pasensiya ka na. Patawarin mo ako."
Astoria:
"Okey lang. Hindi mo naman alam."
Eksena:
Pawang nalalaman na ni Powerglide ang kahalagahan ni Astoria at ng kuwintas
niya.
Tinugis muli sila ng mga Decepticons at nasugatan si Powerglide. Nang makatakas muli sila...
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #4:
Astoria:
"Naku! May tama ka!"
Powerglide:
"Wala ito."
Astoria:
"Anong wala? Malala 'yan. Maaaring pasukin ng buhangin o kahit na ano."
(Mag-Safeguard! Sabay punit si Astria sa kanyang baro para ibalot sa sugat
ni Powerglide.)
Powerglide:
"Huwag na! Puro ka kapalpakan! Alam mo ba 'yon?" (Stupid jerk!)
Astoria:
"At alam mo ba na hindi mo kailangang maging macho palagi? Pabayaan mo
akong tulungan ka. Para kang bata niyan, eh." ('Yan! give him a mouthful
of what he deserves!)
Eksena:
Binalutan ni Astoria ng tela ang sugat ni Powerglide at...
Astoria:
"Ang ibig kong sabihin, nag-aalala ako sa iyo. Niligtas mo ang buhay ko."
(Yes! Ayan na, umamin na!) "Siyempre hindi mo mararamdamang mag-alala para
sa 'kin. Malabo 'yon. Isa kang robot. Hindi n'yo nararamdaman ang mga 'yon."
Powerglide:
"Ah, siguro kasi, eh... Posibleng... Sa Tingin ko ay... Ah... Ah..." (Walanghiya,
nautal na lang si loko, hahaha!)
Eksena:
Habang binabalutan ng tela ang sugat, ipinahayag na ni Astoria ang kanyang
nararamdaman kay Powerglide.
Aw,
'wag kang maging pessimistic, hija. Ang dapat mong kausapin ay sina Seaspray
at Alanna.
Nakita sila ng mga Decepticons at...
Word of the Day: Pangit
Pangit
#1 & Quote of the Day:
Astoria:
"Bitiwan n'yo ko! Sana mabulok kayong lahat! Ang papangit n'yo!"
Eksena:
Nabihag at kinuha na ng mga Decepticons si Astria at lumipad na habang
naiwan si Powerglide na sugatan. Pinagsisigawan at nilait ni Astoria ang
tatlong Decepticons.
Hahaha!
Sobrang natawa ako sa sinabing ito ni Astoria. Talagang mararamdman mo
ang angas, kaya naman ito ang ating Quote of the Day (meron pang ganito
mamaya sa pagitan naman ni Astria at Megs na nakakaloko rin, pero ang linyang
ito ni Astoria says it all). Hahaha!!!
Ratchet:
"Teka, bumalik ka rito. Hindi pa ako tapos."
Powerglide:
"Ayos na bang pakpak ko? Kaya ko na bang lumipad?"
Ratchet:
"Oo pero--"
Powerglide:
"Eh di ayos/tapos na 'ko!"
Eksena:
Sa Autobot main headquarters, inaayos ni Ratchet si Powerglide. Nang maayos,
nagmadaling umalis para iligtas si Astoria.
Hindi
naman pala kaagad umalis. Pumunta muna kay Prime at Teletran-1. Kung magmadali
akala mo kung sinong may hinahabol... Jerk! Pilosopo at epal talaga itong
si Powerglide.
Powerglide:
"Minsan ko na siyang binigo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya natatagpuan!"
Eksena:
Lumipad na si Powerglide para hanapin si Astoria.
P're,
maraming beses mo na siyang binigo dahil sa ka-epalan mo!
Sa airbase ng mga Decepticons...
Pangit
#2 & Astoria-Megatron Epalan Scene #1:
Astoria:
"Meron ba kayong burger?" (Coño!)
Soundwave:
"Tumahimik ka."
Astoria:
"Kyo na'ng pinakamalalang host na nakita ko!" (Coño talaga!)
Megatron:
"Palalayain kita kung sasabihin mo kung anong nalalaman mo!"
Astoria:
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Megatron:
"Bago mamatay ang ama mo, binigay niya sa 'yo ang energy formula ng Hy-Tech."
Astoria:
"Sinabi mo, eh." (Pilosopa!)
Megatron:
"Oo, at kailangan ko ito ngayon!"
Astoria:
"Teka! Huwag ka naman ganyan, okey?" (Ohw-key? Hehehe...)
Megatron:
"Sabihin mo ang nalalaman mo!"
Astoria:
"Ang tanging alam ko ang ay isa kang pangit at maka--" (Hahaha!!!)
Megatron:
"Tahimik! Kung hindi mo ibibigay sa akin ang formula ng kusang-loob, mayroon
pa namang ibang paraan..."
Eksena:
Pilit na kinukuha ni Megatron ang energy formula kay Astoria. Nakipagmatigasan
si Astria at umabot sa puntong nabuwisit at naubusan ng pasensiya si Megatron.
Pinakuha ang psycho-probe at...
Megatron:
"bibigyan kita ng huling pagkakataon. Magsalita ka na. Hindi magandang
eksperiyensiya ang pumailalim sa psycho-probe."
Astoria:
"Gawin mo na'ng gusto mo!"
Megatron:
"Kung ganoon, bahala ka! Paandarin ang psycho-probe!"
Eksena:
Inilagay sa psycho-probe si Astoria. Pinaandar. Nagloko.
Megatron:
"Ano?"
Soundwave:
"Computer error. hinahanap ang naging problema."
Megatron:
"Imposible!"
Astoria:
"Nakalimutan ko sabihin sa inyo na ako at ang mga makina ay hindi nagtutugma,
lalo na ang mga sobrang pangit na tulad ninyo!"
Eksena:
Naayos ang error sa computer, pero nagloko naman ang mga kableng nakakabit
kay Astoria.
Megatron:
"Hindi ko ito mapaniwalaan!"
Eksena:
Nagkandaloko-loko ang mga gamit ng mga Decepticons dahil kay Astoria.
Hanep
ang linyang ito ni Megatron! Talagang puno ng pagkabuwisit, with matching
hawak pa sa ulo ng mga kamay na parang isang eksena sa drama flick! Hahaha!!!
Astoria-Megatron
Epalan Scene #2:
Eksena:
Naayos na ang psycho-probe...
Megatron:
"Kakargahan ng psycho-probe ang utak mo ng siyamnapung libong (90,000)
boltahe. Magiging napakasakit nito para sa iyo. Sasabihin mo na ba sa akin
ang nalalaman mo?"
Astoria:
"Ang paghihintay na ito. Ito ang masakit para sa 'kin. ang ibig kong sabihin,
gutom na gutom na 'ko. Kailan n'yo ba ako pakakainin? 'Yon ang gusto kong
malaman. 'Yang walang-kuwenta n'yong makina hindi naman gumagana atsaka--"
(At umandar na naman ang kanyang bibig, hehehe...)
Megatron:
"Tigil!"(Sobrang buwisit na si Megs, hahaha!)
Eksena:
Binuwisit pa lalo ni Astoria si Megatron. Sa inis, pinaandar na ang psycho-probe
ngunit dahil hawak nga ito ni Soundwave at Rumble, sila ang naapektuhan
nito. Nasira na nang tuluyan ang psycho-probe.
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #5:
Powerglide:
"Astoria! Bakit mo sinira ang antena? Gusto mo na bang mamatay?"
Astoria:
"Ginawa ko lang 'yon para iligtas ka! Sige sigawan mo 'ko, wala akong pakialam!
Basta ligtas ka!"
Powerglide:
"Ah, tama na nga 'yan. Ang dapat ay..." (Sabay laglag si Astoria. Pero
kung titingnan ang eksenang ito, parang tinulak siya ni Powerglide.)
Powerglide:
"Astoria! Grabe ka talaga! 'Pag may masamang nangyari sa 'yo..." (G**o!
Ttinulak mo, eh!) "O, eto! Talon!"
Astoria:
"At ano namang gagawin mo?"
Powerglide:
"Meron akong plano."
Astoria:
"Kung ganoon sasama ako sa 'yo kahit anong mangyari." (Talaga naman. Basta
pag-ibig na'ng pinag-usapan...)
Powerglide:
"Mababaliw ako sa 'yo...!"
Eksena:
Sa Decepticon airbase, niligtas ni Astoria si Powerglide sa mga energy
beams sa pamamagitan ng paghagis ng kanyang kuwintas sa antena ng base.
Nagsimulang malaglag ang airbase. Nagtalo pa ang dalawa. Binigyan ni Powerglide
ng parachute si Astoria para makalayo sa lugar na iyon pero tumanggi si
Astoria.
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #6:
Powerglide:
"Buksan mo na ang panel." (Tama ba namang ipabukas kay Astoria ang isang
metal panel na malaki para sa kanya?! Napaka-ungentlemanly talaga!)
Eksena:
Inayos ni Powerglide ang kontrol.
Powerglide:
"Ayan! Ngayon makokontrol na natin ang malaking lata ng biskwit na 'to."
(Lata ng biskwit, hehehe. Ano, Fita? Eh ayaw gumana...)
Powerglide:
"Ikaw! Ikaw ang problema! Umalis ka diyan! Ikaw ang malas sa mga kontrol!"
(Sige, blame it on the girl! Jerk!)
Astoria:
"Hindi. Sasama ako sa 'yo." (Defiant.)
Eksena:
Naayos ang kontrol. Nagloko pa rin. Sinisi ni Powerglide si Astoria. Pinaalis.
Ayaw umalis ni Astoria kay hinagis siya nito papalabas.
Tama
ba namang gawin 'yon sa isang babae?!
Astoria:
"Makakatikim ka rin sa 'kin!"
Eksena:
Umandar na ang mga kontrol, pero galit na galit si Astoria sa paghagis
sa kanya ni Powerglide.
Hija,
humingi ka ng tulong kay Alanna at mag-transform ka sa Balon ng Pagbabago
para maging robot ka rin at makabawi ka sa epal na 'yan!
Astoria
& Powerglide's Epal Kind of Love Scene #7:
Powerglide:
"Ah, sa sususnod na punta ko dito, puwede bang dalawin kita?" (Whoo, sabay
gaganyan ka ngayon. Epal!)
Astoria:
"Talaga? Oo, ba! Hihihi. Alam mo, okey ka."
Powerglide:
"Ah, eh, ayos ka rin naman, eh." (Jerk!)
Astoria:
"Hindi ka nagbibiro?"
Powerglide:
"Ah, eh, siyempre naman." (Ano ba talaga: siyempre hindi ka nagbibiro o
siyempre nagbibiro ka?)
Eksena:
Matapos ang aksyon, nagpaalam na si Astoria kay Powerglide at sa mga Autobots.
Nag-usap muna ang dalawa bago tuluyang umalis si Astoria na may paiwan
pang halik...
Sparkplug:
"Hehe. Sino maniniwala dito? Si Powerglide tinamaan ng pana ni Kupido!"
Sabay
tawa sina Ratchet at Ironhide. Si Optimus Prime nakatayo lang na parang
estatwa. (Siguro naaalala niya 'yung last episode na magkasama lang sina
ni Elita.)
Powerglide:
"O! Sino sa inyong gustong maunang matanggalan ng circuits, ha?!"
Eksena:
Nahihiyang umalis si Powerglide sa harap ng ibang Autobots at ipinakitang
may puso siya sa kanyang internal systems.
Ipokrito!
Jerk! Epal! May pa-macho epek ka pa may gusto ka rin naman! Mag-Sprite
ka nga muna!
Ano
kayang mangyari kapag nagsama nga talaga ang dalawang ito, ano? Spoiled
girl meets jerk guy. Pero nag-click sila. Sigurado sa totoong buhay may
ganito ring magnobyo! Hay naku, leche. 'Yan na 'yun. Tapos! Till next episode...!
24
October 2003
Episode:
Roll for It (Generation 1)
Isa na namang Season 1 episode! May nakakatawang eksena muli si rito Soundwave nang kumaripas siya nang takbo mula sa mga Autobots, hehehe. Mukhang mahilig gumamit ng mga kakaibang "metal-related" terms ang mga tauhan sa episode na ito: "pitpitin", "lata ng sardinas," at "mag-ihaw ng bakal..." Shesh... Atsaka ang daming tauhan din dito ang mahilig magsasasabi ng mga threatening lines (na puro wala naman), kaya nakaaliw ang unang hirit ni starscream sa episode na ito - applicable, hehehe. At mayroon na namang mga "revenge dialogue" itong si Megatron sa bandang dulo.
Queer
Metal Lingó #1:
Pulis:
"Hoy, mga higanteng lata ng sardinas! Napapaligiran namin kayo!"
Starscream:
"Hmm, nanginginig yata ako, a!"
Eksena:
Pinalibutan ng mga pulis ang mga Decepticons na sumalakay sa generator
center ng isang dam.
Wow,
atapangatao! Akala mo kung sinong maton ang pulis na ito. Pareho sila ni
Spike, eh kayang-kaya naman silang pisatin lang ng mga Decepticons. At
ano naman ang magagawa ng mga baril nila sa mga ito, aber? Tama sabi ni
Screamer: "Nanginginig yata ako, a!" Ngatog-ngatog... Pulis! Pulis! T***ng
matulis! Hahaha!
Queer
Metal Lingó #2:
Brawn:
"Tama nang daldal! Pitpitin na natin ang mga 'yan!"
Eksena:
Dumating na sa eksena ang mga Autobots sa dam para harapin ang mga Decepticons.
Pitpitin
talaga ang ginamit na salita, ano?
At sa gitna ng labanan, bugbog na naman si Cliffjumper tulad noong nakaraang linggo sa "Transport to Oblivion" episode. Nagyon naman eh ginawa siyang baseball ni Thundercracker. Walang kadala-dala.
Soundwave:
"Uhh. Uhh. Uhh."
Eksena:
Bugbog sa labanan si Soundwave.
Nakakatawa
ang hitsura ni sundwave dito, lalo na nang kumaripas siya ng takbo na napaka-slapstick
ng dating. May padulas-at-padapa epek pa, hehehe.
Queer
Metal Lingó #3:
Megatron:
"Starscream, Thundercracker! Sa hitsura n'yo mukhang pinadaan kayo ni Optimus
Prime sa yupian ng lata."
Eksena:
Sa Cybertron, tinawagan ni Megatron ang mga Decepticons upang sabihan sila
na pabalik na siya sa daigdig at kung ano ang plano niyang gawin pagdating.
Puro
ka-"bakalan"... Asus!
Queer
Metal Lingó #4:
Bluestreak:
"Alam na namin kung nasaan si Starscream at ang kanyang mga kasama, Bumblee.
Ginagawa nilang panaghalian ang mga eroplano!"
Eksena:
Natagpuan na nina Prowl at Bluestreak ang grupo ng Decepticons sa ilalim
ni Starscream sa isang plane hangar at ginagamit ang mga piyesa ng mga
erplano bilang pamalit sa mga sirang bahagi ng kanilang mga katawan.
Talaga,
Bluestreak? Ano luto? Ano lasa? Hehehe...
Queer
Metal Lingó #5:
Starscream:
"Hindi ko gusto ang ideya ni Megatron na kunin ang anti-matter formula.
Hindi siya mapagkakatiwalaan."
Bluestreak:
"Talagang hindi, madaldal na bakal!"
Prowl:
"Kakampi kayong lahat."
Bluestreak:
"Mag-ihaw tayo ng mga bakal!"
Eksena:
Habang inaayos ang mga sarili, pinagdududahan ni Starscream ang plano ni
Megatron. Sabay dating nina Prowl at Bluestreak upang kalabanin sila.
Tanamits!
Bakal, lata, bakal, lata...! 'Yan na lang naririnig ko, ang sagwa naman
ng pagka-translate. Mag-ihaw ng bakal?! Sabi nga ni Megs: "Hindi ko ito
mapaniwalaan!" (with matching hawak sa ulo). Pero to quote 'Scream: "Hmm,
nanginginig yata ako, a!"
At nakisali na rin sa epalan si Mirage!
Mirage
Epal #1:
Rumble:
"Siguro may static ang rectifiers ko."
Mirage:
"Alam mo ba 'yan ang pinakamaganda na sinabi mo sa buong araw na ito?"
Rumble:
"Ta.. Talaga? Aba! Anong nangyayari?!"
Eksena:
Nilinlang nina Mirage at Hound si Rumble papasok sa gusali.
Wow,
bolerong epal pala itong si Mirage. Nagpauto naman itong si Rumble, hahaha!
Mirage
Epal #2:
Starscream:
"Magiging maiksi na lang ang inyong pagsasama!"
Mirage:
"Isaksak mo 'yan sa optic sensors mo, lalagyan ng basura!"
Eksena:
Nailigtas na nina Bumblebee at Spike si Chip ngunit babarilin sila ni starscream.
Napigilan ito ni Mirage na biglang lumitaw sa likuran ni Starscream.
Puwede
na siyang maging kabarkada ni Powerglide, hehehe... Atsaka puwede sanang
ihirit uli rito ni 'Scream ang "Hmm, nanginginig yata ako, a!" kaso siya
ang nasapul ni Mirage...
Megatron's
Revenge Dialogue of the Day #1:
Megatron:
"ang katapusan ng Autobots ay nasa ating mga kamay! Sa lakas ng mga anti-matter
energon cubes, gagawin ko silang mga alikabok!"
Eksena:
Naghahanda na ang mga Decepticons sa pagsalakay sa Autobot headquarters
matapos maging matagumpay ang kanilang pakikpaglaban sa mga Autobots.
Ayan,
babawi na si Megs, pero magagawa kaya niya ito? Malamang humirit na naman
si Starscream nang pabulong na "Hmm, nanginginig yata ako, a!"
Ratchet:
"Nakakaawa naman ang mga hitsura n'yo."
Sunstreaker:
"Oy! Napakasakit mo namang magsalita."
Eksena:
Nakabalik na ang mga Autobots sa kanilang headquarters matapos silang matalo
ng mga Decepticons at sinalubong ni Ratchet para ayusin.
Pasimpleng
asar din itong si Ratchet, 'no? Sabay pa-sensitive epek pa itong si Sunstreaker,
hahaha!
Sideswipe
(YES!): "Papangarapin nila na hindi na sana sila ginawa!"
Eksena:
Matapos ayusin ni Ratchet, handa nang harapin muli ng mga Autobots ang
mga paparating na Decepticons.
Maangas
din itong si Sideswipe (YES!), 'no? Magpapaka-Starscream uli ako: "Hmm,
nanginginig yata ako, a!" Hehehe. (Pasensiya na, 'Swipe, ang dami n'yo
kasing napaka-threatening sa episode na ito, eh aliw 'yung hinirit ni 'Scream
sa simula, bagay na bagay. Atsaka kayo naman pinag=aaway ko sa mga laruan,
eh.)
Sunstreaker:
"Sige na! Puro ka ingay, eh! Tingnan natin kung gaano ka katigas!"
Sideswipe
(YES!): "Oy! tingnan mo ang galw na ito! Woohah!"
Starscream:
"Ang isang bagay na nalilimutan ninyong mga hambog ay ako!"
Eksena:
Nakipaglaban na ang magkapatid na Sideswipe at Sunstreaker sa mga Seeker
Decepticons, pero naisahan sila ni Starscream.
Sunstreaker,
"gaano katigas?" Oh-behave! Ikaw ha... Kaya naman 'yan ang napiling Qute
of the Day. 'Yung sinabi ni Sideswipe (YES!) sinipi ko siyempre peborit,eh.
Pero -- Yes! Dumating si Starscream at nakipaglaban kay 'Swipe! At bagsak
ang magkapatid! ('Sensiya uli, 'Swipe, minsan lang na makakuha ng upper
hand sa iyo si Screamer. Madalas nakikita ko ikaw, hehehe.) At pinangatawanan
na niya ang kanyang "Nanginginig yata ako, a!" Hehehe...
Wheeljack:
"O, paano, mga 'igan? Huling pagkakataon na natin 'to."
Eksena:
Sinimulan na nina Wheeljack, Spike at chip ang kanilang plano para matalo
ang mga Decepticons.
Aba,
mukhang may nahawa na naman itong si Arnold Clavio, a.
Skywarp:
"Isa kang hangal! Wala kang laban kay Skywarp!" "AAAHHH" (boses Starscream
na)
Eksena:
Habang hawak ni Skywarp ang anti-matter gun (na si Megatron na pinalakas
ng anti-matter energon cubes) kinabitan siya ni Chip ng isang remote control
sa paa. Tinutukan siya ni Skywarp ngunit na-override ang kanyang sistema
ng remte control.
Nakakatawa
ang eksenang ito kasi noong sinabi ni Skywarp 'yung linya na ito, boses
astig, pero nang nag-override na 'yung remote control, bigla siyang nagsisigaw
na kaboses si Starscream! Malakas pala talaga ang dating nitong si Screamer,
hahaha!
Megatron's
Revenge Dialogue of the Day #2:
Megatron:
"Isang batang paslit ang humadlang upang ako'y maging hari ng sangdaigsigan.
Pero malapit na ang paghihiganti. At ang tagumpay ay magiging akin!"
Eksena:
Umatras muling talunan sina Megatron at ang mga Decepticons.
Asus!
Palagi namang ganyan ang sinasabi mo, Megs, nakakasawa na sa totoo lang.
'Di bale, hindi ako mawawalan ng pag-asa. (Dadagdagan ko: Bumulong si Starscream
sa likuran niya: "Hmm, nanginginig yata ako, a!" Hahaha!!!)
Sige
na, nginig na nginig na 'ko, hehehe...
28
October 2003
Episode:
Aerial Assault (Generation 2)
Bida sa episode na ito ang mga Aerialbots, lalo na sina Sky Dive at Slingshot. May kakampi pa silang Arabo - si Hassan (aka Prince Jamaal) - na kamukha ni Spike, nilagyan lang ng turban at iba ang suot. Sayang nga akala ko ang episode ngayon 'yung kay "Hoist Goes Hollywood" o kaya 'yung two-parter "Key to Vector Sigma." Sayang. Ang daming coño sa episode na ito. Napakaarte magsipagsalita!
Arabo
#1: "Hoy, ikaw!"
Hassan:
"Wala akong perang pambayad dito, pero kaya kitang tulungang mag-ayos ng
kotse."
Arabo
#1: "Isang uhuging istambay na katulad mo? Ha?!"
Eksena:
Nahuli ng isang Arabong motor parts dealer si Hassan na pumupuslit ng isang
gulong ng motorsiklo.
Pinoy
na pinoy ang hirit ng Arabo, 'no? "Uhuging istambay," hehehe...
Blast
Off: "'Andiyan na 'ko! Tatapusin ko lang 'tong tutubing ito. 'Di ba tama
'ko, tutubi?"
Eksena:
Sa gitna ng labanan ng mga Aerialbots at mga Decepticons, tinatawag si
Blast Off para alalayan ang iba niyang kakampi pero nakikipaglaban pa siya
kay Slingshot.
Tutubi
raw, hahaha!
Coñong
Air Raid Lingó #1:
Air
Raid: "O, sige. Ok. Pagaling kayong dalawa. Tawagan na lang."
Eksena:
Napagkasunduan ng mga Autobots na magpapanggap na mga eroplanong nanakawin
sina Sky Dive at Slingshot habang ang iba naman ay babalik sa Autobot main
headquarters para ayusin.
Napaka-coño
talaga nitong si Air Raid. Pareho sila ng dating ni Hound kung tutuusin...
medyo ma-epal din.
Sky
Dive: "Ano 'yon?"
Slingshot:
"Tumahimik ka, Sky dive. Baka tao 'yon."
Hassan:
"Siyempre tao, 'no."
Eksena:
Nakasakay si Hassan sa trak na kinalalagyan nina Sky Dive at Slingshot
na ikinagulat naman ng dalawa.
May
pagkasutil din itong si Hassan, 'no?
Quote
of the Day & Coñong Blast Off Lingó:
Blast
Off: "Sayang lang ito. Ang chi-cheap naman ng dalawang jet na 'to! Bale-walang
i-assemble!"
Eksena:
Siniyasat ni Blast Off sina Sky dive at Slingshot. Para hindi mahuli, gumawa
ng short circuit effect si Slingshot sa cockpit niya. Hindi tuloy kinuha
ni Blast Off ang dalawa para gawing jet drones.
Wow,
ma-coño rin itong si Blast Off, a! Mana kay Kris Aquino, hehehe.
Sa lahat ng ma-cocoñong linya sa episode na ito, dito ako pinaka-natuwa
kaya naman 'yan ang napili kong Quote of the Day.
Onslaught:
"Swindle! Brawl! Tanggalin mo nga ang Aerialbot na 'to!"
Eksena:
Dinaganan ni Slingshot si Onslaught na naka-truck mode para mapigilan niyang
matamaan ang mga kasamahang Aerialbot sa mga laser beams nito. Pinatanggal
ni Onslaught ang Aerialbot sa mga kakampi niya.
Ito
ang isang magandang halimbawa ng boses jologs na sundalo ni Onslaught:
"Swindel! Brol! TANGgalin mongaang aerialBOT na 'TOH!"
Megatron:
"Rumble, ihanda ang fortress sa pag-alis."
Rumble:
"Areglado, boss!"
Eksena:
Pinaandar na ng mga Decepticons ang mobile fortress para tapusin na ang
mga Aerialbots.
Nakakatawa
lang kung paano sabihin ni rumble 'yung linya niya. Napaka-weakling at
tuta ang dating na boses ipis pa, hahaha!
Bruticus:
"Si Bruticus ang wawasak sa inyo!"
Eksena:
Nagsama-sama na ang mga Combaticons para maging si Bruticus.
Heto
na ang bagong bokalista para sa Decepticon death metal band - si Bruticus!
"Si BRRUGHticus ang wUGHwUGhsAHk sa inYOGH! GRRRRAAAAGGGHHH"
Coñong
Air Raid Lingó #2:
Air
Raid: "Wow, hanep! Ang sakit nun, a!"
Eksena:
Tinamaan ng sampal ni Bruticus si Air Raid at bumagsak ito.
Wow,
hanep...
At
pa-coñno epek din ang entrada nitong si Fireflight, a...
Coñong
Fireflight Lingó:
Fireflight:
"Hi, guys! Anong nangyayari dito?"
Eksena:
Dumating na si Fireflight mula sa Autobot headquarters at sumama sa labanan.
Hey,
coño boy! Eto, kinakawawa lang namin kami ni Bruticus...
Hay
naku, everyone is so coño sa episode na ito, huh! It's making so
kalog. I can't take this na! Sige na nga, I'll make bye-bye na to you all,
ok? Ciao!
31
October 2003
Episode:
Microbots (Generation 1)
O?! Nasaan na ang Season 1 intro?! Balik na naman sa Season 2? Diyahe naman. Pero ok lang, basta hindi replay. Ito yata ang episode na nakita ko noong September 23 nang malaman ko na ibinalik na muli ang Transformers sa Tuesday/Friday timeslot nila sa ABC 5. 'Yung final scene kasi magkaakbay sina Brawn at Perceptor at napalilibutan sila ng mga Autobots. Malamang ito nga ito kasi sabi ng kabarkada ko noong linggo ring iyon na napanood niya ang Transformers na may eksenang nalasing sina Megatron at ang mga Decepticons. Ito nga 'yung episode na 'yun! And so, withut further ado, heto na ang quotes archive para sa episode na ito. (UNFINISHED)
<< PREVIOUS | JUNE 2003 | JULY 2003 | AUGUST 2003 | SEPTEMBER-OCTOBER 2003 | NOVEMBER 2003 (?) | NEXT >>