|
|
![]() |
![]() |
QUOTE OF THE DAY ARCHIVES by Ondoher Prime |
![]() |
|
|
This
page is dedicated to one of the best animated shows since 1985, The Transformers.
This page is primarily focused on the best quotes of the Transformers in
Filipino (Tagalog).
(NOTE:
Knowledge of comtemporary Filipino highly recommended to fully appreciate
the quotes.)
AUGUST
2003
Click
here
for the episode guides.
01
August 2003
Episode:
Child's Play (Generation 1)
So far, ito ang episode na may pinakamaraming epalan at hiritan - mapa-Autobot, Decepticons, o alien man - kaya ang hirap pumili ng pinakamagandang Quote of the Day...
Epal
#1:
Ramjet:
"Subukan mo itong rocket ball, punggok!"
Eksena:
Habang pinaglalaruan ng mga Decepticons ang mga baseball players sa stadium.
Tinira ni Ramjet ang isa ng mga baseball na inilagay niya sa kanyang baril.
(Buti hindi nasunog 'yung mga bola...)
Epal
#2 & 3:
Starscream
(kay Ramjet): "Masyado kang madaldal!"
Starscream
(kay Ravage): "Umalis ka nga sa akin, damulag!"
Eksena:
Pagkalagay kay Ramjet sa bowl, nagsisigaw ito habang nadaganan naman ni
Ravage si Starscream. Nairita si Starscream kaya nang-epal. Parang may
dalaw...
Epal
#4:
Nanay
ni Aaron (di sigurado sa spelling ng pangalan, pero malamang tama ito):
"Ay! Ilayo mo nga 'yang pangit na 'yan sa harap ko!"
Eksena:
Ipinakita ni Aaron si Ramjet sa Nanay niya. Nag-transform ito at binaril
siya.
Epal
#5:
Starscream:
"Layuan mo ako, pangit na nilalang!"
Eksena:
Habang nakagapos si Starscream at ang iba pang Decepticons at tinitingnan
siya ng isang siyentipiko sa ilalim ng magnifying glass.
May
siga pang maasta at matindi ring mang-epal... si Marty (alien din na mas
matanda ng kaunti kay Aaron)!
Sigang
Epal #1:
Marty:
"Ibigay mo sa akin 'yan kung ayaw mong baguhin ko'ng hitsura ng mukha mo!"
Eksena:
Pilit na kinukuha ni Marty kay Aaron ang glass box na nilalaman ang mga
Autobots.
Sigang
Epal #2:
Marty:
"Huling pagkakataon, bopol! Ibigay mo na bago ko durugin ang ilong mo!"
Eksena:
Pilit na ring kinukuha ni Marty kay Aaron ang box pero ayaw ni Aaron.
At nang makuha, walang laman kaya...
Sigang
Epal #3:
Marty:
"Hmmm... Mukhang nakawala ang ibon mo. Hindi ko siya masisisi dahil isang
bobong katulad mo ang kasama niya!"
Eksena:
Nang makuha at walang napala si Marty, asar na umalis.
At lumitaw ang coñotic tendencies ni Bumblebee!
Coñong
Bumblebee line #`1:
Bumblebee:
"Yuck! Ang baho!"
Eksena:
Nang ilaglag sila ni Aaron sa basurahan bago kunin ni Marty ang box.
Coñong
Bumblebee line #`2:
Bumblebee:
"Ang dumi nitong tubig! Grabe!"
Eksena:
Nang ilaglag ni Aaron ang mga Autobots sa sewers para makawala sa mga pulis.
Mukhang
idol ni Bumblebee si Ruffa Gutierrez, a.
At nagpatuloy pa rin ang epalan...
Epal
#6:
Bumblebee:
"Ako bahala diyan, Optimus! Asungot lang 'yan, e!"
Eksena:
Sa sewers pa rin, nakipagharap si Bumblebee kay Ravage.
Epal
#7:
Nanay
ni Aaron: "Mukha namang mababait pero baka mamaya meron silang mikrobyo."
Eksena:
Kinagabihan sa kuwarto ni Aaron nang hindi pa nakakabalik ang mga Autobots,
kausap ng mga magulang niya si Aaron.
Epal
#8 & 9:
Eksena:
Si Perceptor ay nagpapaliwanag kung papaano sila makakabalik sa daigdig...
Optimus
Prime: "Huwag mo na sabihin, gawin mo na!"
Nang
di sila nakaalis (dahil sa mga Decepticons), may naisip pang isang paraan
si Perceptor. Nagpaliwanag uli...
Optimus
Prime: "Perceptor, gawin mo na lang...!"
Pati
si Prime, magaling umepal, hehehe...
Pero
ang mga Quotes of the Day ay galing kina Bumblebee at Inferno (dalawa kasi
parehong aliw!). hindi ma-epal pero...
Quote
of the Day #1:
Bumblebee:
"Medyo
malagkit, pero OK lang."
Eksena:
Sa basurahan nang silipin at kumustahin ni Aaron ang mga Autobots.
Quote
of the Day #2:
Inferno:
"Pinag-iinit
mo ako, Starscream!"
Eksena:
Sa sewers habang naglalaban ang mga Autobots at Decepticons.
Pero
sa dulo ng episode, may cliché line pang pahabol si Optimus Prime...
Optimus
Prime: "Sa tuwing titingnan mo ang mga bituin sa teleskpyo mo, alam mong
may mga kaibigan ka..."
Eksena:
Nang papaalis na at namamaalam na ang mga Autobots kina Aaron at Nitro.
05
August 2003
Episode:
Day of the Machines (Generation 2)
Pamagat
pa lang, puwede mo nang isigaw na "rip-off!" (Hey, it's the other way around,
ok? This episode came out way before T3!)
Sa
episode na ito, lumalabas ang appeal ni Optimus Prime sa isang supercomputer
na nagngangalang Torq 3 (T3?!) na may pagka-bading ang boses ng kung sino
man ang nagboses sa kanya... Ka-badingan, kabobohan at panlalait galore
ang episode na ito!
Megatron:
"Binabago ka na ngayon sa aking katauhan; sa aking pag-iisip; sa aking
galit! sa mga nilalang na pumipigil na makuha ko ang kapangyarihang nararapat
sa akin!"
Eksena:
Habang dina-download ni Megatron ang kanyang katauhan sa CPU ni Torq 3.
Another
award-winning scene from Megatron! Pang-Best Actor, hehehe...
At nagbago na sa Torq 3...
Torq
3: "Utusan mo ako, Megatron, aking amo..."
Eksena:
Pagka-download ni Megatron ng kanyang katauhan.
Actually,
ganito ang tunog niyan e: "Utusan muo akuoh, Megahtrohn, aking amuo..."
Nagbago na nga si Torq, tsk-tsk...
Singit lang: At ang pangalan ng head scientist na lumikha kay Torq 3 ay si Dr. Gates! Hmm... hindi kaya ito prediction of things to come?
Optimus
Prime: "Nakakaamoy ako ng pesteng nagngangalang Megatron."
Eksena:
Matapos makatanggap ng balita mula kay Teletran-1 na ang mga oil tanker
ships ay kinokontrol ng di malamang puwersa.
Minsan
lang humirit si Prime pero matindi, 'no?
At mapanlait din pala itong si Torq, a...
Panlalait
ni Torq #1:
"Wawasakin
ng mga armas ko ang mayayabang na Autobots na 'yan!"
Eksena:
Naghahanda si Torq sa pagdating ng mga Autobots.
Insecure?
Panlalait
ni Torq #2:
"Hmm..
Hindi ang mga bobong Autobot na 'yon ang makapipigil sa akin!"
Eksena:
Matapos masira ng mga Autobots, kasama ang mga Dinobots, ang mga puwersa
ni Torq.
Insecure
nga...
Singit #2: BAKIT HINDI NILA DINUB ANG MGA BOSES NG DINOBOTS (puwera kay Grimlock)?! MAY MGA SINABI SI SLAG AT SLUDGE SA EPISODE NA ITO!!! $@#! AKO GALIT!
Nahawa
na rin si Skyfire sa ka-coñohan ni Bumblebee a...
Skyfire:
"'Yung mga oil tankers, guys...!"
At
si Hound magalang ngayon! Sa simula ng palabas, masunurin at voluntary
pa kay Prime. Ang galang sa kapitan ng isang oil tanker, pero kay Megatron...
Hound:
"Sandali lang, Mega-meatball!"
Eksena:
Nilusob na nina Skyfire at Hound ang mga Decepticons.
Oops,
naurong... Dati Mega-lampa. Ngoyon naman Mega-meatball. Ano kaya susunod?
At may mga double-meaning sentences pa sa episode na ito (at galing kay Optimus Prime ang Quote of the Day!)...
Double-meaning
#1:
Sideswipe
(YES!): "Ahh! Ahh! Siguro panahon na para magkakilala kayong dalawa...!"
Eksena:
Habang kalaban ni Sideswipe ang isang robot drone ni Torq.
Sinu-sino
ang ipapakilala? Si _____ at si _____? Ooh...
('Yung
dalawang sipit ng drone. Loko!)
Double-meaning
#2:
Optimus
Prime: "Isa na lang ang pag-asa ko dito... ilalabas na kita!"
Eksena:
Habang kalaban din ni Prime ang isa pang robot drone ni Torq.
Ano
ang ilalabas? Oh-behave...
(Literal
lang na translation 'yun ng "I'm going to take you out!" Malisyoso!)
Later,
ang mala-bading na Torq ay nahumaling pa sa mga Autobots lalo na kay Prime...
Torq:
"Bakit n'yo pa pinatatagal, mga Autobots? Hinihintay ko na kayo..."
Eksena:
Nakapasok na ang mga Autobots sa loob ng maze complex na kinalalagyan ni
Torq at tinatawag na sila nito.
Naiinip
na si Torq...
Prime:
"Delikadong pumasok tayo nang sabay-sabay. Maghintay muna kayo sa labas."
Eksena:
Sa bukana ng maze, ito ang inutos ni Prime at pumasok na siya.
Mahirap
ang sabay-sabay... Nasty!
Torq:
"Halika, naiinip na ako sa ka_____an mo! Akala ko pa naman ay napaka_____
mo, Optimus Prime!
Eksena:
Habang naglalakad sa maze si Prime, patuloy ang pagtawag sa kanya ni Torq.
Inip
na talaga si Torq sa KaDUWAGan ni Prime. NapakaTAPANG daw kasi nito at
gusto niya mapatunayan. Akala n'yo kung ano na naman...
At
nahuli na niya si Prime...
Torq:
"Lumapit ka sa akin... Halika!" (gasp!) "Akin ka na ngayon! At pagkatapos
ay magiging alipin ko ang lahat ng Autobots. At ako, si Toro, ang magiging
panginoon ng lahat!"
Eksena:
Dinala na si Prime sa harap ni Torq.
Naku,
nakuha na ni Torq si Prime! Tapos maPAPAsakanya pa ang lahat ng Autobots.
Gusto niya lahat? Matindi pala ang pangangailangan nitong si Torq... At
oo, "Toro" ang sinabi ni Torq. Toro pa la siya, hehehe... (Kung sino man
talaga ang nag-voice over sa kanya, hindi na nga bagay ang boses, malabo
pa ang mata nang binasa ang script!) At kung ganito si Torq kapag nalagyan
ng katauhan ni Megatron, ibig bang sabihin nito na si Megatron ay...? Nakakapangilabot
isipin!
Sa kabilang dako...
Skyfire:
"Hulihin mo ako, mangmang na robot!"
Eksena:
Nilinlang ni Skyfire si Frenzy.
Talaga
itong si Skyfire. Kalaking Autobot, ang piniling kakalabanin napakaliit.
Tapos manlalait pa...
Hound:
"Hindi rin bobo 'yung Decepticon na 'yun, a!"
Eksena:
Matapos malinlang si Frenzy, binaril ni Hound ang force shield control
panel.
Isa
pa itong si Hound, pero sanay na tayo sa kanya e...
At
mukhang ang kabarilan ni Sideswipe (YES!) sa labanan sa dulo ay si Starscream!
Siya ang pinakamalapit sa screen sa kanan, habang sa kaliwa, si Starscream.
Puwera na lang kung labu-labo silang naglalaban-laban, malamang, di ba?
Aliw!
08
August 2003
Episode:
Quest for Survival (Generation 1)
Ang mga Insecticons at mga Morphobots ang pinakabida sa episode na ito, pero sa iba nanggaling ang Quote of the Day...
Spike:
"Diyan ka lang Cosmos! Babalik kami agad bago mo maisipan ang pagtakas!"
Cosmos:
"Saan naman ako pupunta?"
Eksena:
Umalis sina Spike at Bumblebee pabalik sa Ark at iniwan si Cosmos
na natatabunan ng mga halamang Morphobots para huminging tulong kina Optimus
Prime.
Oo
nga, saan naman siya pupunta? Si Spike, minsan hindi ginagamit ang kukote...
Shrapnel:
"Ano na naman ang gusto ng madaldal na 'yon, na 'yon...?", "Akala mo ba
e maniniwala kami sa mga basurang 'yan, basurang 'yan...?"
Eksena:
Si Shrapnel at ang mga Insecticons ay kinukuwestiyon ang mga utos ni Megatron.
Wala
lang, natatawa lang ako sa pananalita ni Shrapnel sa Tagalog. Para siyang
Ben Tisoy na ngongo na hindi mo maintindihan.
Thrust:
"Ang inyong kabastusan ay nakakabahala."
Eksena:
Tugon ni Thrust sa mga pangunguwestiyon ng mga Insecticons sa mga utos
ni Megatron.
Si
Thrust ang nagsabi nito? Parang napakaseryoso at napakalalim, a...
Soundwave:
"Heh-heh-heh. Heh-heh-heh. Heh-heh-heh." (tingnan sa baba)
Eksena:
Kasabay na nakitawa kay Megatron nang mapahiya si Starscream sa mga Morphobots.
T***-inang
tawa 'yan! Nakakaloko! Parang kambing na robot na naka-tape recorder na
mabagal ang ikot ng tape. (Palakpakan! Isa ito sa mga rare occasions na
tumawa si Soundwave! Wooo!)
Spike:
"Ibig sabihin n'yan ang buong nilalang ay magugutom?"
Megatron:
"Magugutom ba? Hayaan mo sila, hindi naman kami kumakain, e..."
Eksena:
Nang pasabugin ni Megatron ang lalagyan ng robotic insecticide na panlaban
sa mga Insecticons.
Mga
loko kayo, a. Palagi n'yong binibuwist, nilalait at pinagti-tripan si Megatron,
a. Ayan, gumanti tuloy at ang ganda pa ng hirit. Tapos...
Soundwave
(at iba pang Decepticons): "Heh-heh-heh. Heh-heh-heh. Heh-heh-heh."
T***-ina
talagang tawa 'yan! Panalo! Kaya naman ang buong dialogue na 'yan ang nanalong
Quote of the Day!
May mga runners-up tayo!
Optimus
Prime: "Sa akin si Megatron!"
Eksena:
Labanan na (sa bandang dulo na ito)!
Uuyy,
Prime... ikaw, ha...
Shrapnel:
"Naglalaway na talaga ako, ako..."
Eksena:
Nang makita na ni Shrapnel at ng mga kasama niyang Insecticons ang mga
halamang Morphobots.
Naglalaway
nga. Ayan, gustong kainin, sila tuloy ang nakain, hehehe...
Transformers:
Love Notes Week-long Special!
Ang
susunod na dalawang episodes ay kabilang sa ating bagong Transformers:
Love Notes. Puno ng banatan ang mga palabas na ito, ngunit ang dapat
panoorin dito ay ang mga kakaibang pag-iibigan ng ilan sa ating mga paboritong
Transformers! Read on...
12
August 2003
Transformers:
Love Notes Episode 1: Enter the Nightbird (Generation 2)
Sa wakas napanood ko na rin ang episode na ito!!! Kung last week mala-T3, ngayon naman, mala-Star Wars ang episode na ito. Dito makikita ang isa sa mga memorable na love quarrels nina Megatron at Starscream kasi may nakitang bago si Megs...
Sa simula hanggang sa katapusan ng episode, ang tawag ni Dr. Fujiyama kay Prime ay "Mister Optimus Prime." Wow...
Mister
Optimus Prime: "Ano ang ninja?"
Spike:
"Ito ay isang sinaunang mandirigma sa Japan na may pambihirang kakayahan
sa labanan."
Jazz:
"Oo, nabasa ko nga tungkol sa kanila. Matindi nga sila [bumanat/lumaban]."
Eksena:
Sa loob ng observatory, sa presentasyon ng female robot ni Dr. Fujiyama
na si Nightbird, nagbabantay ang mga Autobots.
Medyo
malabo na naman ang pagbigkas ng sinabi ni Jazz, pero mas katunog ang "bumanat"
kasi may tunog "T" 'yung salita sa dulo. Wala namang "T" sa "lumaban."
Bumanat... hehe...!
At dumating ang mga Decepticons...
Megatron:
"Tanggapin mo ang pagbatiko, Optimus Prime! Ang nakamamatay kong pagbati!"
Sabay
tutok kay Prime, kaso si Bluestreak ang nakatikim, hehe..
Eksena:
Banatan, este, labanan sa observatory.
Pagbati,
a... hehe...!
Megatron:
"Humanda ka na sa katapusan mo, Prime!"
Mister
Optimus Prime: "Hindi pa, Megatron. HIN-DI PA!!!"
Eksena:
Nagbabanatan, este, naglalabanan pa rin...
Nanggigigil
sa Prime, a...
Pagkatapos
ng labanan...
Mirage:
"Marami sa mga kasama natin ang may tama, Prime."
Mister
Optimus Prime: "Kung ganoon ibalik ang lahat ng may dipirensiya sa base."
Eksena:
Pagkatapos ng labanan, sa labas ng observatory. Uuwi na ang mga Autobots.
May
tama? May dipirensiya? Nakipaglaban ba ang mga Autobots o nagtagayan? O
baka naman bumanat?!
Sa base, nilabas ni Nightbird ang kanyang espada na parang lightsaber sa Star Wars at may matching sounds din. Can you say "rip-off!"?
Brawn:
"Hawakan n'yo siya! Kailangan natin siyang mapigilan!"
Eksena:
Hinahabol ng mga Autobots si Nightbird.
Tama
'yan, Brawn (na parang tumanda ang boses niya't tunog weakling), hawakan.
Para namang mapipigilan kapag nahawakan na, 'no? Isa na namang halimbawa
ng masagwang word-for-word translation (malamang sa Ingles ang sinabi niya
"Grab hold of her!").
Starscream
Selos Scene #1:
Bombshell:
"Napakagaling ng ninja robot niya!"
Starscream:
"Wala 'yan! Sasabog din 'yan!" (Uuyy, selos...)
Megatron:
"Pero kayang-kaya ka niyang palitan, 'pag ginusto ko!"
Eksena:
Pinanonood ng mga Decepticons, lalo na ni Megatron, si Nightbird habang
mag-isa nitong binabanatan... oops, kinakalaban pala, ang mga Autobots.
Ayan
tuloy, mukhang nagseselos na si Starscream... Nate-threaten na siya...
Mister
Optimus Prime: "Na-trap na natin siya."
Eksena:
Napaligiran na ng mga Autobots si Nightbird.
Nahawa
na rin si Prime sa pagiging coño, a... "Nuh-trAp"... tinawag lang
na "Mister" e...
Starscream
Selos Scene #2:
Eksena:
Patuloy ang panonood ni Megatron kay Nightbird...
Megatron:
"Magaling! Hahaha! Tama, talagang nasa listahan ka na ng papalitan ko,
Starscream. Siya ang matagal ko nang hinahanap..."
Starscream:
"Papalitan mo ako? Hindeh...!!!"
Sinapak
si Megatron (o sinampal, hehehe...). Nagalit si Megatron. Pinakulong si
Starscream sa isang electronic cage. (Kasi naman, tanggapin na na ayaw
na sa 'yo!)
Starscream:
"Hindi n'yo ko puwedeng ikulong! Hindeh...!!!" (Nagpupumilit pa...)
Megatron:
"At bakit hindi? Ang munting kulungan na 'yan ay ginawa ko para sa mga
Autobots per ibinibigay ko na sa 'yo. Isipin mo na lamang na huling regalo
ko na 'yan para sa 'yo."
Kitam,
Starscream, kahit na nakipag-break na sa iyo si Megatron, may parting gift
pa siya sa 'yo. That's love, hehehe...
Brawn:
"NA-PI-PIKON-NA-'KO SA 'YO, BOMBSHELL!!!"
Eksena:
Labanan na uli. Kinuha ni Bombshell ang World Energy Circuit. Nagalit si
Brawn. Tinira siya ng bazooka.
'Yan!
'Yan ang tamang boses ni Brawn! At talagang bigay na bigay at pumped pa
ang pagsabi niya ng linyang ito kaya naging Quote of the Day!
Starscream
Selos Scene #3:
Starscream:
"Ang bagong alalay ni Megatron, ha? Pababagsakin kita ng null ray ko!"
Binaril
si Nightbird. Sapul! Bagsak! (Parang telenovela, 'no?)
Megatron:
"Nightbird! Hindi!"
Eksena:
Sa gitna ng labanan, nakawala si Starscream. Nakita si Nightbird. Binaril.
Nagalit si Megatron. Nawala ang kanyang new-found love. Hinabol si Starscream.
Ano kaya nangyari?
Kinilig
ba kayo? Hehehe...
15
August 2003
Transformers:
Love Notes Episode 2: The Secret of Omega Supreme (Generation 1)
May malalaman kayong kagulat-gulat tungkol kay Optimus Prime sa dulo ng episode na ito! Kung noong Martes sina Megatron at si Starscream, ngayon naman, si Prime at si... surprise (tingnan n'yo sa dulo)!
Sa simula ng episode si Sideswipe (YES!) ay nasa tabi ni Megatron (ha?!)! (maling animation)
May
maling translation pa yata...
Omega
Supreme: "Sa tindi ng panggugulo ng mga Autobots."
Eksena:
Backflash - matapos maayos si Omega Supreme ng isang di-kilalang robot.
Magta-translate
na lang, napaghahalo pa ang Autobot sa Decepticon. Tsk-tsk...
Nagiging
bossy na rin si Optimus Prime...
Eksena:
Sa Ark, kababalik lang ni Cosmos galing sa asteroid at may dalang isang
ore. Matapos suriin ni Prime...
Optimus
Prime: "Bumalik ka doon para manmanan mo ang pagbalik nila rito sa daigdig."
Cosmos:
"Na naman?"
Optimus
Prime: "Ang ore na ito ay bale-wala hangga't di napo-proseso. Gusto kong
malaman kung saan nila ginagawa ito."
Cosmos:
"Sige, sinabi mo, e."
Kawawa
naman si Cosmos, inalipin... Buti inepal muna niya si Prime bago umalis,
hehehe...
At ang mga Epals of the Week, sina Powerglide at si Scrapper!
Ang pang-eepal ni Powerglide...
Powerglide
Epal #1:
Powerglide:
"Si Omega Supreme? Isang damukal na katatawanan ito!"
Eksena:
Sa Ark. Pupuntahan ni Optimus Prime si Omega Supreme upang humingi ng tulong.
'Pag
narinig ni Omega itong si Pwerglide, para siguro itong ipis na napisat.
Loko.
Powerglide
Epal #2:
Powerglide:
"Mai-impatso ka ngayon!"
Eksena:
Sa San Francisco habang kinakalaban niya ang halimaw.
Akala
mo palalampasin ka ng halimaw na 'yan? Si Omega siguro, oo, pero 'yan?
Ttinira ka tuloy, hahaha! Loko!
Ang pang-eepal ni Scrapper...
Scrapper
Epal #1:
Scrapper:
"Bumukas ka! Bukas, bwisit na pinto!"
Eksena:
Magtatrabaho ang mga Constructicons nang sila'y dinakip ni Megatron at
ng Robo-smasher.
Wala
pa 'yan sa susunod...
Scrapper
Epal #2/Quote of the Day/Word of the Week:
Scrapper:
"Ano, kaibigan? Mukhang binigyan ka ng Robo-smasher ng matinding banat,
a!"
Eksena:
Nagharap muli ang mga Constructicns at si Omega Supreme sa asteroid.
Oo,
ang Word of the Week ay "banat." Akala ko hindi nila gagamitin ang salitang
ito dahil nga malabo ang sinabi ni Jazz noong Martes (tingnan: 12 August
2003, Enter the Nightbird), pero rito, malinaw na malinaw. Banat!
Scrapper
Epal #3:
Scrapper:
"Isa kang basura sa isang napakagandang robot!"
Eksena:
Patuoy ang pangungutya ni Scrapper kay Omega Suprme habang sila'y nagbabanatan.
Mukhang
may kulang sa translation na ito. Dapat siguro: "Isa kang basura sa PARA
SA isang napakagandang robot!" Pero wala pa ring sense 'yung sinabi niya.
Ang labo!
Pagkatapos
ng lahat ng banatan...
Eksena:
Sa Golden Gate Bridge. Papalubog na ang araw. Naroon sina Optimus Prime
at Omega Supreme. Nagpasalamat si Prime.
Optimus
Prime: "Wala kang katulad." (with matching hawak sa baril ni Omega Supreme...
Oh-behave!)
Omega
Supreme: "Papuri pinasasalamatan." (deadma!)
Optimus
Prime: "Alam ko na ang ginawa ng mga Constructicons sa iyo sa Cybertron
ay binago ka. Inalis nila ang iyong emosyon. Natitiyak ko sa ibang pagkakataon
ay makikita mong may mga mahahalagang bagay liban sa paghihiganti." (mukhang
nagpaparamdam na si Prime, a ... Uuyy!!! )
Omega
Supreme: "Ang posibilidad lumalawak." (pinag-iisipan na ni Omega...)
Move
on, na Omega... kalimutan mo na ang mga Constructicons. Nandiyan naman
si Prime, e, hehehe... Walanghiya itong si Optimus, talo pa si Megatron.
Minsan lang maglabas ng kulo, katindi naman.
At
diyan nagtatapos ang Transformers: Love Notes Week-long Special! Kailan
kaya magkakaroon muli ng ganitong serye? (Ang galing ng ABC 5, a! Talagang
pinagsunod ang dalawang episodes na ito at ganito pa ang translation, hehehe...)
MAHALAGANG
PAUNAWA: Malaki ang utang na loob ko sa susunod
na dalawang episodes dahil tinulungan nila akong malampasan na naman ang
isang pagsubok sa buhay ko sa pamamagitan ng paghatid ng tuwa sa akin habang
pinapanood ko sila at sinisipi ang mga quotes. Salamat ng marami!
:-)
Napakalaking
balintuna (irony) na ito na pala ang huling pagkakataong ipalalabas ang
Transformers sa ABC 5 dahil nang sumund na linggo ay napalitan na ito ng
ibang prgrama. :-(
19
August 2003
Episode:
A Prime Problem (Generation 2)
Kakaiba rin ang episode na ito, tatlong magkakaibang quotes na kung tutuusin ay normal lang ang mga pinagsasasabi, pero dahil sa kakaiba ang mga nagsalita ng mga ito, it's a three-way tie!
Megatron:
"Ang iyong kamangmangan ang siyang dahilan kung bakit hindi maitaas-taas
ang ranggo mo, Starscream!"
Eksena:
Habang pinagmamasdan ang mga crystals at nagpupumilit si Starscream na
puntahan ang mga ito.
Iba
rin magpakita ng affection itong si Megs, ano?
Mga
coñong Autobots...
Ironhide:
"Hanep! Ang mga liwanag na 'yon ay mas mainit pa sa Cybertronic laser flare!"
Jazz:
"Alam n'yo kung magkakaroon ako ng lightshow na ganyan ka-cool, marami
akong mapapahangang music lover..."
Eksena:
Ang mga Autobots naman ang tumitingin sa mga crystals.
Jazz:
"Alam mo, ang totoong Optimus Prime ay hindi matatakot sa isang napaka-simpleng
operasyon!"
Eksena:
Sa bandang dulo na ito nang sinabihan ni Jazz ang tunay na Prime nang pigilan
nito ang mga Autobots na lapitan ang mga crystals.
'Yung "Hanep!" ni Ironhide, "Huh-nEHp!" 'Yung "ka-cool" naman ni Jazz, "kuh-kewl." At 'yung "operasyon," "operhasyahwn." Kumu-coño na talaga ang mga ito, a...
Optimus
Prime: "Laserbeak! Isa kang pabong gawa sa lata!"
Eksena:
Labanan nina Prime at Laserbeak.
Na-offend
si Laserbeak, ayan, sapul ka tuloy, Prime...
Quote
of the Day #1
Clone
Optimus Prime: "Ang galing! Kamukhang-kamukha ko siya!"
Eksena:
Nang makita ni clone Prime ang riginal Prime sa monitor ni Teletran-1.
Wala
namang kakaiba sa sinabi niya, pero 'yung pagkakasabi. Imagine si tagalog
Prime na boses cowboy naging butch gay. Ganun ang dating nang sinabi niya
ito. At hindi 'yung buo ang boses, a! Medyo malumanay na para bang nakakita
ng isang pwo-gee!
At
meron na namang silip sa patuloy na mabulaklak na pag-iibigan nina Megatron
at Starscream...
Eksena:
Nagpaplano sina Megatron at Starscream kung papaano lilinlangin ni clone
Optimus Prime ang mga Autobots.
Megatron:
"Kailangnang makuha niya ang buo nilang pagtitiwala; at para gawin iyon,
kailangang wasakin ang isa sa atin." (Nagpaparinig na...)
Starscream:
"Tama... Tama!" (Kinikilig naman ang isang 'to) "Ang pagwasak ng Decepticon
ang magkukumbinsi sa mga Autobots na ang clone mo ang totoong Optimus Prime!
Maganda 'yon!" (read: "Konti na lang, Meggy-weggy, sasagutin na kita..."
hehehe...)
Megatron:
"Eksakto! At meron ka na bang naiiisip kung sino ang matapang na magsasakripisyo?
(Naghahanda
na magtapat...)
Starscream:
"Dapat isa siyangpinagkakatiwalaang opisyal para mas kapani-paniwala."
(read: "Sige na, sabihin mo na...")
Megatron:
"Mismo. Hahaha... Kaya nga ang napili ko..." (ayan na, kinikilig na ba
kayo...?) "... ay... ikaw." (Umamin din! Pero seryoso, sira rin itong si
Megatron, 'no? May pa-brainstrom effect pang nalalaman)
Starscream:
"Ako?!" (disbelief) "Si Starscream, ang ipinagmamalaki ng Cybertronian
War Academy?" (pride) "Hindi! Naririnig mo? Hindi!" (ang bilis naman, denial
kaagad...)
Iba
talaga ang dalawang ito. Mukhang pahabol nung nakaraang linggo it, a...
Later, nagkaliwanagan naman ang dalawa. Clone pala ni Starscream, hindi talaga siya (siyempre, malulungkot si Meggy-weggy niyan kapag nangyari 'yon...). Nang lumabas ang clone ni Starscream...
Quote
of the Day #2:
Starscream:
"Ang guwapo! Wala talaga akong masabi!"
May
matching piyok pa nang sabihin niya 'yan, a. Tama ba namang ganoon ang
translation? "Ang guwapo"?! Ako rin walang masabi...
Spike:
"Hindi mo magagawa ito, Megat(u)ron! Hindi mo mapapaglaruan ang mga Autobots;
at ang iyong mga Deceptico ay matatalo!"
Eksena:
Sa loob ng Decepticon base, bihag si Spike.
Mali
na naman ang dubbing: "Megaturon" at "Deceptico". Tsk-tsk...
Windcharger:
"Siya'y isang masamang impustor! Isang gumagalaw na lata!"
Eksena:
Nalaman na kung sino ang clone na Optimus Prime.
Oohh..
gumagalaw na lata...
Pagakatapos
ng lahat...
Spike:
"Totoong ikaw ba 'yan, Optimus Prime...?"
Optimus
Prime: "Oo, Spike. Ngayon sigurado, ako na ito - ang sarili ko... a, kung
sino man... a, bahala na..."
at
ang Quote of the Day #3...
Optimus
Prime: "... Isang bagsak nga diyan, partner!"
Tandaan,
si Prime ang nagsabi niyan. At hindi pa 'yung clone, a. 'Yung tunay! Gold
Eagle Beer, pare ko! Hehehe...!
22
August 2003
Episode:
The Gambler (Generation 1)
Marami na namang coño sa episode na ito. Nasobrahan yata sa sugal...
Lord
Gyconi: "It's showtime!"
Eksena:
Matapos turukan ng energon bost ang mga bihag na Autobots bago magsimula
ang labanan.
Smokescreen:
"Cover me!"
Eksena:
Sa gitna ng labanan, nag-transform si Smokescreen upang magpausok at lituhin
ang mga Decepticons.
Dito
rin natin unang makikita si Devcon - ang epal na Autobot bounty hunter...
Devcon:
"Ano ba ang sinasabi ng syokoy na ito?"
Vosch:
"Hahaha... Sinasabi niya ang kanyang pasasalmat at ang kanyang katapatan
sa pagkakaligtas mo sa kanyang buhay."
Devcon:
"A, ganoon ba? Wala 'yon. Kalimutan mo na 'yon. Sige na! Kalimutan mo na
'yon!"
Eksena:
Sa bar habang nag-uusap sina Devcon, Smokescreen at Vosch, lumapit si Slizardo
upang magpasalamat kay Devcon.
k
rin itong si Devcon. Pagkataps tulungan at pasalamatan siya ni Slizardo
at "Wala 'yon," sabay hampas kay Slizardo.
Ramjet:
"Sino ba 'yung bwisit na 'yon?!"
Dirge:
"Si Devcon, ang bounty hunter. Umalis na tayo rito bago pa siya bumalik
at tapusin tayo!"
Eksena:
Matapos tamaan ng laser beams ni Devcon ang dalawa at bumagsak sa lupa.
Akala
mo kung sinong matapang itong dalawang ito, sabay nang makita si Devcon,
chickenshit din pala! Hahaha...!!!
Quote
of the Day:
Lord
Gyconi: "Mas marami pa kayong binigay na gusot kaysa sa kung magkanao kayo.
Sana gawin kayo ni Megatrong mga basura."
Eksena:
Habang ipinapasok ni Lord Gyconi ang mga bihag na Autobots kay Astrotrain.
Sa
dinami-daming puwedeng sabihin nitong si Gyconi na threatening, ito lang
ang kaya niya?! Bagay naman sa hitsura niya e... mukhang basura rin, hehehe...
Atsaka para namang gagawin ngang basura ni Megatron ang mga Autobots...
Siguro kaya dahil sa napaka-pathetic ng sinabi na ito ni Gyconi kaya ito
naging Quote of the Day.
Smokescreen:
"Anong masasabi ninyo sa kaunting pahinga?"
Optimus
Prime: "Bakit hindi?"
Eksena:
Mataps ang labanan, nag-aya si Vsch natumagal muna ng kaunti ang mga Autobots
at mag-casino.
Ganit
talaga ang dating ng mga sinabi rito:
Smokescreen:
"Anohng mahsahsahbi ninyoh sa kaunting pahingah?"
Optimus
Prime: "Bahkit hindih?"
Para
silang naghihingalo na nang-aakit na hindi mo maintindihan kung may homo
tendencies sila... Baka naman nahawa sa mala-Ernie Barong boses ni Vosch,
hehehe...
Pansamanatalang
hanggang dito muna ang pagsipi ng TTFQOTD Archives dahil tulad ng nabanggit
sa itaas, nawala na ang Transformers sa programming schedule ng ABC 5 simula
August 26, 2003.
Ngunit...
<< PREVIOUS | JUNE 2003 | JULY 2003 | AUGUST 2003 | SEPTEMBER-OCTOBER 2003 | NOVEMBER 2003 (?) | NEXT >>