| Panuto: Basahin ang akda at sagutin ang tanong. by � bRat � Mommy, ano po sila? Ha? Mag-ex �yang dalawang �yan. X? Diba po letter yun? Ex� Ibig sabihin, dati silang magboyfriend. Diba naipaliwanag ko na sa �yo kung anong ibig sabihin nun? Opo. Kapag mahal ng dalawang tao ang isa�t isa, tapos gusto nila na ung taong un lang ung mamahalin nila, nagiging magboyfriend sila. Ummn� parang ganoon na nga. E bakit po hindi na ngayon? Siguro nagkaroon sila ng away o di pagkakaintindihan� kaya sila naghiwalay. Naghiwalay? E mommy hindi naman po sila naghiwalay, e! Magkasama nga po sila o! Hindi� ang ibig kong sabihin, hindi na sila magboyfriend. Magkaibigan nalang sila. Puwede po bang maging magkaibigan yung magkaaway? Baka naman hindi na sila magkaaway ngayon� Hindi na naman po pala sila magkaaway, e. Bakit po hindi nalang sila maging magboyfriend ulit? Naisip siguro nila na mas maiiwasan nila yung pag-aaway kung magkaibigan nalang sila. Bakit po ganun? Sabi nung lalaki,ang gusto niyang maging girlfriend e yung katulad nung babae� Bakit po hindi nalang siya kung ganoon lang din? Hindi na kasi niya mahal yung babae. Bakit po ganoon? Ano pong ginawa nung babae? Hindi ko alam, e. Hindi na po pala niya mahal, bakit po niya sinasabihan ng mga ganoong bagay yung babae? At bakit po siya ganoon kumilos, yung parang walang nagbago sa kanila? Hindi ko po maintindihan� _ _ _ Tulungan natin ang batang malaman ang kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa kaniya. Any ideas? |