| Break-up Blues by: Prinsesa �10:30 sa Sunken, tapat ng Educ.� Tangina. Para kaming textmates na mag-aeyeball, hindi magboyfriend ng labinlimang buwan. Bukas na talaga. Totoo na. Bukas, wala na kami. SCENARIO 1 Pagdating ko dun, ciempre tatanungin niya �ko kung ano ung importante naming pag-uusapan. Dun ko na sasabihin sa kaniya kung ano yung nararamdaman ko- na nahihirapan na talaga �ko at hindi ko na kaya. Tangina. Hindi ako iiyak. SCENARIO 2 Kaso� melodrama nanaman? Magmumukha lang akong tanga dun kakaemote ko. Bakit pa kailangan nun? Wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ko. Kaya kailangan, easy lang� yung tipong blangko lang ung mukha ko pag nagsasalita. �Ayoko na. Sinabi ko naman sa�yo, diba? Malapit na talaga akong sumuko. Hindi na rin naman ako naniniwalang mahal mo ako, e. Para saan pa diba? Isa pa, ayaw kong dumating sa point na naubos na lahat ng love ko para sa�yo. Ayaw kong magalit sa�yo.� Tapos, tatawa pa ako ng konti. �Hindi naman ako ngapapaka-martyr, no� na tipong mahal kita kaya ibinibigay ko na sa�yo ang kalayaan mo. Hirap na din kasi ako, e. Kaya bitaw na.� SCENARIO 3 Parang ang haba naman ng litanya ko dito� baka makatulog na yung kausap ko. Paano kaya kung magpa-late ako, tapos pagdating ko, �Uy, hi! Break na tayo!� Sabay sibat? Short, but sweet. SCENARIO 4 Kung ganun din naman pala ung gagawin ko, why show up at all? Kundi nalang kaya ako magpakita, at magdisappear nalang from his life completely? Kaso, ayaw kong maging ganung uri ng tao� ung mananakit para lang makaganti. Isa pa, hindi ko kayang gawin sa kaniya yun, kasi mahal ko siya. Hah. Eto na naman ako. Napunta na naman sa mahal-mahal. E ito yung dahilan kung bakit LAGI akong nagmumukhang tanga, e. At dahilan din kung bakit hindi ako makabitaw. Buong buhay ko, lagi kong pinipili maging masaya kasama ng taong mahal ko kaysa maging matalino, kaysa gawin kung ano yung sinasabi nilang �tama�. Handa pa rin naman akong gawin un. Hindi pa rin naman nagbabago ang paniniwala kong �yun ang mas mahalaga. Ang tanong nga lang� magiging masaya pa ba ako dun sa taong mahal ko? |