Unsaid

by ü bRaT ü

“Hello, pwede po kay Charlotte?”
“Uy.”
Syempre, alam ko parin yung boses mo.

“Musta ka na?”
“Eto, ok lang.”
Mahal parin kita.

“Nakakaistorbo ba? May ginagawa ka yata, eh.”
“Wala naman.”
Kahit meron, naku! Ititigil ko, kahit ano pa yon, basta makausap lang kita.

“May itatanong sana ko sayo, eh.”
“Sige, shoot.”
Patay na po!

“Umm… wala na ba tayo talagang pag-asa?”

Katahimikan.

Malaki pa yung pag-asa natin. Di mo lang alam kung gaano kalaki.


“Charlotte…”
“Hmm?”
Ligawan mo na lang kasi ako ulit, para makita ko na special parin ako sayo, tulad ng dati.

“Ayaw mo na bang bumalik sakin?”
“Gusto, syempre, pero gusto ko rin munang malaman kung may babalikan pa ko. Makakapaghintay ka naman, diba?”
Kailangan ko lang talagang makakita ng effort galing sayo!

“Pero paano yan, kung sa paghihintay eh wala na yung babalikan mo?”
“Ha?”
Bakit?? Ayaw mo na ba sakin?

“Siguro, huling usap na natin ‘to. Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo.”
Wag!

“Sige, bye na. Ingat ka…”
Teka! Mahal kita!

Baby…
Blag.

Sinundan iyon ng pag-busy ng telepono.
Hosted by www.Geocities.ws

1