| Mahirap Magmahal ng Brat! by ü bRaT ü Ano ba to? Galit ka na naman, at ako na naman ang may kasalanan. Hay nako. Bakit nga ba lahat ng ginagawa ko mali? Nakakairita na. Wala na kong ginawang tama. Minsan, ako nga mismo, hindi ko alam kung bakit ginagawa ko yung ibang mga bagay na ikinagagalit mo. Tapos, pag galit ka na, ireregret ko din naman na ginawa ko siya. Ewan! Inaamin ko, bratty naman talaga ‘ko. Ikaw nga nagsabi sakin nun, eh, na spoiled ako. Noon ko lang narealize yun. I used to consider myself as a pretty good kid. Pero, sabi mo nga. Brat pala ko. Kaya siguro kung anu-anong ginagawa ko. Kasi I’m used to getting my way. Form of rebellion lang siguro yon. Kasi kapag ikaw, hindi ko magawang magalit sa’yo. Kahit ano pang gawin mo. Ngumiti ka lang sakin, o kaya yakapin mo ako at halikan sa noo… Hay, heaven. Yun lang, ayos na ko. Siguro sa paggawa ng kung anu-ano na lang ako bumabawi. Kunsabagay, marami ka rin namang demands, ah. Puro bawal. Parang nape-press na rin ako paminsan ng mga restrictions mo. Siguro, yung paggawa ko ng mga kalokohan, para yun ma-prove ko sa sarili kong independent pa rin ako, strong pa rin ako, at hindi mo ko fully controlled. Kahit hindi totoo. Pero hindi ko sinasabing excuse enough ang lahat ng ‘to sa mga pinaggagagawa ko, at sa pagsuway ko sa mga usapan natin. Alam kong di sapat na dahilan yun. Kaya nga nagsisisi ako, eh. Ng malupet… I’m sorry. Sorry sa lahat. Hindi kita sinisisi kung magalit ka, alam kong ako ang may kasalanan noon. Sana lang, isipin mo, na kahit anong mangyari, kahit ano pang magawa ko, Mahal na mahal parin kita. |