Snake: Isang Analohiya

by: bRaT


Nakakaaliw magsnake diba? Un bang wala kang magawa, walang load pero maraming baterya... Kaya maglalaro kanalang. Amusing. At effective na pamatay-oras.

Pero kung tutuusin, 'yang larong snake... Paulit-ulit lang naman yan, e. Magsisimula ka sa kapirasong bulate. Tapos kakain ng bulatefood. Palaki ng palaki, tapos... priit... tenen! Patay kana. Uulit nanaman sa umpisa. Mey naaccomplish kaba? Edi wala. Nalowbatt lang ung phone mo.

Ganun din naman sa pag-ibig diba? Ciempre you start out, okay pa. kaso pag nakarating na kau sa tight spot sa relationship niyo, at hindi kau makaalis, you either hit a wall or yourselves. Kau kau din ung magkakabangaan. So magsisimula ulit kau. Back to square one. It would seem like lahat ng nanyari sa relationship niyo in the past, nauwi lang sa wala. Pero, hindi rin! Ciempre as you do things the second time around, mas sanay kana. Alam mona ang gagawin when you're in trouble, although hindi mo parin mapipigilang magkamali. Ofcourse you're not perfect. Tao lang. So when that happens, edi ciempre. Simula ka nanaman ulit. Medyo nakakaasar un, lalo na pakatapos ng mala-winning streak na ang haba haba na ng nagagawa m0ng snake. Dinaman natin mapepredict at the start of the relationship kung an0 na nga ung manyayari. Pedeng it would seem like smooth sailing sa simula tapos priit... tenen!

As in most things, love and snake included, there's always a choice. Kung tinatamad kana at nauubos na ung pasencia mo sa kakapaulit-ulit, pede kanang tumigil. Pero kung okay kapa, kaya pa ng baterya mo at dipa nangangawit ung mga kamay mo, sige lang! Tuloy!

Marami rin naman sa'tin ung sinuswerte. Nakakakuwa ng Top Score. Pero ung Top Score na un, hindi un ung dami ng buwan o taong binibilang. Hinsi rin ung pagtingin sa kaniya from across the room at pag-iisip ng "Ang cute mo talaga,". Hindi ung laki ng bills sa restaurant o dami nf stuffed toys na naibigay. At lalong lalong hindi un kung gaano kalau ung narating niyo in terms of physical intimacy. Ung Top Score na un, e ung sa gitna ng pag-aaway, pakatapos ng maraming poblema at Game Over, na gustong gusto mona ciang sakalin dahil ang tigas ng ulo niya at hindi ka niya maintindihan, kahit pagod na pagod kana sa kaka-New Game, matitingnan mo parin cia sa mata at maiisip mo... "Mahal ko talaga 'tong gagong 'to."
Hosted by www.Geocities.ws

1