Happy Birthday

By ü bRaT ü

Happy birthday to you…
Happy birthday to you…

Grabe! July 9 na naman.

Parang kailan lang, nag-14 ka. Tapos ngayon, tatanda ka na naman uli ng isa pang taon.

Naaalala ko pa last year, may card pa nga ako sayo nun, eh.

Tawag ko pa sayo nun kuya, pano naman kasi, ang tanda mo na. Tapos ako, ang tawag mo sakin, mommy. Sabi mo kasi, para ‘kong nanay. Maalaga. Yung tipong ganoon.

Tanga! Hindi naman talaga ako maalaga eh.

Crush lang talaga kita.

Eh tila gumana naman ata sayo yung charms ko eh. Naging tayo naman,diba?

Eh ngayon ano na?

July 9 na naman.

Pero ngayon iba na. Wala na kong card sayo ngayon, at hindi na rin kuya at mommy ang tawagan natin sa isa’t-isa.

[Naaalala mo pa ba nung time na “baby” yung tawagan na yun?]

Ngayon, friends na lang tayo. “Bestfriends”, sabi mo nga.

Tila napakasuperficial naman ata ng friendship natin. Siguro naman alam mong ayokong maging friend mo lang, at kung hindi lang ako nagpromise sayo nun na ganito ang mangyayari pag nagbreak tayo eh hindi ko tatanggapin yung friendship mo.

Aba anong malay ko bang maghihiwalay tayo? Eh lab na lab kita, eh…

[Ngayon pa rin naman…]

July 9 na naman.

Andami nang nangyari. Parang kailan lang.

…Next  year kaya?

- - -

Mamaya, despite the weather, aalis ng bahay si bRaT.

Lalabas sila ng bestfriend niyang birthday boy.
Hosted by www.Geocities.ws

1