| ‘Di Natatapos ang Cycle by ü bRaT ü “Friends?” Hindi ko talaga alam kung ano yung sasabihin ko nung hiniritan mo ako noon. Dinaan ko na nga lang sa ngiti, eh. Yun bang tipong ngiti ko pag binabati ako nung kinaiinisan kong nangfiflirt sayo, may kasamang kaway sabay isip ng, “Madapa ka sana, plastik!” Syempre, hindi ko yun inaasahan. Sa daming beses ba naman natin nag-away, nagbreak at nagkabalikan. Ang walang hanggang cycle nating dalawa. Cycle nga, eh. Ibig sabihin tuloy-tuloy. Hanggang forever. O at least, kung phase man lang ito para sayo, hinintay mo man lang sana na dumating sa point na wala na akong pakialam. Nandiyan ka, pero parang wala. Taken for granted, ika nga. Pero darating pa ba naman yun? Hindi naman ata ako capable na itake ka for granted. Baka nga sayo pa nangyari yun, eh. Kaya nga ako nagtatampo sayo nitong mga nakaraang buwan. Di mo na kasi ako sinasamahan, at hindi na rin pinupuntahan. Nagbago ka na ata, ewan. Ikaw pa rin ba yung taong maghihintay sa akin ng buong araw para lang kausapin ako ng kalahating oras, at in the process eh hindi rin kakain the whole day? Hindi ko nga alam, eh. Pero sa akin, kung may nagbago man, mas minahal pa kita ngayon. Kahit na ngayon, ni treinta minutos ata, di mo ko mahihintay. Kahit na hindi mo ako gustong makasama. Kahit na mas gusto mong kaharap yung computer sa Hobby Stop kaysa sakin. [Walangyang Hobby Stop yan. Kung pasabugin ko kaya yan? Mga lugar na ganiyan, dapat sinusunog! Pakiabot naman yung granada diyan, mga kapanalig! Marami rin akong kakampi, no.] O nagkulang ba naman ako? Di naman ah. Eh ano namang nag-udyok sayo na putulin ang never-ending cycle natin? Na sabihin sa aking mahal na mahal mo ko at ayaw mong maghiwalay tayo, sabay hirit maya-maya ng, “friends”? Eh tila napapraning ka na ata, eh. Sobrang punta lang sa Hobby Stop yan! Kita mo nga, parang binabalewala mo lang yung sampung buwan nating pagsasama. Isang salita lang, tapos nang lahat. “Friends?” Masaya ka! Babalik at babalik ka rin, noh. Sabi nga sa Radio Tabloid, diba? “Hahanap-hanapin mo ‘to, baby.” |