Balita - Hulyo 25, 2005
Sanggunian: Connie Bragas-Regalado, Chairperson, 0927-2157392
Vince Borneo, Information Officer, 0927-7968198
Huling SONA ng anti-OFW na si Gloria
"Para sa mga migranteng Pilipino at pamilya ito ang huling SONA ng pekeng pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo."
Ito ang inihayag ni Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng MIGRANTE Partylist sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Macapagal-Arroyo.
"Sinusuportahan namin ang mga progresibong partylist at ang United Opposition na nagsusulong ng prosesong impeachment sa Kamara de Representantes. Bagama't ito'y mahirap na paraan, mahalaga rin ito sa kampanya para patalsikin siya mula sa pwesto. Hindi na makaka-usad ang adyendang lehislatibo ng mga OFW at pamilya sa Kongreso hangga't di umaalis si Gloria sa pwesto," ani Bragas-Regalado .
Kasama ang Migrante - organisasyon ng mga OFWs at kanilang mga pamilya - sa dumadaming bilang ng mga grupo sa labas ng Kongreso na sumusuporta sa mga hakbang na ma-impeach si Macapagal-Arroyo. Ang dahilan ng Migrante: "walang maaasahan ang mga OFWs sa isang pekeng pangulo para harapin ang mga anti-OFW at anti-mamamayang patakaran na lalong lumala sa ilalim ng kasalukyang administrasyon. Sumusuporta rin kami sa impeachment dahil sa isang takdang panahon, hindi rin maisusulong ng mga opereytor ng Malacanang ang pagpapasa ng mga anti-migrante at anti-mamamayang batas."
"Hindi rin namin matatanggap ang pagporma ni Gloria ng isang truth commission kung saan ang kalalabasan ay tiyak na i-aabswelto ang taong nasa puno't dulo ng pampulitikang krisis na bumabalot sa bansa sa ngayon. Ang lahat ng sangkap para sa isang cover-up ay naririyan. Ang pagbubuo ng truth commission na laman ng SONA ni Gloria ay malinaw na pagpupursige niya na tumagal pa sa pwesto," ayon kay Bragas-Regalado.
"Kinakailangang bumaba na sa pwesto si Macapagal-Arroyo. Hindi rin uubra para sa OFWs at pamilya na ang papalit ay si bise-presidente Noli de Castro dahil nakinabang rin ito sa malawakang pandaraya noong nakaraang halalan," banggit ni Regalado.
Sumusuporta rin ang Migrante sa pagbubuo ng isang transition council kung saan lahat ng sektor ng lipunan ay may kinatawan ang siyang papalit sa kasalukuyang pekeng pangulo.
"Ang transition council na ito ang siyang magiging lunsaran ng mga mahalaga at makabuluhang reporma para sa aming mga OFWs, kanilang mga pamilya at ang mamamayan sa kalakhan. Ito rin ang mamamahala sa kinakailangang halalan para sa bagong pangulo at bise-pangulo ng bansa," wakas ni Bragas-Regalado. #
News Release - July 20, 2005
Truth commission will exonerate Gloria and her crimes
News Release - July 18, 2005
In Oust Gloria protest-dialogue
MIGRANTE official, members beaten in Philippine Consulate in Jeddah
Balita - Hulyo 18, 2005
Sa Oust Gloria protest-dialogue
Mga opisyal at myembro ng MIGRANTE binugbog ng mga opisyal sa Philippine Consulate sa Jeddah, Saudi Arabia
for more articles, click [here]
|