home   articles   campaigns   legislative   gallery   messages
information bulletin  
newsletter
archive
contact us
about us
links
 
 

Balita - Hulyo 18, 2005
Mga Sanggunian: Connie Bragas-Regalado, Chairperson, 0927-2157392
Vince Borneo, Information Officer, 0927-7968198

Sa Oust Gloria protest-dialogue
Mga opisyal at myembro ng MIGRANTE binugbog ng mga opisyal sa Philippine Consulate sa Jeddah, Saudi Arabia

"Ang insidenteng ito ay nagpapakita kung paano itinatrato ng administrasyong Macapagal-Arroyo kaming mga overseas Filipino workers (OFW). Ito'y dagdag-rason sa aming kampanya para patalsikin si Gloria."

Ito ang banggit ni Connie Bragas-Regalado, chairwoman ng MIGRANTE Sectoral Party at isa sa tagapagsalita ng alyansang OUTRAGE (Overseas Filipinos, Families and Advocates: Unite and Rise to Oust Gloria) sa paghihirap na dinanas ng mga OFWs sa ilalim ng mga opisyal ng Philippine Consulate sa in Jeddah, Saudi Arabia kahapon.

Sa mga ulat mula Jeddah, napabalitang binugbog ng mga opisyal ng Konsulado sina MIGRANTE deputy secretary general Leo Legaspi, Irene Mahinay, tagapagsalita ng OUTRAGE-Jeddah, Jackiline Pakpakin at and Jessica Hapos kahapon bandang alas-3:00 ng hapon.

"Pasa-pasa at masakit na tenga ang dinanas ni Legaspi, natuklap ang kuko sa paa ni Pakpakin, suntok at tadyak sa tiyan naman ang tumama kina Hapos at Mahinay. Ang mahigit 30 myembro ng Outrage at Migrante ay papunta sa isang bukas na picket-dialogue kay Philippine Consul General Pendosina Lomondot para makakuha ng balita hinggil sa kanilang kahilingan para sa repatriation at para ihayag ang kanilang hinaing na mag-resign patalsikin si Gloria Macapagal-Arroyo," ani Bragas-Regalado.

Ang 30 sa mga ito ay mga istranded na kababaihang OFWs na nasa ilalim ng pangangalaga ng OWWA Center sa Jeddah.

"Habang inilalabas nila ang mga plakard nilang may panawagang oust Gloria, biglang pinagsusuntok at tinatadyak ng POLO case officers Yusof at Anwar Ampang, kasama sina Atong at Ali Aguam, mga bagong security guard, si Legaspi, isang dating tagapangulo ng Migrante International. Ang iba pa ay nasaktan habang sinasalag ang mga suntok at tadyak ng mga nabanggit na opisyal ng Konsulado kay Legaspi," banggit ni Bragas-Regalado.

Agad na nanawagan ang Migrante na kagyat na tanggalin sina Philippine Labor officers Yusof, Ampang, at mga guwardyang sina Atong at Aguam.

"Ang mga opisyal na ito ay hindi nagsisilbi sa interes at kapakanan ng mga OFW sa Jeddah. Ipinapakita nila ang tipo ng liderato at pagtrato sa mga OFWs sa ilalim ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Bahnarim Guinomla at ng bogus na presidenteng si Gloria Macapagal-Arroyo. Kailangan silang patalsikin," ani Bragas-Regalado.

"Ang ganitong klaseng mga opisyal ay dapat tanggalin mula sa gubyerno at sampahan ng karampatang kaso. Dagdag rason ang mga ito para sa pagpapatalsik kay Macapagal-Arroyo at ang pagtutulak ng isang transition council para gumawa ng malawakang reporma sa diplomatic corps, embahada at konsulado ng Pilipinas at sa pagtataguyos ng ating karapatan, kagalingan at hinahangad," wakas ni Bragas-Regalado. #

for more articles, click [here]


 

"For a long time, others have been speaking in our behalf...It is NOW time to speak for ourselves".
MIGRANTE SECTORAL PARTY
Sectoral Party of Overseas Filipinos and Their Families
Hosted by www.Geocities.ws

1